Nothing To Lose

Veronica's Point of View
G-grabe, alam kong walang pusong tao si Alpha pero iyon na siguro ang pinaka brutal na pagpatay na nakita ko.
"Deserve." Napalingon ako kay Amilla, kita mo itong babae na 'to nanghihina na nga hindi parin nawala ang attitude, pero totoo naman talaga. Deserve!
"Ay! Pusang gala! Tamara naman!" Napakahawak ako sa dibdib ko, bigla bigla nalang kasing sumusulpot si Tamara. Kanina lang nandun siya tapos ngayon nandito na agad siya, kasama niya pa si Crimson at iyong isang babae na hindi ko kilala, 'yong babaeng kasama ni Victor kanina.
"How's your wound?" Ani Tamara sabay lapit kay Alvin.
Umaatake nanaman ang pagka chismosa ko, si Tamara nagaalala kay Alvin? Ano tawag diyan?
"Veron!"
"Papa! Ayos ka lang po?" Sinalubong ko nang mahigpit na yakap si Papa. Grabe, pakiramdam ko ay miss na miss ko na siya. Kasama niya sina Ate Shelle, Jenny, Bliar, Aiden na nakaakbay kay Tyrus, nanghihina na talaga siya, napansin ko din iyong pamumula ng mga mata niya pati pamumutla ng balat at labi niya. Mukha na siyang bangkay.
"There's Someone who's waiting for us outside, we just need to go in the main gate of this place." Nakaramdam ako nang kakaiba sa sistema ko, p-parang nanghihinayang ako. "My name is Sherica, you don't have to tell your name, I know each of you." Dagdag niya pa.
Sino ba talaga ito? Ang weird ng mga kaibigan ni Tamara ah.
Tsaka may naghihintay daw saamin sa labas? A-ayaw ko pang lumabas. May snow parin kaya sa labas?
"How about Aiden?! We can't just leave him like this!" Alam kong sobrang nagaalala si Jenny dahil halos pasigaw na siya kung magsalita.
"Si Amilla din." Kalmadong ani Lana. Ang sweet nila, hawak pa ni Lana ang kamay ni Amilla, when kaya?
"Hindi 'to maganda." Tinignan ko si Remihiya, puro dugo ang damit niya. Mahigpit ko tuloy na nayakap si Rachelle.
Lahat sila ay napa tingin sa'kin bago kay Rachelle, tumatawa nanaman siya.
"I know a place!"
"We can't trust him, he's a Murderer." Hindi pagsang ayon ni Bliar.
"Do you think we wanted to be like this? We have alot of resources in our Camp." Dagdag pa nung lalaki.
"Fine" Alam kong may pagdadalawang isip kay Tyrus pero wala kaming choice, tsaka base sa naaalala ko ay iyong may kulay blue na marka yata sa mapa namin ay bawal puntahan ng mga Players, kaya naman pala dun kasi nakatambay ang mga Murderers.
Ang lalaki ng mga hakbang namin, buhat-buhat na nga ni Papa si Ezra.
"Malayo pa ba tayo?!" Napalingon ako kay Lana sunod kay Amilla may dugo ang damit niya...sumusuka na siya ng dugo.
"Malapit na tayo."
Wala nang nagsalita pa at nagpatuloy nalang kami sa paglalakad, niyakap ko si Baby ng maramdaman ang malamig na simoy ng hangin.
"Snow storm." Ani Tyrus habang inililibot ang tingin sa paligid.
Ilang hakbang pa ay tanaw na namin ang Murder's Camp, malayo palang kami pero ramdam ko na ang bigat ng aura ng lugar na ito, ang bigat sa pakiramdam. Mas binilisan pa namin ang paghakbang at nang makalapit kami ay namangha ako sa taas ng kahoy na pader.
Binuksan nang dalawang lalaki ang kahoy na gate, halatang mabigat ito dahil sa kapal ba naman nang kahoy. Kung nakakamangha sa labas ay mas nakakamangha sa loob.
Ayun nga, akala ko ay wala nang mas sasama pa sa lugar na ito pero tignan mo! May iba't ibang tanim sa loob, may mga farm animals din na hindi ko alam kung saan nila nakuha. Para kaming pumasok sa isang komunidad.
Habang naglalakad papasok ay isang prutas ang umagaw ng atensiyon ko, sinubukan ko itong abutin pero masyadong mataas! Gumagapang kasi siya sa net na mukhang bubong, kulang ang height ko!
"You look cute, here."
"Ano? Cute size?! Pero thank you." Nahihiya kong tinanggap ang isang tumpok ng ubas na ibinigay ni Crimson, pero siyempre dapat hindi halata!
"Let me hold Rachelle while you're eating." Walang pagdadalawang isip na ibinigay ko sakaniya si Baby, mukha namang marunong siyang humawak ng bata eh. Kapag iyan nabagsak niya o nabalian ng buto ako na ang magda-dagdag ng eye patch niya!
"It's delicious, isn't?"
Tinignan ko ang hawak ko, walang ng ubas! Tangkay nalang! Teka- bakit ako naiiyak? Paborito ko kasi ang ubas!
"Here, you look like a kid who didn't recieve any gift on christmas." Ani Crimson. Kinurot ko siya sa tagiliran dahil sa sobrang inis pero tinawanan lang ako.
Hindi ko tinanggap ang binibigay niyang ubas at kinuha ang basket na nasa gilid.
"Ayan! Punuin mo 'yan. Akina si Baby." Ani ko sabay agaw kay Rachelle, kita mo itong batang ito tumatawa pa.
"Sorry-"
"Punuin mo na iyan! Sayang oras!" Pagputol ko sa sinasabi niya, hindi naman ako galit naiinis lang. Hindi ko mapigilang matawa habang kinukuha niya ang basket sabay kuha ng ubas.
"Veron! Hinahanap ka ni Amiel, kung saan saan ka nagpupu punta!" Napalingon ako kay Ate Shelle na nasa hindi kalayuan bago muling tignan si Crimson.
"Don't worry, I'll fill this basket up." Ani Crimson, tumango lang ako at ngumiti bago maglakad palayo. "See you around!"
Hindi ko maiwasang hindi ngumiti. "Ikaw ah, alam ko iyang ngiting ganiyan, amina nga si Baby." Ibinigay ko si Rachelle kay Ate Shelle. "Aww namiss ko iyan oh!" Ang cute nila, para talaga silang mag nanay.
Habang naglalakad kami ay walang ginawa si Ate Shelle kundi ang aliwin at kausapin si Baby Rachelle, ako naman ay nakasunod lang habang pinagmamasdan ang paligid, may mga kubo, iba't ibang tanim, hayop, at hindi rin mawawala sa paligid ang mga itak, kutsilyo, pana, sibat, at marami pang samdata.
Maya maya lang ay nakarating na kami sa isang kubo, nakita ko sa labas si Alvin, may benda na ang ulo niya, nandun din si Papa, at Bliar.
Nadaanan ko si Papa pero parang hindi niya yata ako napansin dahil nakatulala lang siya kaya dumiretso na ako sa loob. Binalot ako ng awa ng makita ang sitwasyon ni Aiden at Amilla, habang sina Jenny at Lana naman ay nasa gilid lang ng kaniya kaniya nilang higaan.
"I need to go back at Scout's Camp, that's where the cure is." Ani Tyrus.
Hindi ko alam pero bigla ko nalang itinaas ang kamay ko. "Sasama ako!"
"A-ako din, gusto kong sumama." Ani Lana.
"Hindi na, diyan ka nalang." Sagot ko sabay tingin kay Tyrus.
Lumabas na kami ng bahay at katulad ng kanina ay parang wala lang kami dahil mga nakatulala lang sila sa labas ng bahay maliban kay Ate Shelle na hinehele na si Rachelle.
Nadaanan namin iyong mga ubas pero wala duon si Crimson, nasaan kaya 'yon? Tinakasan yata iyong pinapagawa ko ah!
