Homepage/Ang Asawa Kong Babaero/
Ang Asawa Kong Babaero
Chapter 6
Ang Asawa Kong Babaero
Chapter 6
*Noah's PoV*
KINABUKASAN
Ang sikat ng araw ang tanging gumising sa‘kin. Nasilayan ko mula sa kama na kinahihigaan ko ang isang babae na ngayon ay katabi ko.
Kinusot-kusot ko ang magkabilang mga mata ko kung talagang totoo nga ba ang nakikita ko o nananaginip lang ba ako? Teka ano'ng nangyari?
Nong mapagtanto kong totoo pala iyon ay kaagad na akong napabalikwas ng bangon habang hindi pa rin makapaniwala sa nakikita ko ngayon. Naalala kong nagpunta pala kami sa bar ng mga kaibigan ko at ini-uwi ako ang babaeng 'to dito sa motel.
Hayystt oo nga pala, akala ko ako lang na mag-isa ang nagpunta doon. Nagsama pala ako ng mga asungot kong mga kaibigan.
Agad naman akong napatingin sa relo ko at nagulat na lamang ako nong makita kong pasado alas siyete na pala.
“Baby, where's my clothes?” malambing panggigising ko sa kanya mula sa kama.
Marahan naman niyang ibinukas ang mga mata niya sabay din ito kusutin.
“You’re leaving? Why?” malungkot na tanong nito habang iniaabot niya sa akin ‘yong mga damit ko.
Mabilis ko naman itong kinuha at isinuot na.
“Thanks, I really need to go.” sabi ko kaya napabuntong-hininga ulit siya.
“But baby..”
“I'm sorry, let's meet later,same place and same time.” sagot ko kaya't nagkunot-noo siya agad.
“O-okay?” hindi siya sure.
“Gotta go!”pamama-alam ko pa sa kanya.
“But Noah...”
Hindi ko na siya pinakinggan pa at nagpa-harurot na ako ng takbo ko papaalis ng condo niya. Paglabas na paglabas ko mula sa building na iyon ay dumiretso na ako sa kotse ko at nagmaneho na papunta ng school.
Lagot, late nanaman ako nito. Kapag may nakakita sa‘kin na nanggaling ako sa motel na‘to ay sigurado akong lagot kay papa. Baka kapag nalaman niya eh kalimutan niyo na ‘yong one month na pagkakataon ko na makipag-divorce kay Naomi.
Kailangan ko nang maka-alis sa residence na ito. Kinakailangan na hindi ako makita ng ibang mga kakilala ni Dad dito!
*Naomi's PoV*
Pagkatapos kong magkomyot (commute) ay nakarating na din ako sa school. Siguro nagtatanong kayo kung bakit alam ko kung ano ang ibig sabihin ng komyot noh?
Hehehe nagtanong kasi ako sa mamang driver, eh klos na kasi kami dahil palagi akong sumasakay sa kanya kaya minsan nag-uusap kami kapag nagbibiyahe kami papunta dito. Oo ganun kami ka-kolos.
Pumasok na ako sa loob ng school at naglakad na sa koridor habang naka-payong parin kahit may bubong naman na. Maulan kasi at baka tumulo sa'kin yong kaunting patak ng ulan na 'yon, ang lamig pa naman kaya mas mabuti nang nag-iingat ako.
Sa bahay nga kanina eh hindi ako naligo, shhh lang kayo. Pero atlis hindi ko kinakalimutan na hugasan ang, nivir maynd.
Naglakad pa ako, hangga't hindi pa ako nakakarating sa room namin ay maglalakad pa ako malamang.
“Mukhang nasisiraan na yata siya ng bait, eh nasa loob naman na siya pero bakit nakapayong parin? Hayystt ang babaeng ‘to talaga.”
“Oo nga napaka-weird niya, hindi ba niya naiisip man lang 'yon? Hahaha sa bagay wala siyang matino na pag-iisip remember?”
“Korek ka diyan gurl!” sabay apir.
Nadidinig kong bulungan nila habang dumadaan ako sa direksiyon nila. Pero dahil sa mabait ako’y ngini-ngitian ko na lamang sila ng nakapang-aasar pero mukhang napipikon nga sila sa ginagawa ko. Aba'y hindi ko na 'yon kasalanan.
Ganito palagi ang ginagawa ko sa kanila, iniinis ko sila pero kapag ako yong mainis nila, humanda nalang sila kasi lagot sila sa 'kin. Kahit rambulan go ako, akala nila kaya nila ako huh? Hindi!
Tingnan niyo na lang ang nangyari sa laybrari, hindi ba't nakaya kong patumbahin yong guard? Tsk ganon ako ka-strong woman!
“You're insane.”
Npahinto ako sa nagsalita sa harapan ko at bigla akong nakaramdam ng kaba. Dahil nga sa sobrang kaba ay nalaglag ko tuloy yong hawak-hawak kong payong.
“N-Noah?”
Iba yong hitsura niya ngayon ah, mukha siyang gumawa ng milagro na hindi natapos ewan ba. Pero teka mukhang galit siya, galit na galit?As in?
Agad niyang hinablot yong kamay ko at hinila nanaman ako papaalis ng koridor at dumiretso sa labas ng building hanggang sa mapadpad kami sa isang bakanteng laybrari. Himalang-himala at ang tahimik ah, wala sigurong tao dito.
Malamang kasi ang tahimik nga.
Isinandal niya ako malapit sa pader o dingding ng laybrari kaya nanlaki naman kaagad yong mga mata ko nong mas lalo ulit niyang inilapit yong mukha niya sa mukha ko.
Umiwas ako agad ng tingin dahil pakiramdam ko na hahalikan niya ako owemje! Pero ewan ko lang, sana nga halikan niya ako huhu.
Ganito ang mga nakikita ko sa palabas, sana ganito.
“Bakit hindi mo sinabi sa 'kin yong totoo?” unang bungad niya sa akin. Ano kaya ang pinagsasabi nito?
Naguguluhan ako sa sinasabi niya. Baka namamalik-mata lang siya, baka iba yong nahablot niya. Baka hindi talaga ako 'yon, baka yong ibang tao don sa koridor eh. Pramis! Wala talaga akong alam sa pinag-sasasabi niya.
“Yong alin ba?!” inis kong tanong sa kanya.
“Yong tungkol sa kasal! Bakit hindi mo sinabi kahapon na ako yong lalaking pinakasalan mo huh?! Bakit hindi ka nagtapat sa'kin?!”
Nanlaki agad iyong mga mata ko kaya't hindi ako nakapagsalita kaagad.
“H-hindi ko alam ang sinasabi mo No...”
“Liar! Sinabi sa‘kin kagabi ng mga parents ko na alam mo ang tungkol sa kasal bago ko pa malaman!” mas lalo akong nagulat, mukhang nagagalit na nga talaga siya. Kinakabahan na din ako baka patayin ako nito.
Help! Sambadi help!
“Eh g-gusto ko naman talagang sabihin iyon sa'yo kahapon kaso kuda ka ng kuda eh! Tsaka nakakahiya naman noh.” nakayuko kong sagot sa kanya at narinig ko siyang ngumisi ng marahan.
“At talagang marunong ka pang mahiya? Akala ko ba'y makapal yang mukha mo?” pang-aasar nito sa akin.
Agad ko namang hinawakan ang mukha ko gamit ng dalawa kong kamay. Makapal daw ang mukha ko? May ganun ba yon eh hindi naman ako libro eh. Tsaka hindi naman noh!
“B-bakit ba kasi? Bakit nagagalit ka sa 'kin eh hindi naman ako ang nagplano ng kasal noh! Ang pamilya mo iyon, dumadaan nga lang ako sa pinagkakapehan nila sa cope shap (coffee shop) tapos kinausap nalang nila ako bigla na kung gusto ko daw ikasal syempre sino ba naman ang hindi papayag sa isang lalaking guwapo at mayaman? Diba wala?tsk.”
Inis na paliwanag ko kaya napangisi agad siya sa harapan ko.
“Coffee shop? Dumadaan ka lang? Kinausap ka? May ganon?” naguguluhan niyang tanong kaya't napatango naman ako agad.
“Oo may ganon noh! Tigilan mo na nga ako sa kakatanong mong 'yan. Galit na galit gustong manakit pake ko ba!” matapang kong sagot pero hindi ko rin akalain na praprangkahin niya din ako.
“Because I don't want you to be my wife! I don't like you! You're such a dull! Baka hindi pa umabot yong one month ay magka-demandahan na tayong dalawa. The heck Naomi! Paano tayo naging ganito? I don't love you!”
Napapa-pikit lang yong dalawa kong mata sa tuwing nilalakasan niya yong boses niya sa 'kin. Baka daw magka-demandahan kami? Hala bakit niya naman ako ipapa-demenda? Wala naman akong ginagawang masama sa kanya ah.
“I-ipapa-demanda mo ako?” interesado kong tanong dito sa kanya sabay lapit ng mukha ko sa kanya.
“Malapit na!”
“Ayaw kong mai-demanda.” lakas loob na sambit ko sa kanya.
*Noah's PoV*
Napangisi nalang ako sa sinagot niya. Hindi ko na kaya pang intindihin ang babaeng 'to. Masyado na akong nakukulitan dito!
“Bakit ko napakasalan ang isang babaeng bob* at tang* na katulad mo? Bakit ikaw pa? Hayystt sana pala hindi na ako umuwi dito para hindi kita makilala at napakasalan!” sising-sisi kong paliwanag sa kanya.
*Naomi's PoV*
Hanggang ngayon nasa tono parin ang galit nito. Ako naman chill lang, pero nakayuko ang ulo ko sa harapan niya mahirap na baka halikan niya ako!
“Eh bakit hindi ka nalang bumalik don sa planetang pinanggalingan mo, tsk.”
Mahinang sabi ko kaya inilapit niya mas lalo yong mukha niya sa 'kin kaya mas lalo akong nagmukhang mongoloid.
“May sinasabi ka?”
Supladong tanong nito sa 'kin kaya nanlaki tuloy yong mata ko. Para akong maduduling na. Baka mamaya matanggal 'tong dalawa kong mga mata! Naku huhu please wag naman baka hindi na ako makakita pa! Gad! Hilp mi please!
“W-wala noh! Wala!”
Mahigit isang minuto ang nagdaan na hindi kami kumibo sa isa't-isa pero pagkatapos din non ay muling nagsalita na din siya.
“Dad will give us one month to fall for each other. If we don't, then it's good. We'll divorce.”
Suplado pang sabi niya sa'kin. Walang oras na hindi siya suplado, halos oras-oras na ata ito.
“P-puwede bang i-tagalog mo ng kaunti?”
Mahinang sabi ko kaya napa-buntong hininga siya.
“Fine, nakalimutan kong may kasama pala akong taga mars na hindi nakakaintindi ng English language.” korek.
Napangiti-ngiti na lang ako kaya hindi kalaunan ay ini-ekspleyn niya na din sa 'kin 'yon at hindi ko maiwasang mapatango ng tango.
“Do you get it? Nakuha mo na?”
Marahan akong napatango ulit habang nakangiti.
“Oo!”
“Galit ka?”
“Hondo!”
“Then gest lost!”
“A-anong git lus..”
“ALIS!”
“Ayy oo nga po pala hehe sorry sorry.”
“Kahit humingi ka ng paumanhin ay pangit ka pa rin.”
Aba'y hayuff 'to. Makatakbo na nga.
*Noah's PoV*
See? Para siyang si Dora na tumatakbo habang kumakain ng lollipop.
Kulang na nga lang at kumanta siya ng "tit tit tirit tit ti Dora! Tit tit tirit tit ti Dora! Dora dora dora dora! Dora the explorer!"
Diba? Grabe minsan nakakatawa ang babaeng 'yon, minsan din nakaka-badtrip at inis. Pero madalas nakaka-high blood siya.
Mukhang masisiraan na ako ng bait. Tulungan niyo po akong kausapin ang babaeng baliw, tanga at bobo na 'yon! Grabe ang dami ng pedeng i-tawag sa kanya.
Hayystt tsk iba talaga basta ganun. Para siyang robot na hindi nauubusan ng battery dahil sa sobrang likot nito. Para siyang special child.
mongolo*d siya oo alam ko yon.
.
.
.
nicoxx18 I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (208)
Share
Mga Kaugnay na Kabanata
Mga Pinakabagong Kabanata
I like it hehe
26/01
0Good your story
22/03/2025
2very good apps
10/02/2025
1Tingnan Lahat