Homepage/Ang Asawa Kong Babaero/
Chapter 102
Ang Asawa Kong Babaero
Chapter 102
KINAUMAGAHAN
*Naomi's PoV*
"Manong Tonny akin na, salamat" bungad ni mama nung i-abot sa kanya yong isang malaki-laking bag tsaka ipasok sa van.
"Maraming salamat sa inyo mga manong at manang, alagaan niyo ho ang bahay namin. Uuwi pa naman kami dito ngunit paminsan-minsan nalang. Mag-iingat ho kayo dito" sambit ni papa sa mga naka-pilang mga tauhan namin sa pamamahay.
Ngayon na nga ang araw na hinding-hindi ko makakalimutan.
Kundi...
Ito ang araw na kung kelan ko iniwan ang pinaka-mamahal kong si Noah. Alam kong hindi ko maalala ang lahat pero alam na alam kong mahal na mahal ko siya at hindi magbabago yon.
Ito ang araw na mawawala sa tabi ko ang isang lalaking naging childhood bestfriend ko at natutunan ko nang mahalin sa buong buhay ko.
Hayyyyyysst, unti-unti ko nanamang naaalala yong mga araw na umalis din kami papuntang States. Hinding-hindi ko yon makakalimutan. Lalong-lalo na yong mga iyakan, yakapan at iba pa. Hindi ko maipaliawanag ang sakit at lungkot na nararamdaman ko nung mga araw na yon. Hinding-hindi ko yon makakalimutan.
FLASHBACK
"Ayukong tumira don Noah, ayukong tumira don. Gusto kong dito lang ako sa tabi mo at ayukong iwan ka. Paki-usap naman Noah umalis tayo. Wag na tayong magpakita pa kay mama at papa! Ayukong sumama sa kanila, pinipilit nila ako kahit hindi ko naman gusto. Paki-usap Noah!" pagmamaka-awa ko sa kanya noon habang umiiyak.
That time wala siyang magawa kundi ang matahimik lang dahil sa mga naririnig niya sa'kin.
Hindi kalaunan ay hinawakan niya ang kamay ko habang nakangiti.
"Mas lalong magagalit sina Tita at Tito sa binabalak mo Naomi. Alam mong hindi ko kayang mawala ang tiwala nila sa'kin. Naomi sumama ka nalang, mas mabuti pang sundin mo nalang ang Dad at Mom mo kasi wala naman na tayong magagawa pa. Magkikita pa naman tayo eh" nakangiting pagpa-paliwanag nito sa'kin pero napa-iling lang ako habang pinaki-kinggan siya.
"Hindi Noah. Hindi ko kaya yon. Ayaw mo na ba akong makasama? Gusto mo bang umalis na ako at hindi na tayo magka-usap at magkasama pa?"
"No. It's not what you think Naomi. W-we just need to follow our p-parents sometimes na ikabu-buti naman sa'tin yon. You better to follow them, t-trust me magkikita din tayo. Pag matapos na'ko sa pp-ag-aaral ay pupunta ako kaagad dyan. Tapos yayakapin kita kaagad ng mahigpit tapos pakakasalan kita. B-But for now, we just need to study hard...o-okay?" medyo utal-utal nitong sagot pero kaagad ko siyang tinulak papalayo habang nag-iiyak.
"Hindi mo'ko naiintindihan Noah. Hindi mo alam ang nararamdaman ko kung gaano ka-sakit na mawalay ka sa tabi ko at lisanin ang naka-sanayan kong bansa!" galit kong sabi.
"I..I understand you. Alam ko ang nararamdaman mo Naomi" nagulat na lamang ako nung agad huminto ang isang sasakyan sa tapat ko.
Alam ko ang sasakyan na iyon, hinding-hindi ako magkakamali na ang pagmamay-ari nun ay si Papa.
"Noah! Noah paki-usap tulungan mo'ko! Noah!!!" sigaw ko habang hinahawakan na ang magkabilang kamay ko ng mga guards na yon para hilahin ako papasok ng kotse.
"Noah paki-usap!!!!" pagmamaka-awa ko sa kanya pero wala siyang ibang ginawa kundi ang umiyak lang habang nakatayo at pinagmamasdan ako hanggang sa mai-sakay ng kotse at umalis na.
"Naomi!!! Naomi!!!"
END Of FLASHBACK
Hindi ba't medyo corny ang pangyayari? Alam kong medyo nakakatawa pero yon talaga ang nangyari non.
At ngayon???
Heto nanaman. Ako nanaman ang mang-iiwan pero si Noah ang luhaan. Pakiramdam kong napakasama ko, sinaktan ko lang si Noah at ngayon tatakasan ko siya.
Asawa ko parin siya kahit wala akong maalala. Ngunit kailangan ko siyang kalimutan at magsimula muli. Kailangan ko na siyang alisin pa sa puso at isipan ko, kailangan kong gawin yon hangga't sa maaari.
"Tara na? Aalis na tayo anak" nakangiting bungad ni mama sa'kin na naging dahilan ng pag-balik ko sa dating pag-iisip.
"Opo"
SA SCHOOL
*Noah's PoV*
"Noah...ano ba yan mas ako naiiyak na tuloy ng dahil sayo. Ikaw naman kasi eh, wag ka na ding umiyak! Noah naman huhuhu" si Tyrone.
Nandito kami sa tambayan namin. Hindi ko maiwasang mapaluha sa tuwing naaalala ko'ng ngayon ang alis ng asawa o kababata ko papuntang Amerika.
Alam kong masasakit ang sinabi ko sa kanya pero mahal ko parin siya. Kahit si Naomi na kababata o si Naomi na asawa ko ay hinding-hindi parin magbabago ang pagmamahal ko sa kanya. Mahal na mahal ko si Naomi.
Hindi ko kayang tuluyan lang siyang mawala sa'kin.
"Noah huhuhu, hindi pa naman huli ang lahat eh. Wag kang magpapa-talo, habulin mo siya! Baka sakaling maabutan mo pa siya!" si Elmo kaya napalingon ako kaagad sa sinabi niya.
Mukhang nagkaroon ako ng lakas. Pero teka, kapag puntahan ko ba siya, may ibabago ba ang lahat? Magiging asawa ko ba ulit siya katulad ng pagmamahalan namin ng dati kong asawa na si Naomi? Maibabalik ba namin ang bagay na yon?
Mukhang Malabo.
Hindi ko na alam pa ang gagawin ko. Ano nga ba ang gagawin ko?
"Oo nga Noah, habulin mo si Naomi. Hindi ba't alas nuebe naman ang alis nila??? Alas otso palang! May oras pa!" sigaw nitong si Bradley na halos di mapakali at sobrang excited sa sinasabi niya.
Sinasabi ng kahati ko, pumunta daw ako. Kailangan ko raw na pigilan ang asawa ko. Pero sabi din ng isa na hindi na dapat ako pumunta don, hindi na dapat ako umasa pa na babalik pa ang alalala niya.
Ano ba kasing gagawin ko ngayon? Ano'ng dapat kong gawin?!
"Noah" napalingon kami kaagad sa nagsalita.
Tila hindi ako makapaniwala sa nakikita ko. Bakit siya umiiyak?
Napatayo ako kaagad at nilapitan siya habang nakatingin parin sa kanya.
"Pinapa-bigay ni Naomi sa'yo" pagka-abot niya ng papel na iyon sa'kin ay mabilis din siyang umalis papalayo sa'min at nagtatakbo palayo.
Mahigit dalawang minuto bago ko buksan ang papel na yon. Kasi naiisip ko na hindi ko kaya. Iiyak lang ako kapag basahin ko yon.
SA LOOB NG PAPEL...
Dear Noah,
Alam kong marami akong atrasong nagawa sa'yo noon lalo na ngayon. Sana mapatawad mo din ako kahit papaano. Alam kong napakasama ko para takasan nalang basta-basta ang kasalanang nagawa ko sa'yo pero tandaan mo ang bagay na'to. Ikaw ang lalaking napaka-espesyal para sa'kin. Kahit hindi ko maalala ang lahat ng mga nangyari nung mag-asawa tayo'y hindi parin kita makakalimutan. At sasabihin ko sa'yo ang totoong nararamdaman ko, Noah kahit asawa man ang pagtingin mo sa'kin o bilang isang kababata lang...mahal na mahal parin kita at hinding-hindi magbabago ang bagay na yo-------"
Hindi ko na ipinag-patuloy pang basahin ang nakasulat dahil dali-dali akong nagtatakbo papalabas ng paaralan at sakyan ang motorbike ko papuntang airport.
Sana hindi pa'ko huli, sana maabutan ko pa siya. Sana mapatawad niya ako at mahalin ulit. Sana makapag-simula ulit kami.
Mabilis kong pina-aandar ang sinasakyan kong motorbike. Kahit sa mga nagdadamihang kotse ang nakaka-salamuha ko'y todo parin ang rebolusyon ng monobela. Wala na akong pakialam, ang importante ay maka-abot ako sa kanya at hindi mai-tuloy ang alis nila papuntang States.
Airport
*Naomi's PoV*
"This way po, kayo nalang po ang hinihintay para maka-alis na. Tunguhin niyo nalang po itong daan para makarating sa eroplano" nakangiting sabi ng babae sa'min.
Tinungo nga namin yong daan na yon na konektado lamang ng building at ng eroplano.
Pagdating namin doo'y marami-rami na nga ang tao. Naghanap kami kaagad ng mau-upuan at naupo na din.
"Wear your seatbelts travellers and we'll be heading now to your destination place, thank you"
Isi-nuot ko nga ang seatbelt ko at tumingin sa bintana at sandaling napangiti.
"Pa-alam Noah, mahal na mahal kita" yon na lamang ang nasabi ko sabay napangiti ulit.
_____0_____
*Noah's PoV*
Mas lalo ko pang binilisan ang pagpapatakbo ng motorbike kong yon para lamang makarating sa nais kong puntahan. Alam kong hindi pa huli ang lahat, alam kong maibabalik ko ulit ang tiwala niya sa'kin.
Hintay lang asawa ko, parating na'ko....
PAGKATAPOS ng mga 30 minutes na pagbibiyahe ay mabilis akong umalis sa sasakyan ko at mabilis ding tumakbo papunta sa loob.
Agad hinanap ng magkabilang mga mata ko ang anino ng asawa ko ngunit napakarami ng tao para tig-isa-isahin ko.
Nasaan na kaya sila??? Naka-alis na ba sila??? Naku sana nama'y hindi pa, sana hindi pa huli ang lahat.
Tumakbo ulit ako papunta sa may mga taong nag-aasikaso ng mga papel ng mga travellers.
"Uhm Excuse me this is an emergency. Nasaan na ho dito yong mag-pamilya na aalis papuntang States??? Alas nuebe po ang time ng pag-alis nila" medyo kinakabahan pero interesado kong tanong sa kaniya.
"Ayy Sir pasensya na ka-aalis palang nila. Ayun oh" pagkatapos ay itinuro niya ang eroplano'ng nasa himpapawid na.
Mas laki ang gulat ko nung makita ko yon. Nagsisisi ako kung bakit pa'ko lumingon Ngunit wala akong nagawa.
"N-No!!! This can't be!!! Hindi maaari!!!!!" malakas na sigaw ko kaya halos lahat ng tao naibaling ang atensiyon sa'kin.
Dali-dali akong lumabas ng airport at nagtungo sa landing ng mga eroplano.
Mula dito hanggang doon sa himpapawid ay nakikita ko ang pag-lipad nito.
Hindi ko maiwasang mapaluha dahil sa mga nakikita ko.
Siguro'y ito na nga ang pinaka-masakit sa lahat.
Ang iwan ka ng taong pinaka-mamahal mo sa buhay.
Ang iwan ka ng babaeng gustong-gusto mong makasama habang buhay na hindi mo kayang mawala pa sa tabi mo kahit kelan man.
Ano na ang nangyari sa'ming dalawa??? Tuluyan na nga bang umalis siya??? Wala na bang saysay ang istorya'ng 'to??? Bakit niya ako iniwan? Bakit ganito ang nangyari?!
"NAOMI!!!!!!!!" malakas na bulyaw ko habang nakatingin sa himpapawid na nandoon siya.
Hindi ko maiwasang mapaiyak. Hindi ito ang gusto kong mangyari sa buhay ko. Ayukong nagmumukha akong talunan pero paano na'ko ngayon??? Wala na akong asawa pa, wala na si Naomi na kababata at asawa ko. Hindi na siya babalik pa!
"Naomi bakit mo'ko iniwan huhuhu" naiiyak kong tanong sa kanya habang naka-luhod sa semento o sa daan'g yon.
"Bakit bigla kang sumuko? Bakit bigla mo nalang akong iniwan ng ganito? Ganun ba'ko hindi ka-importanteng tao para sa'yo. Paano mo nagawa sa asawa mo ang bagay na'to. Bakit Naomi??? Bakit?!" naiiyak ko pang sabi.
Ito na yata ang pinaka-mapait sa lahat. Mukhang ito na nga wakas ng istorya naming dalawa ni Naomi. Ito na nga at wala nang ka-dugtong pa.
FLASHBACK
"Naomi!!!! Naomi!!!!" doon na'ko nagsisigaw nung maka-alis na sina Naomi at ang mga guard na sumundo sa kanya dito sa tambayan namin.
Hinabol ko sila ng hinabol nung mga oras na yon Ngunit tila napakabilis nila kaya hindi ko sila naabutan pa.
Unti-unti kong naaalala ang lahat ng mga sinabi sa'kin ng Dad ni Naomi bago kami nag-usap ni Naomi sa tambayan namin.
Hindi niya alam nung mga oras na yon na alam ko na, na aalis na sila. Hindi ko lang ipinahalata sa kanya yon na alam ko na ang lahat dahil ayukong malaman niya.
Bago kami nag-usap ni Naomi nung araw na yon ay kina-usap din ako ng Dad nito ng walang ka-alam-alam si Naomi.
Natakot ako sa sinabi ng Dad niya na sa oras na pigilan kong umalis sila at lalong-lalo na si Naomi papuntang States. Sinisigurado daw ni Tito na hinding-hindi ko na pa muling makikita si Naomi, ang kababata ko.
Masakit para sa'kin yon na tanggapin at walang gawin Ngunit naging duwag ako. Wala akong ibang ginawa kundi ang tanggapin ang sinabi ni Tito sa'kin.
At nung araw na umiiyak si Naomi sa tabihan ko, alam ko na lahat ng yon. Gusto ko din siyang pigilan pero walang ibang lumabas mula sa bibig ko kundi ang tumango lang at bigyan siya ng advice na magiging okay ang lahat.
Kung pwede ko lang ibalik ang lahat. Pipigilan ko si Naomi, susundin ko ang sinabi niya na magtanan kami ngunit naging duwag ako. Napaka-duwag ko, natakot ako sa Dad niya.
Kaya nung time na sunduin na siya ng mga guard na yon sa tambayan namin ay doon ko lang na-realize na mali ang ginawa kong pangtataboy kay Naomi.
Hinabol ko sasakyan na sinasakyan nila hanggang sa abot ng aking makakaya pero hindi eh...Hindi ko na sila naabutan pa.
END Of FLASHBACK
Mukhang ganito nanaman ang nangyayari.
Ganun nga ang nangyari.
Pareho ko siyang itinaboy noon at ngayon. At pareho ko siyang hinabol sa hulihan noon at ngayon.
Wala paring pinagka-iba ang lahat. Hanggang ngayon ay ako parin ang nagiging talunan pagdating sa huli. Napaka-kawawang sarili ko. Kawawang-kawawa.
"Naomi..." tanging yon na lamang ang nasabi ko mula sa mga bibig ko hanggang sa nandilim ang mga mata ko at unti-unting napahiga sa sahig.
"Sir? Sir okay ka lang?"
"Tumawag kayo ng ambulance!"
"Sir naririnig niyo ho ba ako? Sir gumising ho kayo! Sir!"
.
.
.
@nicoxx18I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (208)
Share
Mga Kaugnay na Kabanata
Mga Pinakabagong Kabanata
I like it hehe
26/01
0Good your story
22/03/2025
2very good apps
10/02/2025
1Tingnan Lahat