"Where are you going?" Napaatras ako ng bigla nalang sumulpot si Tamara sa harapan namin kasama si Sherica.
"Babalik kami sa Camp, nandun kasi iyong halamang gamot para kina Aiden at Amilla." Paliwanag ko.
"We'll come." Ani Tamara.
"Okay!" Ani ko, hindi ko alam pero feeling close talaga ako kay Tamara, char!
Wala na pala ang snow storm, parang ang bilis naman yata.
"Ang lapit lang pala ng Scout's Camp sa Murderer's Camp, ano?" Tanong ko. Kung iisipin kasi ay napakalapit lang talaga, ilang hakbang lang.
"We did it in purpose so we can spy on them, make your enemies closer." Sagot ni Tyrus.
"Are you really enemies or you just made it up?" Ani Tamara.
"Probably the second one." Panggatong naman ni Sherica na nasa kabilang gilid ni Tamara. Anong iniinom nun? Basta may iniinum siya na kung ano.
Hindi na sumagot pa si Tyrus, paano nga ba kasi sila naging magkaka-away dito?
"You said you made this tea, how did you create this? This is awsome! I wanna know, tell me! Pretty please?" Ani Sherica na hinarap pa si Tyrus habang naglalakad, kapag ito natalisod tatawa ako ng buong taon!
"I am glad that you liked it." Sagot bi Tyrus sabay hakbang sa kanan para lagpasan si Sherica.
"You didn't tell me the recipe!" Sigaw ni Sherica na napagi-iwanan na sa paglalakad. Nagdadabog ba siyang lumapit saamin kaya iyong paa niya ay mas lalong bumabaon sa niyebe
"Where are we going again?" Napatingin kaming lahat kay Tamara na nagsalita pero patuloy parin kaming naglalakad.
Ulyanin yan? Nakalimutan na niya agad.
"Nevermind." Dagdag ni Tamara sabay lakad ng mabilis kaya naiwan kamaing tatlong sabay sabay, ilang sandali lang ay nakarating na kami sa Camp.
"Everything is destroyed, I can't believe that we will going to leave this place." Tinignan ko si Tyrus, bakas sa mukha niya ang pinaghalong lungkot at panghihinayang. "I will go here and you can search near the well."
"Veronica, you're coming with me." Ani Tamara, tinignan ko si Sherica kung magrereact ba siya pero busy siya sa iniinom niya.
Sinundan ko si Tamara hanggang makarating kami sa may malapit na balon, sa paligid nito ay may mga halaman pero sira na lahat, kung hindi kulay itim ay kulay brown.
"Ano bang hitsura nung halaman na sinasabi ni Tyrus?" Tanong ko habang inililibot ang paningin sa paligid, wala nga akong makitang buhay na halaman dito eh.
"It looks like a blue colored clam, inside of it looks like balls of furs instead of pearl." Paliwanag ni Tamara, hindi ko masyadong maintindihan pero madali lang naman hanapin dahil kulay blue.
Hanap dito, hanap doon, tingin dito, tingin diyan, wala! Wala akong mahanap!
"Did you find one?" Tinignan ko si Tamara na prenteng nakasandal sa balon.
"Hindi eh, ikaw ba?" Tanong ko pabalik pero imbes na sumagot ay ipinakita niya lang ang nakuha niya.
"Let's go, nothing's in here anymore."
Medyo masama ang loob ko kasi--
"You can hold this." Tinanggap ko ang halaman na iniabot sakin ni Tamara.
Hindi ko alam pero parang nalulusaw ang puso ko sa tuwa, para akong batang ma-ingat na hawak iyong halaman sa kamay ko.
"Glad you found one, everything is destroyed we didn't get anything." Salubong ni Tyrus saamin.
Kung isa lang ito edi?
"Puwede naman siguro ito sa dalawang tao, hindi ba?" Tanong ko. "Hindi ba?" Paguulit ko.
"Let's go back." Ito lang ang isinagot ni Tyrus bago maglakad palayo.
Paano kung hindi ang sagot? S-sino?
"Veronica"
"Huh?" Huminto ako sa paglalakad ang tinignan ang paligid ko.
"Veronica"
"Guys narinig niyo ba 'yon?" Tinignan ko sina Tamara pero wala sila, nasaan sila?!
"Veronica!"
"Ahh! Sino ka?! Huwag ka nang magtago!" Sigaw ko habang patuloy na inililibot ang paningin sa paligid.
Binalot ako ng kaba at takot sa hindi ko malamang dahilan, iyong boses na 'yon ay kaboses nina lolo at lola. Hindi ako nagkakamali, alam kong sila iyon, nandito din ba sila?
"Galit saiyo ang mama mo, iha."
"Bakit nga po galit siya sa'kin? Wala naman po akong ginagawang masama."
A-ano ito? Para akong nasa loob ng utak ko habang pinagmamasdan ang sarili ko. Ito iyong araw na hindi ako sinundo ni mama mula sa school kaya mag-isa akong umuwi. Kausap ko si lola, 10 years old palang ako dito base sa pagkakaalala ko.
"Alam mo naman na kung bakit, hindi ba? Masyado pang bata ang mama mo at hindi niya pa ginustong magka-anak."
"K-kasalanan po ba ng tatay kung bakit ayaw sa'kin ni mama?"
"Oo--"
"Helen! Hindi ba nag-usap na tayo tungkol dito?!"
Napa atras ako ng tumayo si lola, inayos ni lola ang higaan ko at hinalikan sa noo bago lumabas ng kuwarto ko.
"Bata pa siya, hindi mo dapat siya sinasabihan ng kung ano ano!"
"Aba't bakit hindi? Iyon naman ang totoo!"
"Alam kong alam mo na hindi iyon ang totoo!" Napahawak ako sa dibdib ko ng hampasin ni lolo ang lamesa na nasa gilid niya, nakita ko din ang pagka gulat sa mga mata ni lola dahil dito. Kilala ko si lolo, sobrang kilala. Siya na siguro ang pinaka sweet na taong nakilala ko, never siyang nagtaas ng boses kahit kanino lalo na sakin.
"Hey, I said give me the flower."
Teka...anong nangyari? Bumalik na ulit sa normal, sina lola? Hi--
"Do you have a plan to give that to me?" Tinignan ko si Tyrus na nasa harapan ko bago ibigay ang bulaklak, nakabalik na kami sa camp, nandito na nga kami sa loob ng kubo kung nasaan sina Aiden at Amilla.
Iyong nangyari kanina totoo kaya iyon? Pero imposible kasi hindi naman nangyari ang usapan na iyon sa pagitan nila.
"Glad you're here, do you have the cure?" Tinignan ko si Jenny na kararating lang kasama si Lana. Mukha silang pagod at puyat. "Both of them are vomiting blood, none of them utter any word." Ramdam ko sa tono ng boses ni Jenny ang lungkot at pag-asa.
"We only found one and no, one plant can't cure both of them." Para akong binuhusan ng malamig na tubig dahil sa sinabi ni Tyrus, ayaw kong isipin nila na kinaaawaan ko sila pero hindi ko mapigilang magalala. Walang sumagot sa kanilang dalawa, si Lana ay bumalik lang kung nasaan nakahiga si Amilla at hinawakan ang kamay niya.
"A-are you sure about that? Maybe t-there still--" Mabilis kong sinalo nang yakap si Jenny bago siya tuluyang bumagsak sa sahig, hindi ko akalaing ganito ang magiging reaksiyon niya. Ramdam kong sobra siyang nasasaktan.
Bumitaw si Jenny mula sa pagkakayakap ko at mabilis na tumayo, literal na napanganga ako ng sunggaban niya ng sundok si Tyrus sabay hawak sa kuwelyo ng poko nito.
"I don't want him to die!" Dahan-dahang binitawan ni Jenny si Tyrus, nang tuluyan na siyang bumitaw ay mabilis siyang tumakbo palabas, sinundan ko lamang siya ng tingin habang nanatili akong nakasalampak sa sahig na kahoy.
"I'll leave this in here, the red one has the cure. Give it to them when they woke up." Tumangon lang ako sa mga sinabi ni Tyrus bago siya lumabas ng pinto.
Hindi ko alam kung anong gagawin ko kaya tumayo nalang ako mula sa pagkakasalampak sa sahig at lumapit sa lamesa, may dalawang baso dito, ang isa ay transparent at ang isa ay kulay pula.
Tinignan ko si Lana na nasa kabilang parte ng kubo, medyo malayo sa puwesto ko ngayon pero sapat lang para makitang nakayuko siya sa gilid ng kama ni Amilla, tulog siguro. Maggagabi narin kasi.
Naglakad ako palapit sa puwesto ni Aiden, napaka layo na ng hitsura niya ngayon kaysa noong una ko siyang nakilala.
"Crush pa naman sana kita kaya lang may anak ka na pala." Hindi ko alam kung anong kademonyohan ang sumanib sa bunganga ko at nasabi ko iyan.
"What?"
Nanlaki ang dalawa kong mata sabay lakad pabalik sa lamesa habang nakatakio ang kamay ko sa bibig ko, shuta ka Veron! Gising pala 'yon!
Nahagip ng paningin ko ang paggalaw ng kamay ni Amilla na sa tingin ko ay gising na din, ang sabi ni Tyrus ay kapag gumising sila ibigay ko na ito pero isa lang sa dalawang baso ang may lunas, kanino ko ibibigay iyon?
Bahala na nga! Kinuha ko ang dalawang baso at inilagay sa tray.
"Uhmm- A-ano i-ito na i-yong lunas--" Hindi ko natapos ang dapat kong sasabihin ng umupo si Aiden at kinuha ang transparent na baso sabay inom dito ng walang pagdadalawang isip.
"Give that on Amilla." Ani Aiden, natulala ako dahil sa ginawa niya, hindi ko magawang gumalaw.
"Ano iyan?" Natauhan ako ng magsalita si Amilla. "Huwag kayong maingay baka magising si Lana." Dagdag niya pa, naka ngiti siya. Kahit ganito ang sitwasyon nila ay nakangiti parin siya.
Lumapit ako kay Amilla at tinulungan siyang umupo, hindi ko maiwasang hindi manlumo dahil sa mga nangyayari ngayon. Saglit na hinawakan ko ang baso at tinignan bago ibigay kay Amilla. Paunti-unti niya itong ininom hanggang sa maubos.
"Aiden!" Halos mapatalon ako sa gulat ng sumigaw si Jenny habang palapit kay Aiden, niyakap niya ito ng mahigpit. Matapos bumitaw sa pagkakayakap ay napansin na ni Jenny ang hawak na baso ni Aiden bago tumingin saakin ng diretso.
"Veronica, sabihin mo sa'kin na kay Aiden mo ibinigay ang gamot." Napalunok ako dahil sa kaba, nakakatakot kasi ang tono ng boses ni Jenny para bang nananakal ito dahil hindi ako makahinga ng maayos. Tinignan ko si Amilla na nakatingin din sa'kin sabay balik ng tingin kay Jenny pero ngayon ay nakatayo na siya. "You did not!"
Napa pikit ako nang makalapit saakin si Jenny, naghihintay na saktan niya pero wala. Idinilat ko ang mata ko at kamay ni Jenny ang sumalubong saakin, ilang pulgada nalang ang layo nito sa mukha ko.
"You will never lay your hands on her, woman." Tinignan ko si Crimson, sinalo niya ang kamay ni Jenny...para sa'kin?
Madiing binawi ni Jenny ang kamay niya bago humakbang palayo at lumapit kay Aiden.
"Are you okay?" Tinignan ko si Crimson, naga-alala ba siya sakin?
"O-oo naman, kasalanan ko din kas--"
"None of this is your fault, Aiden knew what glass has the cure and he still chose the normal tea. It is his own decision and it's no one's fault." Alam kong sinadya ni Crimson na lakasan ang boses niya para marinig ito ni Jenny pero kung talagang alam ni Aiden kung ano ang may lunas, bakit iyon parin ang pinili niya? Ayaw na ba niyang mabuhay?
"Why?" Naagaw ni Jenny ang atensiyon namin.
"Look, I don't have anything to lose. You will leave this place, you will marry your fiancè and raise Ezra." Ani Aiden.
"You can still have a new life, Aiden come on!"
"Jenny, I know that I can't have you, I can't have my daughter. I prefer to die than seeing you marrying another man, than--than seeing the two of the most important person in my life walk away. I need you to let me go." Hindi ko na maiwasang mapaluha dahil sa mga naririnig ko, lalo na para kay Aiden.
"Palubog na ang araw." Alintana ni Lana na gising na pala.
"Den-den..."
"I am no longer your man, Jenny."
---------------
Meamitri's Point of View
"You're not one of us."
"If I were you I am going to put my gone down." I warned him but he didn't make any move, after a few more seconds of pure silence amd stares he finally put his gone down.
"Just checking, you may be Sarah. The new Doctor that Father sent us."
"I am." I showed him the identity card that I saw i saw the lab's coat.
"Because you're new I will be glad to guide you, as you can see on the camera's we are really busy." He stopped and pointed at the cameras. "Room 34 is one of the most important part of Father's project, this where Doctors give mosy of their time."
"What's the main goal?" He looked at me weirdly before answering.
"That is the place where we have control in every subject inside Zone 198. As long as they have the microchip on their nape."
"How does it work?" I will ask and ask things because this shit is like a puzzle.
"If we saw that they are getting out of hand we will turn their consiousness off, they might have illusions, hear things, see things from their past, anything like that until we aline their goal again, their goal must be focus on the game only."
"Not gonna lie, I am amazed." I respond before firing the gun right into his head, he's talking too much and never noticed his gun. Glad it has a silencer, now I just have to get to Room 34.

Komento sa Aklat (26)

  • avatar
    Angel Marigondon

    hjkk

    06/10/2024

      0
  • avatar
    Nurin Nizam

    GG,WAN 01lljhgggiirdcky8fye25rygghfsgcjvkvbkhokbkgjdhxmfuhdyryTs4yffhtksiteyoxhlhlxdkydhxchxafatkfuhxgmztksdupnfa44ielyruzb😄😅🙊🌔😞🐭🤒😏stktaktw5e5odyysykstksyxmhstkskte7dakteyldudlyxhxxcudlhdylducjzyskyfjzyksylfjxhdhzxzmgsyldylsyldyleoywtkwtjrylryidyfysgfjxhmccbxchdfhlfulfkchkchkcukfukfukfulfulfifumstjchmxmcjcn vjhkxthsykfukrkyflkgilt7ocjlv🐶572eukfdkhgssjkeykdykdmfjdukdykdykruydkudurkykdykdhdgkguio8tlrulruleukruroudhxkhxjmdjmcfjlfulfulfilffhnxxmhcnbbmbmchmdyjgkyyejriuuodulfjkduidlufjxbhmcbb

    27/09/2024

      0
  • avatar
    monzalesThird Mahilum Salvador

    it so nice to read

    31/07/2024

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata