Chapter 65

Ang Asawa Kong Babaero
Chapter 65
*Naomi's PoV*
"Teka lang mga bata, napapagod na'ko eh" hingal na sabi ko sa kanila nung makatigil ako sa kaka-takbo.
"Laro ulit tayo Miss Dora" ani ng isang batang babae na hinahawakan ngayon ang kamay ko.
"Sige lang muna bata, mamaya nalang ulit ako sasali... magpapahinga lang ako sandali huh?" sagot ko sa kanya kaya agad na siyang napatango sabay ngiti at tumakbo na papunta sa ibang mga kalaro niya.
Sandali naman akong napatingin sa direksiyon kung saan nakaupo si Noah. Mukhang busy yata ang lalaking 'to.
Napangiti na lamang ako at tumingin sa kabilang daan.
Saan ko kaya makikita si Dora??? Nasa presento pa kaya siya? Hindi ko na kasi napapanood sa telebisyon ang nangyayari tungkol sa kanya. Ewan ko, basta hindi na siya madalas ipabalas eh.
Nakalaya na kaya siya? Mabuti pa si Jalibe (Jollibee) ay nandito na. Sabagay e hindi naman siya na-kulong. Si Dora lang naman.
Naglakad-lakad muna ako habang inililibot ko ang paningin ko sa buong lugar na iyon. Napangiti ako sandali sa direksiyon ni Noah.
"Maiwan muna kita Noah, babalik din ako kaagad" nakangiting sabi ko sa direksiyon na kinauupuan niya at naglakad na ulit ako papalayo.
Habang naglalakad ako, may naka-agaw ng atensiyon ko na naging dahilan kung bakit mas lalo akong nagulat at naguluhan sa mga nakita ko.
"Siya???" hindi makapaniwalang tanong ko sa nakita ko habang tumatalim ang paningin ko sa pinapanood kong babae ngayon.
Hindi ako magkakamali, alam kong siya yon! Siya yon yong nakita ko!
(sino ba kasi 'yan Naomi? puro ka siya yon! siya yon! tsk)
*Noah's PoV*
"Yes Dad we will" seryosong sagot ko sa kabilang linya na kausap ko ngayon.
Tumawag kasi sa'kin si Dad at nangangamusta sila nina mom sa'min ni Naomi kaya sinabi kong okay na okay lang kami at nandito kami sa park namamasyal. Bibilhan ko na din siya ng mga bagong gamit sa school para hindi naman na siya mag-mu-mukhang kawawa nyan.
Bukod sa lumang-luma na nga yong bag niya, maging yong sapatos pa ba kaya? Tsaka pagagawan ko na din ng school uniform ang asawa ko, para namang mag-mu-mukhang Barbie siya.
Pagkatapos din ng pag-uusap namin ni Dad ay kaagad ko nang ibinaba yong phone ko at tumayo na para ilagay ulit sa bulsa ko ang phone ko.
Lilingon na sana ako sa direksiyon kung saan naglalaro kanina sina Naomi nung makita ko na mga bata nalang ang nandoon. Hindi ko na nakita si Naomi at kahit saan ko ilibot ang paningin ko ay wala parin akong nakikitang anino niya.
Nasaan na kaya siya? Saan naman siya nagpunta???
Dali-dali na akong naglakad para lapitan yong mga bata at tanungin kung saan nagpunta ang asawa ko.
Medyo nag-aalala na kasi ako at wala akong ni isang ideya kung saan siya ngayon nagtungo. Ano ba kasing pumasok sa kukuti niya at naisipan niyang umalis? Bakit hindi Muna siya nagpa-alam sa'kin o sumigaw man lang kung saan ang punta niya ngayon? Hayyysst naku naman Naomi pinag-aalala mo'ko eh!
"Hey kid, nakita mo ba yong babaeng kalaro niyo dito kanina? Yong babaeng maganda pero mukhang childish???" Interesadong tanong ko sa batang babae kaya agad naman siyang nagturo sa kabilang daan na yon na katapat ng park.
"Nakita ko po siya na pumunta don" pagtuturo niya kaya agad na din akong napatingin sa itinuturo niya.
"Thanks" tipid na pagpapasalamat ko sa batang yon at tumakbo na ako kaagad sa kabilang daan na sinasabi niya.
Nung maka-tawid ako sa kalsadang yon ay marami akong nakikitang tao na dumadaan sa lugar na yon.
Napakarami, sobra. Paano ko hahanapin si Naomi eh kahit saan ako magpupunta e napakarami'ng tao at hindi ko halos mga babae. Paano ko mahahanap ang babaeng yon? Saan ba kasi siya nagpunta?!
"Naomi! Naomi!" pagsisisgaw ko sa harapan ng maraming tao pero ni isang tao ay walang lumilingon sa direksiyon ko.
"Naomi!" sigaw ko pa pero mukhang mga bingi yata ang mga taong 'to.
Nagtatakbo ulit ako papalapit sa mga babaeng nakikita ko na halos ka-height lang ni Naomi.
"Naomi?" agad ko nang hinawakan ang braso ng babaeng nilapitan ko pero nagka-mali ako, hindi ito si Naomi.
"Sorry" mahinang pag-papaumanhin ko sa babaeng hinawakan ko at umalis na ulit ako sa direksiyon na yon.
Nagmadali nanaman akong naglakad para hanapin si Naomi.
"Hey, I'm looking for my wife. She isn't totally tall but her hair is color hazelnut and she's a smiling girl, did you ever see her?" interesadong tanong ko sa matandang babae na naglalakad din sa daan na yon.
"Pasensya na, hindi" napatango na lamang ako at binitawan na din ito.
Sandali na lamang akong napa-tigil ng kaka-lakad nung makita ko ang isang babaeng nakatayo habang may pinagkaka-abalahan'ng tingnan sa kabilang daan na yon.
Alam kong siya yon! Hindi ako magkakamali.
Nagmadali ulit akong naglakad papunta sa direksiyon niya hanggang sa hawakan ko na ang magkabilang braso nito.
"N-Noah?" nagtatakang tanong nito sa'kin kaya agad ko siyang tiningnan ng matalim na tingin.
"Saan ka ba nagpupunta?! Alam mo bang kanina pa kita hinahanap huh?! Ano bang pina-plano mo?!" galit na tanong ko sa asawa ko pero napa-iling lang ito kaagad.
"M-may umagaw kasi ng atensiyon ko, Noah" mahinang sagot niya sa'kin na naging dahilan ng pag-gulo ng pag-iisip ko.
"Umagaw ng atensiyon??? Ano'ng ibig sabihin mo? Alam mo ba ang sinasabi mo, Naomi?" tanong ko pa dito at kaagad itong tumango.
"Y-yong napanaginipan ko kasi nung isang araw at tsaka yong humahabol sa'kin noon, n-nakita ko siya ngayon."
"WHAT?!" Hindi makapaniwalang tanong ko sa kanya.
"Totoo ang sinasabi ko Noah, hindi ako magkaka-mali sa nakita ko kanina. Kamukhang-kamukha niya yong babaeng nasa panaginip ko, at yong mga taong humabol sa'kin nun Noah" agad namang bumaba yong kilay ko.
Ganito ang ginagawa ng kilay ko sa tuwing nakakarinig ako ng mga bagay na hindi kapani-paniwala.
Oo sinabi sa'kin ni Naomi na nanaginip siya tungkol sa isang matandang babae na nasa tabihan ng kinahihigaan niya nung mga araw na yon pero hindi ako naniniwala sa sinasabi niya ngayon. Napaka-imposible para sa'kin yon.
"I don't believe you, Naomi. Baka namamalik-mata ka lang at tsaka baka mali lang ang nakita mo." paliwanag ko dito.
"Hindi, hindi ako namamalik-mata. Totoo ang nakita ko" ayaw niyang magpatalo kaya bumuntong-hininga na lamang ako.
"Mas mabuti pang kumain na muna tayo para hindi ka na magkaganyan. Alam kong gutom ka lang" sambit ko dito sabay hawak ng kamay niya.
"P-pero Noah hindi ako nagsisi---"
"Halika na" pagpu-putol ko sa sinasabi niya kaya hindi na ito kaagad nagsalita.
_____________________________________
*Others PoV*
My eyes are already tired of watching them from here inside of my car. I can't take this anymore! I'm already tired seeing him happy with his new one!
Bakit siya pa ang ipinalit sa'kin? Bakit yang tanga at bobo'ng Naomi pa ang ipinalit niya sa'kin? Bakit hindi pede kay Noah ang ibalik ulit namin ang lahat sa dati? Mahirap bang gawin yon? It doesn't hard right?!
"ARRGHHH!!!" I shouted while my tears are slowly falling down.
I need something to do to get Noah back! Kailangan may gawin ako upang mapa-balik ulit sa'kin si Noah! Dapat mabawi ko ulit siya sa lalong madaling panahon!!!
I need him! I need him to make my life will be in a good way again. I need to be with him again because I still love him! I still!
"How could you do this to me huhuhuhu" I can't stop crying a lot here from my car while seeing them walking away!
Masyado akong nalulungkot para sa nangyari sa'min ni Noah. Bakit ganito ang nangyari sa'min ni Noah? Bakit nagka-hiwalay kami kaagad? Bakit pareho naming hindi iningatan ang isa't-isa? Bakit?!!!
Sandali akong napa-subsob sa monobela ng kotse ko at doon nag-iiyak.
Mahigit limang minuto kong ilinabas ang galit na nagmula sa puso ko pero bigla nalang itong napa-tigil nung may kaagad akong naisip.
I know what to do!!!
Napangiti ako kaagad dahil sa bagay na naisip ko.
Finally! I already found something on my mind!
Alam ko na ang gagawin ko para makabalik si Noah sa'kin at maging masaya na ulit kaming mag-kasintahan!
I knoooow! I know what to do.
Hmm... let's see kung hindi ka parin mapapa-sa'kin ngayon Noah. Humanda ka sa gagawin ko, alam kong magkaka-gulo din kayo ni Naomi at maghihiwalay!!!
HAHAHA I'm so brilliant!
Just be ready the two of you, bitch couple! Maghihiwalay din kayo! HAHAHAHA.
.
.
.
@nicoxx18

Komento sa Aklat (208)

  • avatar
    Kyle Patrick

    I like it hehe

    26/01

      0
  • avatar
    L. CampionJerick

    Good your story

    22/03/2025

      2
  • avatar
    ColocarJenny Rose

    very good apps

    10/02/2025

      1
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata