logo text

Ang Asawa Kong Babaero Chapter 18

Ang Asawa Kong Babaero
Chapter 18
*Noah's PoV*
Sinusundan ko siya.
Oo nauna ako pero sandali kong ipi-nark ang kotse ko sa gilid ng daan at pinagmasdan lang muna siya sa paglalakad niya.
Mahina lang ang pagpapatakbo ko ng sasakyan ko habang nakatingin sa direksiyon niya.
Gusto ko siyang protektahan, baka kung ano'ng mangyari sa kanya. Ewan ko ba kung bakit naiisip ko ang mga ito, hindi ko din maintindihan ang sarili ko minsan. Hindi ko dapat ito ginagawa. Hinahayaan ko na lang dapat siya.
Hanggang ngayon ay nakasunod parin ako sa kanya. Napahinto ako kaagad sa pagmamaneho noong makita ko ang dalawang lalaking bihis na bihis na pansinin ko'y sinusundan siya.
Medyo nakaramdam ako ng kaba at pag-aalala para kay Naomi. Baka kung anong gawin nila sa asawa ko!
Nagmadali ako ng pagmamaneho papunta sa direksiyon nila at malakas akong bumusina sa kanya dahilan ng pagkagulat nilang lahat.
"Pasok"
Napatingin siya kaagad sa 'kin nong mabuksan ko ang side mirror ng kotse ko.
Dali dali din siyang pumasok sa sasakyan ko at tumabi sa akin, tumabi sa passenger seat na kinauupuan ko.
Mukhang alam din niya na may sumusunod sa kanya. Nasa takota ang hitsura nito, nakakaawa siya. Sana hindi ko na lamang siya iniwan para hindi niya maranasan ang ganito. I'm really sorry Naomi, hindi ko sinasadya na ganito ang mangyayari.
Medyo nagtataka din ako, bakit may sumusunod sa kanya? Oo palaban siya ngunit mukhang wala naman ata siyang atraso sa mga taong 'yon. Tsaka parang may tinatawagan sila, mukhang pinaka-boss nila? Ano bang nangyayari? Bakit wala man lang akong kaalam-alam?
"I'm sorry" panimula ko sa kanya na nasa maayos na rono.
"T-tungkol saan?"
"Kasi iniwan kita mag-isa." Sagot ko.
Hindi siya nakapagsalita. Nanahimik muna siya kaya hindi ko na muna siya pinakialaman. Mukhang kinakabahan parin siya ngayon.
"M-may mga taong sumusunod sa akin kanina. Hindi ko alam kung sino sila, hindi ko matandaan  ang mga hitsura nila. Mukhang naka-isang beses ko pa lang silang nakita."
May pag-aalala niyang sambit sa akin kaya't napatingin ako sa kanya.
"Wag mo na silang intindihin, nandito naman ako at hindi kita pababayaan Naomi. Hindi na ako aalis sa tabi mo."
Nakangiting sagot ko sa kanya. Tanging matatamis na ngiti lamang ang ipinakita nito.
"From now on, hindi ka na magco-commute o maglalakad. Sasakay ka na sa 'kin palagi okay?"
Sabi ko pa. Kaya napatango ulit ito at nagsalita.
"Maraming salamat"
Ngumiti na lamang ako, hindi na rin ako nagsalita at ipinagpatuloy na ang biyahe hanggang sa makarating na kami sa school.
*Naomi's PoV*
Nauna na akong lumabas ng kotse at marahang naglakad papalayo sa kotse nito upang hindi nila mahalata na sumakay ako sa sasakyan ni Noah.
Nagtatakbo na ako papunta sa loob. Syempre yong pang Dora mobs hehe.
Nasa koridor ako nong makita ko kaagad ang babaeng tinulungan ko noon laban sa mga pangit na lakaki at ang babaeng nilibre ako dahil sa sobrang galing ko.
Hayysstt sana pala palaging may ganon para palagi din akong busog.
Kinawayan niya ako kaagad gamit ang malalapad na ngiti. Ginantihan ko na din siya ng kaway gamit ang buong pwersa kong kamay na kumakaway-kaway sa kanya.
Nagmadali akong naglakad papunta sa direksiyon niya.
"Kumusta?"
Nakangiting bungad niya sa akin kaya napangiti ako kaagad.
"Ayos na ayos, ikaw ba?"
"Maayos din ako "
Napangiti ako kaagad.
"Bago ka ba dito? Ngayon lang kasi kita nakita eh" unang tanong ko dito kaya tumango siya agad.
"Tama, at dahil sa bago ako. Ang swerte swerte ko dahil ikaw ang una kong nakilala."
"Awittt hehehe"
Medyo nakakaramdam ako ng saya kasi sa likod ng pagiging ganito ko ay may isang kaibigan ang handang umintindi sa akin. Higit sa lahat ay mabait.
Nagpatuloy na kami sa paglalakad hanggang sa mapadpad kami room namin.
Naupo at nagkwentuhan na din.
"Ms. Alfonzo?"
"Precent po!"
"Ms. Cortavista?"
"I'm here!"
At iba't-iba pang mga sagot nila. Habang ako ay nakabaling parin yong atensiyon ko kay Alexa. Wala kaming pakialam sa attendance na 'yon at nagchi-chismisan lang kami dito.
"Ms. Urrea?"
"Tsaka alam mo 'yon? Grabe sobrang astig siguro nun kapag nakapanood ng supir internasyonal"
Nakangiting sagot ko kay Alexa.
"Ms. Dora, supernatural yon hehe"
"Ayyt oo nga pala nakalimutan ko."
"Ms. Urrea!!!"
Agad na akong napalingon sa unahan nung marinig ko ang pangalan ko.
"Nandito ako ma'am!"
Agad na sigaw ko kay ma'am. Masungit pa naman ang matandang ito at nananapak 'to ng estudyante kahit babae, hindi ko na nga mabilang kung naka-ilang sapak na siya sa akin eh. Siguro sa una palang ng klase hanggang ngayon.
"Mukhang busy ka yata sa kaka-chismis mo diyan ah. Share ka naman."
"Naku hindi po hehe, wala po"
"Ewws, kunwari pa eh halata naman talaga"
"Oo nga, hey ghorl! Panis na yang tricks mo!"
"Tsk, magsisinungaling na nga lang eh halata pa"
"Korek! Ang tindi ng babaeng weird na 'to!"
Ilan sa mga bulungan na naririnig ko sa kanila.
Hindi ko na sila pinakialaman at naupo na lamang ako.
Nung mai-baling ni ma'am yong atensiyon niya sa ibang estudyante ay agad nanaman akong napalingon kay Alexa at nag-usap na ulit kami.
"So let's start our lesson now. Tapos na tayo sa mga problem solving na yan. Dito naman tayo sa... Ms. Urrea? Nakikinig ka ba?"
"Hindi, kailangan may maayos din sa bandang hulihan. Dapat kailangan muna ng mga..."
"Ms. NAOMI!"
Napukaw ulit ang atensiyon ko nong magsalita ulit si ma'am. Naku patay na, mukhang galit na siya sa akin ngayon.
Napaharap ako sa unahan at nakita ko na halos silang lahat ay nakatingin sa 'kin. Pat*y na, nakakahiya lalo na kay Noah, baka paluin ako sa pwet ni ma'am o sapakin huhu. Kasalanan mo'to Naomi hindi ka nakikinig!
"Stand!"
Galit na singhal sa akin ni ma'am. Lagot ako nito, hindi ko maintindihan yong sinabi niya.
"Ma'am e-translate niyo kasi sa English. Alam niyo namang bob* ang babaeng 'yan"
"Hahaha korek ma'am, paki-translate po para sa kanya HAHAHA"
"Shut up girls!"
Napatingin ako bigla sa nagsalita. Nakita ko si Noah at alam kong siya 'yon at ka-boses. Ngunit sa ngayon na ay nakatingin na siya sa pisara na parang wala lang pakialam. Ayaw niya lamang ibaling yong tingin niya sa amin.
Tumayo nga ako habang nakayuko.
"Kung talagang nakinig ka kahapon, sagutin mo ang tanong ko...9×9 ilan ba lahat?"
Napatingin ako sa kanya. Bahala na, alam kong tama ako, alam kong makakaupo din ako. Sana nga tama ang isasagot ko.
"99 po?"
"Is that a question or an answer? Sagot ba 'yan o tanong?"
Napangisi ako kay ma'am. B*bo din si ma'am, eh siya nagtanong sa'kin syempre ako yong sagot tsk. Kaparehas niya din si Dora!
"Sagot"
Mahinang sambit ko sa kanya habang nasa harapan ko siya ngayon.
"At bakit 99 yong sagot mo?"
Tanong pa nito, b*bo talaga si ma'am. Hindi niya ba alam yong sagot kaya nagtatanong pa siya sa 'kin? Tsk kakaiba siya. Bakit sa 'kin pa siya nagtanong eh bobo din naman ako ah. Bakit kaya siya nakapasa sa pagka-titser kung bobo siya? Inakit ba niya yong prinsipal?
"Eh kasi po walang ekwal"
Sabay sapak!
Aray ang sakit.
Tsk grabe hindi ko akalain na sasapakin niya ulit ako ngayong araw mismo.
"HAHAHAHA"
Tawanan ng mga estudyante sa loob ng room.
Nakakahiya.
Gag*
.
.
.
nicoxx18

Komento sa Aklat (208)

  • avatar
    Kyle Patrick

    I like it hehe

    26/01

      0
  • avatar
    L. CampionJerick

    Good your story

    22/03/2025

      2
  • avatar
    ColocarJenny Rose

    very good apps

    10/02/2025

      1
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata