Homepage/Ang Asawa Kong Babaero/
Chapter 101
Ang Asawa Kong Babaero
Chapter 101
*Noah's PoV*
Dumiretso ako sa banyo, doon ako palihim na ini-labas ang mga hinanakit ko. Lahat ng mga babasaging bagay na nandoon sa loob ng kwarto'ng yon ay lahat ng yon itinapon ko.
"ARRGHHH!!!!" malakas na sigaw ko sa loob ng lugar na yon.
Maraming lalaking nagsi-alisan dahil sa ginawa ko. Pakiramdam kong natakot ko sila.
Pero wala na'kong pakialam sa kanila, bahala na sila.
"I just hate what you did to me Naomi" naiiyak na sabi ko habang naka-harap sa salamin.
Ba't naman kasi umiiyak ako ng ganito? Parang sobra-sobra naman yata 'to. Nagmumukha na'kong babae nito, puro iyak nalang ako ng iyak.
Ang sakit naman ng problema'ng ibinigay sakin ng mundo. Pinaparusahan ba ako? Ganito ba magpa-rusa ang mapanakit na mundo? Sumusubra naman na Yaya to. Masyado nakong nasasaktan, hindi ko na kaya pa.
_________0_________
*Naomi's PoV*
Pagkatapos kong kunin ang lahat ng mga gamit ko dito sa paaralan ay nagpa-alam na'ko kay Alexa para umuwi na ng bahay.
Actually last day ko nalang ngayon sa school dahil bukas ng umaga yong flight namin pabalik ng States.
Alam kong ayaw na ayaw kong manirahan at mag-aral don noon pero katulad nga ng sinabi ni Dad, magiging maganda ang kapalaran ko doon at makakasama ko pa sina mama dahil nandoon ang business nila.
Pagdating ko sa bahay ay dumiretso ako sa room ko para makapag-impake na. Mas mabuti na yong maaga para siguradong wala akong makakalimutan.
Lahat ng mga damit ko'y itinupi ko na at inilagay sa lalagyan.
Pagkatapos ng mga ilang minutong pag-aasikaso ng mga gamit ko'y agad may umagaw ng atensiyon ko.
Tumayo ako at nilapitan ko ito. Napangiti na lamang ako nung mapag-tuunan ko yon ng pansin.
"Ang cute niya" yon lang ang nasabi ko habang hawak-hawak ko ang isang picture frame namin ni Noah nung mga bata pa kami.
Si mama ang kumuha ng litrato sa'min non, actually nung time na yon ayaw ko naman talagang ngumiti kasi inaaway ako ni Noah ng dahil sa laro. Todo iyak ng iyak nga ako non pero sinabi sa'kin ni Noah na kapag hindi daw ako ngumiti ay aawayin nanaman niya ako kaya napilitan nalang akong mapangiti kahit hindi ko naman gusto.
Ganun kasama si Noah noon, napaka-salbahi nun. Pati babae inaaway at pinapa-iyak niya. Hayyysst naku naman.
Napangiti nanaman ako, naisip ko na binabalik-balikan ko nanaman yong mga araw na masaya pa kaming dalawa. Hindi ko akalain na hahantong sa ganito ang istorya naming dalawa. Para lang kaming nasa pelikula na pinapanood at inaabangan ng lahat. Hayyyyyyy buhay nga naman.
*TOK TOK TOK*
Napalingon ako kaagad sa pinto ng room ko nung kaagad kong marinig ang katok na yon.
"Pasok" yon ang nasabi ko. Tapos nakita ko yong Yaya na may dala-dalang bag na medyo malaki. Para saan ba yan? Ano'ng mga laman nyan???
"Ano ho yan?" nagtatakang tanong ko kay yaya pagkatapos niyang i-lapag yong bag.
"Hindi ko alam kung kanino, may nagpapa-bigay lang daw sa'yo ma'am" paliwanag ni yaya kaya sandali pa ay tumango na'ko Saka siya umalis na palabas.
Linapitan ko ito kaagad at tiningnan ng maigi. Pagkatapos ay binuksan.
May nakita akong isang sobre at kinuha ko ito sabay basahin ang naka-sulat.
"This is for Naomi Urrea" Naomi Urrea??? Urrea ang apelyido ko noon??? Hindi ba't yon ang apelyido ni Yaya Kristina???
"Mga gamit mo nung mga panahon na wala ka pa sa totoong pagka-tao mo_Noah"
Yon ang nandun sa papel na binasa ko. Ganun ba talaga siya ka-sungit at lungkot ngayon?? Sana pala hindi na siya nagsulat ng ganito kong ganito lang din naman ka-lungkot ang sinabi niya sa'kin. Hayyysst mukhang ito na nga ang sinasabi nilang "goodbye" tsk tsk tsk.
Kaagad kong ibinalik yong papel sa loob ng sobre at pinagtuunan na ng pansin yong mga gamit ko.
Sexy naman ako noon ah, medyo magaganda din naman ang mga damit ko. Bakit pa'ko kina-iinitan ng mga estudyante noon???
Ayyy oo nga pala, ambobo ko pala noon tsk tsk tsk.
Lahat ba talaga ng mga 'to ay sa'kin? Bakit pati brief ni Noah nandito??? Nagkamali lang ba ang paglagay niya sa bag na'to? Baka nawala lang siya sa pag-iisip dahil sa sobrang lungkot. O di kaya ay sinadya niya talaga na ilagay 'to para araw-araw ko siyang maalala at hindi makalimutan. Tsaka baka parang gusto niya na araw-araw ko din yon'g amuyin para hindi ko makalimutan ang bango niya. Hayyyyyysst ano ka ba Naomi! Para ka namang sira dyan. Para kang si Naomi na asawa ng kababata mo. Para kang si Dora tsk tsk tsk.
Seriously??? Nagustuhan ko ba talaga si Dora the explorer nung mga oras na yon? Paano?? Bakit?? Hindi parin ako makapaniwala sa nangyari. Malayo-layo na din pala ang narating ko.
(^^) (^^) (^^)
*Noah's PoV*
Hindi ko na mabilang kong naka-ilang bote na ba ako. Parang wala akong ibang gustong gawin ngayon kundi ang magpaka-lasing lang ng magpaka-lasing. Walang-wala na nga ako sa sarili ko.
Kanina pa ako nandito malapit sa pool. Pinagmamasdan ko ang tubig, tsaka na ako titigil sa kaka-inom pag naubos na ang tubig dyan sa pool. Bahala na.
Napa-buntong hininga na lamang ako pagkatapos kong ipasok sa baba ko ang alak na yon.
Hanggang ngayon hindi ko parin matanggap ang lahat. Hindi ko matanggap kung bakit ganun ang nangyari sa'min. Hindi ko matanggap na ako ang naging talunan.
Kanina, nakikita ko kanina kung gaano ka-okay ang mukha niya. Ganun ba talaga siya porket hindi siya nasaktan? Porket na-amnesia siya ay ganun ganun lang ang sasabihin niya??? Maraming salamat sa lahat??? Pasensya sa lahat??? At may gana pa niyang takasan lahat ng mga pinag-gagawa niya??? Tsk, she's still a stupid one.
Napaka-bobo parin niya, hindi siya nag-iisip. Ni mas umintindi man lang sa mga taong nasasaktan niya'y hindi niya magawa? Ganun ba siya ka-manhid para kalimutan ang lahat? Tsk. She's so evil. Hinding-hindi ko makakalimutan ang ginawa niya sa'kin, alam kong magbabayad siya balang araw. Hindi dapat siya mabuhay ng tahimik, gusto kong mabuhay siya ng may nararamdamang awa at kirot sa sarili niya. Gusto kong maranasan din niya ang nararanasan ko ngayon para sa kanya. Gusto kong siya naman ang mag-mukhang kawawa at hindi ako pagdating ng isang araw!
Agad akong natauhan nung kunin ni Dad yong hawak-hawak kong bote ng alak at itapon ito papalayo.
"Hanggang kailan ka magiging ganito? Hanggang sa mamatay ka huh?! Sabihin mo sa'kin Noah!" malakas na bulyaw ang pinakawala ng matanda'ng nasa harapan ko.
Napangisi naman ako kaagad at napatango sa sinabi niya.
"Maganda ang ideyang yon" medyo wala sa sarili kong pag-iisip ang nasa katawan ko ngayon. Hindi ko alam kung ano ang nangyayari sa'kin at kung sino ang sumasapi dito sa katawan ko.
Mabilis akong napalayo mula sa pagkaka-upo ko kasi kaagad akong nakatanggap ng malakas na pagkaka-sampal na nagmula sa Dad ko. It wasn't nice huh because it was really nice.
Ini-labas ko yong kaunting dugo na nasa loob ng bibig ko dahil sa malakas na pagkaka-sampal niya. Napaka-bilis nun.
"Hindi na kita maintindihan pa, palagi ka nalang ganito! Hindi na namin nakikita ang totoo naming anak! Hanggang kelan ka magpapaka-tanga para lang sa iisang babae na nawala sa buhay mo huh?! Hindi ka ba nag-iisip?! Maawa ka sa sarili mo Noah, bago mo sila intindihin... intindihin mo muna yang sarili mo! Wala na ang asawa mo, bumalik na siya sa dati niyang pag-iisip at hinding-hindi ka na niya maaalala p-----"
"TAMA NA!" malakas kong sigaw sa harapan ni Dad. Nanlaki naman kaagad ang mga mata nito nung marinig niya ang sigaw na yon.
Sandali akong napatayo. Dahan-dahan kong nilapitan siya at kaagad tiningnan ng matatalim na tingin.
"Wala akong pakialam sa sinasabi mo, mabubuhay ako hangga't gusto ko. Mamamatay ako hangga't gusto ko. Hindi niyo 'ko mapipigilan." pagkaka-diin kong sabi sa kanya tsaka na umalis.
"Walang hiya kang bata ka! Bumalik ka dito hindi pa tayo tapos! Walang hiya ka bumalik ka!"
.
.
.
@nicoxx18I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (208)
Share
Mga Kaugnay na Kabanata
Mga Pinakabagong Kabanata
I like it hehe
26/01
0Good your story
22/03/2025
2very good apps
10/02/2025
1Tingnan Lahat