logo text
Ang Asawa Kong Babaero

Ang Asawa Kong Babaero

nicoxx18


Ang Asawa Kong Babaero Chapter 1

“Ang Asawa Kong Babaero”                    
—PROLOGUE—
“Magmula ngayon gusto kong layuan mo na siya, layuan mo na si Naomi! Ayaw ko na nakikita ko kayo nang magkasama. Ayaw ko din na nakikita ko kayo'ng dalawa na nag-uusap! If you don't, I'll kick you! Ako na mismo ang mag-aalis sa ’yo mula sa paaralan na ito!” madiin na panimula ni Noah kay Sir Duke habang hawak-hawak niya itong kanan’g kamay ko.
“Inuutusan mo ba ako Mr. Patterson? Why? Dahil takot ka ba na makuha ko mula sa‘yo si Naomi? Takot ka ba na baka isang araw ay gustuhin ako ni Naomi?.” Nakapang-aasar nitong tanong ni Sir kay Noah. Nakatingin lamang ako sa kabilang dalawa at pinakikinggan ang magkabilang panig nila.
“Shut up!Hindi ako takot Duke, I'm just reminding you not to own my personal property! Akin lang si Naomi! Akin lang siya!” nanlaki kaagad ang magkabila kong mga mata.
Hindi ko maiwasan ang makilig kahit narito kami sa komplikadong sitwasyon na ito. Totoo ba kaya ang sinasabi ni Noah o nagbibiro lamang siya? Paniwalang-paniwala naman ako, tsk!
“Why would I listen to you? I'm just doing my job Mr. Patterson, ginagawa ko lang ang trabaho ko na turuan siya dahil ‘yon ang pinagkasunduan natin noon.” muli pa nitong sabi kay Noah.
“Pati ba yong paninira sa ‘kin at ang pang-aagaw mo sa kanya ay bahagi rin ba ng pagtuturo mo? Then tell me, are you doing your job well according to what we have agreed?” napayuko ang ulo ko dahil sa narinig ko.
Medyo wala akong naintindihan sa sinabi ni Noah kay Sir. Pero tama ba ang narinig ko? Pang-aagaw ni Sir sa akin? Pangsisira niya kay Noah? Ano daw?
“Yes, I am. Hindi naman kita sinisiraan. Bakit ko naman gagawin 'yon, I'm just wasting my time. May mga bagay lang talaga na kinakailangan kong ikuwento kay Naomi which is true and she's interested to know. At tungkol sa pang-aagaw ko kay Naomi, yes I admit. Because Naomi is a type of girl na hindi mahirap mahalin. She can appreciates those simple efforts only, nakakatawa at masiyahin siyang babae that's why hindi siya mahirap na ma...” magsasalita pa sana itong si Sir nong bigla ulit magsalita si Noah.
“Exactly! Then back off! Asawa ko si Naomi! Asawa ko siya! Akin lang siya!” laking gulat naming dalawa ni Sir Duke mula nong marinig namin ang mga salitang ‘yon na nagmula sa bibig ni Noah.
Napatingin kaagad sa akin si Sir gamit ang kanyang nakapagtataka’ng tingin.
“Wait, is it true Naomi? Totoo ba ang sinasabi ni Noah?” sa akin niya naman ibinaling ang tingin at atensiyon kaya't wala akong ibang ginawa kundi ang yumuko lamang ang ulo.
“Stop asking her, ako ang kausap mo. Totoo ang narinig mo, napagkasunduan ng parents ko na ikasal sa kanya and actually we're living in the same roof. Si Naomi ay asawa ko kaya't maaari mo na siyang layuan. Let's go Naomi.” ani Noah sabay hilahin ang kamay ko at naglakad na papalayo.
.
.
.
P.S.
Ang kwento pong ito ay tungkol sa isang babaeng bob* at tang* na pinagkakaguluhan ng dalawang lalaki, isang instek na math teacher at isang babaerong hearth rob sa school nila. Ang papel po ng character na babae ay sobrang OA po na kahit sa mga simpleng english ay hindi alam at sa simpleng bagay ay over po maka-react but may kwento po diyan kung bakit siya nagkaganyan. Please don't hate Naomi, she's a funny girl. Please let us don't hate this character and just LOVE. Thankyou!
Please expect grammatical errors, wrong typos, and informal words.
Ang Asawa Kong Babaero
“Chapter 1”
*Noah's PoV*
“Gurls nandito na siya!”
“OMG! Ang gwapo gwapo parin niya!”
“Yeah right! Hindi nagbago ang hitsura niya since napunta siya ng Germany!”
“Owemje I hope na maging classmate ko siya! Can't wait!”
Nadidinig kong mga bulungan sa bawat daan na dinadaanan naming lima, ako at ang mga kabarkada ko.
Maraming babae ang nagsisiksikan sa daan para lamang makita kami. Kami nga ba o ako lang?
As we continued walking, agad naming nakasalubong ang isang babaeng nakatingin at nakangiti sa'kin na para bang kanina niya pa ako inaabangan na makarating sa daan na ito.
Huminto ako at huminto na din ang mga barkada ko na todo sunod ng sunod sa likuran ko. Sandali ko namang pinagmasdan ang babaeng ‘yon.
Naomi? Ito ba si Naomi? Yong nag-iisang kababata ko noon?
Ngunit imposible mangyari ang bagay na iyon, nasa States siya ngayon at masaya na sa bago niyang buhay.
Sobrang payat ng babaeng ‘to at hindi gaanong maputi. Hindi ito si Naomi, hindi siya ang kababata ko. Baka kamukha lamang niya ang babaeng ito.
“Step aside”
Supladong bungad ko sa babaeng nakangiti ngayon sa harapan ko.
“Ha-huh?”
*Naomi's PoV*
Malayo-layo pa ang direksiyon ng lalaking 'yon at ang mga barkada niya noong harangin ko na sila para mapahinto sila sa harapan ko.
Noong nasa harapan ko na sila ay napangiti na ako kaagad. Hindi nga ako nagkakamali, siya nga ang asawa ko! Siya si Noah! Mas gwapo pala siya sa personal!
Hindi ko maiwasang mapatingin sa litrato na hawak-hawak ko at tignan ang lalaking papalapit sa akin ngayon.
“Step aside”
Estep asayd? Ano ba ang ibig sabihin niya?
“Ha-huh?”
Nagtatakang tanong ko sa kanya.
“I said step aside!”medyo malakas na tinig ang pinakawala mula sa bibig nito.
Baka tinatanong niya yong pangalan ko!
“Ay...Aym Naomi, ay...aym your...”
"Do I need to know you?"
Nakangisi nitong tanong sa akin ngunit ni isa man doon ay wala akong naintindihan. Patay lagot ako nito, dapat kasi nag-aral muna ako ng Ingles bago makipag-usap sa kanya. Ingles tolking naman pala ito, nakaka-kaba!
“P-po?”
“Bobo ka ba?! Ang sabi ko tumabi ka!”
Napanganga ako sa sinabi niya at para akong nagising sa katotohanan.
Nakakahiya ang ginawa ko. Ang dami dami pa namang mga taong nanonood.
“Pasensiya na po, sorry po.” sambit ko pa rito.
Pagkasabi ko ng mga salitang iyon ay tumabi na din ako kaagad.
Grabe sobrang nakakahiya. Iyon pala ang ibig sabihin ng step aside? Yong tumabi? Tsk ang bobo ko talaga, kailangan ko na talagang mag-aral.
“Pano ba naman kasi eh ang tanga tanga!”
“Yeah right! Kahit sa simpleng English hindi niya maintindihan, so poor!”
“Nakakatawa HAHAHAHA. Siguro naman magtatanda na siya hmp!”
Mga naririnig kong sabi nila. Alam kong ako yong pinapatamaan nila. Pero wala naman akong pakialam doon. Tsaka sanay na din ako sa mga pangba-bash nila sa'kin hmm!
Matapos iyon ay umalis na ako sa lugar na iyon at nagtungo na sa room namin. Hindi ako lugi, klasmeyt ko siya hmmp!
*Noah's PoV*
NAGSIMULA na din ang klase namin. Hanggang ngayon ay naririnig ko parin ang mga tsismisan at bulungan nila tungkol sa akin. Tsaka sa bandang likuran ko para talagang dito nanggagaling yong malakas na mga bulungan. Malingon nga.
“Hoy, tahimik!” tipid na pagkakasabi ko sa kanila pero agad din naman silang tumahimik. Ang sakit sakit nila sa tenga.
Sandali ko'ng inilibot ang paningin ko sa loob ng room na kinaroroonan namin ngayon.
Mas laki ang gulat ko noong makita ko ang babaeng humarang sa ‘kin kanina. Malaki din pala ang bunganga niya. Ang ingay ingay.
“Guys guys, please quiet. Hindi na kayo mga nasa elementarya na sabihan ng paulit-ulit. Mahirap bang itikim man lang minsan ‘yang mga bibig ninyo ha?” sabi ng Professor namin na malaki din naman ang bunganga pagdating sa faculty room.
“No Sir.” Sagot naming mga estudyante sa tanong ni Sir.
“Then be quiet! Ikaw din Ms. Urrea, ayaw ko na makikita ulit kita na natutulog sa klase ko starting tomorrow! First subject na first subject ay natutulog ka, hindi ka ba kumain sa bahay ninyo at pagdating sa school tulog lang ang ambag mo? Starting tomorrow I don't wanna see you sleeping in my class kung hindi ay palalabasin kita understand?!” ani Sir na Ang pinagtutuunan ng atensiyon ay ang first row.
Ms. Urrea? Iyon din ang apelyido ng kababata kong si Naomi Urrea. Siya ba talaga ang babaeng yan? Bakit iba ang bungad niya kanina sa akin? Imposible na nandito si Naomi sa pilipinas, hindi maaari.
“Sir.” tinig ng babae na humarang sa akin kanina ang nagsalita ngayon. Tinignan ko lamang siya, napaka-werdo niyang babae. Imposible talaga na siya yong kababata ko.
The only thing na ang pinagka-pareho nila ay ang mukha, medyo magkahawig at ang apelyido nito. I wonder what's her name is? Is it still Naomi?
“Ano yon?”
“Pwede po bang tagalogin niyo po yong sinabi niya hindi ko kasi naintindihan hehe.” pa cute na sabi niyo.
What the?! Seriously?!
Sabay namang nagtawanan ang mga classmates ko sa loob ng room namin. Ganiyan ba talaga ang babaeng‘yan? Kahit sa simple lamang na Ingles ay hindi nakakaintindi? For real?
“Aba’y hindi ko na ‘yon problema. Maghanap ka ng tagalog translator mo.”napakamot naman yong Ms. Urrea sa ulo niya.
I wonder what she is. Is that really she is?
*Naomi's PoV*
Tomuru (tomorrow) ay bukas. Esliping (sleeping) ay natutulog. Estarting (starting) ay? Ano daw? Naintindihan niyo ba? Wala akong naintindihan sa sinabi ni Sir. Ang damot damot naman ng matandang ‘to, gusto ko lang naman malaman yong ibig sabihin ng mga sinabi niya eh.
Bahala na nga, basta't hindi na lang ako matutulog sa klase niya mula ngayon para unti-unti ko ding malaman ang mga pinagsasabi ni Sir.
“Okay let's start the discussions.”
———
Reses taym (recess time) na! At dahil wala akong pera pangkain ng isnak ay pupunta lang muna ako sa library hindi para magbasa. Para tumingin ulit sa mga kwento ni Dora!
Naglalakad na ako noong makita ko nanaman sa paningin ko si Noah. Naglalakad siya mag-isa at parang patungo din sa sa laybrari.
Owemje susundan ko siya!
Inalam ko ang mga kilos niya at kung saan nga ba siya magtutungo. Kailangan hindi niya malaman na sinusundan ko siya kung hindi, lagot ako sa kanya. Kita niyo naman kanina pinagalitan pa niya ako. Nasa likuran niya lamang ako.
Nakarating kami sa iisang tahimik na library at walang katao-tao. Laybrari pa ba ito o hanted haws?
Sandali kong nai-alis ang paningin ko sa kanya at saktong ibabaling ko na sana ang paningin ko sa direksiyon ng lalaking kanina ko pa sinusundan noong nawala na siya.
Ohh? Saan siya nagpunta? May pawer ba siya na naglalaho kung kailan niya gusto? Hala may ganon?
“Saan kaya siya nagpunta?”
AKMANG lilingon na sana ako pabalik sa pinto ng laybrari noong may humarang at nagsalita na siyang ikinagulat ko.
“Sinusundan mo ba ako?”
Agad nang nanlaki ang mga mata ko noong makita ko si Noah na kanina ko pa sinusundan!
Lagot!
“P-po?”
.
.
.
@nicoxx18

Komento sa Aklat (208)

  • avatar
    Kyle Patrick

    I like it hehe

    26/01

      0
  • avatar
    L. CampionJerick

    Good your story

    22/03/2025

      2
  • avatar
    ColocarJenny Rose

    very good apps

    10/02/2025

      1
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata