Welcome!

Veronica's Point Of View
Nagising nalang akong nasa loob ng glass box. Hindi ko alam kung ano 'to pero box lang siya na gawa sa glass, sakto para sa isang tao.
Bukod dito ay wala akong makitang daan palabas, purong glass lang talaga.
Inilibot ko ang paningin ko sa paligid, wala akong makitang kahit ano dahil ang naiisang ilaw lang na meron dito ay ang nasa kinaroroonan ko.
Ilang sandali lang ay nagumpisang lumiwanag ang paligid, sa labas ng glass na box na ito ay puting pader. Napapalibutan ako ng puting pader.
Base sa naaalala ko ay naglalakad lang ako pauwi galing parke, pagkagising ko ay nandito na 'ko.
"Ano bang nangyayari?" Naguguluhang tanong ko sa sarili ko.
Napabalikwas ako ng may magsalita.
"Welcome Players! You are the chosen ones! The lucky ones to play our game! Curious about what game it is? We called it Project Safe Zone. The rules are simple. Survive, Adopt, Fight, and Escape Zone One Nine Eight! Easy, right?" Huminto ito sa pagsasalita.
Nakatayo lang ako dito habang naghihintay ng mga susunod na mangyayari.
Game? Ano nanamang kalokohan 'to?
"The main goal is to stay alive. Everything is on you player. Goodluck!"
"W-what the?" Pagkatapos magsalita nung kung sino man yun ay bigla nalang may lumabas na tubig mula sa kinatatayuan ko.
"Heeeeeelp!!" Sigaw ko habang hinahampas ang salamin.
"Okay, Veron, kalma. Magisip ka, huwag kang kabahan." Inilibot ko ang paningin ko at nahagip ng mga mata ko ang vent na nasa kisame.
Sinubukan kong tumalon pero hindi ko ito maabot.
Tinignan ko ang tubig na ngayon ay hanggang tuhod ko na, ilang minuto lang ay paniguradong mapupuno na ng tubig ang glass na box na kinaroroonan ko.
Isang plano ang nabuo sa utak ko.
Hihintayin kong umangat ng umangat ang tubig para makalangoy ako at maabot ang vent.
Hindi ako sigurado dito pero wala akong ibang choice. Sumandal ako sa salamin at pumikit, naghihintay na tumaas ang tubig at lumagpas sa ulo ko.
Ilang saglit lang ay naramdaman kong umabot na sa leeg ko ang tubig. Ini-angat ko ang paningin ko at napansing may konting awang na ang vent.
Inipon ko ang hininga ko ng lumagpas na ang tubig sa ulohan ko. Ngayon ay hihintayin ko nalang ang tubig na tumaas pa.
Habang naghihintay ay unti unti na 'kong nauubusan ng hininga.  Napansin ko ulit na kada angat ng tubig ay siya namang paunti-unting pagbukas ng vent.
"Ito na yun." Lumangoy ako paangat ng tubig, konti nalang ay maaabot na ng kamay ko ang vent.
"Konti pa." Itinaas ko ang kamay ko at pilit na inaabot ang vent. "Yes!" Hindi ko maiwasang hindi matuwa ng mahawakan ko ito.
Pumasok ako sa vent at nagumpisang gumapang papalayo doon. Habang tahimik na tinatahak ko ang vent ay naramdaman kong may malamig na bagay ang dumadampi sa kamay ko.
Tinignan ko ito at nanlaki ang mga mata ko.
"Yung tubig! Patuloy paring tumataas." Mabilis akong gumapang dahil ayokong malunod, ayokong malunod sa vent. Ayokong mamatay dito.
Ganito siguro yung pakiramdam ng mga daga, kasi mukha akong dagang gumagapang ngayon sa vent.
Maya maya pa ay may natanaw na 'kong liwanag. Lalo kong binilisan ang paggapang ko.
Akala ko ay nasa dulo na 'ko ng vent pero maliwanag na ilaw lang ang sumalubong sakin.
Nagumpisa muli akong gumapang, sa ngayon ay mas binilisan ko na. Napansin ko ding hindi tumataas ang tubig dito sa vent.
Nakarating ako sa dulo ng vent kung saan ay may hagdanan pababa, sinilip ko ang ibaba ng hagdan pero wala akong makita, sobrang dilim.
"Dito pala napupunta yung tubig." Bulong ko sa sarili ko, nakita ko kasing umaagos dito yung tubig.
Inumpisahan kong tahakin ang hagdanan pababa. Nakakadalawang hakbang palang ako ay naramdaman ko na agad na may tubig sa paanan ko.
Wala man akong makita ay ipinagpatuloy ko parin ang pagbaba. Yung hagdan na 'to ay parang hagdan sa mga swimming pool, ganun yung style niya.
Habang palalim ng palalim ang hagdan na tinatahak ko ay palalim din ng palalim ang tubig.
Naramdaman kong nasa pinakadulo na 'ko ng hagdan, sinisid ko ang tubig at napansing may liwag sa dulo nito.
Ito na ba yung exit? Totoo na ba 'to? Author ano na?
Sana talaga ito na yun.
Inipon ko ang hininga ko at sumisid. Nilangoy ko ang kailaliman nitong kung ano man 'to. Habang papalapit ako sa liwanag ay siya namang pagkaubos ng hininga ko.
Kanina lang ay wala akong ginawa kund'i gumapang na parang daga, ngayon naman ay para akong isda.
Narating ko ang pinanggagalingan ng liwanag pero isang salamin ang sumalubong sakin.
Kinalampag ko ito ng kinalampag pero walang nangyari.
Napansin ko sa ibaba ng salamin ay may lever.
Alam na kapag may lever, hihilahin siyempre.
Hindi na 'ko nagsayang pa ng oras dahil konti nalang ay mauubusan na 'ko ng hangin.
Hinila ko ang lever pero hindi manlang ito gumalaw.
Hinugot ko lahat ng natitira kong lakas at muling hinawakan ang lever.
Hinila ko ito, hindi ko na din maiwasang mapasigaw kahit na nasa ilalim akong ng tubig.
Maya maya lang ay naramdaman kong unti unti na itong gumagalaw ganun din ang salamin na nasa harapan ko.
Ibinubos ko na lahat ng enerhiya at lakas ko dito.
Tuluyan na ngang bumukas ang salamin na nasa harapan ko. Mabilis na umagos ang tubig palabas ng vent kasama ako.
Gumapang ako upang makaalis duon.
*Cough* *cough* *cough*
Nahiga ako sa malamig na sahig at huminga. Kulang nalang ay higupin ko lahat ng oxygen na nasa paligid ko.
Pinakiramdaman ko ang paligid ko habang nakapikit.
Rinig na rinig ko ang tunog na ginagawa ng mga dahon at sanga na puno, ang huni ng mga ibon. Ramdam ko ang init ng araw na dumadampi sa balat ko.
Iminulat ko ang dalawa kong mata at tinignan ang paligid ko, dahan dahan akong tumayo.
Hinawakan ko ang berdeng damo.
"Totoo ba 'to? Nakalabas ako?" Tanong ko sa sarili ko dahil wala naman akong ibang mapagtatanungan.
Tinignan ko ang vent na pinanggalingan ko kanina pero wala na ito, isang mataas na pader nalang ang nasa harapan ko.
Inilibot ko ang paningin ko at napansing gubat ang nasa likuran ko.
Walang mangyayari kung tatayo lang ako dito.
Inumpisahan kong maglakad, tamang lakad lang.
"Nasan na ba 'ko?"
----------------------
Kanina pa 'ko naglalakad dito wala naman akong nararating. Wala bang ibang tao dito?
"Welcome to Zone 198! The game is about to start, it is time to ready your selves. Lucky players, you made it to the starter. Now, your next goal is to get to the middle of the forest. Sounds easy, isn't it?" Huminto ito sa pagsasalita.
Sounds easy, isn't it mo mukha mo. Kanina lang yan din sinabi mo, halos mamatay ako. Well, hindi ba yun yung goal? Hayst.
"But there's a twist! We will give you an specific time, the middle of the forest is a checkpoint, the safe zone. If you didn't get in time, you're game over. You only have 24 hours to get in the safe zone, time is gold. Your time starts now!"
Sino ba yung babaeng yun? Siya din yung nagsalita kanina sa speaker.
Ilang oras daw? 24 hours? Kaya ko ba yun?
Teka nga, pano ako makakapunta sa gitna ng gubat eh hindi ko nga alam 'tong lugar, shete naman oh!
"And one more thing players. Don't forget the rules. Survive, Adopt, Fight and Escape Zone 198. Stay alive!" Dagdag nanaman nung nagsasalita sa speaker.
Naguumpisa na 'kong kabahan. Pano kung nananaginip lang pala 'ko?
Sinampal sampal ko ang pisngi ko, kaliwa't kanan.
"Ouch! Totoo nga!" Napalakas yung sampal ko sa sarili ko, sure ako na totoo 'to.
Veron, kalma ka lang. Makapag lakad na nga.
--------------------
Guess what bitches?! Inabot na 'ko ng gabi.
Nagugutom na nga ako eh, ang lamig pa dito.
Ilang oras na ba 'kong palakad lakad?
Wait-- is that a person?
May nakita kasi akong naglalakad sa kabilang parte ng gubat.
Kung tao man siya ay sana may alam siya kung anong nangyayari ngayon.
Lalapitan ko ba? Sige na nga, no choice eh.
"Hey!" Sigaw ko dito, napansin kong lumingan ito sakin kaya tumakbo ako papalapit dito.
"Huwag kang lalapit! Diyan ka lang!" Sigaw nito sabay tutok sakin ng kutsilyo na hawak niya.
Na-istatwa ako sa kinatatayuan ko hindi dahil sa kutsilyong hawak niya. Walang ibang nagbibigay liwanag sa gubat kundi ang liwanag na nagmumula sa buwan kaya kahit papaano ay nakikita ko ang imahe ng babaeng nasa harapan ko ngayon.
"Okay, ahm-mm calm down, hindi kita sasaktan." Ani ko, dahan dahan akong lumapit dito.
"Ang sabi ko diyan ka lang!" Sigaw ulit nito sakin kaya humakbang ako patalikod.
"My name's Veronica, you?" Pagpapakilala ko dito. Napansin kong medyo kumalma ito. Ngumiti ako dito kahit hindi ako sigurado kung nakikita niya.
"R-Raquel" Sagot niya sa tanong ko.
"Okay, great. Hindi kita sasaktan Raquel, ibaba mo na yang hawak mong kutsilyo, baka masugatan ka pa." Ani ko dito. Dahan dahan niyang ibinaba ang kutsilyong hawak niya kaya nakahinga ako ng maluwag.
"Isa ka din ba?" Tanong sakin ni Raquel na nagpakunot ng noo ko.
"Isa saan?" Balik na tanong ko sakaniya.
"Sa mga players na binanggit kanina, y-yung may sinabing safe zone?" Naguguluhang tanong sakin ni Raquel.
"Oo, isa ako." Maikling sagot ko dito.
Yumuko ito at tila nakahinga ng maluwag.
"Nga pala, saan mo nakuha yang kutsilyo mo?" Tanong ko dito. Kanina pa kasi ako paikot ikot dito pero wala manlang akong nakitang kahit ano.
"May nadaanan akong lumang kotse kanina, dalawa nga 'to, ito yung isa oh." Ani ni Raquel, may kinuha pa siyang isang kutsilyo galing sa likod ng pantalon niya. Nakaipit dun, kayo na bahalang mag imagine.
Ia-abot niya sana sakin ang kutsilyo pero huminto ito.
"Mapagkakatiwalaan ba kita?" Tanong sakin ni Raquel.
"Oo naman, mapagkakatiwalaan ako." Diretsong sagot ko dito.
Muli niyang ini-abot sakin ang kutsilyo kaya agad ko naman itong kinuha sa kamay niya at tinanggap.
"Salamat" Ani ko.
"Ano nang gagawin natin ngayon?" Tanong ulit ni Raquel.
Actually, yan din ang tanong ko sa sarili ko kanina pa.
"Siguro maghanap muna tayo ng lugar na puwedeng pagpahingahan, kanina padin kasi ako palakad lakad. Tsaka kailangan mo ding magpahinga, kailangan mo ng lakas para sa bata." Pagkasabi ko nito ay nagumpisa na 'kong maglakad.
Hindi na naman na sumagot pa si Raquel at sinabayan nalang ako nitong maglakad.
Hindi ko alam, Hindi ko alam kung ilang oras nalang ang meron kami.
Aaminin ko, kanina pa 'ko nawawalan ng pag asa kung makakaabot ba 'ko sa gitna ng gubat na 'to. Hindi ko na din inalam ang daan, hindi ko naman din kasi ginustong mabuhay.
Pero ngayon may kasama na 'ko. Atleast, I have a reason to find a way to the safe zone.
This woman can't die, her child has to live.

Komento sa Aklat (26)

  • avatar
    Angel Marigondon

    hjkk

    06/10/2024

      0
  • avatar
    Nurin Nizam

    GG,WAN 01lljhgggiirdcky8fye25rygghfsgcjvkvbkhokbkgjdhxmfuhdyryTs4yffhtksiteyoxhlhlxdkydhxchxafatkfuhxgmztksdupnfa44ielyruzb😄😅🙊🌔😞🐭🤒😏stktaktw5e5odyysykstksyxmhstkskte7dakteyldudlyxhxxcudlhdylducjzyskyfjzyksylfjxhdhzxzmgsyldylsyldyleoywtkwtjrylryidyfysgfjxhmccbxchdfhlfulfkchkchkcukfukfukfulfulfifumstjchmxmcjcn vjhkxthsykfukrkyflkgilt7ocjlv🐶572eukfdkhgssjkeykdykdmfjdukdykdykruydkudurkykdykdhdgkguio8tlrulruleukruroudhxkhxjmdjmcfjlfulfulfilffhnxxmhcnbbmbmchmdyjgkyyejriuuodulfjkduidlufjxbhmcbb

    27/09/2024

      0
  • avatar
    monzalesThird Mahilum Salvador

    it so nice to read

    31/07/2024

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata