Chapter 99

Ang Asawa Kong Babaero
Chapter 99
SA SCHOOL...
*Noah's PoV*
"Wag mo nang intindihin yan Noah, mas lalo ka lang masasaktan nyan. Mas mabuti pang kalimutan mo nalang si Naomi" si Elmo na katabi ko ngayon sa pag-upo dito sa tambayan namin habang hinihimas-himas nito ang likod ko.
"How?" tanong ko kaagad sa kanya na naging dahilan ng katahimikan ng lahat.
"M-marami naman ang paraan Noah para makalimutan mo siya, mang-babae tayo, alis muna tayo tas bakasyon sa beach ganun" matapang na sabi nito pero natahimik ako kaagad.
Hindi ko kaya yon, hindi ko siya magawang kalimutan. Mahirap gawin para sa'kin yon, hindi ko kaya.
"Kaya pala hawig na hawig silang dalawa dahil iisa lang Pala. Hindi ba't sinabi ko na sa inyo noon pa nung unang pumasok si Naomi dito?, kamukhang-kamukha niya talaga si Naomi na kababata mo diba? Yong mukha palang, yong ka-puti niya palang, kilay at iba pa. Pero ang hugis talaga ng katawan niya'y malaki ang nag-iba. Pero hindi nalang ako nagsalita, malinaw naman kasi sa'kin yon noon na nasa America na siya at hinding-hindi na babalik pa dito tsk" malungkot na sabi ni Bradley kaya napatingin ako kaagad sa kanya.
Napa-buntong hininga naman ako. Ganun din naman yong expectations ko before na ang babaeng humaharang sa harapan ko ay si Naomi kaya huminto ako. Pero nawala yong pangamba ko nung pagmasdan ko ng maigi ang mukha niya. Medyo may pimples at medyo nasa hindi na gaanong hugis ang katawan niya. Kasi napaka-sexy nung babaeng yon noon. Siguro'y dahil sa stress.
FLASHBACK
"Owemje nandito na siya!!!"
"Ang gwapo-gwapo niya talaga, mahigit isang taon na siyang nawala dito pero hindi parin siya nag-iiba OMG!!!"
Naglalakad ako nun kasama ang mga barkada ko. Maraming taong nagsisilapitan at nagkakandarapa dahil sa pagbabalik ko galing sa Germany.
Tapos bigla kong nakita yong babaeng yon/Naomi na nakatingin sa'kin habang nakangiti at sa mukha nito'y halatang hinihintay ako.
Nung tumapat ako sa harapan niya, pinagmasdan ko ito ng maigi. Kamukhang-kamukha niya si Naomi na kababata ko. Pero may mga bagay din na malaki ang pagkaka-iba nila sa isa't-isa at hindi ko lang maipaliawanag ang bagay na yon on that time.
"Hindi ito si Naomi" yon ang sinabi ko sa isipan ko. Akala ko hindi yon si Naomi dahil sigurado ako. Pero mali pala ako, napaka-mali ko.
"Step aside"
END OF FLASHBACK
"Ano ba magsitigil na nga kayo. Mas lalo niyo lang pinapahirapan si Noah eh" tanging boses ni Tyrone ang nakapag-pabalik sa dati naming mga sarili.
"Noah, Akala namin si Naomi yong pinaka-kawawa ngayon p-pero hindi. D-dahil Ikaw yong mas kawawa ngayon, napaka-hirap ng sitwasyon mo" malungkot na sabi nitong si Kurt sa'kin kaya napatingin ako kaagad sa kanilang lahat sabay tumayo.
"Then back off, all of you. I don't want someone who feel so pity for me." supladong sagot ko sa kanilang lahat at isa-isa ko silang tiningnan ng seryoso tsaka naglakad na papalayo.
"Siya ba talaga yan??? Si Naomi ba talaga yan? Hindi parin ako makapaniwala na na-amnesia lang Pala siya"
"Oo nga, kaya naman ang bobo at tanga niya. Na-amnesia lang Pala siya kaya nagka-ganun siya. Nakakaawa naman"
"Pero alam mo ba gurl kung sino mas kawawa? Syempre si papa Noah kasi minahal niya talaga ng sobra si Naomi. Eh hindi niya naman alam na si Naomi at kasintahan niyang bobo ay iisa lang Pala. Hayyysst kawawa naman si Noah, nasasaktan tuloy ako"
"Ohhh, ano ba naman. Dapat pala pinansin nalang natin si Naomi nung time na na-amnesia siya. Kasi tingnan mo tuloy, napaka-ganda at sexy niya oh! Tignan niyo!"
"OMG I can't believe this, is this really Naomi??? Is she backkk???"
"Hoy wag kayong maingay nandito si hubby Noah! Baka marinig niya tayo ano ba!"
Naririnig kong mga bulungan nila kaya mabilis akong umalis sa daan na yon para makai-was sa usap-usapan nila.
*Naomi's PoV*
Halos lahat ng tao'y nasa akin ang tingin ngayon, talagang pinag-tutuunan nila ako ng pansin. Alam ko na ang rason, kasi alam na nilang ako at ang bobong Naomi ay iisa lang.
Ganun ba talaga ako ka-bobo noon??? As in kahit ni isang English words ay hindi ko ma-memorya at mai-salita??? Hayyyyyysst ang tindi naman nun. Pero bakit parang gusto kong ma-amnesia ulit???
Bakit parang gusto kong makilala ulit si Noah bilang isang asawa ko than this situation? Gusto ko lang malaman kung gaano ako ka-tanga at bobo noon at ano ang pag-trato ng mga tao o estudyante sa'kin noon. Parang gusto kong bumalik sa pagka-amnesia ko para malaman ko ang lahat. Baka sakaling maiyak ako.
"Hala hindi ako makapaniwala, si Naomi nga"
"Umayyy siya nga!"
mga bulong-bulungan nila. Ang iilan dito ay ka-kilala ko. Dito naman kasi ako nag-aral simula nung First year and second year college eh. Kaya yong iba kilala ko na. Pero yong mukha lang, hindi pangalan.
Magpa-patuloy pa sana ako sa paglalakad nung agad bumungad sa harapan ko ang isang babaeng maganda na nakangiti sa'kin ngayon.
Sino kaya siya? Kilala ko ba siya? Kaibigan?
"S-sino ka?" nagtatakang tanong ko dito kaya napangiti siya ng marahan pero may kaunting luha naman ang pumatak mula sa mata niya kaya kahit papaano ay naging malungkot naman din ako kaagad.
"Bumalik ka na nga sa dati" tipid na sabi niya na halos maiyak siya kaya ngumiti naman ako ng kaunti.
"T-tama ka" yon lang ang sinabi ko.
"Ako nga pala si Alexa, mahigit limang buwan na tayong magka-ibigan at magkasama dito. Transferee kasi ako, at nung time na inaapi ako ng mga lalaki...t-tinulungan mo'ko. Niligtas mo ang buhay ko. HAHA ano ba yan nag-kwe-kwento nanaman ako, alam ko naman yon na hindi mo na maaalala pa ang lahat. Pero gusto ko lang ipa-alam sa'yo Naomi na hinding-hindi parin magbabago ang pagtingin ko sa'yo ngayon at noon. Kundi isa ka paring mabuting kaibigan ko na itinurin ko nang kapatid" dahil sa mga sinabi niya'y nakaramdam ako kaagad ng awa at kirot.
Kaagad ko siyang niyakap ng mahigpit, gusto ko lang. Sana pala hindi na bumalik ang alalala ko para makasama ko pa sila ng matagal lalo na si Noah. Kung pede ko lang ibalik yon, kung pede lang sana.
"Na-miss kita Alexa, alam kong hindi ko maalala ang lahat pero kaibigan parin kita. Hinding-hindi magbabago yon Alexa, salamat sa lahat" napangiti siya kaagad habang tumutulo nanaman ang luha nito kaya napangiti din ako at niyakap siya.
"Tara, pumasok na tayo"
"Tara" masayang sagot ko.
Nagpatuloy kami sa paglalakad. Napahinto ulit kami nung bumungad nanaman sa harapan namin ni Alexa ang isang babaeng maganda, sexy at medyo mataray siguro.
Ba't parang galit or naiinis siya??? May nagawa ba akong masama???
"Siya si Rhain, ang kontrabida sa buhay niyo ni Noah" napatango ako.
Kaya naman pala, siguro'y siya ang kontrabida sa buhay ni Naomi noon ano? Siguro'y ito ang pinaka-demonyong babae na nakilala ni Naomi sa buong buhay niya.
"You're Naomi? The childhood bestfriend of Noah???" kaagad na tanong nito kaya ngumiti din naman ako ng plastik na ngiti.
"Yes, why?" supladang sambit ko dito kaya napangisi siya.
"I can't believe, paano nangyari yon? I thought you're not! How did it happen?!" galit na sabi nito kaya napangisi ako kaagad.
"Is it because we live. Nangyari ang bagay na yon dahil nabuhay kami, hindi ka ba nag-iisip?" pag-pra-prangka ko dito kaya mas lalong pumangit ang tingin nito sa'kin.
"Of course I am. I'm not like you who always out of your mind!" napangisi ako at napatango-tango.
"I know, who cares. Tsaka kung ayaw mong nangyayari ang bagay na'to. Pede ka namang bumalik sa bwesit na planetang pinaggalingan mo. Free to live, Malaya kang gawin ang gusto mo. O kung ayaw mo, pumikit ka kasi. Para wala kang makita" suplada pang sagot ko dito, nainis ko siguro siya kaya nagulat ako nung subukan niya akong sampalin pero nahawakan ko ang kamay nito.
"Wag ako Rhain, hindi mo'ko masasaktan. Kung noon ay talunan ako pagdating sa'yo, hinding-hindi na ngayon. Iba ang isa at iba ako. Hinding-hindi mo'ko masasaktan, tandaan mo yan!"
Pagkasabi ko nun ay mabilis ko siyang binitawan at itinulak ang kamay papalayo sa'kin kaya medyo napalayo din ito.
Naglakad ulit kami ni Alexa hanggang sa maka-daan na din kami sa may canteen.
"Ms. Urrea! I mean Ms. Wright!" napalingon kami kaagad sa nagsalita mula sa likod namin.
Isang lalaking binata ang tumatakbo papunta sa'min. Naka-teacher ang suot niya at may dala-dalang libro. At sa mukha niya'y mukhang Chinese ito. Sino siya???
"Thank God at okay ka na din. I'm glad to know Naomi na bumalik ka na sa dati mong alalala. We didn't know about that thing that you're ill, kaya naman pala mabilis kang makalimot ng mga aralin natin at hindi magaling sa English HAHA but I'm glad your memories has been back. Thank you for all, mukhang hindi mo na kailangang magpaturo sa'kin. Heto ang mga libro, thanks for all the attentions" nakangiting pagpa-paliwanag niya sa'kin kaya tinanggap ko naman ang libro'ng yon.
"Salamat ho Sir Duke. Para saan ho 'tong libro? Bakit niyo po ibinigay sa'kin 'to?" nakangiting tanong ko sa kanya kaya napangiti din siya kaagad.
"Actually sa'yo naman talaga yan. Binili yan ng asawa mong si Noah para sa'yo. Tsaka tutor mo ako noon, si Noah Ang kumuha sa'kin dahil gusto niyang matuto ka mag-english at iba pa. Ganun ka ka-mahal ng asawa mo, gusto niyang makapag-aral ka ng mabuti" naisip ko naman kaagad si Noah.
Napaka-laki na pala ng sakripisyo na ginawa niya sa'kin. Sobra-sobra na ang tulong niya, paano ko ba siya mapapa-salamatan.
"Ahh, maraming salamat ho ulit" pagkatapos din nun ay umalis na siya at ka-sunod din kami.
"Noah!" nag-paalam ako sandali kay Alexa nung makita ko si Noah, yong asawa at kababata ko.
Dali-dali ko naman itong tumakbo papunta sa kanya. At napahinto din siya.
"Ano'ng kailangan mo?" suplado nitong tanong sa'kin. Nakikita ko parin sa mga mata niya ang pagka-lungkot nito. Pakiramdam kong napakasama ko, sinaktan ko lang siya, sinaktan ko Lang si Noah.
.
.
.
@nicoxx18

Komento sa Aklat (208)

  • avatar
    Kyle Patrick

    I like it hehe

    26/01

      0
  • avatar
    L. CampionJerick

    Good your story

    22/03/2025

      2
  • avatar
    ColocarJenny Rose

    very good apps

    10/02/2025

      1
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata