Homepage/Ang Asawa Kong Babaero/
Chapter 45
Ang Asawa Kong Babaero
Chapter 45
Noah's PoV*
I'm still waiting for her, nandito parin Ako sa malaki-laking kubo ng resort at hinihintay na pumunta ang asawa Kong si Naomi.
Ba't kasi ang tagal-tagal Niya? Mahigit kalahating minuto na akong naghihintay dito pero bakit wala parin siya??? Nasaan na kaya ang babae'ng yon? Ano nanaman kaya ang ginagawa nun? Tsk tsk tsk talaga naman eh!
*Naomi's PoV*
Hindi ko alam kung ano ang pakay ni Noah sakin, Hindi ko alam kung bakit pinapa-punta niya Ako sa kubo'ng yon. E katatapos palang kasi naming kumain at linigpit pa namin ng mama niya ang mga kutsara, plato, tinidor sabay hugas e, medyo nakakapagod mga pero okay lang kasi nakaka-enjoy din naman dahil palagi kaming magkausap ng mama ni Noah hehe.
Nandito na Ako sa malapit sa kubo'ng yon at natatanaw ko na ang nakatayong asawa ko habang nakatingin siya sa dagat.
Napangiti lamang Ako sa mga nakikita ko at nagpatuloy lang Ako sa paglalakad hanggang sa mapadpad na ako sa kubo at dahan-dahan ko narin'ng nilapitan si Noah.
"Woy!" singhal ko sa kanya dahilan ng pagka-gulat nito sa harapan ko.
*Noah's PoV*
"Ano ba! Papatayin Mo ba ako?!" inis na sigaw ko sa babae'ng kaharap ko ngayon.
Masyado kasi akong nagulat sa tricks niya. Hindi ko inaasahang ganito Pala ako kama-gulatin.
Nakita ko naman siyang napa-pout sabay kamot sa ulo niya. Marami yata ang kuto nito e. Todo kamot ng kamot sa ulo, hayyssst tsk!
"Don't do it again" inis na wika ko sa kanya kaya napatingin siya kaagad Sakin.
"Ano ba kasing sadya mo sakin?" agad na tanong niya dahilan ng pagka-gulat ko.
Medyo kinakabahan din kasi ako dahil iniisip ko kung paano ko pa sisimulan ang sasabihin ko? Baka kapag sinabi ko sa kanya ay biglang tumakbo ang babae'ng 'to o di kaya ay tanggihan ako.
E Hindi naman ako yong may pakana nun e, gusto ko lang sundin yong utos nina Dad sakin!
Hindi naman dahil gusto ko rin na mangyari ang bagay na yon pero ayuko lang talaga na susuwayin ko ang utos ng mga parents ko sakin, nakakahiya naman kena Dad tsaka kapag ginawa ko din yon, malay natin hindi na lumapit pa si Duke sa asawa ko, baka tantanan na niya si Naomi at hindi na ako magtanim pa ng galit sa kanila. Ayaw niyo ba yon? Mapapanatag na ang loob ko sa kanila kapag ginawa ko na ang bagay na yon? Ayaw niyo yon?
"Woy!"
Agad nanaman akong natauhan nung magsalita ulit si Naomi sa harapan ko sabay kaway-kaway ng kamay niya para mamulat ulit ako sa katotohanan.
"Okay ka lang ba Noah? Ano bang gusto mong sabihin Sakin huh?" nagtatakang tanong niya Sakin kaya medyo nakaramdam nanaman ako ng kaba.
"Busy ka ba?" Diretsong tanong ko sa Asawa ko. Medyo kumunot ang noo niya, siguro nag-iisip 'to kung ano nga ba ang pakay ko.
"Hindi, bakit?" agad na sagot nito.
"Ah eh kasi...ano kasi..."
"Ano ba yon? May problema ka ba Noah? Gusto mo bang tulungan kita? hmm?" nakangiting tanong niya Sakin kaya napangiti naman ako kaagad.
"Yes that's it! Alam Kong Ikaw lang ang maka-tutulong Sakin, pls help me!" Kinakabahan na sagot ko sa kanya.
"Ano'ng klasing tulong? Maganda ba yan?" Excited na tanong ulit nito Sakin kaya napangiti ako at tumango ng tumango.
"I don't know, pero alam Kong mag-e-enjoy ka honey" malambing na Saad ko sa kanya kaya tila nagulat siya at biglang napangiti.
"Talaga? Ano ba kasi yon? Sabihin mo na Noah at excited na ako! Pramis tutulungan talaga kita! Pramis!"
Nakangiti at excited na sagot niya sa harapan ko sabay pa taas ng kanang kamay niya na sign ng *promise*.
"Sigurado ka ba? Hindi ka ba aatras o tatanggi kapag nalaman mo na kung ano nga ba ang pakay ko huh?" Interesadong tanong ko sa asawa ko kaya napangiti naman Ito kaagad.
"Hindi, ba't naman kita tatakasan e asawa kita e...mahal kaya kita hehehe" nakangiting sagot nito kaya napangiti ako kaagad.
"Really? So papayag ka sa sasabihin ko? Papayag ka na, na tulungan ako???" Nakangiti at interesadong tanong ko sa kanya kaya napangiti siya kaagad at tumango.
"Oo naman, ano nga ba yon? Excited na akong malaman Noah" nakangiting bungad nito Sakin kaya napa-kagat labi naman ako kaagad.
"Okay okay I'm gonna tell you now, sana hindi mo ako tanggihan. Alam mo namang under ako ng mga parents ko, na kahit ano'ng i-utos nila ay kailangan kong sundin. Alam mo naman yon Diba? Diba?"
Medyo kinakabahan na talaga ako, nanginginig na ang mga tuhod ko, baka sampal ang una Kong matanggap, jusko po tulungan niyo naman ako!
"Alam ko yon Noah, naiintindihan kita. Sige na sabihin mo na sakin ngayon at pramis tutulungan talaga kita!"
Nakangiting wika nito Sakin kaya napangiti ako kaagad.
"Uhm, narinig mo naman siguro yong sinabi sa atin nina mom at dad kanina hindi ba?" Pagpapa-alala ko sa kanya kaya medyo natahimik siya at nag-isip.
"Yong alin nga ba? Hindi ko na matandaan e"
Napa-buntong hininga ulit ako ng malalim at tumingin sa kanya ng diretso at hinawakan ko ang magkabilang braso ng asawa ko.
"Let's make a baby tonight" diretso na sabi ko sa kanya
"ANO?!" Gulat na tanong nito sa'kin sabay niya i-alis ang mga kamay ko sa magkabilang braso niya at itinaboy ito.
*Naomi's PoV*
"Yes that's it! Ayuko nang ulit-ulitin pa ang sinabi ko! Please don't disappoint me! Papagalitan ako ni Dad!" Kinakabahan na singhal ni Noah Sakin kaya mas lalong nanlaki ang mga mata ko.
"Ayuko nga!!! Hindi ako papayag! Oo mag-asawa tayo pero hindi ibig sabihin nun na magagawa na natin ang bagay na yon! Malaking NO!"
*Noah's PoV*
Napangisi naman ako kaagad sa sinagot niya sa'kin.
Dapat siguro nilasing ko Muna ang babae'ng 'to para siya ang mang-ayat ng iyutan sa'min ah, mukhang mahihirapan ako dito e.
"Yes I know! Makapagsalita ka para Kang hindi nang-ayat ng iyutan sa'kin ah, tandaan mong gusto mo ring makipag-iyutan sa'kin asawa ko!" Inis na singhal ko sa kanya kaya napangisi naman kaagad ito.
"Oo sinabi ko yon kasi lasing ako nun! Tsaka hindi mo din naman ako pinagbigyan ah! Ba't naman kita pagbibigyan ngayon? Manigas yang junior mo!!! Hmp!"
Napatawa ako kaagad ng malakas dahil sa mga salitang narinig ko sa kanya. Mukhang hinahamon ako ng babae'ng 'to ah.
"Bakit asawa ko? Gusto mo bang pagbigyan ko ang hiling mo noon? Yong gusto mong magpa-angkin hmm? Gusto mo bang gawin ko yon sayo ngayon?" Nakapang-aasar na tanong ko sa kanya kaya napatawa din siya ng marahan.
"Utot mo! Hindi ako papayag Sayo! Hindi ako tanga na basta-basta nalang magpapadala sa sinabi mo! Ayuko nga!!!"
Napangisi ulit ako sabay tingin sa malayo at sandali pa din ay napatingin na din ako sa kanya sabay seryoso ng tingin.
"Then leave and never come back, maghiwalay na tayo at umalis ka na. Wala akong pakialam kung wala Kang puntahan, maghiwalay na tayo ngayon mismo at wag na wag ka nang babalik pa sakin!"
Seryoso na saad ko dahilan ng pagka-gulat niya sabay laki ng magkabilang mga mata nito.
"A-ano?" mahinang wika nito pero naka-kunot-noo ito kaya napangisi lang ako ng nakapang-aasar sabay tingin ng seryoso sa kanya.
"Yes I'm sure, ano papayag ka bang maghiwalay na tayo?" nakangiting tanong ko sa kanya kaya tila agad din itong natahimik.
"E---ikaw naman kasi e! Ba't mo ba ako pini-pilit sa hindi ko gusto?! Alam mo bang seryoso ang bagay na yan huh? Paano kung mabuntis mo ako?! Paano kung basta-basta mo nalang akong iwan?! Paano na ako? Sino na ang bubuhay sa'min ng anak ko?! Ayuko!!!"
Napangisi nanaman ako sa sinabi niya, napaka-advance niyang mag-isip.
"Naomi hindi ako tulad ng mga lalaking Kilala mo na basta-basta nalang tatakasan ang mga kasalanan'g pinag-gagawa nila. Kapag ako ang nang-alok sayo, wag Kang mag-alala...hindi naman kita tatakasan tsaka mag-asawa naman na tayo ah, ba't ka pa ba aayaw? Ito ba namang mukha ng napaka-gwapo mong asawa tatanggihan mo?? Tsk tsk tsk, alam mo bang maraming babae ang gustong mabuntis na ako ang ama? Swerte ka at ako ang nang-aalok sa'yo? tsk tsk tsk kakaiba ka talaga asawa ko"
Pang-iinis na wika ko sa kanya kaya napa-pout siya kaagad sabay kamot ulit sa ulo niya.
"H-hindi pa ako handa Noah, baka masakit! Baka magkasakit ako nito noh, wala pa akong karanasan dyan huhuhu maawa ka naman sa'kin"
"At sa tingin mo bang madali din para Sakin yon? Hindi ba't sinabi ko naman kasi Sayo na sinusunod ko lang ang utos ng mga parents ko? Tsaka mas mabuti ngang wala ka pang karanasan dyan kasi kapag Meron na, hinding-hindi ko yon gagawin sa'yo. Kasi gusto Kong ako ang ka-una-unahang maka-kuha ng virginity mo! Not the others! Ano ba hindi ka ba kasi papayag?! Sabihin mo na kasi at naiinip na ako sa kahihintay sa sagot mo!"
Inis na singhal ko sa kanya kaya napa-pout ulit siya.
"Paano kung a-ayaw ko parin?" Medyo utal-utal na tanong nito sa'kin dahilan ng pag-ngisi ko.
"I don't care" tipid na sagot ko.
"P-pero p-papaano kung gusto ko?" mahinang wika nito kaya marahan akong napatingin sa kanya.
"Gusto mo naman Pala e" pang-aasar ko dito.
"Hindi no! P-pero bakit ko nga ba tatanggihan ang asawa ko? Baka kapag nagka-anak tayo e baka mas lalong pumugi o gumanda ang anak natin Noah hehehe" nakangiti at excited na sabi nito kaya napangisi ako kaagad.
"Syempre maganda at gwapo yon, ako pa? Pero I'm hoping na hindi maging bobo at tanga ang anak natin pag ini-luwal mo na. Nakakahiya, baka matulad sa'yo" pang-aasar ko dito kaya napa-kamot ito kaagad sa ulo niya.
"Nakakainis ka! Pero alam kong mas lalong pupugi at gaganda ang anak natin Noah hehehe, pero...baka masakit, baka mahapdi, ayuko Pala!"
Napangisi nanaman ako, napaka-OA talaga ng asawa ko. Hindi ako makapaniwala sa pinag-uusapan namin ngayon.
"Trust me, parang kagat lang ng langgam sa umpisa, pero sa sunod ay sigurado akong mag-e-enjoy ka" nakangiting sagot ko sa asawa ko sabay kindat.
"Ehhh kasi naman e...Noah naman..."
"Ano ba kasi desisyon mo?! Sabihin mo na kasi!" Inis na singhal ko dito.
"Oo na! Oo na! Papayag na ako" napatingin ako kaagad sa kanya sabay ngiti.
"Sigurado ka? Hindi na magbabago yang isip mo? hmm asawa ko?" Malambing na wika ko kaya napa-pout ito kaagad.
"Oo na nga e! Siguraduhin mo lang na hindi masakit kasi kung masakit, yari nanaman yang junior mo!" Inis na singhal nito Sakin kaya napangisi ako sabay tango.
"Don't worry honey, sisiguraduhin kong ngayong gabi ang pinaka-hindi mo makakalimutang mangyayari sa buong buhay mo, just trust me... mag-e-enjoy ka" malambing na saad ko sa harapan nito sabay ulit kindat.
Hindi naman siya nakapagsalita at hinawakan ko na lamang ang kamay nito.
"Ready ka na ba honey?" pan-lalambing ko dito kaya napangiti siya kaagad.
Mukhang kumakagat nga ang babae'ng 'to.
"R-ready na" napangiti na lamang ako at hinila ko na siya papa-alis ng kubo na yon.
*Naomi's PoV*
Huhuhuhu!!! Iiyutin ako ng asawa ko! Humanda ka na Naomi, ihanda mo na yang sarili mo! Wag Kang papatalo pls!
Wag Kang mag-alala Naomi, masarap yan, mag-e-enjoy ka din, mararanasan mo na din ang ganitong kagandang bagay na mangyayari pa lamang sa buong buhay mo huhuhuhu!
Si Noah? Ako?...mag-iiyutan?
Ngayong gabi????
Ohmygaaaad!!!!
Huhuhu. Gagawa kami ng milagro!
Huhuhu!
.
.
.
@nicoxx18I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (208)
Share
Mga Kaugnay na Kabanata
Mga Pinakabagong Kabanata
I like it hehe
26/01
0Good your story
22/03/2025
2very good apps
10/02/2025
1Tingnan Lahat