Homepage/Ang Asawa Kong Babaero/
Chapter 36
Ang Asawa Kong Babaero
Chapter 36
*Noah's PoV*
"Naomi! Naomi!"
Sigaw ng sigaw ako dito nung agad akong nakarating sa gate ng school.
Agad akong bumaba ng kotse ko kahit medyo malakas-lakas na ang buhos ng ulan at nagsisigaw ng pangalan niya habang nakabaling ang tingin sa loob ng school.
Nasa loob pa kaya si Naomi? Mukhang hindi na yata siya nandun. Mukhang naglakad na siya papa-uwi pero bakit ganito ang nararamdaman ko sa kanya? Bakit parang buong puso akong nag-aalala para sa asawa ko? Ano ba kasing nararamdaman ko para sa kanya?
"Naomi! Naomi nandyan ka ba? Nasaan ka?!"
Malakas na sigaw ko habang ang magkabilang kamay ko ay nasa gilid ng bibig ko dahilan para mas lalong lumakas yong pag-echo ng boses ko.
Mahigit limang minuto akong nagsisigaw papunta sa loob ng school pero ni isang Naomi ay wala paring sumasagot sa kaka-sigaw ko.
Nasaan na kaya siya? Mas lalo lang lumalakas yong ulan! Ano nang gagawin ko? Kailangan ko siyang mahanap, kailangan ko siyang mai-uwi!
"Honey please magpakita ka naman sa'kin! Honey let's go home! Please!"
Pagmamakaawa ko pero ni isang boses ng babae ay wala parin akong naririnig.
Wala na akong pakialam kung basa na ako dahil sa malalakas na buhos ng ulan, ang importante ngayon ay ang mahanap ko ang asawa ko at mai-uwi ko sa bahay namin at kausapin siya! Nasaan na ba kasi ang babaeng'yon?
Shit!!! Baka magkasama sila ni Duke! No this really can't be happen!!!
Nagmadali akong pumasok sa loob ng sasakyan ko at nagpa-harurot na ng pagmamaneho.
Maya-maya pa ay unti-unti kong pinapa-hina yong takbo ng sasakyan ko sabay tingin tingin sa iba't-ibang parte ng daan, sa kaliwa sa kanan na nagba-bakasali man lang na makita ko si Naomi na naglalakad.
Pero mukhang hindi naman siya maglalakad sa ganitong panahon. Baka naka-uwi na siya ngayon, baka masyado lang talaga akong nag-aalala sa kanya dahil sa litratong nahulog ko kanina, baka nga Mali lang ang hinala ko.
Marahan naman akong napa-buntong hininga sa loob ng sasakyan ko habang napahinto sa pagmamaneho.
Pagkatapos kong bumuntong-hininga ng malalim ay umandar na ulit ako.
Agad din namang nai-baling ang buong atensiyon ko sa iisang high school student na mukhang nanginginig siya dahil sa malalakas na buhos ng ulan habang naglalakad ito.
Nakaramdam ako kaagad ng lungkot at awa sa kanya, hindi ko akalain na makikita ko siya na ganito sa kalagitnaan ng panahon.
Hindi ko mapapatawad ang sarili ko, masyado akong nagagalit para sa sarili ko dahil sa mga pinag-gagawa ko sa kanya! I'm guilty! Naiinis ako sa sarili ko, ang sama ko! Paano ko nagawa sa mismong asawa ko ang mga bagay na'to? Paano ko ito nagawa sa kanya!
Dali-dali kong iginilid yong sasakyan ko sabay kong ihinto ito at mabilis nang lumabas ng kotse at kaagad na ding lumapit sa babaeng naka-talikod sa'kin para pigilan siyang maglakad.
Nung makalapit ako sa kanya ay hindi na ako nag-aksaya pa ng oras para yakapin siya. Tama mahigit ko nga siyang niyakap at wala akong oras na inaksaya para gawin 'yon. Kahit malalakas na ang buhos ng ulan ay nanatili parin kaming nakatayo at yakapin siya.
"I'm really sorry honey, I'm so sorry. Please forgive me, kasalanan ko ang lahat"
Mangiyak ngiyak kong bungad sa kanya habang niyayakap ko siya ng mahigpit. Kaya siya naman itong Hindi makapagsalita habang kayakap ako at halatang nanginginig parin siya dahil sa sobrang lamig.
"I'm really sorry"
Sambit ko ulit sa kanya at doon ko na nga narinig ang nakaka-awang iyak niya.
Hindi ko akalain na tutulo din pala ang kaunting luha ko dahil sa sobrang awa ko sa kanya. Nakakaawa siya, naaawa ako sa kanya. Napakasama ko talagang asawa, hindi ko na natutunang respetuhin man lang siya! Fuck you Noah! Fuck!
"N-Noah s-sobrang g-ginaw"
Nanginginig na sabi niya habang naka-yakap parin sa'kin kaya mas lalo ko pang hinigpitan ang pagkakayakap ko sa harapan niya.
"I know honey, I'm really sorry. Halika na uuwi na tayo, magpapahinga ka at magpapa-galing ka okay? Come on, let's go home para na din makapag-bihis ka"
Mahinang sagot ko sa kanya habang magkayakap parin kami sa isa't-isa. Hindi ko na siya pinakinggan pa sa sagot niya at mabilis ko na siyang kinarga papasok ng sasakyan.
Ilinagay ko siya sa tabi ko at sandali kong kinuha yong makapal-kapal na jacket sa likod ng passenger seat at dali-dali ko din itong ibinalot kay Naomi.
Pagkatapos din nun ay mabilis na ulit akong nagpa-harurot ng takbo hanggang sa makarating kami sa hotel.
Kinarga ko ulit siya at mabilis nang naglakad papasok ng hotel para makapunta na sa condo namin.
"Grrr... Grrr... Grrr..."
Giniginaw siya... giniginaw sobra. Hindi na normal ang nararamdaman ko para sa kanya. Malakas ang kutob ko na magkaka-sakit siya, ano na ang gagawin ko?
Marahan ko siyang ibinaba sa kama namin at pina-higa nung makarating kami dito sa kwarto.
Agad ko namang hinikap ang noo niya. Nagulat na lamang ako nung maramdaman kong napaka-init na pala niya! My god! I need to do something! I need to act as her doctor! Kailangan ko siyang gamutin.
"H-honey you're so hot, k-kuha lang ako ng gamot mo" medyo kinakabahan at nag-aalalang wika ko sa kanya.
"Grrr...grrr...grrr..." Pero itong mga salita lamang ang tanging naririnig ko mula sa kanya habang yakap yakap niya ng mahigpit ang sarili niya pati ang kumot namin.
Mabilis akong lumabas ng room para magtungo sa kusina. Agad akong kumuha ng mainit na tubig at isang piraso ng gamot para ipa-inom ko sa kanya.
Pagkatapos kong kunin ang lahat ng 'yon ay agad na akong pumasok sa kwarto namin.
Naaawa ako sa kanya, nanginginig parin siya at tila namumutla na siya dahil sa sobrang ginaw.
"Honey, drink this medicine. I promise that you'll gonna be alright if you drink this, please." nag-aalalang wika ko sa kanya.
"H-hindi k-kita m-maintindihan N-Noah"
Nanlaki kaagad yong mga mata ko. Naalala kong bobo parin pala siya, hindi parin pala siya nakakaintindi ng English.
Napangiti na lamang ako at hinimas-himas ko kaagad ang mahaba-habang buhok nito.
"Inumin mo muna tong gamot mo, aayos ang pakiramdam mo kapag inumin mo'to, okay?" nakangiting sagot ko sa kanya kaya sandali siyang napadilat at marahang napa-upo sa kama kaya tinulungan ko na din ito.
Binuksan ko naman na ang balot ng gamot niya at ini-abot ko na din ito sa kanya kaya tinanggap niya ito at ininom.
Pagkatapos din ng mga sandaling'yon ay bumalik kaagad siya sa pagkaka-higa niya sabay ulit yakap sa sarili niya.
Naku paano na 'yan eh basa yong damit niya? Mas lalo siyang magkaka-sakit dahil dyan! Hayyysssstt hindi pede na ako ang mag-aalis ng damit sa kanya pati narin ang pag-suot nito! Hindi ko 'yon kaya, ayukong pansamantalahan ng mga mata ko ang katawan niya! Ang sama ko don!
Ow I have an idea! I need my parents! Kailangan ko sila ngayon.
Nung akmang tatayo na sana ako para lapitan ang phone ko nung agad nang magsalita ang asawa ko.
"N-Noah, N-Noah w-wag m-mo'kong i-iwan. D-dito ka l-lang Noah, wag m-mo'kong i-iwan"
Nanginginig na sambit niya sa'kin sabay hawak sa damit ko kaya napangiti ako sa kanya.
Hinawakan ko din ang kamay niya na nakahawak sa damit ko at hinimas-himas ko ang buhok nito.
"I won't honey, I won't leave you. I'm always here by your side, I'm just here, don't worry honey okay?"
Marahan at nakangiti na sagot ko pero hindi ko na nadinig pa ang sagot nito kaya doon ko lang napagtanto na tulog na pala siya.
Napangiti ulit ako, tinutulugan nanaman ako ng asawa ko. Hayyyyyyyyyyy ang asawa ko talaga, hindi na man lang ako gawang sagutin eh, talagang tutulugan niya muna ako tsk.
Mas lalo akong napatitig sa mala-anghel niyang mukha. Mukhang nakikita ko sa kanya ang pagka-bata ni Naomi na kababata ko noon, mukhang kamukhang-kamukha niya si Naomi nung bata pa. Pareho silang magaganda, talaga naman 'tong asawa ko...Hindi talaga siya magpapatalo tsk.
Hanggang ngayon ay hinihimas-himas ko parin ang buhok nito.
Dahan-dahan ko namang inilapit ang mukha ko sa mukha niya habang nakangiti.
"I love you honey"
Mahinang sambit ko sa kanya sabay ko inilapit ang mga labi ko patungo sa labi niya sabay idikit ito para iparamdam sa kanya ang buong puso kong kanina pa dito hindi mapakali na halikan siya.
Marahan ko siyang hinalikan gamit ang matatamis kong halik.
Napangiti na lamang ako sa ginawa ko. Pagkatapos ko ding gawin ang bagay na 'yon ay tinitigan ko lang muna siya sabay hinimas-himas ulit ang buhok niya.
Ang ganda talaga ng asawa ko, ang ganda at siya ang dahilan kung bakit ako masaya ngayon. Sa kanya lahat nabuhay ang mga ngiti ko, sa kanya lang.
Hindi ko nga din alam kung bakit ko'to ginagawa sa kanya ngayon. Siguro nalaman ko na rin na may feelings ako sa kanya ngayon.
Siguro kaya ako naiinis sa kanika ni Duke dahil sa nagseselos nga ako. The heck, at umabot pa talaga sa ganito. But it's okay, kaya kong panindigan ang mga sinabi ko. I'll do it for the two of us, para sa aming dalawa ng asawa ko.
Marahan naman akong nagpakawala ng buntong-hininga sabay ulit ngiti at sandaling bumulong.
"Get well soon honey, gagawa pa tayo ng baby"
.
.
.
@nicoxx18I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (208)
Share
Mga Kaugnay na Kabanata
Mga Pinakabagong Kabanata
I like it hehe
26/01
0Good your story
22/03/2025
2very good apps
10/02/2025
1Tingnan Lahat