Homepage/Project Safe Zone: The Experiment/
Escape
Veronica's Point of View
"Room 55, 78, and 200," ani Crimson.
"Malapit na tayo sa Room 55, nandito na pala tayo," ani naman ni Lana.
Oo nga, katapat lang namin ang room 55. Pumasok kami isa isa sa loob at nakita namin sina Jane, Ate Shelle at...sino itong lalaking ito?
"Who's that guy?" Nagtatakang tanong ni Lana. Taray, umi-english pero totoo naman, sino ba iyan?
"It doesn't matter, wake them up," ani Crimson kaya dali-dali akong lumapit kay Ate Shelle para gisingin siya.
"A-anong nangyari?" Ani Ate Shelle habang nakahawak sa ulo niya. "Anong lugar ito? Teka..panaginip lang lahat?" Dagdag niya pa bago ilibot ang paningin sa buong kuwarto.
Napako ang tingin niya sa isang lalaki na nakahiga, gising na rin pala si Jane.
Nanlaki ang dalawa kong mata nang paghahampasin ni Ate Shelle iyong lalaki hanggang sa magising ito.
"Buwisit ka! Ang lakas ng loob mong magpakita dito!" Ani Ate Shelle habang patuloy sa paghampas ng kamay niya sa mukha nito.
Hinila siya ni Papa palayo doon sa lalaki at hinintay na makatayo muna ito, grabe ang galit sa mukha ni Ate Shelle, halos mamula siya.
"Where are we?" Tanong nung lalaki.
"Where are we mo mukha mo!" Sagot naman ni Ate Shelle.
"Shh! They might hear us," saway ni Sherica sa kanila.
"Listen, we are in a lab facility. They're looking for us so be careful, fight back if needed. Let's go," paliwanag ni Crimson.
"It's hard to move when we're all together," saad naman ni Sherica.
Nabalot saglit ng katahimikan ang piligid bago muling magsalita si Crimson. "Take others out, I'll get the others."
"Sama ako," hindi ko alam pero automatic na itinaas ko ang kamay ko at nagsalita.
Nagkatinginan si Papa at si Crimson. "Fine, Veron and Amiel. Go with me. The rest, Sherica you know what you have to do."
"Copy!"
Hinintay naming makalabas sina Sherica bago kami sumunod. Sana ay maayos silang makalabas dito.
Room 78 ang susunod, hindi ba?
Dahil mga naka lab coat naman kami ay sumakay na kami ng elevator, hindi ko alam kung saan nakuha ni Crimson ang access card niya pero meron siya nito.
Pagkabukas palang ng elevator ay limang mga naka lab coat na agad ang bumungad saamin, lumabas kami ng elevator para makapasok sila. Medyo kinabahan ako dahil nakatingin sila saamin hanggang sa makalabas kami.
Patakbo kaming pumunta sa Room 78, tinignan muna ni Crimson kung may tao sa loob bago kami pumasok. Mabuti naman at wala.
Nasa loob sina Tyrus at Ezra, parehas na silang gising. Agad na lumapit saamin si Ezra kaya binuhat siya ni Papa.
"Thank God, I thought you are one of those creepy looking scientist," ani Tyrus habang nakahawak pa sa dibdib na akala mo ay mamamatay sa kaba.
May nakita akong mga cupboard kaya naisipan kong maghanap ng kung ano, ewan, basta kung may mahanap. Hindi naman ako nadismaya dahil may nakita akong mga lab coat.
Ibinigay ko ang lab coat kay Tyrus na agad niya namang isinuot.
"How about Ezra?" Tanong ni Tyrus.
May naisip ako ideya. Kinuha ko ang cart at inalis lahat ng laman sa ilalim bago kumuha ng puting sapin sa cabinet at itinakip dito.
Nagtataka nila akong tinignan. "What? Wala na tayong choice," ani ko.
Ibinaba ni Papa si Ezra, si Ezra naman ay kusang pumunta sa ilalim ng cart. "Ako na ang magtutulak," ani ko sabay hawak sa handle nitong cart.
"Next room is 200," ani Crimson.
Medyo nalula ako sa number, gaano ba karaming kuwarto ang nandito? Umabot ng 200.
Bago lumabas ng kuwarto ay tinignan muna namin ang paligid pati ang hallway, nang masigurado na walang tao ay pasimple kaming bumalik sa elevator.
"I only have escalpel," ani Tyrus habang ipinapakita ang hawak niyang escalpel.
Tinignan ko ang cart na dala ko. "Meron akong gunting, pangtahi, at marami pang iba," ani ko.
"But where's the escalpel?" Tanong ni Tyrus.
Tinignan ko ang mga gamit dito at nawawala nga ang escalpel. Wait... Hinawi ko ang tela at nakitang hawak ito ni Ezra.
"Baka masugatan ka niyan, akin na," utos ko kay Ezra. Nakasimangot niya namang ibinigay sa'kin ang escalpel.
Ibinalik ko ito sa cart.
Bumukas na ang elevator kaya dali-dali kaming lumabas at kung sinuswerte ka nga naman ay katapat lang namin ang room 200.
Casual kaming naglakad palabas ng elevator at dumiretso sa room 200. Pagkabukas namin ng pinto ay malamig na hangin ang sumalubong saamin. Bakit ang lamig dito?
"Oh my tea, my apologies!"
Sinalo ni Crimson iyong bagay na hinagis ni Tyrus sa direksiyon ko. Mariin akong napalunok ng mapagtantong escalpel ito. Ghad, kaunti na lang ay tatama na siya sakin. Pero hindi ito ang lubos na nagpakaba sakin kundi ang dalawang katawan sa sahig, nagkalat ang dugo sa tiles maging sa suot nilang puting damit.
"Sorry! Naka lab coat kasi kayo kaya akala ko," paliwanag ni Jenny. Agad siyang lumapit saamin. Buhat-buhat niya si Baby Rachelle na mahimbing ang tulog. "Teka, dinala niyo si Ezra dito?" Nagkatinginan kami ni Papa dahil sa itinanong ni Jenny.
Bakit nga ba dala pa rin namin ito? Sana pala iniwan na lang namin siya kina Ate Shelle. Hindi lumabas ng cart si Ezra, nakasilip lang siya habang hawi ng kaunti ang tela.
"She's fine. Let's go," ani Crimson sabay tapik sa balikat ko. Hinawakan ko ang cart at sinundan si Crimson na kampanteng binuksan ang pinto.
Tinatahanak namin ang mahabang hallway na may kaba, o baka ako lang ang kinakabahan dahil hindi halata sa mga mukha nila na kinakabahan din sila. Teka, ano?
"Shit, where's your coat?" Huminto kami sa paglalakad dahil biglang huminto si Crimson at nilapitan si Jenny.
Sasagot pa lang sana si Jenny nang may maliit na boses na nagsalita. "I have another one, here." Inabot ni Ezra iyong coat sabay sara ng takip para hindi siya makita. Masyado na siyang nage-enjoy sa cart.
Kinuha ko muna si Baby Rachelle kay Jenny para mai-suot niya ang coat habang si Papa naman ay nagmamasid. Nagulat ako ng kunin sakin ni Crimson si Baby Rachelle sabay upo sa tapat ng cart. Hinawi niya ang tela kung nasaan si Ezra at tahimik na naka upo. "Do you know how to carry a baby?" Nagulat ako sa sinabi ni Crimson pero hindi ako nagsalita.
"Yeah, I used to play dolls and pretend that I am their mother," ani Ezra sabay kuha kay baby Rachelle.
Nagaalala ako na baka magising ito pero hindi. Tinignan ako ni Crimson at ngumiti bago isara ang telang nakasaklob sa cart at tumayo. Inayos niya ang coat niya bago muling maglakad. Biglang nag-init ang pisngi ko. Bagay sa kaniya iyong coat. Wait, what?
"Can you move faster?"
"Sherica!"
"What Mitri?!"
"Piece of sh-work," bulong ni Crimson na nasa gilid ko ngayon.
Exit na ba yon? Seryoso ba? May nakita akong sign na may nakalagay na Exit pero hindi ako naniniwala. Sira na ang tiwala ko sa lugar na ito.
Nang makalapit kami rito ay kusa itong bumukas. Dalawang babae ang bumungad saamin, ang isa ay si Sherica at ang isa ay iyong kamukha ni Tamara pero kulay puti ang buhok at di' hamak na mas mukhang mabait. Speaking of Tamara, hindi ko pa siya nakikita.
"Where's Katara?" Bungad na tanong ni Papa dito.
"She's gone," diretskng sagot ni Mea na nakapagpahinto saakin. "I mean, not gone from the world. Just gone."
"What do you mean?" Kyuryos na tanong ni Crimson dito.
"Well, she's on the hunt. She's...dying. But that's nit the worst yet, she's holding our life now so let's go!" Paglasabi niyan ni Sherica ay agad siyang tumakbo palayo. Agad na kinuha ni Jenny si Baby Rachelle mula kay Ezra na lumabas na pala ng cart niya and then si Papa naman ang bumuhat kay Ezra. Tumakbo na rin si Mea, tinanguan niya muna si Crimson bago mauna.
Mahabang hallway ang tinakbo namin bago lumabas sa isa pang pinto kung saan sinalubong kami ng nakasisilaw na liwanag. Sa ngayon ay ramdam kong totoo ito dahil masakit siya sa balat.
"Nasaan sila?" Tanong ni Papa.
"Run," tila huminto ang oras ng bigla akong hilahin ni Crimson kasunod ang sunod-sunod na putok ng baril.
Isa-isa ko silang tinitignan habang tumatakbo, mukha namang walang natamaan saamin. Hindi ito maganda, mas lalo akong kinakabahan. Hindi ko na rin maramdaman ang mga binti ko, para na lang akong hangin.
Nasa open kami, as in. Tanaw ko na ang isang yate na nasa hindi kalayuan. Doon rin kumakaway si Ate Shelle. Nasabi ko ba na patuloy ang pagpapaputok nila ng baril? Nong mga naka puti, akala ko scientists lang sila dito? Bukod sa mukha silang may mga sakit, ano ba talaga sila? Ano ba itong lugar na ito?
Nang makarating kami sa yate ay hinila agad ni Lana at Amilla ang magkabila kong braso para makaakyat ako. May mga pamilyar na mukha dito na hindi ko kilala. Ayy parents pala iyon ni Jenny, pero sino itong lalaking ito?
"That's my EX husband," diniinan talaga ni Ate Shelle ang pagkakasabi ng ex sabay irap doon sa lalaki. So ayan pala iyong Martin na cheater. Itulak ko kaya ito para mahulog sa tubig? Joke, kapal niya naman. Kung wala lang akong pakialam kay El ay baka naitulak na talaga kita.
"Is that Tamara?" Tanong ni Jenny habang tinatanaw ang kalayuan. Tinignan ko rin ang tinitignan niya at oo nga, si Tamara nga ito. Para siyang zombie na naglalakad dahil paika-ikaw siya.
"We have to go," ani Mea at pinaandar itong yate. Teka, ano daw? Agad ko siyang nilapitan at nagtatakang tinignan. Sana ay makita niyang hindi ako payag sa sinabi niya. "She's dying, hindi na siya aabot dito. Can't you see her? She's ready to die."
Biglang kumulo ang dugo ko dahil sa mga sinabi ni Mea. "Hindi tayo aalis hangga't hindi nakakatungtong dito si Tamara!" Hindi ko sinasadyang malakasan ang boses ko pero wala manlang reaksiyon si Mea. Pinaandar niya ang yate.
Padabog akong naglakad palayo sa kaniya at tinignan ang direksiyon ni Tamara. Nakatayo na lang siya habang nakatingin sa direksiyon namin. Inayos niya ang tayo niya at...at ngumiti. I-I never saw her...seryoso ba siya?
Hindi ko namalayang pumapatak na pala ang mga luha ko.
"I'm sorry." Hindi ko nilingon ang nagsalita, alam ko naman na kung sino ito. "It's her plan. Since we were kids she's really close to--"
"We?" Mabilis pa sa kisap mata ko siyang hinarap. Halatang nagulat siya.
Hindi siya nagsalita at tinignan lang si Papa. Tinignan ko rin si Papa pero iniiwas niya ang tingin niya. "You didn't tell her?" Tanong dito ni Mea. Hindi sumagot si Papa, yumuko lang siya.
"Dito muna kami sa kabila. Take your time." Hindi ko na halos narinig ang mga sinabi ni Lana dahil sa rami ng tanong na tumatakbo sa utak ko ngayon.
"So, who's goinv to tell her?" Ani Mea. Parehas naming tinitignan si Papa. Umiiling siya habang nakatingin sa malayo.
"Pa?" Tawag ko dito. Tinignan niya ako sa mga mata. Namumula ang mga mata niya, pinipigilan ang luha na kumawala mula sa mga mata niya.
"Hindi ko rin alam," panimula niya. Ngumiti ako para ipahatid sa kaniya na ayos lang, na makikinig ako. "Me and your mother. We...we voluntereed on-on."
"Alam na po namin 'yan," saad ko. Ako kasi ang nahihirapan sa kaniya. Naiintindihan ko naman ang ibig niyang sabihin, kung saan sila nag-volunteer at alam kong naiintindihan din ni Mea iyon.
"Pinalabas lang namin na k-"
Hindi natapos ni papa ang sinasabi niya ng sunod-sunod na pagsabog ang narinig namin. Sa gulat ko ay napa-upo ako. Umalog-alog din ang sinasakyan namin sa lakas nito. Kita ko pa mula sa langit ang piraso ng mga bato na nagsisilsikan kaya hinila ako ni Papa papunta sa parte nitong yatw kung saan may bubong. Mabuti na lang at malayo na kami kaya hindi ito masyadong naaabot ng mga nagtatalsikang bato.
Nang tumayo ako ay agad na napako ang tingin ko sa lugar kung saan kami galing, halos hindi na ito makita. Para bang hindi ito nage-exist ngayon dahil sa lakas ng pagsabog.
Naramdaman ko ang palad ni Mea sa balikat ko, mahina niya itong pinisil na nagpakaba sakin.
"She's the weakest when we were kids, physically, mentally, emotionally, in many aspects. Yet she's the only one who's brave enough to sacrifice her own life. I could have done it, but I am afraid."I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (26)
Share
Mga Kaugnay na Kabanata
Mga Pinakabagong Kabanata
hjkk
06/10/2024
0GG,WAN 01lljhgggiirdcky8fye25rygghfsgcjvkvbkhokbkgjdhxmfuhdyryTs4yffhtksiteyoxhlhlxdkydhxchxafatkfuhxgmztksdupnfa44ielyruzb😄😅🙊🌔😞🐭🤒😏stktaktw5e5odyysykstksyxmhstkskte7dakteyldudlyxhxxcudlhdylducjzyskyfjzyksylfjxhdhzxzmgsyldylsyldyleoywtkwtjrylryidyfysgfjxhmccbxchdfhlfulfkchkchkcukfukfukfulfulfifumstjchmxmcjcn vjhkxthsykfukrkyflkgilt7ocjlv🐶572eukfdkhgssjkeykdykdmfjdukdykdykruydkudurkykdykdhdgkguio8tlrulruleukruroudhxkhxjmdjmcfjlfulfulfilffhnxxmhcnbbmbmchmdyjgkyyejriuuodulfjkduidlufjxbhmcbb
27/09/2024
0it so nice to read
31/07/2024
0Tingnan Lahat