logo text

The Babysitter And The Hunter

Hadriel's Point Of View
Ang sakit na ng paa ko kakalakad, parang paikot ikot lang ata ako.
May nakita akong malaking puno, maka upo nga muna.
Ang bilis ng mga pangyayari. Parang kanina lang ay may binabatayan pa akong magkapatid na kambal, tapos nagising nalang akong nakakulong sa kulungang gawa sa salamin, tapos sa vent. Ngayon gabi na, ang sabi 24 hours daw para makarating sa pusod ng gubat.
Ano kayang mangyayari kapag hindi ako makaabot sa deadline?
Sumandal ako sa puno at ipinikit ang mga mata ko. Bahala na bukas kung anong mangyayari.
-------------------
"Gising!" Napabalikwas ako ng bangon ng may tumapik sa balikat ko.
Tinignan ko ang nagsalita, mula ulo hanggang paa.
Base sa hitsura nito ay mga nasa 50 years old na siya. Puting buhok, medyo kulubot na balat, medyo nakakatakot din siya.
"Tutulala ka nalang ba diyan? Bangon na at wala na tayong oras." Pagkasabi nito ay naglakad na siya.
Sasama ba 'ko? Oo sasama ako, mukha naman siyang mapagkakatiwalaan kahit parang bawat oras ay mananapak ito.
Nasa likuran niya lang ako, parang buntot na nakasunod.
"Anong pangalan mo?" Tanong ko dito.  Huminto siya sa paglalakad pero hindi siya lumingon sakin.
"Mister?" Dagdag ko pa. Nakakatakot talaga ang aura niya.
"Melchor" Sagot nito pagkatapos ay nagumpisa muli siyang maglakad, ako din nakasunod lang sa kaniya.
"Hadriel pangalan ko, kahit El nalang for short." Pagpapakilala ko sakaniya pero parang wala naman yata siyang narinig kasi hindi manlang siya sumagot o nagreact.
Hayaan mo na nga. Ang importante may kasama na 'ko.
"San tayo pupunta?" Tanong ko dito. Para kasing alam niya yung daan.
"Sa gitna ng gubat." Sagot niya sa tanong ko.
Syempre sa gita ng gubat, yun yung sabi ng announcer kanina eh.
Huwag ka na ngang madaldal El, dami mong tanong.
-------------------
"Truck ba yun?" Tanong ko sabay turo dun sa truck.
"Anong ginagawa ng truck sa gitna ng gubat?" Dagdag ko pa.
Hindi sumagot si Mister Melchor sa kahit na anong tanong ko, basta naglakad lang siya papalapit dun.
"Small cargo, baka may makita tayong puwede nating magamit." Ani niya sabay lakad papunta sa truck.
Nakasunod lang ako sa kaniya ng lingunin ako nito.
"Bilisan mong maglakad." Dagdag niya pa kaya halos patakbo na 'kong lumapit dito.
Nakalapit kami sa truck, small cargo truck daw ito sabi ni Mister Melchor.
Naglakad ako papunta sa harapan ng truck, mukhang luma na ito.
Napatingin ako sa kinaroroonan ni Mister ng marinig kong binuksan niya ang cargo.
"Anong meron?" Tanong ko dito.
At siyempre wala nanaman akong natanggap na sagot.
Kusa na 'kong lumapit dito at tinignan ang laman ng truck.
Merong tatlong box sa loob.
Papasok na sana ako sa loob ng truck para malaman kung anong laman nung tatlong box pero hinawakan ako ni Mister sa kaliwang braso.
Pagkabitaw niya sa braso ko ay siya namang pasok niya sa loob ng truck, gusto lang palang mauna.
Pagkapasok niya ay sumunod na din ako.
Binuksan ni Mister ang kahon na nasa kanan, namangha ako ng makitang axe ang laman nito, hindi yung simpleng axe lang na pangsibak ng kahoy. Ito yung tinatawag na battle axe.
Dahil dun ay napagdesisyunan kong buksan ang kahon na nasa gitna.
Axe din ang laman nito pero di' hamak na mas maliit kaysa sa axe na nakay Mister.
Kinuha ko ito at tinitigan. Maganda din naman siya.
"Bearded axe.  Napatingin ako kay Mister sabay tingin ulit sa axe. Bearded axe pala ang tawag dito.
Nilapitan ni Mister ang natitirang box, nilapitan ko din ito.
"Mga pagkain? Magtatagal ba tayo dito? Ang daming pagkain eh." Ani ko nang makitang puro delata at tubig ang laman ng panghuling kahon.
Hindi manlang nagreact si Mister.
Tsaka aanhin namin yung axe? Magpuputol ng puno?
"May nakita akong duffel bag sa labas, kunin mo at dalhin mo dito." Pagkasabing pagkasabi nun ni Mister ay dali dali akong lumabas at hinanap ang duffel bag na sinasabi niya. Nakita ko ito malapit sa harapan ng truck. Agad agad ko itong pinulot nang may marinig akong yabag ng paa na nanggagaling sa likuran ko.
Ganun ba 'ko kabagal para sundan ni Mister sa pagkuha ng bag?
"Ibaba mo yang hawak mo." Ibang boses ng lalaki ang narinig ko. Hindi ito si Mister.
"Ibaba mo yan, dahan dahan." Utos nito sakin.
Ginawa ko ang ini-utos niya.  Dahan dahan kong ibinaba ang hawak kong axe at dahan dahan ding hinarap ito.
Nanlaki ang dalawa kong mata at nabalot ng takot ang sistema ko nang pagharap ko dito ay isang matalim na itak ang ngayon ay isang pulgada nalang ang layo mula sa leeg ko.
Napalunok ako ng makita ang lalaking nasa harapan ko. Puno ng dugo ang suot nitong damit.
"Kung ako sayo hindi ko sasaktan yang batang yan." Ani ni Mister na kararating lang. Dahil sa takot ko ay nawala sa isip ko na kasama ko pala dito si Mister.
Mula sa likuran ng lalaki ay itinutok ni Mister Melchor ang axe niya sa kanang parte ng leeg ng lalaki.
Nabalot ng katahimikan ang paligid, nagpapakiramdaman lang kami.
"Survive, Adopt, anong kasunod?" Pamasag na tanong nang lalaki sa katahimikan. Tinignan ako nito sa mata kaya naman mas lalo akong nakaramdam ng takot.
Ano daw? Survive, adopt, ano bang kasunod nun?
"Fight" Si Mister na ang sumagot pero nanatili paring nakatingin sakin ang lalaki.
Kailangan ko parin bang sumagot?
Survive, Adopt, Fight. . . Fight. Anong kasunod ng fight?
Teka! Yun yung sinabi ng announcer kanina.
"Survive, Adopt, Fight and Escape Zone 198!" Halos pasigaw na wika ko.
Huminga ng malalim ang lalaki kasunod ng dahan dahang pagalis niya ng itak na nakatutok sa leeg ko.
Inihagis niya ang itak na hawak niya at itinaas ang dalawang kamay nito sa ulo niya.
Hindi ko maiwasang hindi manlambot dahil sa takot at kaba. Ngayon ay nakahinga na 'ko ng maluwag.
Sino ba namang hindi matatakot kapag may makintab na itak ang nakatutok sa leeg mo?
Ibinaba na rin ni Mister ang axe na hawak niya, mabilis akong tumakbo papalapit kay Mister kaya ngayon ay nasa harapan na namin ang lalaki.
"Kailangan ko lang manigurado." Ani ng lalaki.
"Bakit?" Tanong ni Mister Melchor dito.
"May mga nakasama akong lalaki kani kanina lang. Kahit isa sa tatlong yun ay hindi alam kung anong ibig sabihin ng safe zone." Kwento ng lalaki.
"Anong nangyari?" Tanong ulit ni Mister sakaniya.
"Alam niyo kung anong ibig sabihin ng safe zone, ito ang mga rules sa laro. Ibig sabihin, lahat ng mga player katulad natin ay alam yun." Paliwanag niya ulit.
Kung ganun. . .
"Kapag hindi mo alam yung meaning ng safe zone, ibig sabihin hindi ka player? Para ka lang NPC, ganun?" Tanong ko dito. Yun kasi ang pagkakaintindi ko.
"Ibig sabihin ay hindi natin sila kasama." Napatango nalang ako sa sinabi ni Mister Melchor.
"Amiel pala pangalan ko." Pagpapakilala nung lalaki.
"Hadriel, kahit El nalang." Pagpapakilala ko din.
"Kunin mo na 'yang itak mo at tulungan mo kaming ilagay sa bag ang mga pagkaing nakita namin sa truck." Ma-otoridad na utos ni Mister kay Sir. Amiel. Ganun naman ang ginawa ni Sir. Amiel.
"Ilang oras nalang ba ang meron tayo?" Tanong ni Sir. Amiel.
"Konting oras nalang ang meron tayo." Tinignan ni Mister Melchor si Sir. Amiel mula ulo hanggang paa bago ulit magsalita. "May madadaanan tayong balon, linisin mo ang sarili mo." Dagdag ni Mister.
Puro kasi talaga dugo ang katawan ni Sir. Amiel.
Hindi ko maisip kung anong ginawa niya dun sa tatlong lalaki na sinasabi niyang hindi namin kasama.
Kaaway ba sila? Nasa real life video game ba kami?

Komento sa Aklat (26)

  • avatar
    Angel Marigondon

    hjkk

    06/10/2024

      0
  • avatar
    Nurin Nizam

    GG,WAN 01lljhgggiirdcky8fye25rygghfsgcjvkvbkhokbkgjdhxmfuhdyryTs4yffhtksiteyoxhlhlxdkydhxchxafatkfuhxgmztksdupnfa44ielyruzb😄😅🙊🌔😞🐭🤒😏stktaktw5e5odyysykstksyxmhstkskte7dakteyldudlyxhxxcudlhdylducjzyskyfjzyksylfjxhdhzxzmgsyldylsyldyleoywtkwtjrylryidyfysgfjxhmccbxchdfhlfulfkchkchkcukfukfukfulfulfifumstjchmxmcjcn vjhkxthsykfukrkyflkgilt7ocjlv🐶572eukfdkhgssjkeykdykdmfjdukdykdykruydkudurkykdykdhdgkguio8tlrulruleukruroudhxkhxjmdjmcfjlfulfulfilffhnxxmhcnbbmbmchmdyjgkyyejriuuodulfjkduidlufjxbhmcbb

    27/09/2024

      0
  • avatar
    monzalesThird Mahilum Salvador

    it so nice to read

    31/07/2024

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata