Homepage/Ang Asawa Kong Babaero/
Chapter 32
Ang Asawa Kong Babaero
Chapter 32
*Naomi's PoV*
"Ahh! Ang literititure ay isang panitikan pala! Hehe nakuha ko na"
Nakangiting bungad ko kay Sir Duke habang nakatingin siya sakin ngayon na nakangiti.
Sandali naman siyang napangisi sa'kin at marahang napailing kaya napatingin na rin ako sa kanya.
"Correction Ms. Urrea, literature...not literititure"
Nakangiting sabi niya sakin kaya napahawak ako kaagad sa bibig ko sabay ngiti.
"Hehe shorry po" pa-cute na sambit ko sa kanya kaya ngumiti din siya, ang cute cute niya din.
"You're so cute"
Napatingin ako kaagad sa kanya habang napanganga ako. You're so cute? You+are=You're? Tas cute eh yong cute??? Hala nacu-cute-an din papa si Sir sa'kin hehe. Ako din nacu-cute-an ako sa sarili ko, si Noah lang naman yong hindi eh tsk.
"Maraming Salamat po Sir" nakangiting sagot ko kaya napangiti lang siya habang pinagmamasdan ako.
"Indo-or naman ay sa bahay? Yes hehehe alam na alam ko na!"
Masayang palakpak ko habang nakabaling ang tingin sa libro na binabasa ko. Napapatawa nalang si Sir ng marahan, kanina pa siya napapatawa sa literititure ko ah, este literature pala. Ano kayang problema ni Sir?
"Your pronunciation is wrong again. It's indoor, not indo-or"
"Ahhh" 'yon na lamang ang nasabi ko. Kaya pala siya tumatawa kasi palagi akong nagkakamali sa binibigkas ko. Ahhh ok naintindihan ko na, kapag tumawa si Sir...ibig sabihin mali ang bigkas ko hehe.
"You proceed to the other words" ani Sir Duke kaya napatingin ako sa kanya.
"Po?" tipid na tanong ko sa kanya.
"Magpatuloy ka na sa ibang mga salita dyan sa binabasa mo" sagot niya kaya napanganga ulit dahilan ng pagka-intindi ko.
"Sige po" sagot ko naman.
Nagpatuloy na ulit ako, naka-tama ako sa dalawang salita! Yong hand na kamay at yong harmony pala ay pagkakaisa hehehe. Mukhang gumagaling na ako ah.
"Legends ay... Ano nga ba 'yon? Ah alam ko na, legends ay isang alamat pala hehe"
"Yeah" tipid na sagot niya habang nakangiti sa'kin.
"At ang kahulugan pala ng wicked ay masama! Ah hehe alam ko na po!"
Nakangiting sagot ko kay Sir kaya napangiti din siya.
"AYOS! Out of 40 ay lima lang ang mali mo? Napaka-husay mo Naomi, congrats"
Napangiti ako nung pumalakpak siya. Congrats? Hindi ba't pagbabati 'yon? Ahh oo tama nga ako! Hehehe muntik ko nang makalimotan!
Alam kong matutuwa si Noah pag nalaman niya na alam ko na ang ibang kahulugan ng mga salita. Pati yong insane na sinasabi niya ay alam ko na din kung ano ang kahulugan? Hmm mukhang tatalino na ako hehehe.
*'TING TING TING*
Napa-baling ang atensiyon namin sa tumunog na kampanilya.
Agad naman na akong napangiti at nakaramdam ng saya. Sa wakas at makaka-kain na din ako sa canteen hehe. Nagugutom na kasi ako eh.
"Sa wakas...Sir pede na po ba akong umalis?" nakangiting bungad ko sa kanya.
"Nope...you won't go outside alone" napatigil ako sa paglalakad nung marinig ko siyang nagsalita.
Nope? Hindi...you? Ako... won't? ewan ko kung ano ibig sabihin nyan..go? Basta go.. outside? Sa labas...alone? mag-isa? Hindi ako go sa labas mag-isa???
Napaisip ako kaagad.
"Ahhh hehe hindi pa ako pedeng lumabas mag-isa??? Bakit naman po Sir? Eh tumunog na diba yong kampanilya?"
Nagtatakang tanong ko sa kanya kaya napangiti siya at napatango habang ang magkabilang kamay niya ay nasa magkabilang bulsa din nito.
"I'll be with you this vacant time. Sabay na tayong umalis papuntang canteen para kumain"
Hindi ako kaagad nakapagsalita dahil sa mga narinig ko. Totoo ba ang pandinig ko? Sasama sa'kin si Sir sa canteen at sabay kami kakain??? Ohmaygad ang sweet hehehe.
"P-pero Sir hindi ba't-----"
Magsasalita pa sana ako nung bigla niyang hinablot ang kamay ko sabay hila papalabas ng opisina niya.
Hanggang ngayon ay nakahawak parin siya sa kamay ko habang naglalakad kami papunta sa canteen.
Marami na ang nakatingin sa'min ngayon pero mukhang wala paring pakialam si Sir para don, ako oo nahihiya na ako pero siya??? Mukhang relax na relax lang siya. Wala siyang ibang pinapansin kundi ang paglalakad lang namin.
Pagdating namin doon ay agad kaming lumapit sa direksiyon kung nasaan ang tindera. Um-order kami ng marami-raming pagkain at si Sir na daw ang bahala sa bayad. Premyo niya daw 'yon sa'kin dahil medyo magaling-galing na din ako sa mga itinuturo niya hehehe.
"Okay let's find another table"
Nakangiting sabi niya habang hawak-hawak niya ang isang trey ng pagkain at ako din hawak ko din ang trey ko.
Sinundan ko si Sir sa paglalakad hanggang sa mapadpad kami sa iisang sulok ng canteen. Doon kami naupo at nagsimula nang kumain.
"Hmmm... grabe ang sarap hehe"
"Syempre made in Philippines 'yan eh" nakangiting sagot ni Sir kaya napangiti lang ako tsaka kumain na ulit.
"Masarap ba talaga? Lalo na pag kasama mo ang lalaking'to?"
Agad na kaming nagulat ni Sir. Napatingin ako sa katabi kong lalaki na naupo sa tabi ng upuan ko. Mukhang malalaglag na yata ang panga ko dahil sa mga nakita at narinig ko.
"N-Noah?" Ako
"Why are you here?" Si Sir.
*Noah's PoV*
Napangisi lang ako sa sinabi nila. Hanggang dito ba naman ay makikita ko sila na magkasama? At sa pagkain pa talaga? Tsk how amaze they are!
"Why? Masama bang tumabi ako sa BESTFRIEND KO?" Madiin na sabi ko sa harapan ni Duke habang nakatingin sa kanya at pati kay Naomi.
"H-hindi naman" saad ni Naomi sa'kin.
"Good" tipid na sabi ko sa kanya habang pekeng-peke ang ngiti ko.
"You don't belong here Noah"
Napatingin ako sa kanya. Talaga naman oh, ang tapang niya huh.
"Then why? Hindi naman siguro kayo nag-di-date diba?" seryosong tanong ko sa kanila kaya napangiti lang si Duke.
"We're dating so you better leave us now"
Agad na akong nakaramdam ng inis, galit at...Ewan ko ba! Basta hindi ako nagseselos noh! Ba't naman ako magseselos eh marami naman akong babae! Sino sila para pagselosan ko? tsk ang yabang sobra.
"A-anong dating? Date lang k-kasi alam ko"
"Shut up! Alam mo ibig Sabihin ng sinabi ko!" inis na sabi ko kay Naomi kaya natahimik siya kaagad.
Pagkasabi ko nun ay ibinaling ko ulit ang atensiyon ko sa harapan ni Duke. Nakangiti siya sa'kin ngayon.
"What did you say?"
"You better leave us now because we're dating" napangisi ako kaagad sa sinabi niya.
"Well... let's all date today"
Nakangising sambit ko sa harapan ni Duke kaya napangiti siya pero napailing din kaagad.
"Nope, you won't join our date. Mas magiging masaya kami pag wala ka dito"
Pagkasabi ni Duke ng mga salitang'yon ay kaagad siyang tumayo at sumenyal kay Naomi na tumayo din kaya silang dalawa na ang nakikita kong nakatayo ngayon.
Napatingin na lamang ako sa kanilang dalawa habang hawak-hawak nila ang tray ng pagkain nila sabay umiwas ng pwesto at lumayo sa'kin.
Nag-wave pa sa'kin si Naomi, tsk she's already insane!
Talagang naiinis ako sa kanila!!! Ang yabang yabang ng Duke na 'yon, at ang landi landi ng babaeng 'yon! Mamaya lang siya sa bahay, iiyutin ko siya para hindi na lumapit pa si Duke sa kanya at para tantanan siya at sabihin niya na wala na siyang pag-asa pa na mukha si Naomi!!!
Arrghhh!!! F4ck!
Ito ba namang katulad ko???
Iiwasan nila???
Itong kagwapuhan ko???
Lalayuan nila???
Tsk!
Molly Molly!
Sh*t!
.
.
.
@nicoxx18I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (208)
Share
Mga Kaugnay na Kabanata
Mga Pinakabagong Kabanata
I like it hehe
26/01
0Good your story
22/03/2025
2very good apps
10/02/2025
1Tingnan Lahat