Ang Asawa Kong Babaero Chapter 17 *Naomi's PoV* Ngayon ay araw ng Lunes at sa paaralan nanaman ang palagi naming pupuntahan mula lunes hanggang biyernes. Hayysstt medyo nakaka tamad nang mag-aral, pero hindi dapat ako mawalan ng pag-asa lalo na't magkasama kami palagi ni Noah. Nakabihis na din ako ng uniporme ko at nandito na sa salas naghihintay sa lalaking'yon. Nakaupo lang ako habang nakangiti. Bakit ako nakangiti? Hindi ko rin alam eh. Siguro'y masaya lang ako sa bago kong buhay. Nagmumukha tuloy akong dora nito. Mas mabuti na 'yon, idol na idol ko 'yon ba't ba? Kahit sobrang bob* at tang* ni Dora, mahal na mahal ko ang babaeng 'yon. Syempre pareho kami eh, halos tawagin na kaming magkapatid. Hmp, ang tagal naman magbihis ng lalaking 'yon. Makaalis na nga! Lumabas ako sa condo namin at dumiretso na sa sasakyan ni Noah na nakaparada sa harapan ng bilding (building) na tinutuluyan namin. Naupo lang muna ako sa gilid habang hinihintay siyang makalabas. Minsan tumatayo din ako upang tignan ang sarili ko sa salamin na nasa gilid ng kotse. Ang ganda ko talaga. Hindi kalaunan pa'y nakita ko na din ang lalaking 'yon na kanina ko pa hinihintay. Grabe napaka-gwapo niya talaga lalo na kapag naka-suot ng uniporme. Bumabagay lang sa kanya, ni mas kahit anong klasing suot ay lahat bagay sa kanya. Ako? Heto tamang suot lang ng damit para mag-mukha akong tao, ok na din yon. Kahit hindi mamahalin damit ko, atlis may sinusuot. Wala akong pakialam sa iba. I don't any know have manners in them. They go in die sa tamang panahon. Napatayo na ako nung lumapit na siya sa sasakyan kaya nilapitan ko na siya habang napaka-malapad yong ngiti ko. Yes makakasakay ulit ako ng kotse hehehe. Agad nang dumiretso si Noah na pumasok sa kotse niya na para bang hindi niya ako nakita. Teka, nakikita pa ba ako ng lalaking 'to? Hala eh bakit hindi niya ako mapansin? Naku! Huhuhu patay na ba ako? Ano bang nangyari? Nasagasaan ba ako ng malaking trak? Wala naman akong natatandaan eh, naku lagot na huhu baka patay na nga ako! NOOOOOOOO! "Noah? Noah nakikita mo pa ako? Hindi pa ako patay diba? Noah pansinin mo naman ako!" Pagkasabi ko nun ay napatingin siya sa 'kin. Kahit papaano ay napangiti ako at kinawayan siya. Salamat at hindi pa ako patay. "Ano ba kasing problema mo? Mali-late na ako oh!" inis na bungad niya sa akin. "Hi-hindi mo ba ako pagbubuksan? Aalis na tayo, baka ma-late pa talaga tayo nito eh" Nakangiting tanong ko sa kanya kaya napangisi siya kaagad ng nakapang-aasar. "Una, walang tayo." Napakunot-noo ako kaagad. "Pangalawa, ayukong sumasakay ka dito sa sasakyan ko sa araw ng may klase. Baka mahalata nila na mag-asawa tayo at kung ano pang chismis ang ikalat nila. Pangatlo, magco-commute ka tuwing lunes hanggang biyernes,nakuha mo?" Napanganga ako sandali sa mga sinabi niya. Hindi ko akalain na kasali pala 'to sa mga gusto niya. Tsk ang salbahi talaga ng lalaking ito akala ko pa naman na makakasakay ulit ako sa kotse niya, hindi pa pala. Akala ko bang ok na kami? Hindi ba't magkasundo kami kahapon? tama pero pano nangyari 'to? Hayysstt nakakainis! "M-maglalakad ako?" “Aba'y ewan ko sa 'yo diskarte mo 'yan, puwede ka ring sumakay ng tricycle" "P-pero..." "Bye" Sabay umandar at nagpaharurot ng pagmamanehong kotse niya. Naiwan nalang akong mag-isa sa daan na iyon habang tulala pa rin. Kainis siya, dapat pala hindi ko na lamang siya hinintay. Ako tuloy ang mahuhuli sa klase nito! Nakakainis hindi ka kasi nag-iisip Naomi! Nagsimula na akong maglakad, wala akong ibang gagawin kundi ang maglakad lang. Ayuko namang gastosin 'tong kaunting pera ko kasi mamaya sasakay pa ako ng traysikel at kakain din ako ng snack noh. Baka maubos tuloy 'to kawawa naman ako. "Tit tit tirit tit ti Dora, tit tit tirit tit ti Dora, tit tit tirit tit ti Dora, Dora Dora Dora Dora Dora. Dora the explorer!" Yon lang naman yong palagi kong kinakanta kapag naglalakad ako eh. Yon lang para hindi ako mainip sa kakalakad. Hayysstt totoo nga ang sabi ng lahat, ako nga si Dora. Yong mahilig maglakad kahit gaano pa kalayo ang puntahan tsk. Ilang minuto akong nagtatakbo at sandali akong huminto. Parang nakakaramdam ako ng mga taong sumusunod sa 'kin. Parang may naglalakad sa likuran ko, lingunin ko na kaya? Sino naman kaya ang mga taong 'to? Baka naman parehong daan lang talaga ang tatahakin namin hindi ba?. Baka pilingera lang talaga ako? Agad na akong napahinto sa paglalakad at nadinig ko din itong nasa likuran ko na napahinto din sa kakalakad. Mukhang ako nga ang pakay nila. Dahan-dahan akong lumingon sa likuran ko. Nakita ko ang dalawang lalaki na bihis na bihis. Para silang nagtra-trabaho sa iisang kompanya, o di kaya isa silang mga tauhan ng sindikato dahil sa mga hitsura nila. At mukhang ako ang sinusundan nila. Nararamdaman ko lang ngunit hindi ako sigurado doon. Napangiti agad silang dalawa sa akin kaya pati na rin ako ay napangiti din sa kanila gamit ang malalapad kong mga ngiti. Pagkatapos nun ay naglakad na ulit ako ngunit hanggang ngayon ay ramdam ko pa rin na sinusundan nila ako. Naku baka may mga baril sila wala akong laban! Baka masasamang tao sila! Pero sandali, may masasamang tao ba na ngumingiti sa akin? Meron bang ganon? Nakaramdam ako ng takot, hindi ko alam kung bakit. Siguro dahil sa ginagawa nilang pagsunod sa akin. Eh kung huminto ako ay hihinto din sila tapos kung maglalakad ako ay maglalakad din sila, sino ba namang hindi magtataka ron? Tama nga ang hinala ko, mukhang ako nga ang sinusundan nila. Minabilis ko ang aking paglalakad. Hindi ako lumingon sa kahit na anong direksiyon ng dinadaanan ko at hindi ko pinansin ang lahat-lahat na nakakapag-patakot sa akin. Legit ang kaba ko ngayon! Nagpatuloy lang ako sa paglalakad. Diretso lang at hanggang ngayon ay nakakaramdam parin ako na nasa likuran ko pa sila. Lakad lang ako ng lakad hanggang sa may biglang bumusina sa akin na siyang naging dahilan ng pagkagulat ko. "Pasok" Napanganga ako sa nasaksihan ko. Akala ko bang nakarating na siya sa paaralan? Bakit nandito parin siya? Bigla akong natauhan at mabilis ding sinunod ang utos niya. Pumasok ako agad sa loob ng sasakyan at bigla itong nagpaharurot ng maneho. . . . @nicoxx18
I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
I like it hehe
26/01
0Good your story
22/03/2025
2very good apps
10/02/2025
1Tingnan Lahat