Homepage/Ang Asawa Kong Babaero/
Chapter 37
Ang Asawa Kong Babaero
Chapter 37
*Noah's PoV*
"Mom, Dad, I need your help now"
Bungad ko kay mom na nasa kabilang linya ngayon.
Nandito parin ako nakaupo sa room namin ni Naomi kasi binabantayan ko siya kahit gising na siya. Baka may sabihin pa siya sa'kin, baka magpa-kuha pa siya ng tubig o pagkain at iba pa. Hindi kasi siya kumain kaya nag-aalala ako sa kanya.
Sandali akong napatayo at kinuha ko kaagad ang phone ko para tawagin sina mom at dad.
"Mom, Dad, I need your help now"
Unang bungad ko kay mom habang sinusuot ko ang damit ko. Nabasa kasi ako kanina kaya nagbihis na din ako, baka lagnatin din ako e.
"Ano'ng klasing tulong yan anak??? Nasabi mo na ba sa asawa mo na may outing tayo bukas huh? anak?"
Excited na tanong sa'kin ni mom sa kabilang linya kaya sandali akong napatingin sa direksiyon kung saan nakahiga si Naomi.
"No, I haven't told her yet about that. May nangyari kasi" tipid na sagot ko.
"Huh?! Bakit anak? Ano'ng nangyari?"
Interesado pero nasa tono ang pag-aalala ang mga boses ni mom sa'kin.
"Kasalanan ko 'yon mom, iniwan ko siya sa school hanggang sa bumuhos ang malakas na ulan kaya nung balikan ko siya, ang init init na niya. And now she's laying in bed"
Mahinang sagot ko kay mom kaya narinig ko na lamang itong bumuntong-hininga.
"May nangyari ba sa inyo anak? Bakit mo naman siya iniwan? Nag-away ba kayo?" sunod-sunod na tanong nito sakin kaya napa-buntong hininga naman ako sandali.
"It's a long story mom, can you come here tonight? Please?" pagmamakaawa ko sa kanya kaya narinig ko ulit itong bumuntong-hininga.
"Maghintay ka lang anak, darating na kami dyan ng dad mo"
Napangiti ako kaagad sa sinagot ni mom sa'kin at sandaling napatingin ulit kay Naomi sabay din ngiti.
"Thanks mom"
Pagkasabi ko nun ay ibinaba ko na ang phone ko at ilinapag ko sa table ng room namin.
Marahan naman akong naglakad papunta sa kinahihigaan ni Noami sabay napaupo.
Hinimas-himas ko ulit ang buhok nito habang napapangiti.
"Don't worry honey, mabibihisan ka na rin"
Nakangiting wika ko sa kanya pero hindi siya sumagot. Syempre kasi natutulog siya, himbing na himbing sa kaka-tulog.
Mas lalo tuloy siyang nagiging cute sa paraan na 'yan. The way she sleep, the way she act right now, I like it. I really like it.
Tumayo na ako at sandali ko siyang iniwan sa room. Bumaba ako ng hagdan at dumiretso sa living room para hintayin sina Dad at mom.
Nandito lang ako nakaupo habang nanonood ng TV. Hayyysssstt walang matinong channel ngayon.
'TING DONG'
Nai-baling agad yong tingin ko sa pinto ng condo namin nung kaagad na itong tumunog.
Nandyan na sina mom! Salamat at nakarating din sila ASAP.
Mabilis akong napabalikwas ng tayo mula sa kinauupuan ko at mabilis ding pinagbuksan ang mga parents ko.
Pagbukas na pagbukas ko ay napangiti na lamang ako nung agad kong nakita sina mom at dad.
Kaagad ko naman itong niyakap ng mahigpit habang nakangiti.
"Nasaan si Noami anak?"
Unang tanong sa'kin ni mom nung naghiwa-hiwalay na kami ng pagkakayakap.
"Sa taas" tipid na sagot ko kaya naglakad na kami papunta ulit sa taas.
"Ano'ng nangyari anak?" Si Dad yong nagtanong sa'kin habang nakatayo kaming dalawa at si mom naman ay hinihikap-hikap niya ang noo ng asawa ko.
"Nagpa-ulan ho siya" 'yon lang ang tipid na sinagot ko kaya napatango na lamang ito.
Sandali naman naming ibinaling ang tingin kay mom at Naomi na nasa kama.
"Mainit siya anak, pina-inom mo na ba siya ng gamot?" biglang tanong sa'kin ni mom kaya agad din akong napatango.
"Yes I did" sagot ko.
"Umm, may favor sana ako sa'yo mom" sambit ko pa.
"Ano 'yon?" nakangiting tanong nito sa'kin.
"Basa pa ang mga damit niya, you know that I can't change her clothes. Can you do it for her?"
Napangiti kaagad si mom.
"Hala magsi-alisan muna kayo at bibihisan ko siya"
Napangiti ako at tumango kaming dalawa ni Dad. Kaya sabay nga kaming umalis ng room at pumunta ulit sa living room.
ALAS NUEBE NA ng gabi nung makauwi sina mom at dad sa bahay nila.
Bumalik na din ako sa taas para matulog.
Napangiti ako kaagad sa asawa ko, nakabihis na siya ngayon ng pajama niya at isang T-shirt.
Pumunta naman ako sa kabilang parte ng kama at nahiga na sa pwesto ko. Magkatabi nanaman kami hehe.
Nagulat na lamang ako nung agad siyang humarap sa'kin sabay yakapin ako at ilagay ang mga paa niya sa'kin.
Napangiti ako kaagad at hinalikan siya sa noo. Para kaming asawang sobrang sweet at asawang magkasundo. Masyado lang akong nagiging masaya lalo na kapag naiisip ko na kami lang dalawa ni Noami ang magkasama ngayong gabi na nagyayakapan, yong walang Duke o sino pa man.
I don't want to end this night, gusto kong mapa-haba pa ito para mas lalo pa akong makuntento sa kaka-yakap at kakatingin sa kanya ngayon. I really like her, I do.
KINABUKASAN
Natutulog parin ang pinakamamahal kong asawa ngayon. Medyo mainit-init parin siya pero hindi naman na gaano. Hindi katulad kagabi na para akong nagpapa-kulo ng tubig e. But now? mukhang pababa ng pababa na din ang init niya.
Bumangon na ako at dumiretso sa kusina para ipagluto siya ng masarap na pagkain.
Nagsimula na akong magluto, habang ginagawa ko yon ay hindi ko maiwasang mapangiti at mapa-sayaw. Parang ngayon ko lang naramdaman ang totoong pagiging asawa ah, and I'm proud of that. Guess what song is it???
'Tit tit tirit tit ti Dora! Tit tit tirit tit ti Dora! Tit tit tirit tit ti Dora! Dora dora dora dora, Dora the explorer!'
Yon ang sounds, mukhang nasasapian na din ako ng asawa ko. Unti-unti ko na ding nagugustuhan ang mga gusto niya, pati si Boots gusto ko na din yong maliit na unggoy na 'yon.
Nakakatawa sila, pare-pareho silang lahat lalo na yong asawa ko. Kamukhang-kamukha ni Dora, at mukhang matutulad na din ako don.
I don't care, kung saan ang asawa ko, doon din ako.
Pagkatapos kong magluto ay ilinagay ko na ito sa isang maliit na bowl sabay ilapag sa tray ng pagkain at kumuha na din ako ng tubig tsaka gamot.
Dinala ko na ito patungo sa kwarto namin at sandali kong inilapag sa table don.
"Honey, wake up. I prepared something for you" nakangiting bungad ko sa kanya kaya hindi din kalaunan ay nakita kong dahan-dahan niyang idinilat ang mga mata niya at napangiti din ito kaagad.
"A-anong a-araw ngayon?" unang sambit niya sa'kin.
"It's Saturday, wala tayong pasok ngayon" nakangiting sagot ko sa kanya.
Hindi na siya nakapagsalita at dahan-dahan siyang bumangon mula sa kinahihigaan niya para makaupo sa kama kaya tinulungan ko narin siyang makabangon.
"Dahan-dahan lang" mahinang sambit ko sa kanya.
"M-masakit pa yong katawan ko, Noah" nag-aalalang wika niya sa'kin kaya tumango ako kaagad habang nakangiti.
"Yes I know, kaya nga magpapahinga ka ngayon at magpapa-galing ka para bumalik ang lakas mo okay?"
Napangiti na lamang ito at mabilis ding tumango.
"Para sa'kin ba 'yan?"
Itinuro niya yong pagkain na nasa maliit na table na nasa gilid ng higaan namin. Napatingin din ako don at sandaling napatango.
"Yes, para sa'yo yan. Niluto ko yan para sa'yo" nakangiting sagot ko sabay kuha nito at hipan kasi medyo mainit-init pa naman.
"Ang bait mo naman Noah, bakit mo ba ginagawa 'to? Bakit biglang lumambot ang puso mo? Ano bang dahilan?" sunod-sunod na interesadong tanong nito kaya napangiti laman ako.
"Huwag mo nang isipin 'yon, ang importante ay magkasama tayo ngayon at medyo okay na din ang pakiramdam mo"
Masayang sagot ko sa kanya kaya napangiti na lamang ito sa harapan ko at tumango.
"Say ah" wika ko kaya ibinuka na niya ang bibig niya sabay siya sinubuan ng pagkain na niluto ko.
"Ang sarap Noah" nakangiting bungad niya sa'kin habang puno pa ng pagkain ang bibig niya.
Napangiti lang ako at tumango. Alam ko naman kasing masarap akong magluto. Hindi lang naman kasi pagmamayabang o ano pa ang kaya kong gawin, bukod don eh mabait at mapag-mahal din naman akong asawa sa kanya. And I'm proud of that.
"Huli na'to asawa ko, hindi ako makapaniwala na mauubos mo lahat ng pagkain na niluto ko. You're so strong huh" hindi makapaniwalang sambit ko sa kanya.
"Hehe, syempre kasi sobrang sarap talaga ng hinanda mo sakin. Hindi ako makapaniwala na gagawin mo din sa'kin 'to Noah, napaka-bait mo namang asawa" nakangiting sagot nito sa'kin kaya napangisi ako ng marahan.
"Syempre ako pa, mahal kaya kita" hindi ko talaga alam kung ano'ng sumapi sa isip ko at sinabi ko ang mga salitang'yon.
Hindi na lamang siya nakapagsalita dahil sa sobrang gulat ng mga narinig niya mula sa'kin.
Hindi na ako magtataka, alam ko namang kinikilig siya. Kaya nga bubuntisin ko ang babaeng 'to e, I'm just waiting for the right time. No sex, just love.
*Naomi's PoV*
Ehe hehehe, ene be nemen yen. Medyo kinikilig ako don, pero seryoso??? Hindi siya nagbibiro? Mahal niya ako? Weh hindi nga.
"Huling subo na'to, say ah" nakangiting bungad niya ulit sa katahimikan namin kaya napangiti ako at tinanggap na ulit ang pagkain na 'yon at nginu-nguya sa loob ng bibig ko.
Napatingin naman ako kaagad sa mga damit ko. Mas lalo akong nagulat, parang kagabi lang bago ako makatulog ay naka-uniporme pa ako pero bakit ngayon??? Ohmaygad!!!
Napatingin ako kaagad Kay Noah na nakatingin sa'kin ngayon.
"N-Noah, i-iba na ang mga damit ko. I-ikaw ba ang n-nagbihis s-sakin kagab-bi?"
Nag-aalalang tanong ko sa kanya habang puno parin ng pagkain ang bibig ko.
Nakita ko naman siyang ngumisi at marahang tumango.
Ohh No!!!!
"Ako nga"
"Brrrrr!"
Dahil sa sobrang gulat ko, halos lahat ng mga pagkain na nasa bibig ko ay nailabas ko sabay napunta sa mukha ni Noah.
Napa-pikit na lamang siya nung kumalat sa mukha niya ang pagkain na kanina ay nguya nguya ko ito.
Masyado kasi akong nagulat sa mga narinig ko. Hindi ko akalain na bibihisan niya ako??? Ohmaygad baka nakita niya yong perlas ng sinilangan ko! At baka nakita niya yong malalaki kong baril!!! Ohmaygad baka pinag-samantalahan ako ng asawa ko!!!
"P-pasensya n-na, d-diko s-sinasadya"
.
.
.
@nicoxx18I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (208)
Share
Mga Kaugnay na Kabanata
Mga Pinakabagong Kabanata
I like it hehe
26/01
0Good your story
22/03/2025
2very good apps
10/02/2025
1Tingnan Lahat