Chapter 104

Ang Asawa Kong Babaero
Chapter 104
MAKALIPAS ANG ILANG MGA ARAW
~FINAL BATTLE~
*Noah's PoV*
Hayyyyyyy, ang laki ng pinagbago ng lahat. Akala kong whole year akong magiging Chainsmoker at drunkingmaster pero nabago ang lahat ng bagay na yon dahil lang sa iisang natitirang pag-asa.
Sadyang mabait nga ang diyos, ayaw niya akong pabayaan na malulong sa bisyo at pabayaan ang totoong pagka-tao ko.
Hayyyyyyy ang sarap ng buhay. Kontento na ako, walang love life, walang problema...at masayang-masaya.
Akala kong hindi ako makaka-ligtas sa mga masasakit na nangyari sa buhay ko noong mga nakaraan.
Pero sadyang mabait talaga ang diyos, hindi niya ako pinabayaan. Mas lalo niya akong prino-protektahan.
Mahigit dalawang linggo na din ang nakalipas simula nung maka-alis ang asawa ko tungong ibang bansa. Mahigit dalawang linggo na din akong nasasabik na makita siya pero hindi na ako aasa pa na magkikita pa ulit kami.
Kung mangyari man iyon, siguro'y medyo matatagalan pa.
"Noah!" napalingon ako kaagad sa tao'ng kaagad sumigaw ng pangalan ko.
Napangiti ako kaagad. Nakita ko ang mga barkada ko na todo kaway ng kaway sa'kin habang nakatayo ako dito sa tapat ng stage.
Kumaway-kaway din ako kaagad sa kanila at nagtatakbo sila papunta sa kinaroroonan ko.
Mahigit apat na taon na din kaming nagsasama-sama sa iisang paaralan. Sila palang ang mga taong never akong iniwan, never pa'ng pinabayaan sa buhay ko na kahit medyo minsan ay masungit ako sa kanila.
Sila palang yong taong hindi napagod na intindihin at mahalin ako kahit ganito kasama ang ugali ko. Mahal na mahal ko sila at hinding-hindi magbabago ang bagay na yon.
"Pare, kumusta na dito? Late na ba kami? Magsisimula na ba?" sunod-sunod na tanong ni Elmo sa'kin habang nagbibiso-biso kami.
"Hindi pa naman, hindi pa lahat nandito" nakangiting sambit ko sa kanila.
Ngayon pala ang final battle namin ni Sir Duke Wang. Alam kong magaling naman siya sa math pero talo parin siya pagdating sa'kin, talo parin siya kung mas lalo ko pang gawin ang lahat ng makakaya ko hihi. Hamak naman kasi na mas magaling pa ako kesa sa kanya noh.
But seriously, we're not enemy anymore. We used to be buddies now. Wala naman na dapat kasi kami'ng pag-awayan pa eh, dapat kaming magka-sundo.
"Go go go Noah! Kayang-kaya mo yan Ikaw pa ayieeee" umpisa nitong si Tyrone kaya sunod-sunod din nilang sinigaw ang "ayieeee" na yan.
Napapangiti lang ako habang pinagmamasdan sila. Napaka-swerte ko talaga dahil sila ang naging mga kaibigan ko.
"Fighting!" si Kurt pa kaya napangiti nanaman ako.
Pakiramdam kong ngayon ko palang naranasan ang ngumiti ng ganito simula nung umalis si Naomi. Pakiramdam kong ngayon lang ulit nabuhay ang matatamis na ngiti ko.
"OKAY LADIES AND GENTLEMEN, LET'S WELCOME OUR TWO PARTICIPANTS OF THIS COMPETITION CALLED *MATH CHALLENGE* MR. PATTERSON AND MR. WANG, KINDLY PLEASE COME HERE IN STAGE AND WE ARE GOING TO START OUR SHOW SOON" sabi ng MC kaya napatingin ako kaagad sa mga barkada ko.
"Tinatawag na'ko, mauna na'ko" nakangiting bungad ko sa kanila kaya napatango din sila kaagad.
"Sige Noah, kaya mo yan. Go lang ng go!" pang-che-cheer ng mga kaibigan ko.
"NOAH! NOAH! NOAH!" naririnig kong sigawan ng mga estudyante na naka-panood sa battle na gagawin namin habang ako naman ay heto pa-akyat na ng hagdan.
"Good luck to you Mr. Patterson, alam kong magaling ka" bungad ni Duke sa'kin kaya napangiti ako kaagad tsaka napatango.
"Aray naman!" agad na sabi ko nung pingutin niya yong taenga ko pero tila napangiti lang ito ng nakapang-aasar.
"Ganun ang gagawin ko pag natalo ka" pang-aasar nito kaya napatawa ako ng marahan kaagad.
"Sisiguraduhin ko nalang na manalo para hindi ako makatanggap ng napaka-sakit mong pingot. Pati katawan ko na-overload ng dahil sayo eh, kainis ka" naiinis na sabi ko kaya marahan siyang napatawa.
"Ikaw ang bahala" nakangiting sagot niya sa'kin at umalis na din siya at naupo sa puwesto niya.
Naupo na din ako sa puwesto ko, medyo malayo-layo ang distansya namin ni Duke sa isa't-isa. Ganun talaga, bawal cheating. Pero sino naman ang gagaya? Wala naman siguro HAHA tsk.
"OKAY SO KINDLY DISTRIBUTE NOW THEIR PENCILS, ANSWER SHEETS AND ALSO THEIR PAPERS" may isang guro'ng nag-distribute ng mga papel namin at pagkatapos din nun ay nagsalita na ulit yong MC namin.
"SO HERE WE GO NOW STUDENTS, OUR TIMER... STARTS.....NOW!" pagkasabi niya nun ay kaagad kong ibinaling ang atensiyon ko sa papel.
Marami-rami parin ang mga taong todo hiyawan at sigawan ng pangalan ko, medyo maingay pero kaya ko pa naman na pang-hawakan pa.
Number 5 na ako ngayon, yong iba madali lang pero yong iba'y medyo marami-rami ang kinakailangan na i-solve.
Number 8 na'ko, hindi ako sure sa tamang sagot dito. Mas mabuti pang lampasan ko lang muna ito para makapunta ako sa susunod na numero.
MATAPOS ang mahigit 30 minutes na pagsasagot ay kaagad na ding tumunog yong bell.
Ibig sabihin nun ay tapos na ang 30 minutes na ibinigay nila sa'min.
Pero hindi pa ako tapos, mga dalawa pa pero hindi ko na pede pang tapusin yon kasi tapos na ang oras.
"OKAY SO LET'S CHECK THEIR WORKS" may kaunting kaba akong naramdaman. Medyo kinakabahan na ako sa magiging resulta, sana nama'y ganun pa din ang resulta ng lahat.
Sandali akong napatingin kay Duke, napangiti din ako sa kanya nung ngumiti siya sa'kin.
Minsan nagiging malungkot ako, noong unang battle ay kasama ko si Naomi. Palagi siyang nakangiti sa'kin at todo din cheer ng pangalan ko na mananalo daw ako pero ngayon? Ni isang anino niya'y wala akong nakita.
Wala na talaga ang asawa ko, wala na siya.
"SO HERE'S THE RESULTS NOW, OUR HIGHEST SCORE IS 44 AND THE LOWEST IS 41. THE ONE WHO GOT THE HIGHEST SCORE WAS...............MR. PATTERSON. CONGRATULATIONS MR. PATTERSON AND ALSO TO MR. WANG. CONGRATULATIONS TO ALL OF YOU, STUDENTS PLEASE GIVE THEM AN APPLAUSE"
"Yoah!!! Noah puta ang galing mo!!!"
"Owemje nakaka-proud!"
"Idol ko turuan mo naman ako sa math!!!"
"Wow hindi kapani-paniwala!!!"
"Puta Noah ang galing mo talaga walang hiya ka! Pare proud kami sa'yo!!!"
mga naririnig kong sigawan nila. Mas malakas pa na sigaw kompara kanina. Hindi ko maipaliawanag ang saya ko ngayon, todo saya ang ramdam na ramdam ko. Abot hanggang langit.
Nandito ako at hawak ako ng mga barkada ko. Pano ba naman kasi eh kinarga ako ng mga kaibigan ko matapos ko lang sa stage kaya heto na nga ako ngayon sa taas at habang nakikita ko silang lumulundag ng dahil sa sobrang tuwa. Ako din nama'y napapasabay sa pag-lundag dahil hawak nila akong apat.
Grabe ang saya ko ngayon. Alam kong medyo kulang pa ito dahil sa asawa kong wala dito pero kinakailangan kong tanggapin yon. Kasi hindi sa lahat ng oras ng kailangan ko siya sa kasiyahan ay hindi lahat yon nangyayari at dumarating, pero masaya parin ako. Masayang-masaya parin ako ngayon para sa sarili ko.
"Napaka-husay na lalaki, ang talino mo talaga Noah"
