Chapter 78

Ang Asawa Kong Babaero
Chapter 78
*Naomi's PoV*
Maaga akong umuwi dito sa bahay namin kasi nga diba sinabi sa'kin ni Noah na pupunta dito ang mga kaibigan niya kaya kailangan kong maghanda diba hehe?
Grabe sobrang saya ko naman ngayon, first taym kong maka-usap si Noah Simula nung mga araw na magbago siya at iwan ako at lumingon kay Rhain. Hayyyyyyy sana mag-tuloy-tuloy na ang pagka-usap niya sa'kin, sana maging okay na din na kami.
Masaya akong nagluluto dito sa kusina namin ng iba't-ibang pagkain katulad ng espageti (spaghetti) adobo, caldireta at iba pa. Kailangan na nakangiti lang ako palagi sa tuwing nagluluto ako kahit may kaunti akong problema. Kasi kapag hindi ako ngumiti, hindi sasarap ang pagkain na niluluto ko.
Kaya andito ako ngayon sa kusina todo ngiti at sayaw habang naka-subsob ang atensiyon ko sa pagkain na niluluto ko.
Hindi ko maiwasang mapangiti sa tuwing naaalala ko ang nangyari kanina sa'min ni Noah sa lacker. Kaya bilang gantimapala CHARROT basta magluluto ako ng masarap hmmm.
"Hayyyyyyy" mahinang sambit ko sa harapan ng niluluto ko matapos ko itong singhutin gamit ang ilong ko.
"Okay na okay na'to" nakangiting sabi ko pa sa pagkain na yon sabay i-hain na.
BANDANG alas siyete na ng gabi nung mga oras na yon na nararamdaman ko na ang pagdating nila dito. Kaagad kong narinig ang mga bakas ng paa at ingay nila na nagmumula sa labas na naging dahilan ng pag-ngiti ko.
Mas lalo akong nakaramdam ng pagka-sabik nung mapagtanto kong sila na nga ang mga taong yon na papalapit na dito sa condo namin.
Owemje nandito na sila!!!!!
Pag-bukas na pag-bukas ko ng pinto ay kaagad na akong napangiti habang nagsasalita pero agad ko ding itong ini-hinto.
"Maganda------" napahinto ako kaagad nung makita ko sikang lahat.
Yon ang dahilan ng matinding pagka-lungkot ko dahil sa mga nakita ko sa kanila.
Akala ko kasing sila lang ng mga kaibigan ni Noah ang pupunta dito pero pati din pala 'tong mga pokpok na babaeng 'to ang pupunta rin dito at ang pinaka-masaklap don ay bakit si Rhain din ay nandito? Ano nanaman ba ang plano nila sa'kin? Gusto nanaman ba nila akong wasakin?
Gusto nanaman ba nila akong saktan? Durugin ang puso ko at iparamdam na nag-iisa lang ako dito at walang kakampi??? Sana nalang kasi ay hindi na'ko umasa pa na magkaka-ayos kami ni Noah, sana hindi na'ko umasa na magiging masaya ako ngayong gabi kasi ngayon palang ay napakatindi na ng lungkot ang dinaramdam ko Simula palang nung makita ko silang lahat.
Sina Elmo, Bradley, Tyrone at Kurt na katabi nila ang tig-isa-isang mga babae para sa kanila at habang naka-hawak din sila sa mga beywang nito. At si Noah at Rhain na magkatabi din habang magka-hawak ang mga kamay nila. Sobrang nasasaktan ako ngayon, sana'y hindi na lamang ako umuwi dito para magluto ng mga pagkain para sa kanila. Sana doon nalang muna ako natulog kena Alexa. Grabe nakaka-selos at lungkot, parang gusto ko nang mamamatay huhuhu.
"Hi Naomi, papasok na kami huh?" nakangiting bungad sa'kin ni Elmo habang ako ang nasa harapan nilang lahat na hinaharang sila. Medyo napa-tigil kasi ako nung malaman kung hindi lang Pala sila ang pupunta dito.
"Ah s-sige" tipid na sabi ko kahit nasasaktan na'ko pero hindi ko lang yon ipinahahalata sa kanila.
Pagkatapos kong sabihin nun ay tumabi na'ko sa gilid ng pintuan at nagsipasok na nga sila.
*Noah's PoV*
"I didn't know about this thing na nasa isang bubong pala kayo ni Naomi, tell me the truth Noah...kelan pa nagsimula 'to?" naiinis na tanong sa'kin ni Rhain nung maka-upo na ako at inililibot niya ang paningin niya sa paligid habang nakatayo.
"When the day that we became couple" Ingles na sagot ko sa kanya pero naka-tuon parin ang tingin niya sa paligid.
"Bakit hindi mo na siya pa-alisin ngayon? Total wala naman na kayong relasyon sa isa't-isa, ba't hindi mo na siya palayasin¿" medyo inis pa na sambit nito sa'kin kaya agad na'kong napa-iling.
"I won't, wala siyang matutuluyan. She's a poor one" diretso'ng sagot ko sa kanya kaya marahan siyang napatango-tango.
"Hmm...so did you ever did something wrong during spending your whole life with her?" pagtatanong pa nito gamit din ang interesadong tinig nito.
"We didn't, never" pagsisinungaling ko sa kanya kaya napangiti siya kaagad sabay na umupo sa kabilang heta ko.
"Good" tipid na sambit nito sa'kin kaya agad nanaman niya akong hinalikan without asking a permission. Hindi na'ko nag-alangan na sagutin ang bawat halik niya, sanay na ako don. Sanay na sanay.
*Naomi's PoV*
"Naomi bigyan mo nga ako dito ng isang fries! yong chezzy lang huh!" sigaw ng isang babae na ka-parkner (partner) ni Bradley sa lampungan.
"Sandali lang po! Andyan na!" sigaw din na sagot ko sabay lakad na papunta sa salas at para i-lapag sa mesa ang rekwest niya.
"Ayy ano yan? Hindi ba't sinabi kong chezzy?! Ibalik mo, ayusin mo kasi yong pagkaka-gawa!" inis na sabi ng babaeng yon.
Naiinis na'ko, hindi naman ako tumuloy sa pamamahay na ito para maging isang utusan lamang. Hindi ko naman pinangarap na maging isang Yaya at kung mangyayari man ay sa mismong asawa ko lamang yon gagawin!
"P-pasensya na po, hindi naman po kasi ako marunong gumawa ng frays (fries) na yan eh" paliwanag ko dito kaya agad namang napangisi tong babaeng maganda pero asal kalye ang ugali.
"What? Ano ba naman yan Naomi. You're a maid here pero hindi ka marunong gumawa nyan?! Such a weird person you are!" inis na sigaw niya sa'kin kaya halos silang lahat ay napatingin sila sa'kin.
Sandali naman din akong napatingin sa direksiyon kung saan nandun sina Noah at Rhain na nagbabaka-sakali'ng nakatingin din sila sa'kin ngayon pero mali ang hinala ko, naghahalikan parin sila hanggang ngayon at yon ang dahilan kung bakit mas lumalala ang lungkot na nararamdaman ko.
"P-pasensya na po talaga" mahinang pagkakasabi ko kaya agad ko ding kinuha sa mesa yong ginawa kong frays at lumakad na.
"Oyy Naomi idala mo na din dito yong isa pang beer huh!"
"Naomi paki-abot din naman sa'kin yong isang potato may gagawin lang ako!"
"Naomi paki-bilis naman ng gawain mo, ang bagal mong kumilos eh"
Sigawan nila sa'kin sa likuran ko kaya napa-buntong hininga na lamang ako nung makapasok ako ng kusina.
Tinatad-tad ako ng mga utos nila, maka-utos sila napaka-wagas naman na yata siguro yon. Sumusubra naman na sila, ganun ba talaga ang tingin nila sa'kin? Napaka-baba naman ng tingin nila sa isang katulad ko.
Pumasok na nga ako ng kusina at ginawa na ang inuutos nila sa'kin. Kaya nung matapos naman na ako sa ginagawa ko ay aalis na ulit sana ako nung agad kong makasalubong si Elmo sa daan.
"E-Elmo?" utal na tanong ko sa pangalan niya.
"Kumusta ka na Naomi?" Nakangiting bungad nito sa'kin kaya agad akong napangiti.
"O-okay lang n-naman" utal-utal na sagot ko kay Elmo kaya napangiti naman siya.
"Pasensya na sa mga nakikita mo ngayon, pasensya na talaga" mahinang pagso-sorry ni Elmo Sakin.
"W-wala sa'kin yon Elmo, tungkulin ko na atupagin ang mga bisita. Bakit nandito ka pala?" sabi ko dito habang nakangiti at nakatingin sa kanya.
"W-wala lang, nangangamusta lang naman" nakangiting sagot niya kaya napatango ako kaagad.
"Ganun ba? S-sige aalis na ako" pagkasabi ko nun ay aalis na nga sana ako nung pigilan nanaman ako ni Elmo gamit ang mga salita niya.
"Ah Naomi"
"Bakit Elmo?" nagtatakang ko sa kanya.
"S-sana mapatawad mo si Noah sa ginagawa niya ngayon. M-may dahilan siya kung bakit niya ginagawa ang bagay na yon, sana maintindihan mo siya" mahinang sambit nito sa'kin at agad lang naman akong napangiti.
Hindi ko na siya sinagot pa at umalis na'ko sa kusina para makapunta na ulit sa salas.
"Naomi pakibilisan naman oh! Nandito pa yong iba!"
"Oyy Naomi gawa ka ulit ng fries! Damihan mo lang huh!"
"Hoyy paki-kuha nga ng isang bote ng wine doon sa ref. bilisan mo lang"
"Sige na Naomi punasan mo muna 'to, ang dumi kasi oh!"
"Ano ba yan ang bagal bagal kumilos, bilisan mo nga!"
"Hoyy Naomi paki-on na din yang sound system natin para mas lalong astig"
"Tsaka Naomi bilhan mo na din ako ng limang piraso ng sigarilyo sa labas, Salamat"
"NAOMI ano ba kanina pa yong order ko ba't hindi pa nasa'kin?!"
.
.
.
@nicoxx18

Komento sa Aklat (208)

  • avatar
    Kyle Patrick

    I like it hehe

    26/01

      0
  • avatar
    L. CampionJerick

    Good your story

    22/03/2025

      2
  • avatar
    ColocarJenny Rose

    very good apps

    10/02/2025

      1
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata