logo text

Why Is It Easy For You To Kill?

Nagtipon tipon ang lahat sa sala maliban kina Tamara na nasa bubong at Alvin na nakaupo sa labas ng bahay.
"I promised that I will give him the life that he deserve when we got home." Ani ni Mershelle habang nakaakbay kay Michaelle. Tumingin si Mershelle sa kisame at pinunasan ang mga luha niya.
Sa isip ni Mershelle ay nagawang iligtas ng isang tao na hindi naman niya ka-dugo ang anak niya, pero siya na ina ay wala manlang nagawa upang iligtas ang sarili niyang anak.
Sa mga nangyari ay tila nakalimutan na ng lahat ang mga pinagdaanan nila sa kuweba maliban kay Tamara na hanggang ngayon ay iniisip kung para saan ang tatlong bato na nakuha nila.
"He's a hero even though he doesn't have a super power or a cape." Ani ni Veronica. "Atleast he died a hero." nagtama ang mga mata nila ni Aiden. Saglit na nagtitigan ang dalawa ng sikuhin ni Amiel si Aiden.
Hanggang ngayon kasi ay hindi parin buo ang tiwala nila kay Aiden lalo na si Amiel kaya bantay sarado ito sa kaniya.
"You killed them." Mahinang ani ni Alvin na sapat lang para marinig nila.
"Kailangan." Maikling sagot ni Melchor dito.
Hindi namalayan ni Alvin na napalakas pala ang pagkakasabi niya kaya napatingin ito sa loob ng bahay, tumayo siya sa pag kakaupo at pumasok ng bahay.
"I didn't saw any hesitation nor remorse from any of you, it is easy for you to kill those people?" Mahabang alintana ni Alvin habang sinusubukang hindi tumaas ang boses nito.
"Wala tayong pagpipilian kasi kung hindi sila, tayo." Seryosong sagot ni Melchor dito.
"Do we really need to do this? Do we really need to kill each other?" Tanong ulit ni Alvin.
"It's the goal of the game, that's what they want and don't tell me not to do what they want because that's not the answer, those people will going to kill us." Ani ni Jenny, napatingin sa kaniya ang lahat dahil kanina pa ito tahimik at ngayon lang siya kumibo.
"Yeah, I saw how you throw that dagger unto your brothers head." Hindi na napigilan ni Alvin ang sarili niya kaya medyo tumaas na ang boses nito.
Tinignan siya ni Jenny habang pinipigilang tumulo ang mga luha nito.
"And look, I saved two people." Ani ni Jenny sabay turo kay Raquel.
Tinignan ni Alvin si Raquel sabay tingin ulit kay Jenny, para kay alvin ay hindi parin ito sapat para pumatay.
"We can ask them not to hurt us!" Ani ni Alvin sabay tingin sa bawat isa.
"As if they're going to listen, have you forgot that they almost killed Eli? Have you forgot that they killed Hadriel? Have you forgot that their goal is to kill the Prey and we are the Prey, Alvin. You are getting dumber and dumber in each day." Mahabang alintana ni Tamara na kakapasok lang ng bahay.
"The thing is why is it easy for you?" Tanong ulit ni Alvin na ngayon ay kalmado na.
"Let me answer that real quick." Ani ni Tamara sabay sandal sa pader.
"Amiel beheaded a guy before we met him, why? because that person want to feed him on the wolves, alive. We killed those people because they tried to kill us first. Lana, Amilla, and Veronica didn't kill anyone though. You see, you don't have to kill them if you don't want to, just leave them to us. Atleast help, not just stand in one corner watching us trying to survive. You are part of this game, you can't pause, so stop spectating, Alvin." Mahabang sagot ni Tamara na nakapagpatahimik kay Alvin.
"Yeah, stop spectating." Pag sangayon ni Aiden dito na may halong pangaasar kaya sa pangalawang pagkakataon ay siniko ulit siya ni Amiel, mas malakas na kaysa kanina kaya napa aray ito.
"Also, I still wanna know why you killed your brother?" Humarap si Tamara kay Jenny na ngayon ay nakatingin na din sa kaniya.
"Para iligtas silang dalawa." Sagot ni Jenny sabay yuko.
"That still doesn't answer the question why?" Ani ni Tamara kaya napahinto si Jenny.
"Anong gusto mong isagot ko?" Balik na tanong ni Jenny dito.
"The truth." Ani ni Tamara sabay labas ng Pulang tela.
Ipinakita niya ito sa lahat at tinignan si Aiden.
"Show me yours." Naintindihan agad ni Aiden si Tamara kaya agad nitong inilabas ang pulang tela na nasa bulsa niya.
Nabalot ng pagtataka ang lahat.
"In this peace of linen, the word Hunter was written and this peace of linen came from you Jenny." Ani ni Tamara sabay tapat ng pulang tela kay Jenny.
"I'm not a hunter." Walang buhay na sagot dito ni Jenny habang nakayuko parin.
"Hunters can't enter Safe Zone. You enter their group without being an official member or maybe there's something more." Ani ni Tamara, napatingin si Jenny sa kaniya at tila ba ay kinabahan ito pero pinanatili niya paring magmukhang kalmado.
"I'll leave this group if you want to." Ani ni Jenny sabay tayo.
"Hindi! Dito ka lang Jenny." Utos ni Raquel dito na nakapag paupo kay Jenny.
"Saan ka pupunta?" Tanong ni Melchor kay Tamara ng magtangka itong lumabas ng bahay.
"Yo soy Dora! Adios!" Ani ni Tamara na ginaya pa ang boses ni Dora sabay labas ng pintuan.
"Gosh that woman." Bulong ni Aiden pero narinig parin ito ng lahat, napailing nalang si Veronica dahil dito.
"Ano kayang gagawin ni Tamara?" Tanong ni Amilla.
"Malalaman natin pero ngayon ay pagabi na kaya kumain na muna tayo ng makapag pahinga na." Ani ni Amiel sabay tayo.
"Sinong magluluto?" Tanong ulit ni Amilla. "Hindi puwedeng si Alvin, may sama ng loob yan tsaka kahit wala naman hindi parin masarap luto niya." Dagdag pa nito.
"Ako nalang, pinanood ko naman si." Napahinto siya sa pagsasalita ng maalala ang taong babanggitin niya. "Si Hadriel." Pagpapatuloy nito.
Saglit na binalot sila ng katahimakan.
"Umpisahan mo na ang pagluluto." Ani ni Amiel sabay labas ng bahay at punta sa upuang kahoy kung nasaan ang bon fire.
Nagtaka naman si Aiden dahil simula pa kanina ay hindi nawala sa tabi niya si Amiel dahil nga bantay sarado siya dito.
"Lana, tulungan mo 'ko." Tawag ni Veronica kay Lana.
"Sige." Pagpayag ni Lana dito sabay tayo.
"Soup lang naman yun bakit kailangan mo pa ng katulong?" Tanong ni Amilla kay Veronica.
"Last time kasi muntik ko nang pasabugin ang kusina, kailangan ko ng magpapatay ng apoy kung sakali man." Ani ni Veronica na may halong pagbibiro sa tono ng boses nito.
"Sasama ako!" Pag boluntaryo ni Amilla sabay mabilis na tumayo kaya hindi niya sinasadyang matamaan si Alvin na nasa tabi niya lang.
"Aray!" Ani ni Alvin sabay hawak sa braso niya.
"Hala sorry-- teka, dumudugo yang braso braso mo!" Natatarantang ani ni Amilla.
Lumapit si Lana dito at tinignan.
"Anong meron?" Tanong ni Raquel ng makitang alalang ala si Amilla.
"Nothing, it's just-- aray! Lana!" Usal ni Alvin ng pisilin ni Lana ang sugat nito.
"Nothing huh?" Pangaasar dito ni Lana.
"Ano bang nangyari diyan, Alvin?" Tanong ni Mershelle dito.
"Kanina lang ito sa kuweba, nothing's special nor important." Paliwanag ni Alvin.
"Ito oh, first aid kit." Abot ni Veronica ng first aid kay Lana na agad naman niyang kinuha at binuksan.
"There's two people, Amiel saved me by--" Napahinto si Alvin sa pagsasalita ng may marealize siya.
"By what?" Tanong dito ni Raquel kaya napayuko sa konsensiya si Alvin.
"By killing them." Pagpapatuloy ni ALvin.
"Amilla, Veronica, tara na sa kusina, ikaw Eli dun ka muna sa bon fire kasama sina Amiel at Melchor. Hayaan na natin si Lana at Raquel diyan." Ani ni Mershelle kaya nagsi alisan na sila para din bigyan ng space sina Lana, Raquel at Alvin.
"Raquel, pahinging buhok." Ani ni Lana sabay lahad ng kamay kay Raquel.
"Buhok? Bakit?" Nagtatakang tanong ni Raquel dito.
"Kulang kulang na yung first aid, wala na yung sinulid dito." Paliwanag ni Lana kaya inilabas ni Raquel ang kutsilyo niya at pumutol ng ilang hibla ng buhok.
"Ito oh." Agad iyong tinanggap ni Lana at ipinasok sa karayum.
Tinignan ni Lana si Alvin, tumango si Alvin kaya inumpisahan na ni Lana ang pagtatahi sa sugat ni Aiden.
Dama mo sa mukha ni Aiden na nasasaktan ito kaya mas lalong hindi makapag concentrate si Lana.
Huminga ng malalim si Lana at nagpatuloy sa ginagawa niya.
"I should have listen to Amiel." Bulong ni Alvin.
--------------------
"Bata, bakit ang tahimik mo? Alam ko normal sa bata ang madaldal at pala tanong." Tanong ni Aiden kay Michaelle na ngayon ay nakaupo paikot sa bon fire.
"Ayaw po kasi ni mama ng maingay lalo na kapag nagtatrabaho siya." Sagot ni Michaelle sabay tingin kay Aiden tapos sa bon fire.
"Ano bang trabaho ng mama mo?" Tanong ulit dito ni Aiden.
"Teacher po." Sagot naman ng batang si Michaelle.
"Kaya pala, meron din akong nanay pero doctor naman siya." Ani ni Aiden sabay tingin sa bon fire.
"Ayaw niya din po ng maingay?" Tanong naman ni Michaelle dito.
Napangiti si Aiden.
"Hindi naman pero ayaw niya ng hindi kami kumakain ng healthy. Vegan siya which is a good thing pero may pagkakataon na sumobra na." Unti unting nawala ang mga ngiti ni Aiden habang nagkikwento.
"Pano pong sumobra?" Tanong ulit ni Michelle dito.
"Alam mo naman siguro kung ano ang vegan di'ba?" Tanong ni Aiden dito kaya tumango si Michealle. "Walang hayop, more on gulay. Hindi ako katulad ni Mom pero ginawa ko yung best ko para hindi kumain ng meat. Then there's one time na hindi ko sinasadyang makakain ng candy, para sa kaalaman mo Eli, bata lang din ako nun katulad mo." Mahabang kwento ni Aiden.
"Candy? May meat din po ang candy?" Naguguluhang tanong ni Michaelle sa kaniya.
"Hindi ko din alam eh pero sa pagkakaalam ko yung iba may fat which is galing sa hayop." Paliwanag ni Aiden kahit hindi siya sigurado sa mga sinasabi niya.
"Ano pa pong nangyari?" Curious na tanong ni Michaelle kaya ginanahang magkwento si Aiden.
"Kinulong ako ni Mom sa kuwarto ng dalawang araw, bata pa naman kasi ako nun." Kwento ni Aiden habang nagpipigil ng tawa dahil sa mga memoryang naaalala niya.
"Kahit kailan po hindi ako ikinulong ni mama sa kuwarto, pinagsasabihan niya lang ako." Wika ni Michaelle kaya napatingin sa kaniya si Aiden.
"Never ka pang napapalo ng mama mo?" Tanong ni Aiden dito.
"Napalo naman po pero bihira lang." Sagot ni Michaelle habang nakatingin parin sa bon fire.
"Mabuti ka pa, nung teenager ako halos itakwil ako ng nanay ko dahil hindi ko sinasadyang makakain ng butter, may mga kilala naman akong parehas vegan ang parents pero never naman nilang pinilit ang mga anak nilang maging vegan din." Unti unting nawala ang buhay sa boses ni Aiden.
Matapos kasi siyang itakwil ng nanay niya ay hindi na siya muli pang bumalik sa bahay nila.
Nagtaka si Aiden ng tumayo si Michaelle mula sa kinauupuan niya at tumuntong dito.
Akala ni Aiden ay iiwanan siya ni Michaelle dahil hindi nito nagustuhan ang kinukwento niya pero isang akbay ang ibinigay sa kaniya ni Michaelle.
"Inaakbayan po ako ni Mama kapag malungkot ako." Ani ni Michaelle.
Napangiti si Aiden dahil dito, hindi niya kasi inaakalang isang bata ang makakaintindi sa kaniya, na isang bata ang makakakita ng lungkot sa mga mata niya.
Ginulo gulo ni Aiden ang buhok ni Michaelle.
"Sana po pagnaka uwi na tayo magkabati na kayo ng mama mo." Ani ni Michaelle.
Bumuntong hininga si Aiden at mapait na tumingin sa apoy na nasa harapan nila.
"Sana."
------------------------------
Bumunot ng bulaklak si Tamara at ipinatong sa malamig na lupa. Ito yung lupa kung saan binawi ang buhay ni Hadriel.
Wala man silang koneksiyon na dalawa pero sapat na dahilan na para kay Tamara ang pagiging mabuting tiga-luto ni Hadriel.
"Poor Hadriel." Ani ni Tamara sabay luhod ng isang tuhod niya. "They are right, you're a hero. Claim it." Tumayo si Tamara at nagumpisang maglakad papalayo, hindi na siya muli pang lumingon pabalik.
"Don't hide, I can hear you." Ani ni Tamara sabay hagis ng dagger niya, tumama ito sa isang puno kung saan nagtatago si Veronica.
"Gusto ko lang bisitahin si Hadriel." Ani ni Veronica sabay labas sa likod ng puno.
Lumapit dito si Tamara at hinugot mula sa puno ang dagger niya.
"He's gone, but the mark of his death is still vicible." Ani ni Tamara sabay lakad ulit paalis pero sinundan siya ni Veronica at sinabayang maglakad.
"Pagabi na, bukas nalang siguro ako bibisita." Ani ni Veronica.
"I'm not going to do anything." Usal ni Tamara na nakapag pahinto kay Veronica sa paglalakad.
"A-ano? I mean, wala naman akong sinasabi! Ang sabi ko maggagabi na." Sagot ni Veronica na tila ba ay may nasabing hindi niya inaasahan si Tamara.
"I know you're monitoring me." Ani ni Tamara sabay hinto sa paglalakay pero nanatili parin itong nakatingin sa dinadaanan niya.
"Monitoring mo mukha mo! Hindi kaya." Pagtanggi ni Veronica kaya humarap si Tamara sa kaniya at tinitigan siya sa mga mata. Dahan dahang lumapit sa kaniya si Tamara kaya napahakbang papatalikod si Veornica.
"Over your dead, rotten body? Hmm?" Ani ni Tamara gamit ang malamig na boses nito.
Nagtaasan ang mga balahibo ni Veronica dahil dito, tila ba ay lumamig ang simoy ng hangin.
"Okay fine! Sinusundan na kita, ikaw kasi 'tong palaging umaalis kaya baka sakaling may alam ka sa mga nangyayari pero mukhang wala din pala, babalik na 'ko ng Safe Zone, gawin mo na mga gusto mo, diyan ka na." Mahabang usal ni Veronica sabay lakad papalayo kay Tamara.
Halos hindi maintindihan ni Tamara ang mga sinasabi nito dahil sa bilis ng pagsasalita ni Veronica.
"Great Evening Players! I am the creator of Project Safe Zone." Isang boses ng lalaki ang nagpatigil kay Veornica sa paglalakad.
"Narinig mo yun?" Tanong ni Veronica kay Tamara.
"Loud and clear."

Komento sa Aklat (26)

  • avatar
    Angel Marigondon

    hjkk

    06/10/2024

      0
  • avatar
    Nurin Nizam

    GG,WAN 01lljhgggiirdcky8fye25rygghfsgcjvkvbkhokbkgjdhxmfuhdyryTs4yffhtksiteyoxhlhlxdkydhxchxafatkfuhxgmztksdupnfa44ielyruzb😄😅🙊🌔😞🐭🤒😏stktaktw5e5odyysykstksyxmhstkskte7dakteyldudlyxhxxcudlhdylducjzyskyfjzyksylfjxhdhzxzmgsyldylsyldyleoywtkwtjrylryidyfysgfjxhmccbxchdfhlfulfkchkchkcukfukfukfulfulfifumstjchmxmcjcn vjhkxthsykfukrkyflkgilt7ocjlv🐶572eukfdkhgssjkeykdykdmfjdukdykdykruydkudurkykdykdhdgkguio8tlrulruleukruroudhxkhxjmdjmcfjlfulfulfilffhnxxmhcnbbmbmchmdyjgkyyejriuuodulfjkduidlufjxbhmcbb

    27/09/2024

      0
  • avatar
    monzalesThird Mahilum Salvador

    it so nice to read

    31/07/2024

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata