Homepage/Ang Asawa Kong Babaero/
Chapter 29
Ang Asawa Kong Babaero
Chapter 29
Kinabukasan
*Naomi's PoV*
"So you're just gonna read this sentence at sasabihin mo sa'kin kung ano'ng naintindihan mo, okay?"
Napatingin ako kaagad sa kanya. Nasa tabi ko siya ngayon habang itinuturo ng isa niyang daliri yong librong inilapag niya sa mesa.
"Read??? Babasahin?"
Pina-ulit na tanong ko sa kanya. Dino-doble ko lang yong sinabi ni Sir para hindi na ako mag-mukhang tanga pa mamaya.
"Yup, babasahin mo yong buong sentence na'to at sasabihin mo sa'kin kung ano'ng naintindihan mo okay?"
"Eh Sir pasensiya na talaga pero hindi ko talaga alam, mababasa ko po 'yan pero hindi ko maiintindihan yong babasahin ko hehe"
Nakangiting sagot ko sa kanya kaya napangiti siya sa'kin at umalis sa tabi ko at humarap sa'kin habang nakaupo na sa harapan ko.
"You can do it, basahin mo na at marami pa tayong gagawin, okay?"
"Eh Sir hindi ko talaga kay---"
"Basahin mo lang ng paulit-ulit at tatanungin kita pag natapos mo nang basahin okay?"
Nakangiting sabi niya. Grabe ang cute niya lalo na kapag nakangiti siya. Hindi ko maiwasang mapahanga sa talino at itsura niya. Isang napaka-galing na titser dito hehe.
Hindi nagtagal ay nagsimula na ako sa pagbabasa nun. Pina-ulit ko ngang basahin 'yon pero kahit ano talagang gawin ko ay hindi ko talaga maintindihan ang nakasulat sa libro. Mukhang nagsisinungaling lang ang librong'to! O di kaya si Sir! Baka niloloko lang ako nito.
"Wala talaga Sir" pa-cute na sabi ko para hindi nya ako pagalitan.
"Sige lang, basahin mo lang"
Napa-pout nalang ako at ibinaling ko na ulit yong atensiyon ko sa librong 'yon at nagpatuloy na din sa pagbabasa.
"D-da difirint flawers a-af Mirs Bams in hir gardin blum beyutipuli wich ad atrakshon to hir haws"
(Author: RIP sa hindi naka-gets)
Paulit-ulit ko 'yon na binabasa kaya kaagad nang nagtanong sa'kin si Sir Duke.
"Ano naintindihan mo na ba?"
"Wala" nakangiting sagot ko kaya napangisi siya kaagad.
"Sige just go on, basahin ng basahin mo lang"
Ibinaling ko na ulit ang tingin ko sa librong kaharap ko at magbasa na ulit ako na medyo napapa-utal.
"Naintindihan mo na ba?"
"Wala parin hehe"
Sagot ko sa kanya kaya napangiti na lamang siya at kinuha niya yong libro sa'kin habang nakaupo at binasa niya ito.
Nakatingin lang ako sa kanya habang binabasa niya 'yon, ang cute kasi niyang titigan kapag nagbabasa. Lalong-lalo na yong boses niya at tono niya kung paano basahin ang mga salitang'yon.
"Halika dito, tuturuan kita para maintindihan mo'to"
Sambit sa'kin ni Sir sa'kin habang nakabaling ang tingin sa librong 'yon.
Tumayo nga ako mula sa kinauupuan ko at maglalakad na sana ako papalapit sa tabi niya nung maapakan ko kaagad ang isang ballpen na nasa sahig.
Akala kong tuluyan na akong babagsak sa sahig ng office ni Sir nung maramdaman kong nakahawak na siya ngayon sa balakang ko at napaka-lapit na namin sa isa't-isa.
Hindi ako makagalaw dahil masyado akong nagulat sa nangyari. Malakas ang tibok ng puso ko. Hanggang ngayon din ay hawak-hawak parin ni Sir ang balakang ko habang nakatingin sa'kin.
Ohmaygaaaaaaaad!
"Okay ka lang ba?" nag-aalalang tanong niya sa'kin kaya napangiti ako at bigla nang humiwalay sa kanya.
"O-opo, o-okay lang ako"
Medyo utal-utal na sagot ko sa harapan ni Sir.
"I'm watching"
Agad na kaming napalingon sa may pinto nung kaagad narinig namin kaagad ang isang lalaking nagsalita.
"Noah?"
Gulat na saad ko gamit ang pangalan niya.
Ngayon ay naka-sandal siya sa may pinto habang ang magkabilang kamay niya ay nasa magkabilang bulsa din nito at nakatingin sa'kin.
*Noah's PoV*
Nakikita ko silang nag-uusap ni Duke. May kailangan kasi akong ibigay sa asawa ko kaya nagpunta ako dito pero nadatnan ko silang hawak ni Duke ang beywang ngayon ni Naomi habang nakatitig sila sa isa't-isa.
Ano'ng nangyari? Bakit ito ang nakikita ko? Bakit bigla akong nakaramdam ng inis sa lalaking 'yon? Tsk ano ba naman 'to.
Sandali akong napatingin sa sahig, may ballpen. Siguro muntikan lang mahulog si Naomi kaya iniligtas ni Duke ang babaeng'to. Pero kahit na, ayuko parin yong ganun! Ayukong nakikita silang dalawa na ganun ang hitsura nila sa isa't-isa. Walang pedeng umangkin sa asawa ko, walang sino man!
"I'm watching"
Supladong bungad ko sa kanila kaya agad na silang napatingin sakin.
"Noah?"
Kaagad na tanong ng pangalan ni Naomi sa'kin kaya napangiti lang ako ng peke.
Marahan akong pumasok sa office ni Duke at nilapitan ko silang dalawa.
"Kukunin ko muna si Naomi sandali, may gagawin lang kami" supladong wika ko sa harapan ni Duke.
"Hindi pa pede, marami pa siyang babasahin at marami pa din akong ituturo sa kanya"
"Give me 30 minutes to be with her, an important matter to do. Don't complain"
Pagkasabi ko nun ay agad kong hinablot ang kamay ni Naomi habang nakayuko ang ulo nito.
Naglakad na kami papunta malapit sa may pinto nung magsalita ulit si Duke.
"Hey! Not now"
"30 minutes!" nakangising sambit ko sa kanya at tuluyan na kaming nawala sa paningin niya.
Hanggang ngayon ay hawak-hawak ko parin ang kamay niya. Tahimik lang siya habang ako ay tahimik din na nakangisi lang sa dinadaanan namin.
"N-Noah a-ano nga palang gagawin natin?" utal-utal na tanong nito sa'kin.
"Ano sa tingin mo?" balik tanong ko sa kanya.
"M-maganda naman siguro Diba? Wala naman siguro tayong gagawing masama diba?"
Interesadong tanong niya sa'kin kaya napangiti lang ako.
"Sa office tayo, sa office ko" sagot ko.
"A-anong gagawin?"
"Gagawa tayo ng baby as many as you want"
"Gagawa ng baby???? Weeh?!"
Gulat na tanong sa'kin ni Naomi kaya napangisi ulit ako ng nakapang-aasar sa kanya.
"Bakit ayaw mo?"
Nai-baling ang tingin niya sa ibang direksiyon habang nag-iisip.
"Hmmm...ang aga-aga pa. Wag lang muna ngayon Noah, hindi pa tayo kasal"
Tumawa ako ng marahan nung marinig ko ang mga salitang 'yon sa bibig ng asawa ko at napatango-tango ako sa kanya habang nakangiti. Nakakatawa pala siya hahaha.
"Talagang bina-basted mo'ko huh"
Nakangising sagot ko sa kanya kaya napangiti nalang siya. Pinipigilan na ngiti ang nakita ko at mukhang nagbla-blush siguro ang babaeng'to.
Hayyysssstt alam ko naman 'yon na gwapo ako, pero paano niya nagawang i-basted ang asawa niya sa harapan niya? Tsk kakaiba siya.
Nakarating na kami sa office ko at binitawan ko na ang kamay nito kaya napaupo na din siya.
Lumapit namn ako malapit sa lalagyan ng mga libro ko at may kinuha akong dalawang makakapal na libro.
Inilapag ko 'yon sa table namin dahilan ng pagkagulat niya.
"A-ano 'to?"
Nagtatakang tanong sa'kin ni Naomi.
"This??? Libro, ano pa nga ba?" seryosong sagot ko.
"A-anong gagawin natin dito?" Tanong ulit niya sa'kin kaya sandali akong napaupo.
"Una, walang natin...ikaw lang. Tsaka babasahin mo lahat 'to. No cheat! No complains At kailangan makikita kitang nagbabasa nito sa bahay. Understood?"
"Ano?!!! Babasahin ko lahat ng 'yan?!"
Malakas na singhal niya sa'kin kaya napatango lang ako habang nakangiti.
"Yup" tipid na sagot ko.
"P-pero Noah hindi ko makakayang basahin 'to! Ang dami-dami kaya nito! Ikaw kayang magbasa nito noh!"
"Ba't naman ako? Eh magaling na ako sa mga English English na 'yan tsaka matalino na din ako. Pasalamat ka nga at tinutulungan ka ng asawa mo!"
Galit na sagot ko sa kanya kaya napa-pout siya kaagad.
"Eh kasi naman hindi ko talaga kaya ang mga t----" magsasalita pa sana siya nung magsalita na din ako.
"Mamili ka, magbabasa ka nito o ipapa-patay ko si Dora?"
*Naomi's PoV*
Biglang nanlaki ang mga mata ko nung marinig ko 'yon sa kanya? Sigurado siyang ipapa-patay niya si Dora??? Malaking NO sa kanya!!!
Ayuko! Ayukong mawala si Dora! Mahal na Mahal ko siya! Huhuhuhuhu ano nga bang gagawin ko. Naku naman nakakainis!
"M-magbabasa" utal-utal na sagot ko.
"Exactly! Ano pa bang hinihintay mo? Alis na!"
"P-pero hindi k-ko----"
"ANO BA! GUSTO MO BANG MAWALA SI DORA HUH!"
Dahil sa malalakas na sigaw niya, agad na akong napabalikwas ng tayo at hinablot ang dalawang librong 'yon at mabilis nang tumakbo papalabas ng opisina niya.
"B-basahin ko nalang 'to Noah! A-ayuko kasing mamatay si Dora! Nag-text kasi siya sa'kin na magkikita kami sa lalong madaling panahon! Babasahin ko na 'to ok? Pramis hindi kita bibiguin hehe"
Nakangiting sigaw ko kay Noah pero hindi ko naring na nagsalita siya.
Tanging pinto na sumirado lamang ang nadinig ko mula sa opisina niya.
Napangiti na lamang ako at tumakbo na ulit papalayo ng pang-Dora moves.
"Hindi niya papatayin si Dora! Hindi niya papatayin si Dora! Hindi niya papatayin si Dora pag binasa ko lahat 'to! Tit tit tirit tit ti Dora! Tit tit tirit tit ti Dora!"
Nakangiting pag-aawit ko habang tumatakbo papalayo ng pang-Dora moves.
"Hindi niya papatayin si Dora hehe"
.
.
.
@nicoxx18I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (208)
Share
Mga Kaugnay na Kabanata
Mga Pinakabagong Kabanata
I like it hehe
26/01
0Good your story
22/03/2025
2very good apps
10/02/2025
1Tingnan Lahat