Homepage/Ang Asawa Kong Babaero/
Ang Asawa Kong Babaero
Chapter 15
Ang Asawa Kong Babaero
Chapter 15
*Noah's PoV*
“Opo! yang Dora at tsaka Boots at tsaka Swiper nga ate. Yong malaki-laki lang ah?”
Nakangiting sigaw ni Naomi sa babaeng saleslady ng mga stuff toys doon sa iisang kwarto na puno ng laruan na 'yon.
Idol na idol niya talaga ang lakwatserang negra na iyan. But sad to say this they are just an imaginary friends, hindi naman sila totoo dahil cartoons lang naman ang mga ito na napapanood sa TV. Pero ewan ko lang kung ano ang paniniwala nitong si Naomi, kung naniniwala ba siya na totoo si Dora o naniniwala din siya na imaginary friend lang ito? Hindi ko knows.
Hanggang ngayon ay narito pa rin kami sa mall na ito. Pero pagkatapos din naming bumili ng laruan ng babaeng 'to ay uuwi na kami. Medyo nagugutom na din kasi ako eh at pagod.
“Kayo ho ba ang gagamit nyan, miss?” !akangiting tanong ng saleslady kay Naomi na siyang ikina-agaw ko ng pansin.
“Hehe opo” hindi niya talaga maiiwasan ang ngumiti ng nagpapa-cute tsk.
“Naglalaro kayo nito? Ang tanda-tanda niyo na po eh maglalaro pa kayo nito? Special child ho ba kayo?” napatingin ako agad sa babaeng nagsalita.
Pake niya ba kung naglalaro si Naomi niyan eh saleslady lang naman siya. Ang dami niyang kuda hindi na lang ibigay ang binibili namin.
“Bakit? Pake mo ba?” inis na tanong ni Naomi sa babaeng 'yon.
Sige lang Naomi labanan mo siya at para magtanda siya. Go lang ako sa 'yo, akong bahala sa 'yo. Nakakainis din naman kasi.
“Eh nagtatanong lang naman ako eh. Special child ho ba kayo?”
“Anong special child?” nagkukunot-noo din niyang tanong sa saleslady.
Naalala ko na hindi niya pala alam kung ano ang ibig sabihin ng special child tsk.
“Hindi niyo po alam yong special child?”
“Magtatanong ba ako kung alam ko?”ani Naomi.
Ang suplada ng Naomi'ng 'to, manang-mana ka talaga sa 'kin. Ganiyan nga Naomi, labanan mo pa! Sige lang!
“HAHAHAHA mag-aral naman kayo kahit kaunti lang.” aba'y hayuff.
“Nag-aaral ako! Ikaw ang dapat na mag-aral diyan eh saleslady ka lang naman eh! Mag-aral ka din!”
“Hoy at least hindi ako bob* katulad mo! Oo hindi ako nakapagtapos ng pag-aaral pero hindi naman ako kasing tang* at bob* na katulad mo!”
“Grabe ka ah! Oo alam kong bobo ako! Kahit naman saleslady ka lang eh gamit-gamitin mo naman yang pagka-mabait mo sa mga taong bumibili! Kahit yong pekeng bait lang! Hindi yong binubuhos mo lahat ng baho mo dito! Eh nagtatanong lang naman ako kung ano yong special child ah! May masama ba dun ah?! Bitter ka ah? Bitter ka?! T4nga!”
Napatawa ako agad ng marahan dahil sa pagtatalo nila. Ang galing pala makipag-trashtalkan ng asawa ko ah, bilib na ako sa kanya.
Humakbang ako paatras. After 5 seconds ay nandito na din ako sa likuran nila habang nagtatalo pa rin sila kaya't sandali kong kinuha yong phone ko at kinunan ko sila ng video.
“Aba salbahi ka! Ang bob* mo! Napaka-bob* mo!”sigaw ng saleslady.
“Ah talaga? Bob* ako? Hmmp humanda ka ngayon babae ka!”
Pagkasabi niya nun ay kinuha niya yong dalawang kamay ng babae at malapit-lapit na din niya itong balian ng buto at mabuti na lamang at napigilan ko sila.
Napahinto ang pagkukuha ko ng video sa kanila at agad kong itinabi ang aking cellphone sa bulsa ko.
“Girls stop it!”
Tumigil nga sila at pinakawalan ni Naomi yong kamay ng babae at inilayo ito sa harapan niya.
“Chee!Ang sama ng ugali mo! P4kyu wanhanred tayms! Pwe!”
Sabay niyang itinaas yong middle finger niya. Napangisi lang ako sa ginagawa ng asawa ko. Talaga naman oh, ang husay niya sa mga ganito.
Umalis na nga kami sa lugar na ion. Naglakad na kami palabas ng mall. Kawawang Naomi nagtatanong lang naman inaway pa.
“Noah, p-pasensya na talaga sa nangyari kanina hindi ko inaasahan na ganon ang mangyayari eh.”
Huminto siya at sinabi ang mga 'yon. Napahinto na din ako at pinakikinggan ko lang siya. Pagkatapos niyang magsalita ay napangiti muna ako.
“It doesn't make sense for me, wala sa 'kin 'yon tsaka ang galing galing mo nga eh, appear!”
Itinaas ko 'yong kanang kamay ko. Medyo nagulat siya sa 'kin pero napangiti din ito sabay itaas din ang kanang kamay niya at i-appear din sa 'kin.
“Apir!”
Pagkasabi niya non ay nagpatuloy na ulit kami sa paglalakad.
*Naomi's PoV*
Malapit na kami sa exit ng mall nong makita ko ulit yong batang 'yon na nakaupo at nakatingin sa paligid.
Nakakaawa siya, may pamilya kaya siya? Eh kanina pa naman siyang nandiyan nakaupo at mukhang wala naman akong nakikitang mga magulang nito. Siguro nga ay pulubi siya kasi wala siyang ni isang kasama oh.
Naaawa tuloy ako sa kanya. Ang sama ko talaga, 'yon na nga lang ang natitirang pagkain niya eh inubos ko pa. Mas matindi pa pala ang kalagayan niya kumpara sa akin.
Napatingin ako sa katabi kong si Noah. Tila wala siyang pakialam sa mundo ngayon. May naisip ako, sana umubra. Bahala na kung mapagalitan niya ako basta't magkasundo kami ng bata.
Humanap ako ng tamang tsimpo. Nong mapalingon siya sa kaliwa ay agad kong hinablot ang wallet niya na naglalaman ng malaking pera na walang kamalay-malay.
Agad ko itong itinago at sandaling napangiti sa kanya noong lumingon siya sa 'kin.
“Dito ka lang, may pupuntahan lang ako. Mabilis lang 'to.” Ani Noah.
Napangiti naman ako at tumango-tango sa harapan niya kaya hindi na siya nakapagsalita at lumakad na.
Sinundan ko muna siya ng tingin at nong mawala na siya sa paningin ko ay agad na akong lumapit don sa isang pridyeder na may lamang pagkain at inumin.
“Bata, kumain ka na ba?” nakangititing bungad ko sa kanya at tumingin siya ng diretso sa akin.
“Paano ako kakain eh inubos mo nga 'yong pagkain ko tapos tinakasan mo pa ako!” inis na sagot nito kaya't medyo nakaramdam ako ng kaunting hiya.
Walang h*ya ka talaga Naomi ang bobo mo kahit kailan.
Mabilis kong ini-abot sa kanya ang mga pagkain na binili ko at ang natitirang pera na nasa wallet ni Noah.
“Heto tanggpin mo, bayad ko 'yan sa iyo kanina dahil tinulungan mo ako. Pasensya na Hindi ko naman kasi sinasadya na mauubos iyon eh pero maraming salamat pa rin. Magpaka-busog ka ah?” nangiting sambit ko sa kanya sabay abot ng mga pagkain sa kanya.
Aagad din naman niya itong tinanggap ng nakangiti.
“Maraming salamat po!” malakas niyang sigaw habang nakangiti.
Mas matakaw pala siya kesa sa 'kin. May nararamdaman parin akong kirot ngayon. Ang sama ko, pinaghintay ko pa siya ng mga ilang oras para lang makakain.
*Noah's PoV*
Bumalik na ako sa kinaroroonan kanina ni Naomi. Wala siya doon at nakita ko siyang pinagmamasdan na kumain yong bata habang nakangiti ito.
Nagugutom ba siya o nagbigay siya ng pagkain? Imposibleng magbibigay siya ng pagkain eh wala siyang pera, ako yong may hawak ng pera eh.
“Halika na” panimula ko noong makarating ako sa kinaroroonan nila. Napatayo nanaman na agad si Naomi at sumenyal na ng ba-bye sa batang lalaki na 'yon.
“N-Noah may sasabihin ako sa 'yo” siya nanaman ang nagsalita noong nasa labas na kami ng mall. Tinignan ko naman siya.
“Ano 'yon?”
“Magkanong pera ba ang nariyan sa wallet mo?” napaisip naman ako.
“Pang-gas nalang, wala na akong pera sa wallet ko at kukuha pa lang ako mamaya sa account ko bakit?” nakita ko naman siyang nagkagat-labi.
“Kapag hindi ba tayo nakapag-gas ay hindi din tayo makakauwi?”
Napangisi ako ng nakapang-aasar sa tanong niya at tumango.
“Malamang, hindi tayo lilipad.”
Napakagat-labi ulit siya. Ang babaeng to...
Mabilis kong kinapa ang bulsa ko upang kunin ang wallet ko pero ni isa wala. Pina-ulit ulit ko pang kapain 'yon pero hanggang ngayon ay wala parin akong mahawakan. Kaya sandali akong napahinto at napatitig sa kanya.
“Kinuha mo ba 'yong wallet ko?”
“K-kinuha ko yong p-pera mo Noah, ibinili ko ng pagkain ng b-bata.”
“WHAT?!”
.
.
.
nicoxx18I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (208)
Share
Mga Kaugnay na Kabanata
Mga Pinakabagong Kabanata
I like it hehe
26/01
0Good your story
22/03/2025
2very good apps
10/02/2025
1Tingnan Lahat