"Grabe as in proud na proud ako sayo Noah!!!"
Pagkatapos nun ay nakita kong nasa tabihan ko na si Duke. Nakangiti siya sa'kin ngayon kaya agad na din kaming nag-shake hands.
"Congratulation Noah" napangiti ako.
"Maraming salamat. Mukhang ako naman yata na ang pipingot diyan sa taenga mo" pagkasabi ko nun ay ginawa ko talaga ang sinabi ko kaya napatawa ako kaagad nung sumigaw siya.
"Aray naman! Ang sakit nun ah, mas masakit pa kesa sa ginawa ko sa'yo tsk" inis na sabi nitong si Duke.
"Ganun talaga ako Mr. Wang. Congratulation din para sa'yo" napatango siya kaagad kaya napangiti nanaman ako.
"Maraming salamat"
Si Duke.
At hindi sa huli.
Lumapit ang babaeng kelan ma'y hindi ko makakalimutan sa buhay I babae'ng maldita'ng si Rhain na'to, hayyysst hanggang ngayon ay napatawad ko parin siya kahit napakarami na niyang kasalanang nagawa sa'min ni Naomi.
Pero masaya ako don, kailangan kong maging mabait sa kanila. Kailangan kong kalimutan ang lahat ng mga masasama'ng bagay na nangyari noon.
"Congratulation to you Noah, alam ko naman kasing kayang-kaya mo yan eh hehe" nakangiting panimula niya sa'kin kaya napangiti nanaman ako kaagad.
"Maraming salamat Rhain, yon lang ang naiisip kong isagot sa'yo" sagot ko sa harapan niya kaya marahan din siyang napatawa.
"Hanggang ngayon napaka-attitude mo parin. Pa-yakap nga" naiinis nitong sambit sa'kin kaya napangiti na ako kaagad at niyakap na din siya.
____________________________________
*Others PoV*
Hindi pa huli ang lahat, alam kong hindi pa. Kailangan ko nang magmadali!
Mabilis akong lumabas ng kotse na sinasakyan ko at tatakbo na din sana ako dahil nasa tapat na ako ng school pero naalala ko palang hindi pa'ko naka-bayad sa driver.
"Maraming salamat ho mama, pasensya na muntik ko nang makalimutan" nakangiting bungad ko sabay takbo ulit.
"Mag-iingat ka iha!" yon na lamang narinig ko at tuluyan na din akog nawala sa paningin niya.
Mabilis ulit akong tumakbo papunta sa kaloob-looban ng school. Alam kong nandito pa sila. Nandito pa sila.
Agad kong tinungo ang kaliwang daan patungo sa stage ng school namin.
Napahinto na lamang ako nung kaagad na akong makarating doon at unti-unti kong nakita ang lahat ng mga tao.
Maging si Noah ay napatingin habang nasa stage at hawak-hawak niya ang microphone.
"Hala, hindi ba't siya si Naomi???"
"Umayy nagbabalik siya???"
"Ibig sabihin ba nun ay nagbabalik na din ang lahat ng alalala niya???"
"OMG ano'ng nangyayari? Hala ang ganda ng nangyayari ngayon! Mukhang magkaka-balikan nga si Noah at Naomi"
"Hayyyyyyy nakaka-inggit naman kung ganun. Wala talagang tatalo sa kanilang pag-iibigan, sila talaga ang itinadhana para sa isa't-isa hehe"
Unti-unti akong naglalakad habang pinakikinggan ko ang mga bulungan nila para sa amin ni Noah.
Unti-unti kong tinutungo ang estado na kinaroroonan ni Noah ngayon habang nagsasalita.
Gulat na gulat ang lahat, nakangiti din sila at maraming nagsisi-tinginan sa direksiyon ko.
*Noah's PoV*
Mukhang gustong-gusto ko ang nangyayari ngayon. Paano siya nakarating dito? Bakit nakita ko ulit siya ngayon?
Nanganga-hulugan ba yon na naalala na lahat ng asawa ko ang lahat? Kung ano ang naging papel ko sa kanya? At kung sino ako sa buhay niya?
"We, students have different kinds of talents. Yong iba nahihiya lang na mag-pakita because once na unang beses palang nila na maipa-kita yon... surely na pagtatawanan sila but you have nothing to do with it. Kailangan mong ipakita ang talento mo para sa ika-uunlad mo. And here we go now on my situation, maraming nakapaligid na estudyante habang pinapanood ako dahil sa kaunlaran ko at lalong-lalo nang dumating na nga ang babaeng pinakahihintay ko na ginawa kong inspirasyon upang magsikap at maabot ang bagay na ito. At nasa harapan ko na siya ngayon" at yon ay si Naomi.
Kaharap ko na nga siya ngayon at nakangiti siya sa'kin habang pinagmamasdan ako. Ngunit nagpatuloy lamang ako sa pagsasalita.
"Walang tatalo sa dalawang taong matibay na nagmamahalan. No matter how long distance you are, as long as you love her/him...Wala paring tatalo sa pagmamahalan ninyong dalawa. Dahil may pinang-hahawakan kayong dalawa and that was your unforgettable memories and unstoppable love na binuo ninyong dalawa. And now...finally nasa harapan ko na siya ngayon. Ang babaeng minahal ko sa buong buhay ko at hindi ko kaya na mawala pa ito, by the way she is Naomi Wright Urrea. Ang pinaka-mamahal kong Dora sa buong buhay ko. Siya lang ang babaeng yon, at wala nang iba pa"
(PALAKPAKAN----SIGAWAN-----HIYAWAN----PALAKPAKAN)
"Siguro nama'y naalala mo na ang asawa mo noong mga panahong wala ka pa sa sariling pag-iisip mo?" nakapang-aasar kong tanong sa kanya habang nagtitinginan kami sa isa't-isa.
Napatawa naman siya ng marahan at napangiti din kaagad.
"Lahat lahat, naalala ko na. Kung gaano ka ka-lambing, mapag-mahal at higit sa lahat MALIBOG na asawa ko" patama na sabi nito sa'kin kaya napatawa din ako.
"HAHAHA yon ba talaga lahat ang naalala mo? Hindi mo na man lang naalala yong pagka-mabait ko sa'yo tsk" naiinis na sabi ko at tumango siya kaagad.
"Kasi yon naman talaga ang palagi mong ginagawa. Malibog ka pala asawa ko, hindi mo pinapahinga ang katawan at labi ko noon tsk. Kaya pala mas lalo akong pumapayat eh" napatawa nanaman ako. Hanggang dito ba naman pinag-uusapan namin yon? Nakakahiya naman pero medyo lang.
"Pero aminin mo nalang kasi na nagugustuhan mo lang din naman yon hmmm?" pang-aasar ko sa kanya kaya napatawa ulit ito.
"Ganun ba talaga ako ka-libog, tanga at bobo noon? Hayyysst kaya naman pala ganun yong ibang mga tao sa'kin dito eh tsk" inis nitong sabi habang napa-nguso kaya napangisi ako.
"And now you know" tipid na pang-aasar ko dito kaya unti-unti siyang lumapit sa'kin at hinawakan ang necktie ko.
"Nandito na'ko ngayon Noah, hinding-hindi na'ko aalis pa sa tabi mo. Wala ka ba man lang gagawin sa'kin ngayon huh? Asawa ko?" malambing na saad nito kaya unti-unti ko din siyang hinawakan aa beywang.
"Hindi kita gagalawin dito asawa ko, doon tayo maghaharap sa kwarto mamaya" malambing na saad ko kaya kahit papaano'y nakiliti siya dahil sa inilapit ko sa taenga niya ang pagsasalita ko.
"Hmm...okay. Napaka-libog mo talagang lalaki HAHA" pang-aasar pa niya. Napatango naman ako kaagad.
"Pero mas grabe ka" balik asar ko sa kanya.
"So...ano bang sadya mo rito sa Pilipinas at naparito ka?" tanong ko pa sa kanya kaya mas lalo siyang gumamit ng nakapang-aakit na tingin sa'kin.
"Because I wanna be with you... always" mahinang sagot niya kaya tumango ako kaagad.
"Siguro'y panahon na para pakasalan kita tapos i-diretso sa kama? Payag ka ba doon honey? Hmm?" malambing na pagtatanong ko sa kanya kaya napatawa siya ng marahan kaagad.
"Of course hubby, payag na payag"
"Ang corny mo naman"
"Ikaw kaya"
"Mas lalo kayang Ikaw" pahabol ko pa kaya hindi Kalaunan ay nagsalita ulit siya.
"May good news ako para sa'yo asawa ko" malambing na saad niya.
"Ano yon?" interesadong tanong ko dito.
"Palagi akong nanghihilo, palaging sumasakit yong ulo ko at palagi din akong nagugutom" napatingin ako kaagad sa kanya.
"Good news ba yon? Baka nama'y may sakit ka" nag-aalalang sambit ko sa kanya pero napa-iling siya kaagad.
"Ayun kasi sa result. I'm actually a pregnant woman. Buntis ako Noah at Ikaw ang ama. Subukan mong takasan ako at i-di-diretso talaga kita sa kama" mas laki ang gulat ko nung marinig ko ang bagay na yon.
Seriously??? Buntis siya??? Magiging Daddy na akoooooooooo!!!!
"Hindi mo lang alam kung gaano ako kasaya na malaman ko lahat ng yon mula sa'yo asawa ko. Pero tatakbo muna ako ngayon tapos habulin mo'ko, basta nandoon lang ako sa kama hihi" pagkasabi ko nun ay kaagad akong nakatanggap ng pingot na nagmula sa kanya.
"Aray!" ako.
"Baliw ka talaga kahit kelan. Pero masaya din ako sa nangyayari ngayon Noah. Nagbalik na nga alalala ko. Sa wakas at nasa tabi na din kita at magkasama na din tayo. Matagal kong pinaghandaan ang araw na'to simula nung magbalik ang alalala ko." masayang sabi pa ng asawa ko sa Harapan ko kaya napatango ako at inayos ang buhok niya.
"Mahal na mahal kita Naomi, all over my life mahal kita todo-todo walang prino" nakangiting sagot ko kaya medyo siya natawa sa sinabi kong "todo-todo walang prino"
"Mahal din kita asawa ko ng todo-todo, na-miss din kita ng sobra" ilang sandali pa'y hindi ko na natiis pang hindi siya halikan.
Kaagad kong inilapit ang mga labi ko sa labi niya at halikan ito ng paulit-ulit.
Nararamdaman ko ang init ng mga halik niya which is making me more comfortable. Mas lalong nagiging komportable ang palagay ko sa maiinit at matatamis niyang mga halik.
Hindi ko talaga makakalimutan ang bagay na'to. Itong pangyayari na'to ang pinaka-magandang pangyayari na nangyari sa buong buhay ko.
Mahal na mahal ko ang asawa ko.
Kahit napakarami ng problemang dumating sa buhay namin, mga pagkaka-mali at puro pagtatalo ay naniniwala ako na ang pag-ibig parin ang mangigibabaw sa lahat. At hinding-hindi magbabago ang bagay na yon.
Mahal kita Naomi, maging si Dorang tanga at bobo o si Naomi na kababata ko pa ay hinding-hindi parin magbabago ang pagmamahal ko sa'yo.
Tandaan mo yan.
*Authors PoV*
"Siguro'y panahon na para ligawan kita Ms. Rhain Carson" panimula ni Duke Wang sa babaeng katabi niya ngayon.
"Hmmm, ayuko na sa mga ganyang bagay. Gusto kong dire-diretso na" pagkasabi ng babaeng yon ay kaagad hinablot niya ang necktie ng lalaking kaharap niya sabay halikan din ito.
*Noah's PoV*
"I love you so much honey" ani ko sa kanya pagkatapos naming mag-halikan.
"I love you more than my life hubby" sagot nito at doon ulit ipinag-patuloy namin ang matatamis na halikan.
Walang tatalo sa kanya, the best siya. Yon ang totoo.
"Hayyyyyyy wala talagang tatalo sa kanila"
"Ohhh such a happy ending"
"They're such a cute couple! Owemje!"
"Ang sarap nilang panoorin kaso naiingit ako huhu"
"Umayyy look at them! Si Naomi at Noah naghahalikan!"
"Ohhh how sweet"
"Nakaka-inggit, sanaol may happy ending"
.
.
.
@nicoxx18

Komento sa Aklat (208)

  • avatar
    Kyle Patrick

    I like it hehe

    26/01

      0
  • avatar
    L. CampionJerick

    Good your story

    22/03/2025

      2
  • avatar
    ColocarJenny Rose

    very good apps

    10/02/2025

      1
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata