Project Safe Zone: The Experiment

Project Safe Zone: The Experiment

LadyZhaquirea


The Interview

Isang lalaki ang nakamasid sa apat na sulok ng kuwarto, bakas sa labi niya ang ngiting matagal na niyang inaasam, hindi pa man nagsisimula ang plano niya ay ramdam na niya ang tagumpay. Siya ang gumawa ng lahat, ang lumikha ng mundo sa loob ng isang laro.
Maya maya pa ay may isang lalaking pumasok sa loob ng kuwarto, umupo ito sa upuan na katapat ang isang lamesa, kinuha niya ang papel na nakapatong sa lamesa kasunod ang pagkuha ng ballpen mula sa bulsa ng puti niyang coat. Nilaro laro niya ito sa kamay niya at pumikit, pagka-mulat niya ay siyang tingin sa glass na nakaharang mula sa labas ng kuwarto, iniisip ang imahe ng isang lalaki na kilala sa tawag na "The Creator."
Huminga ng malalim ang lalaki at sinenyasan ang bantay sa pintuan bago ito lumabas.
Maya maya lang ay bumalik na ang bantay pero hindi na ito nagiisa, isang babae ang kasama niya.
Umupo ang babae sa upuan na katapat ng sa lalaki, halata sa kilos ng babae ang pagkabalisa.
"Name?"
"Where's my son?" Naguguluhang tanong ng babae sa lalaking nasa harapan niya.
Inilibot nang babae ang paningin niya, ng hindi niya makita ang anak niya ay nagumpisa itong kabahan.
"Name?" Tanong ulit ng lalaki.
"M-Mershelle Merllock. Now, where is my son?" Sagot ng babae kasunod ng tanong.
Kumuha ng papel ang lalaki at inilista dito ang buong pangalan ni Mershelle. Hindi manlang nito binigyang pansin ang tanong ng babae.
---------------------
"Name?"
"Mama? Si mama?" Kyuryos na tanong ng batang lalaki.
"Nandiyan lang siya.  Pangalan?" Paliwanag ng lalaki sabay tanong ulit ng pangalan ng batang lalaki.
"Michaelle Merllock po, kahit Eli nalang po. " Magalang na sagot ng bata.
"Ilang taon ka na Eli?" Tanong ng lalaki, dahil dito ay isang kuryente ang bumalot sa katawan nang lalaki na naging dahilan upang mabitawan nila ang ballpen na hawak niya.
"Nine po." Sagot ng bata. Napapikit ang lalaki at sinenyasan ang bantay sa pintuan na ilabas na ito.
--------------------
"Name?"
"T-teka, nasan ako? Sino ka?" Histerikal na tanong ng babae habang inililibot ang paningin nito sa paligid.
"Full Name?" Tanong ulit ng lalaki.
"Raquel Mina Ostaño" Sagot ng babae.
Nag umpisang magsulat sa papel ang lalaki. Tinignan ng lalaki  si Raquel sabay tingin sa tiyan nito.
"Name?" Tanong ulit ng lalaki kay Raquel.
Napuno ng gulat at takot ang mata ni Raquel kasabay ng paghawak nito sa kaniyang tiyan.
"Uhm-mm R-rachelle. "
---------------------
"Name?" Tanong nito sa lalaking nasa harapan niya pero hindi ito sumagot.
"Na--"
"Melchor" Maikling sagot ng lalaki.
"Full name?" Tanong ulit ng lalaki dito.
"Bakit kailangan mong malaman?" Balik na tanong ni Melchor.
"We just need your full name." Sagot ng lalaki.
"We? Sino sino?" Tanong ulit ni Melchor dito.
Huminga ng malalim ang lalaki, ibinaba nito ang ballpen na hawak niya at sinenyasan ang isa pang lalaki na nakabantay sa may pintuan.
"Huwag mo kong hahaw--"
---------------------
"Na--"
"Anong ginagawa ko dito?!" Naguguluhang tanong ng lalaki.
"Na--"
"Nasan ako? Dap--" Naagaw ng lalaki ang atensiyon nito ng malakas na ibinagsak nito ang kamay sa lamesa na naging dahilan upang hindi matapos ng lalaki ang mga sasabihin niya.
"Full name?" Tanong ulit ng lalaki.
Nagkaroon ng katahimikan sa pagitan ng dalawa bago ito sumagot.
"Hadriel Austin." Huminto sa pagsasalita si Hadriel at nilunok ang laway niya bago ulit mag salita.  "Amindeña"
-----------------------
"Name?"
"Amiel Tan Herrera" Mabilis na sagot nito.
Naisip niya pang magtanong pero mas binabuti niya nalang na manahimik.
---------------------
"Alvin Trinidad" Wika ng lalaki.
Tinignan siya ng lalaking may hawak na ballpen bago isulat ang buong pangalan ni Alvin sa papel.
"I saw the pen and the paper and I don't know where I am, that's why I know that you'll gonna ask my name first. " Paliwanag ni Alvin.
-----------------------
"Name?"
"Ericka Sevilla"
"Again?"
"I said Ericka Sevilla. "
Tinignan ng lalaki ang babaeng nasa harapan niya ngunit umiwas ng tingin ang babae. Itunuon muli ng lalaki ang atensiyon niya sa papel na nasa harapan nito.
"Real Fullname?" Tanong ulit ng lalaki dito.
Saglit na nabalot ng gulat ang mga mata ni Lana.
"Alam mo naman pala pangalan ko b--"
"I'm not going to ask you agan." Ani ng lalaki habang hindi inaalis ang tingin nito sa papel.
Bumuntong hininga ang babae bago sumagot.
"Lana Salvatierra"
----------------------
"Name?"
"Bakit ko naman sasabihin sayo?" Pabalang na sagot ng babae.
"Fullname?" Tanong ulit ng lalaki dito.
"Fullname your face." Wika ng babae. Tatayo sana ito sa kinauupuan niya ng muling magsalita ang lalaki.
"You will tell us your fullname and I will tell you where your father is." Binalot ng katahimikan ang kuwartong kinaroroonan ng dalawa.
"Fullname?" Pamasag na tanong ng lalaki sa katahimikan na namamagitan sa kanila.
Yumuko ang babae at tila nag isip. Ilang segundo lang ay ini-angat na ng babae ang ulo niya.
"Veronica Enralde."
---------------------
"Name?"
"Tamara"
"Full name?"
"Kilbourne, Tamara Kilbourne." Tinignan ng babae ang lalaking nasa harapan nito.  Tinitigan niya lang ito ng mabuti.
Habang sinusulat ng lalaki ang pangalan ni Tamara sa papel ay mabilis na tumayo si Tamara sa kinauupuan niya at hinablot ang ballpen na hawak ng lalaki.
Mabilis na kumilos si Tamara papunta sa likuran ng lalaki habang hawak hawak ang ballpen at itinutok ito sa leeg ng lalaki.
"Sit still or I'll embed this pen unto your throat." Pagbabanta ni Tamara sa lalaki.
"Now, tell me who's behind this b*llsh*t?" Tanong ni Tamara pero hindi nagbigay ng kahit na anong sagot ang lalaki.
Ibabaon na sana ni Tamara ang ballpen na hawak niya sa leeg ng lalaki ng may dalawa pang lalaki ang lumapit sakaniya at hinawakan siya sa parehas na braso.
Tumayo ang lalaking kanina lang ay pinagbantaan ni Tamara at may kinuha sa bulsa ng white coat nito.
Hinigpitan ng dalawang lalaki ang pagkakahawak sa babae habang ang lalaki naman ay tinurukan si Tamara ng pampatulog.
------------------
"Is that all of them?" Tanong ng isang lalaki na naka suot ng black trench coat sa lalaking may hawak na lapis at papel.
"You tell me." Pamimilosopong sagot nito.
"Well then--" Ini-ikot ng lalaking naka suot ng itim na trench coat ang sweavel chair na inuupuan nito paharap sa malaking screen na nasa likuran niya. "Let's start the experiment."

Komento sa Aklat (26)

  • avatar
    Angel Marigondon

    hjkk

    06/10/2024

      0
  • avatar
    Nurin Nizam

    GG,WAN 01lljhgggiirdcky8fye25rygghfsgcjvkvbkhokbkgjdhxmfuhdyryTs4yffhtksiteyoxhlhlxdkydhxchxafatkfuhxgmztksdupnfa44ielyruzb😄😅🙊🌔😞🐭🤒😏stktaktw5e5odyysykstksyxmhstkskte7dakteyldudlyxhxxcudlhdylducjzyskyfjzyksylfjxhdhzxzmgsyldylsyldyleoywtkwtjrylryidyfysgfjxhmccbxchdfhlfulfkchkchkcukfukfukfulfulfifumstjchmxmcjcn vjhkxthsykfukrkyflkgilt7ocjlv🐶572eukfdkhgssjkeykdykdmfjdukdykdykruydkudurkykdykdhdgkguio8tlrulruleukruroudhxkhxjmdjmcfjlfulfulfilffhnxxmhcnbbmbmchmdyjgkyyejriuuodulfjkduidlufjxbhmcbb

    27/09/2024

      0
  • avatar
    monzalesThird Mahilum Salvador

    it so nice to read

    31/07/2024

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata