logo text

Ang Asawa Kong Babaero Chapter 11

Ang Asawa Kong Babaero
Chapter 11
*Noah's PoV*
Nagtungo ako sa kusina kung saan ako nakaka-amoy ng mabango. Sa pagkaka-alam ko ay napakasarap na pagkain ito.
Hmmm, ang bango bango ng naaamoy ko ngayon. Kay Naomi ba 'yon? Si Naomi ba ang nagluto nun? Grabe ang bango naman palang magluto ng asawa ko, mukhang masarap nga.
Hindi kalaunan ay sinundan ko kung saan nanggagaling ang amoy at tama nga ako na nasa kusina ito. Lumapit ako sa direksiyon na kung saan nakalagay yong isang kaldero na naglalaman ng naaamoy ko.
Pinagbuksan ko naman ito at napa-pikit ako dahil sa sobrang bango habang inaamoy ko 'yon.
Isang sinigang na baboy ang nakita ko sa loob ng kaldero'ng 'yon. Kumuha naman ako kaagad ng isang bowl at isang kutsara at pagkatapos ay kumuha na din ako ng pagkain na 'yon at marami-raming sabaw.
Kailangan lubusin ko na 'to ngayon, wala na 'to mamaya kasi alam kong bababa na ito ng kwarto. Hindi ko alam kung paano basta't ang importante ay makakain ako ngayon.
Tinikman ko na yong sinigang na sabaw. Agad naman akong napa-ubo at nailabas ko lahat ng sabaw na hinigop ko sabay napasinghot dahil sa lasa ng pagkain.
Grabe, yong amoy lang pala yong mabango pero yong lasa? Ackkk mukhang papatay siya ng tao dahil sa sobrang alat nito. Tsk grabe ang tindi niya, hindi ba siya nagkaka-UTI dahil dito? Ganito ba talaga siya magluto? Walang pakialam basta makakain lang? The hell!
Ini-alis ko naman ang bowl na 'yon at kutsara sa harapan ko. Nawalan na tuloy ako ng gana.
Tumayo na ako at lumapit sa ref. Pagbukas ko ng ref ay napanganga na lang ako. T4ngin* naman kasing bahay na 'to eh, wala na ngang beer, walang juice, pati ba naman wine wala? As in tubig na malamig lang yong nandyan sa loob? Wala ba siyang pera pambili nun? Imposible naman na wala siyang pambili alam kong binibigyan siya ng allowance ni Dad. At saan naman niya ipinupunta ang pera? Ang babaeng 'to walang pakialam sa paligid.
Hinablot ko yong isang pitsel ng malamig na tubig at kumuha din ako ng baso para makainom.
Dumiretso nalang ako sa living room. Mauupo palang sana ako nung agad nang bumungad sa harapan ko ang isang babaeng nakasuot sa mukha nito ang matatalim na tingin sa akin at kaagad nang tinadyakan ang pinaka-iingatan na pagka-lalaki ko.
“F4CK!”
Napasigaw na ako dahil sa sobrang sakit. At dahil nga sa sobrang sakit ay napaluhod ako habang ito'y hinahawakan ko.
*Naomi's PoV*
May nakita akong  gunting kaya gumawa ako ng paraan upang makalapit sa direksiyon ng kinaroroonan nito.
Nong mapa-saakin naman na ito ay minabuti ko na ang makawala sa mga lubid na iginapos niya sa 'kin.
Humanda ka ngayon Noah, ngayong nakalaya na ako, humanda ka sa 'kin!
Padabog akong umalis ng kwarto at dumiretso sa baba habang nakatingin ng matalim na tingin.
Agad ko siyang nilapitan at agad din namang tinadyakan ang talong niya. Kaya dahil sa sobrang sakit, napaluhod ito at napasigaw pa.
Tuluyan na siyang napahiga sa sahig habang nakahawak parin sa pagka-lalaki nito kaya't sandali pa ay naupo ako sa tiyan niya at pinag-sasapak siya.
“Walang h*ya ka Noah! Hindi mo alam kung sino ang kinakalaban mo! Hindi mo alam kung sino ako! Naiinis ako sa 'yo gusto kitang bugbugin!”
Naiinis na singhal ko sa kanya habang pinipigilan niya yong kamay ko sa pagkaka-sapak sa kanya.
“Aray ang sakit ano ba umalis ka nga! Sorry na hindi ko naman 'yon sinasadya eh!”
“Anong hindi?! Eh halos tumawa ka pa dahil sa mga katarantaduhan na ginawa mo sa 'kin kanina ah! Walang hiya ka papatayin talaga kita!”
“Huwag naman maawa ka sa 'kin asawa ko, hindi pa 'ko handang mamatay. Mahal ko pa ang buhay ko!”
Napangisi nalang ako kaagad sa sinagot niya sa 'kin habang nakaupo parin sa tiyan niya.
“Tatawagin mo akong asawa pagkatapos ng ginawa mo sa akin?! Bakit sa tingin mo bang tatantanan na kita sa kaka-sapak sa 'yo kapag tinawag mo akong asawa ah?! Gag*!”
“H-hindi naman, tinawag lang kita asawa kasi totoo naman 'yon diba? Mag-asawa naman tayo diba? Sige na parang awa mo na maawa ka sa 'kin tumigil ka na, maawa ka naman sa asawa mo oh. Mahal kaya kita sige na pls!”
Pagmamakaawa niya sakin kaya natawa ako ng marahan tapos biglang nag-seryoso ng tingin.
“Gag* hindi mo ako madadala!”
“Eh kung mag-mall nalang kaya tayo bukas? Tama bukas kasi wala naman tayong klase eh, ano payag ka? Magagawa at mabibili mo lahat ng gusto mo!” pasigaw pang hirit niya habang nakangiti.
Napahinto ako sa sinabi niya tapos sumeryoso na agad ang hitsura ko at napaisip na din ako.
“Puwede kong mabili si Dora sa mall? Pede ko din mabili  si Boots tapos si map tapos si swiper?”
“O-oo naman, puwedeng-puwede mo silang bilhin lahat. Ako ang bahala at sabihin mo lang lahat ng gusto mong bilhin, lahat ibibigay ko sa 'yo.” ani nito na siyang dahilan ng pagkatuwa ko.
“Talaga? Sigurado ka ba Noah? Hindi mo babawiin ang mga sinabi mo?”
Nasasabik kong tanong sa kanya kaya napangiti ito at mabilis na tumango ng paulit-ulit.
“Oo naman sigurado ako, bakit ko naman babawiin pero bago 'yon, puwede bang alisin mo muna yang sarili mo sa 'kin? Kanina pa kasi ako nahihirapan eh ang bigat mo.”
“Ayy hehe shorry.”
Nakangisi na sambit ko.
“Sorry not shorry.”
Saad niya kaya napangisi ulit ako ng pa cute.
“Hehehe oo nga pala, sorry.”
“Sige na umalis ka na baka pumayat pa ako nito.”
“Ayy oo nga pala hehe.  Owemje!sabik na sabik na ako bukas! Teka kailangan ko na munang pumili ng isusuot ko! Maghahanda na ako ng susuotin ko bukas!”
Sabik na sagot ko kay Noah kaya napatayo na ako at tumakbo na papunta sa taas sa kwarto.
*Noah's PoV*
Hanggaang ngayon nararamdaman ko pa rin 'yong sakit. Sobrang sakit pa rin ng pagka-lalaki ko. Kasi naman eh, paano niya nagawa ang bagay na 'yon sa 'kin? Bakit ang parang lakas-lakas niya naman ata.
Hayyyst kailan kaya ako titigilan ng disgrasyang 'to? Baka patayin na ako ng babaeng 'yon hayyyy. Kinakailangan ko na'ng mag-ingat magmula ngayon.
Sandali akong napahawak sa pinaka-iingatan kong talong, f*ck ang sakit!
p6st*ng buhay 'to.
.
.
.
nicoxx18

Komento sa Aklat (208)

  • avatar
    Kyle Patrick

    I like it hehe

    26/01

      0
  • avatar
    L. CampionJerick

    Good your story

    22/03/2025

      2
  • avatar
    ColocarJenny Rose

    very good apps

    10/02/2025

      1
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata