Chapter 92

Ang Asawa Kong Babaero
Chapter 92
KINABUKASAN
*Noah's PoV*
Bukas na yong competition namin sa math together with my co-grade level. I'm not sure na mananalo ako but I'm gonna do my best just to win this competition. Why? Because I want my wife to be proud of me, as her husband.
Alam kong andami kong pinag-gagawan'g kasalanan na hindi niya nagustuhan.(syempre may kasalanan bang nagugustuhan??? MîssYôûng talaga). Alam kong napakarami na ng atraso ko sa kanya but I wanna pay all her sacrifices and her patience that she had experienced. Gusto kong lahat ng yon bayaran in a simple way, that's why I'm gonna do my best. I will.
Heto na kami nagbibiyahe ulit papuntang school. Hindi ako papasok ngayon, lahat ng mga participants ng math challenge ay hindi papasok sa kanya-kanyang section/room nila kundi papasok kami sa iisang study room. Mag-aaral pa naman kami, pero last day na ito.
Kasama ko si Naomi ngayon at pareho kaming nasa passenger seat. Masaya ako, kasi palaging nasa tabi ko siya.
PAGDATING namin sa school ay parehas lang din ng ginagawa namin noon na ipa-park yong kotse sa parking lot tapos aalis para pumasok sa kaloob-looban ng school.
Agad ko nang hinawakan ang kamay nitong asawa ko. Napangiti siya sa ginawa ko sabay tumingin sa'kin, ang ganda ng asawa ko Diba? Amabit-bait pa.
*Naomi's PoV*
"Ihahatid na kita sa room natin, wag kang magpapasaway sa mga Teachers doon huh. Wag mo ding aawayin yong mga estudyante or classmates natin doon. Kapag inaapi ka, lumapit ka lang sa mga kaibigan ko dahil tutulungan ka nila. Tsaka palagi ka lang sumama kay Alexa okay? Wag na wag ka ding magpapa-gutom, tandaan mong mahal na mahal kita kahit ano pang sabihin nila. Naintindihan mo ba hmm???" may pag-aalalang sabi nito sa'kin kaya medyo natatawa ako pero mas nana-naig pa din ang kasiyahan ko.
Napatango naman ako kaagad habang nakangiti kaya tumango din siya kaagad sa harapan ko.
"Ang corny mo naman eh hehe, para naman akong bata nito" kinikilig kong sambit sa kanya kaya napangisi siya sa sinabi ko.
"HAHA and now tell me, ano'ng meaning ng corny?" natahimik ako kaagad sa sinabi niya. Mukhang nawala yong ngiti sa mukha ko. Nakakainis talaga tong lalaking'to tsk.
"Hehe diko alam" pa-cute na sabi ko na nagbabaka-sakali'ng hindi siya mainis sa'kin Ngunit napangisi lang din ito na parang natatawa sa'kin.
"At bakit mo naman nasabi yon hmm?" mahinang tanong niya sa'kin kaya napa-isip ako.
"Ahh hehe kasi palaging yon ang sinasabi ng mga babae pag nag-uusap sila ng ganun sa mga jowa nila ahihi" kilig at pa-cute na sagot ko kaya napangiti naman kaagad si Noah habang lumilitaw yong magkabilang mga dimpol niya hehe.
Pakening watta taps hangkyut niya hihi.
"Kaya mahal na mahal kita eh" sabay kurot sa pisngi ko.
"Okay tara na"
Naglakad na nga kaming magka-hawak ang kamay. Halos lahat ng mga dinadaanan naming lugar ay may mga estudyante at lahat din sila nakatingin sa'min dalawa ni Noah ngayon.
Hindi sila makapaniwala sa mga nakikita nila at noong mga nakaraang araw ding magkasama kami ni Noah ay ganito din sila makatingin samin, hmp bahala na sila!
Agad akong napa-hawak ng mahigpit kay Noah nung bumungad kaagad sa harapan namin ang naglalakad na si Sir Duke. Palapit siya sa'min ngayon habang magka-harap kaming naglalakad.
Nung tumapat siya sa linya namin ay tumingin siya ng kaunti sa'kin kaya napatingin din naman ako, pero kaagad din Naman akong umalis ng tingin. Mahirap na baka kulitin nanaman ako mamaya sa opis niya.
Pagkatapos din nun ay mas lalo pa akong nagulat sa mga nakita ko. Lahat nalang ba ng mga taong iniiwasan ko sa buhay ko'y madadaanan namin ngayon ni Noah dito sa Daan na'to? Hayyysst nakakainis.
Nakita ko nanaman ang pagmumukha ni Rhain. Ang sarap ibalibag, ang sarap din itulak sa gitna ng kalsada sabay *BOGSH* ayun patay!
Heto na, malapit na kami. Umayyy yong reaksiyon niya parang galit ah. Ang sarap talagang ibalibag.
"Wag mo siyang intindihin, just look straight" nakangiting payo nitong si Noah sa'kin kaya ginantihan ko na din siya ng ngiti.
"S-sige" sagot ko kaya nung mapadaan kami sa daan'g yon ay nandoon sila sa gilid at nakaupo sila sa mahabang upuan. Bawat gilid kasi ay may tig-iisa-isang upuan na mahaba na pedeng upuan ng mga estudyante.
Nung tumapat kami dito'y hindi ko ibinaling kelan man Ang mga mata ko sa kinaroroonan nila. Tinungo lang namin ng diretso yong daan na walang tingin-tungin sa paligid. Mahirap na, baka magka-gulo nanaman.
"Nandito na tayo sa room, aalis na'ko. Mag-iingat ka dito okay? Bye"
"Ba-bye!" pagkasabi niya nun ay umalis na din siya. Sinundan ko na lamang ito ng tingin sabay dumiretso sa loob.
*Noah's PoV*
Pumasok na'ko sa study room, bali kailangan'g lima kami ngayon plus yong si Wang na magtuturo sa'min pero kulang pa kami ng mga dalawa. Mga late comers siguro Yong iba.
Pagpasok na pagpasok ko ay kaagad bumungad sa harapan ko si Duke. Linampasan ko lang siya at naupo sa sarili kong upuan.
"Hindi maipaliawanag ang saya mo ngayon Mr. Patterson" unang bungad nito sakin kaya napangisi ako.
"Hindi nga, mahirap ipaliwanag" sagot ko dito kaya napangisi ulit siya sabay tango.
"Sinabi ko sa kanya na gustong-gusto ko siya kahit estudyante ko siya, pero sinagot niya'ko ng salamat. Mahirap yon pero tinanggap ko sa kalooban ko, tinanggap ko na ikaw ang mahal niya at hindi ako dahil yon naman talaga yong totoo. Napaka-swerte mo naman, nagawa kang mahalin ng isang babaeng katulad niya kahit ganyan ang ugali mo Mr. Patterson, nakaka-inggit ka" natahimik ako sa sinabi niya. Hindi ako makapagsalita, hindi ko alam kung ano ang isa-sagot ko sa kanya. Ano nga ba??? Wala akong ideya.
Napa-buntong hininga na lamang ako at maya-maya pa'y nakapag-isip-isip na'ko.
"Mahal ko siya Duke, walang tatalo sa nagmamahalan ng tao kapag matibay ang tiwala niyo sa Isa't-isa" pinagmamalaki kong sagot kay Duke, mas lalo ko lang nasasaktan si Duke pero hindi ko siya matutulungan, hindi ko kayang mawala si Naomi sa'kin dahil siya lang ang mahal ko. She's the only source of my happiness.
"Pero naniniwala ka ba sa isang kasabihan Mr. Patterson? Na isang araw, iisa sa inyo ang bibitaw. Iisa sa inyo ang mapapagod na mahalin ang isa't-isa. At kung si Naomi man ang taong yon, kukunin ko siya mula sa'yo. Maghihintay ako sa tamang panahon hanggang sa mai-baling na niya ang atensiyon niya sa'kin. Payag ka ba Mr. Patterson?" nainis ako sa sinabi niya pero hindi ko pedeng pairalin yan ngayon. Kailangan kong makapag-concentrate para bukas. Dapat hindi ko na siya intindihin pa.
"Wala nang tamang oras, nasa amin na ang tamang oras na yon" pang-aasar ko dito kaya napangisi siya kaagad.
"Well, hindi tayo nakaka-siguro dyan. Good luck for tomorrow Mr. Patterson. Sana makalaban pa kita sa final competition" nakangiting saad nito sabay alis sa harapan ko.
Talagang lalaking yon, hayyyyyyy.
.
.
.
@nicoxx18

Komento sa Aklat (208)

  • avatar
    Kyle Patrick

    I like it hehe

    26/01

      0
  • avatar
    L. CampionJerick

    Good your story

    22/03/2025

      2
  • avatar
    ColocarJenny Rose

    very good apps

    10/02/2025

      1
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata