Homepage/Ang Asawa Kong Babaero/
Ang Asawa Kong Babaero
Chapter 4
Ang Asawa Kong Babaero
Chapter 4
*Naomi's PoV*
“Noah saan ba nanaman tayo pupunta?” naguguluhan kong tanong sa kanya habang naglalakad kami ngunit walang Noah ang sumasagot sa tanong ko.
Hindi kaya may pagka-bingi siya kaya hindi niya ako magawang sagutin? Hala, baka pinasukan ng langgam ang tenga niya kaya hindi niya ako marinig!
“Hoy Noah! Naririnig mo ba ako!” pasigaw kong sambit sa kanya habang inilalapit ko ang bunganga ko sa tenga niya.
Napahinto naman ako kaagad nong mapahinto din siya.
“Don’t scream on me! Hindi ako bingi puwede ba?!” naiinis nitong sagot kaya't napahawak na lamang ako sa bibig ko.
Matapos iyon ay ipinagpatuloy ulit namin ang paglalakad. Wala talaga akong ideya kung saan niya ako dadalhin.
Pero sandali, baka sakaling sa pangatlong laybrari kami pupunta? Posible kayang may pangatlong laybrari? Oo posible iyon may pangalawa nga eh.
Hayystt pero ayaw ko na magpunta sa laybrari, kita niyo na lamang kanina nagkagulo pa nang dahil a sa akin. Pero hindi ko naman masisisi ang sarili ko kung bakit nangyari‘yon, kasalanan nila ‘yon!
“Saan mo‘ko dadalhin? Sa pangatlong laybrari ba Noah? May pangatlong laybrari ba dito?” interesado kong tanong sa kanya habang nakatingin din.
“Subukan mo kayang libutin ang buong campus kung may makita ka‘ng pangatlong library?” suplado niyang balik na tanong sa akin kaya't sinubukan kong tumahimik upang mag-isip.
Libutin? Ang buong kampus? Naku aabutin ako ng isang araw kapag nagawa ko ‘yon. Ayaw ko nga!
“Ang luwang-luwang ng paaralan na‘to baka abutin ako ng isang araw hehe.” pa cute kong sagot sa kanya.
“Exactly.Mabuti alam mo.” inis na sagot nito sa 'kin kaya napangiti na lamang ako sabay pakita sa kanya ang papi ays (puppy eyes) tas kacute-an ko.
Tinignan niya naman ako agad. Owemje! Nagagandahan na ba siya sa‘kin? Sabi na nga bang maganda ako eh.
“You're so ugly. Masyado kang nakakatakot sa paningin ko.” aba'y hayuff‘to.
Pasalamat siya at guwapo siya dahil kung hindi, hindi ako maaawa na bugbugin siya!
Napangisi na lamang ako sa sinabi niya. Pagkatapos ay naglakad nanaman kami.
Saan ba talaga kami pupunta? Kailan pa matitigil ‘to eh inuuhaw at napapagod na ako. Hindi na kaya ng super pawers ko.
Nanahimik na lamang ako at naki-sabay nalang sa agos ng mga sandaling ‘yon. Hanggaang sa mapadpad kami sa iisang mukhang opisina na nahihiwalay sa ibang mga bildings (buildings).
Ito lang kasi yong naiibang opisina eh. ‘Yong pakulti rum (faculty room)at prinsipals opis (principal's office) kasi ay magkatabi lang pero ito, ito lamang ang nahihiwalay sa kanila.
Kanino kaya 'to? Opisina pa ba 'to? Mukhang opisina, o banyo? O kwarto?
What?! Da pak! Paano kung banyo? O kwarto? Ano'ng gagawin namin dito?! Aalis na nga ako.
Pumasok kami sa loob. Pagpasok namin sa loob ay inilibot ko ang paningin ko sa paligid. Kinakabahan ako, anong gagawin namin dito?!
Naglakad ako patungo sa may pintuan upang makalabas sa opisina‘ng ‘yon at sinubukan na buksan ang pinto.
Hala bakit hindi ko mabuksan? Bakit ayaw bumukas?
“Hindi talaga mabubuksan ‘yan kasi naka-lock.” unang bungad ni Noah sa aming katahimikan kaya't ibinaling ko ang tingin ko sa pinto.
Ayy oo nga pala naka-lak ito. Gag* kailangan ko nang umalis bago pa niya ako ripin (rape) dito!
“Saan ka pupunta? Do you think na makaka-takas ka sa‘kin?” nanlaki naman agad ang mga mata ko matapos kong marinig iyon.
“A-aalis na ako.” utal na sagot ko ngunit napangisi lamang ito.
“Nandito na tayo, hindi ka na puwedeng umalis.” mas lalo akong nagulat. Sa mukha pa lang ni Noah ay halatang may masama nang binabalak!
Help! I'm gonna rip! I'm gonna rip!
teka tama ba ang grahams ko este grammar?
“Paki-usap Noah huwag mong gagawin sa‘kin ‘to bata pa ako! Ayaw ko pang mabuntis, wala akong pera pang-gastos sa anak natin please you don't rip me!” pagmamaka-awa ko sa harapan niya pero napangisi lang ito.
“Masyado kang advance mag-isip Naomi.” nakapang-aasar nitong sabi.
Eh ano naman? Mas mabuti ngang adbans mag-isip para laging handa hindi ba tama ako?
Nakatingin siya sa 'kin ngayon at ‘yong ngiti niya talaga halatang may masamang binabalak! Owemje riripin niya ba ako? Naku diyos ko po huwag po! Bata pa po ako! Help me God!
Paano kung gumawa kami ng milagro ngayon? Paano kung mabuntis ako? Paano kung magka-anak ako at hindi na makapag-aral? Paano kung iwan niya ako pagkatapos niya akong pakinabangan? Naku naku hindi ko gusto na mangyari‘yon! Tulungan niyo po ako sana hindi mangyari iyon. Masyado pang maaga!
Teka masyado naman akong OA, bakit ako gugustuhin ni Noah? Bakit niya ako pagkaka-interesan? Ah basta! Kinakabahan pa rin ako! Ayaw ko na mangyari ito.
Todo ako atras ng atras hanggaang sa napasubsob na ako sa dingding ng opisina na 'yon.
“We're gonna talk about....”malambing nitong sabi gamit ang nakapang-aakit nitong tingin.
Nagkunot-noo naman ako, wala akong kinalaman sa pinag-sasasabi niya. Mukhang nagsisinungaling lang ang lalaking'to o gumagawa lang ng mga salita para hindi ko maintindihan eh.
“Anong wir gana tok abawt?”
Napangisi naman siya sa tinanong ko sa kanya.
“Hindi mo ba talaga maintindihan ang sinasabi ko? Simpleng Ingles lang naman ‘yon hindi ba?”napakamot naman ako sa ulo ko sabay napa-pawt. (pout)
“Aba‘y ewan ko, sabi ko naman kasi sa 'yo na hindi ako matalino tulad mo! Wala talaga akong maintindihan kahit ni isa eh.” malungkot kong saad.
“We're gonna talk about your idiotic!”
“WHAT? Anti-biyotik?”
“IDIOTIC!”
“WAT?”
*Noah's PoV*
Sigaw niya sa'kin kaya medyo nabingi ako don sa malakas na sigaw niya.
Napatango na lamang ako sa maling pronunciation niya.
“Do you know what is idiotic?”
“Hindi din.” mahina nitong sagot.
Anak ng, akala ko ba naintindihan niya 'yong sinabi ko kasi sumagot siya? Tsk, grabe ang bobo talaga ng babaeng 'to.
Bakit naman kaya naka-abot siya dito sa college na kahit sa simpleng salita sa Ingles ay hindi niya alam at maintindihan?
Ano ba naman kaya ang ginawa niya sa mga teachers na 'yon para makapasa siya? Sumayaw ba ang babaeng 'to? Nilaplap niya ba angmga teachers niya? O nag one night stand sila? Hayyysssstt talaga naman oh.
Napangisi na lamang ako sa sinabi niya.
“Pag-uusapan natin yang katangahan mo!” bulyaw ko dito kaya napatakip din ito agad sa tenga niya.
“Aray! Oo na nakuha ko na!”ani Naoimi.
“Kainis, kailangan niya pa ba talagang sumigaw sa harapan ko kahit halos magkadikit lang naman kami?Tsk sinasadya niya sigurong mabingi ako eh.” nadidinig kong bulong niya sa sarili niya.
“May sinasabi ka?”
“Wala!”
“Galit ka?”
“Hindi!”
"Ayusin mo lang."
Pagkasabi ko nun ay naupo na ako sa upuan ng office ko habang nakatingin sa kanya.
“Sit!” tipid na sabi ko.
“Sit? Maupo 'yon diba?”
Nakangiting sambit niya sa'kin kaya marahan akong napatango. Ngunit hanggang ngayon ay nakayuko pa rin siya sa harapan ko.
“Wag mong sabihin na hindi ka nanaman mauupo dahil hindi mo pagmamay-ari ang upuan na 'yan, tama ba ako?” marahan naman siyang napatingin sa akin at sinabayan ng tango na nakangiti.
“Pagmamay-ari ko ang office na'to kaya wag kang mag-alala hindi kita ipapa-demenda, maupo ka na.”
Napangiti nga siya at naupo na din sa upuan na 'yon na kaharap ko ngayon.
“I'm gonna ask you a question. Spoiled ka ba?” interesado kong tanong dito.
“A-ano‘ng ispoyld?”fine, hindi nga pala siya nakaka-intindi ng Ingles.
“Spoiled, laki sa layaw. Alam mo 'yon?”
“Ewan ko, siguro spoiled ako pero hindi talaga ako sigurado.” natahimik ako bigla. Alam niya kaya ang ibig sabihin‘non? Naintindihan niya ba?
“Eh ano yong nangyari kanina? Masyado bang ka-spoiled yang sarili mo para gawin ang bagay na iyon? Bakit nangyari‘yon? You know what I'm gonna tell you this, ang sikat mo na pala dito sa school. Naka-ilang violations ka na ba? Alam mo bang once na mag-tatlo na yang violations mo ay pwede ka nang i-kick out?” munting paliwanag ko sa kanya.
“A-anong kik?” nakayuko parin na tanong niya. Hindi siya makatingin ng diretso sa akin.
Napahilamos naman ako kaagad sa mukha ko.
“Kick, alisin. Pwede ka nang alisin dito kapag naka-tatlong violations ka na. That's the rules here. At hindi ka na puwede bang makapag-aral dito kahit kailan mo pa gusto. I'm not worried about you, I don't care about you but you need to take care of yourself especially your studies. Gusto mo bang makapagtapos ng pag-aaral?”
“Oo!” agad na sagot niya kaya napatango ako.
“That's why I'm giving you an advice, umiwas ka na sa gulo. Naka ilang violations ka na ba?”muli ko pang tanong kay Naomi.
“Dalawa?” hindi siya sure? Ano yan naglolokohan lang ba kami dito? Nakikinig ba siya sa‘kin?
“Okay dalawa, so you only have one chance. Isang chance nalang ang natitira sa‘yo. Kapag magawang tatlo iyan eh tapos ka na. You're over.
“Eh sila naman talaga ang may kasalanan nito eh. Pinakikialaman nila ang buhay ko! Kita mo kanina nakaupo lang naman ako sa mesa‘ng ‘yon tapos pinaalis pa ako tapos sinabi na ipapa-demanda raw ako? Tapos...” walang prino niyang kuda.
“Okay stop na, stop na.”
*Naomi's PoV*
“Admit it that you were wrong which is actually true. Tama ang sinabi nila, hindi naman kasi inuupuan ‘yong lamesa eh.” hayuff ‘to ayaw makinig sinabi na ngang ako ‘yong tama ‘ron eh. Bahala na nga siya.
“Opo” tipid kong sagot habang nakayuko pa rin ang ulo ko.
“Hindi ko na uulitin ang ginawa ko. Hihingi ako ng tawad sa mamang guard na kinagat ko kanina. Pero puwede ba akong magtanong kahit isa lang?” nakangiti kong tanong gamit rin ang nakapang-aakit kong mga tingin.
“Ano ‘yon?”
“Ano yong bayolishon?”
“Get out of my office! Now!” napatayo naman ako agad dahil sa sinabi niya. Kinakabahan na ako, mukhang galit na galit na talaga siya sa’kin.
“S-sorry hindi ko talaga alam ang ibig sabihin ng bayoli...”
“I said get out! Now!”sigaw niya habang itinuturi ng isa niyang hintuturo ang pintuan.
“A-ano pong git awt?”
“ALIS!”
“Oo na heto na nga aalis na nga eh! Masama bang magtanong, nagtanong lang naman ako ah. P*kyu ka nga!” pahabol ko pang sambit kay Noah at dumiretso nang nagtatakbo palabas.
“Fvck you Naomi! Huwag ka nang magpapakita pa sa‘kin!”sigaw niya pa mula sa pinto ng opisina niya.
“P*kyu ka din wanhanred tayms!”
Matapos iyon ay naglakad na ako papalayo. Talagang dinala niya lang ako sa litsing opisina na iyon para kausapin ako tungkol doon huh?! Ang tindi niya! Pina-sosyal pa niya paaalisin din naman pala ako, hmp!
Hayystt nakakapagod, pagod na akong makipag-sagutan sa kanila. Pare-parehas lang naman sila. Wala sila'ng mga silbi, hmp!
Ano daw fvck ako? Diba ang fvck ay pagmumura iyon? Pwede rin na iy*t hehehe. Kinikilig eke.
Napa-takip naman ako kaagad sa bibig ko nong namalayan ko ang sinabi ko ngunit napangiti din ako.
*Kruuu kruuu kruuu*
Maka-alis na nga nagugutom na ako.
.
.
.
nicoxx18I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (208)
Share
Mga Kaugnay na Kabanata
Mga Pinakabagong Kabanata
I like it hehe
26/01
0Good your story
22/03/2025
2very good apps
10/02/2025
1Tingnan Lahat