logo text

Special Chapter- 8

Athena Pov.
Dumating si Stell na may dalang pagkain. Sabi niya ipinagluto daw ako ni Tita Stacey. Ngayong umaga kona na basa ang Text niya dahil Sa nangyari sakin kagabi.
"Pasabi kay Tita na Salamat ha" ani ko. Inihahanda niya ang mga pagkain sa mesa habang ako ay naka upo at nakatingin sa kanya.
"Kamusta kana pala? Nabanggit sakin ni Pinuno na Sumakit na naman ang ulo mo kagabi"
"Okay na ako ngayon.... Well, Kailangan kong Mag pa Surgery"
"Surgery? Kakayanin ba yun ng katawan mo? " Inalalayan niya akong Maglakad pa punta sa mesa at Umupo sa Upuan nito.
"Malakas pa naman ako and Bata pa ako kay makakayanan ko yun."
Umupo siya sa tabi ko At Tinitigan ako.
"B-Bakit? "
"Bakit ganun, Maputla ka, Tuyong tuyo ang bibig mo at Nagkaka eyebags ka narin pero bakit Maganda ka parin sa tingin ko" Napangiti ako sa sinabi niya. Hindi parin siya nagbabago, Mambobola parin Psh.
"Maganda ka dyan. Mukha na nga akong Zombie eh. "
Hindi na siya nag salita at Hinayaan na akong Kumain. Hinanda niya narin ang Gamot ko at Binigay sakin.
"Hindi kaba Busy ngayon? Wala ba kayong Event? " Ani ko at Uminom ng Tubig.
" Wala, Bebe Time eh"
"Hahaha Bebe time, Ha? "
"You Look Prettier When you Laugh" Ani niya. Bakit ba kahit maliit na bagay Napapansin niya.
Inalalayan niya ako na Umupo sa Wheel Chair. Dinala niya ako sa Balkonahe ng Hospital Sa gilid nito ay Kwarto ng mga Batang pasyente. May Mga bata na naglalakad lakad Tulak tulak ang dextrose nila.
Itinabi ako ni Stell sa Malapit na upuan at dun siya Umupo.
"Athena... " Napatingin ulit ako kay Stell. Hinawakan niya ang Kamay ko at Lumuhod sa harap ko.
"I know na Sinabi mo sakin na Ligawan Ulit kita Pero ayoko na patagalin to, Ayoko na Mawala ka ulit sakin. I love you Athena, Kahit Minsan Isip bata ka o minsan Masungit ka Mahal na Mahal Kita"
Isip-bata talaga?  Di naman, Slight lang.. 
"Sa Totoo lang, Biro ko lang yung Liligawan mo ulit ako noh, Madami na tayong pinagdaanan at Pinagsamahan. Mahal rin Kita Mr. Ajero" Ngumiti siya at Niyakap ako ng bumitaw ay Tumayo siya.
"Pagkatapos ng Surgery mo at Recovery mo Magpapakasal na tayo. Kaya Dapat Kayanin mo,Hm?" Tumango ako sa kanya.
"Pero, Malayo pa yung pinag usapan natin na Month ah"
"Athena, Marami pang Months na darating.Ayoko na Mawala ka sakin ulit. "
"Okay, Kakayanin ko ang Surgery para sayo. Gusto ko na maging Mrs. Athena Fernandez-Ajero. "
"Mabuti naman at nagkaayos na kayo. Alam mo bang Sobrang nag aalala yung Papa, Lolo at Lola mo" Ani ni Mama. Umuwi na si Stell kanina ng Dumating Si Mama.
"Ma, About sa Surgery... "
"Kinausap na ako ni Doc Cruz. He said na Pumayag Ka. Nagpaalam narin ako kina Papa at Kuya mo. Okay naman sa kanila. Sana Maging Success ang Surgery mo. Napakasakit sa isang Ina na makita na nahihirapan ang Anak niya....." Hinawakan ko ang Kamay ni Mama at Ngumiti.
"....sana ako nalang ang Nagkasakit ng ganyan. Ayokong nakikita kang Nahihirapan, Prinsesa ko"
"Ma, mas mahihirapan ako kapag Nagkakaganyan ka. Masyado nang Madrama ang Nangyari kahapon at ngayon. Nilulungkot niyo lang ako eh"
"Ok Fine, Hindi na ako magdradrama. Maraming Pinadala sakin ang Papa Mo. Meron ditong Damit, Pagkain, Teddy bear's, Mini Fan, Earphone, Chocolate, Libro, Sapatos, Towels, Thumblers, Kumot... " Tinitingnan ko lang si mama habang Inilalabas ang mga Gamit sa dala niyang Bag.
'Balak niya bang Dito na ako patirahin sa Hospital?'
Xaiver Pov.
Nasa Cafe ako ngayon kung saan Kami palaging pumupunta ni Athena noon. Umorder narin ako ng Kape at Tahimik na nagbabasa.
"You're Here" Napaangat ang Tingin ko at Nakita Ko sin Stell kasama ang Apat niya pang Kaibigan.
"What are you doing here?" Ani ko.
"Wala lang, Napadaan lang kami. " ani ni Josh.
"Oh, I'm Sorry About sa nangyari noon, Josh"
"Wala na yun, Past is Past." kumuha sila ng mga upuan at Umupo.  Pabilog kaming Naguusap ngayon.
"kamusta kana?  Mukhang Ok kana ngayon ah" ani ni Justin.
"Yeah, I've been hospitalized for a year. Para lang Gumaling"
"I'm Happy for you, Pero bakit ba natin kailangan maging Pormal sa isa't isa. We're Friends right? " nakangiting ani ni Sejun.
"Woah, Mukhang Big time kana ngayon ah!  Pa libre naman diyan, Pare" Ani ni Ken.
"Sus, Wag kang Makinig dyan.Uutangan kalang niyan" ani naman ni Stell.
"Uy, Di kaya noh."
"By the way,  Wala ka parin bang Girlfriend?" ani naman ni Sejun.
"Focus muna ako ngayon sa Sarili ko."
"Ano kaba, Gusto mo tulungan ka namin? Kami ang bahala sayo" ani ni Josh.
"Hindi na, Ang True Love hindi hinahanap. Kusa yang dadating"
"Sus, tagal naman dumating nun" ani ni Stell.
"Natraffic ata" -Justin
Napangiti nalang ako. I Don't need a Women to make me happy. I have my friends now. Pero pag dumating Why not.
"1...2...3... Good. Ok! Smile Xavier! Good! " Lumapit sakin ang Staff at Inayos ang Damit ko. 
"10 minutes, Break Time! " Sigaw ng Staff. Papasok na ako sa Waiting Area ng may nakabangga sakin.
"S-Sorry" ani ng Babae.
"Miss Venus!  Kanina kapa namin Hinihintay, Mabuti at nakarating ka" Masayang ani ng Staff at sinalubong Ang babae.
"I'm sorry, Traffic kasi" Nakangiting ani ng Babae.
"Oh, Xaiver This is Venus, Siya ng Magiging partner mo. " Pakilala ni Miss Hannah Sa Babae.
"Oh, Hello, I'm Venus, Venus Cathedral! Nice to meet you" nakangiting ani niya.
"Xaiver, Nice to meet you too" I said. 
'She is Beautiful....'
.......
Stell Pov.
This is the day, Ooperahan na mamayang gabi si Athena. Even Though, Sinasabi niya na ok lang siya at kaya niya, Alam ko na Natatakot siya sa mangyayari mamaya.
Ako lang ang nagbabantay sa kanya ngayon. Mamaya pa pupunta ang mga kaibigan namin at ang Pamilya ni Athena.
"Ano ang gusto mong kainin?  Do you want some fruits?" ani ko.
"Ok lang ako, I think Kumain kana. Kanina mo pa ako inaalagaan dito"
"Ok lang ako, Don't worry about me"
Ilang minuto pa at Nabalot ng katahimikan ang kwarto. Hindi narin nagsalita si Athena at nakatulala nalang na nakatingin sa bintana.
Alam kona....
Kinuha ko ang Gitara na Dinala ng Mama niya para sa kanya. Umupo ako sa Upuan na Katapat lang ng bed niya.
'Lift your head, baby, don't be scared
Of the things that could go wrong along the way
You'll get by with a smile
You can't win at everything but you can try'
Tumingin siya sakin at ganun din ako sa kanya habang Kumakanta.
'Baby, you don't have to worry
'Cause there ain't no need to hurry
No one ever said that there's an easy way
When they're closing all their doors
They don't want you anymore
This sounds funny but I'll say it anyway'
Ngumiti siya sakin. Eto na naman ako. Mabilis na naman ang tibok ng puso ko. Siya lang ang nakakapagpasaya sakin ng ganito.
'Girl, I'll stay through the bad times
Even if I have to fetch you everyday
We'll get by with a smile
You can never be too happy in this life'
Dina Pov.
Papunta na kami ngayon sa kwarto ni Athena. Kumpleto kaming lahat Pati si Xaiver sinama na namin. Gusto namin na Lumakas ang loob niya para mamaya sa Surgery niya. Kasama rin ako sa team na Mag O-Opera sa Kanya.
Natigil kami sa pag iingay ng nasa tapat na kami ng pinto. May naririnig akong kumakanta sa loob. Dahan dahan kong Binuksan ang pinto at nakita ko na Nakangiti si Athena habang Kinakantahan ni Stell.
"Wow, So sweet" ani ni Mona.
"Ang Sweet naman ni Ajero, When kaya? " ani naman Riane.
"I think, Bumalik nalang tayo mamaya" Hinila ko na sila at Sumunod naman ang mga boys sa amin.
Agatha Pov.
Iniwan ko muna ang mga kaibigan ko sa lobby dahil merong dumating na Pasyente.
"Anong Nangyari? "
"Attempted suicide,Doc" ani ng Nurse. Lumapit ako sa pasyente at Tiningnan ko ang Wrist niya.
"Mabuti at hindi naman malalim." Kumuha ako ng Upuan at Sinimulang Gamutin ang wrist niya. Dumaan ang isang Oras at nagkamalay na siya.  Inilipat namin siya sa private room dahil request ng pamilya niya.
Sabi ng nurse na ayaw pang makipag usap at Uminom o kumain ng kahit ano ang dalaga.  Nag volunteer ako na Kumausap sa kanya, Kailangan ko rin namang ma tingnan kung ano na ang kalagayan niya.
Nang makapasok na ako ay Nakita ko ang dalaga na Tahimik lang na nakatingin sa bintana. Hinihimas himas niya ang Bandage na nasa Wrist niya.
"Patient Veron Cathedral" ani ko at Inilapag ang Tray na naglalaman ng gamot niya.  Hindi ako nilingon ni Veron.  She is 15 Years old,  a Grade 10 Student.
"D-Doc,  Can i tell you Something?" Tiningnan ko siya at Sa pagkakataong ito ay Nakatingin na siya sakin.
"Sure, Makikinig ako" Umupo ako sa Upuan na malapit sa kanya.
"W-Wow,  Ikaw yung unang tao na Handang makinig sakin" ani niya at nagpipigil na umiyak.
"Don't hold your tears, It's okay" Unti unting siyang Umiyak. Naaawa ako ngayon sa kanya, Maybe Mabigat nga ang Pinagdadaraanan niya ngayon.
"S-simula nung grade 7 palang ako Parati na akong nabubully dahil sa Size ko. Sinasabi ko sa Parent's ko na Ganun ang nagyayari sakin but sinasabihan lang nila ako na Wag nang pansin yun, Nagbibiro lang sila. I tried to understand it, Pero Mas lalo akonv nasaktan nang pati mga Relatives ko ginagawa na akong katatawanan.  They are my Parents I'm Expecting them to protect me from those people but Wala silang ginawa kaya Hindi na ako nagsasabi sa kanila. Hanggang ngayon Lagi parin akong Binubully....."
Hindi naman siya ganun ka laki.  Nakita ko sa chart niya na 60 ang Timbang niya pero Maganda naman siya.
".....Itinuon ko ang pansin ko sa Pag aaral. Lagi kong ginagalingan sa Klase, Gusto ko na Parating mapasali sa Academic Achiever para maging proud sila sakin. But Every Time na Nagiging Top 2 lang ako Ikinukompara nila ako sa Ibang bata. Natatakot akong magkaroon ng kaibigan dahil minsan na akong Iniwan at Pinagpalit ng kaibigan ko. Natatakot na ako dahil hindi ko alam kung sino ang totoo o hindi. Lagi kong iniisip, Ano bang mali sa pagiging mataba?  Wala naman akong Ginagawang mali sa kapwa ko. Bakit Lagi nalang nila nakikita ng Panlabas na anyo?"
"Hindi mo dapat Sinasarili ang Problema Dapat nagsasabi ka sa mga Magulang mo" ani ko.
"H-Hindi nila A-ako Pinariringgan at Hindi nila ako.... maiintindihan. H-Hindi nila ako...... M-Mahal" Sunod sunod ang pagtulo ng mga luha niya. hinawakan  ko ang kamay niya.
"Tumingin ka sakin, Walang mali sayo, At lalong walang mali sa size mo. Makinig ka sakin ,Walang Mali sa atin, May mga tao lang talaga na Gugustuhin na Makasakit ng iba Mapasaya lang ang sarili nila. Hindi nila alam na ang bawat Salita na Sinasabi nila ay maaaring makasakit sa kapwa nila...."
"About sa School mo naman, It's Okay kapag Hindi mo naabot ang Pagiging Top 1 Sa klase You did your Best and I think that is Enough. Wag mong i pressure ang sarili ko. Walang mali sa pagiging pangalawa."
"Y-Yes"
"Sa tingin mo ba Hindi ka mahal ng pamilya mo?  Alam mo ba Na Kanina pa sila nasa labas, Nag aalala silang lahat sayo. Yung Mama mo Iyak ng Iyak. Mahal ka nila, Minsan hindi mo lang nararamdaman. Tandaan moto, Walang Ina at Ama na Hindi mahal ang kanilang mga anak. Hindi lang nila alam kung pano Iparamdaman satin yun, Okay? "
Lumapit sakin si Veron at Yumakap sakin.
"T-Thank you P-po, At S-Sorry po. Promise,  Di ko na Uulitin" ani niya. Kumawalas siya sa pagkakayakap sakin.
"15 ka palang, Marami pang bagay na pagdadaanan mo, Dapat maging matapang ka. "
Lumabas ako ng Kwarto niya at Pumunta sa pamilya niya.
"Okay na po siya ngayon, Wag na daw po kayong mag alala sabi niya. "
"Thank you Doc, Salamat po talaga" ani ni Mrs. Cathedral.
"Mrs, Kailangan niyo lang pong Pakinggan at Unawain siya. Mahirap po ang Pinagdaraanan niya, Kailangan niya ng Suporta ng Pamilya niya"
Pagkatapos ng Pangyayaring iyon ay Bumalik. Na ako sa. Lobby.
......
Athena Pov.
(3:36 p.m)
"Well, Mukhang ok na siya ngayon. Nag usap narin sila ng Parent's niya" ani ni Agatha. Kinukwento niya sakin ngayon ang tungkol sa Pasyente niya kanina.
"Mabuti naman, You did great Doc Agatha. "
"Narinig ko na Model yung Elder Sister niya. Maganda si Veron I think maganda rin yung Ate niya. I want to meet her" ani niya.
"Good afternoon" Pumasok si Doc Cruz kasama ang dalawang Nurse.
Xaiver Pov.
Dahan dahan lang akong naglalakad sa hallway. Nasa Kwarto sila ni Athena ngayon at napili kong Lumabas nalang muna. Napapatingin lang ako sa mga pasyente na nakakasalubong ko. Ang iba naka Wheel chair at Tinutulak ng Nurse. Napa atras ako ng may nakabangga sakin.
"O-oh, Sorry.. " natatarantang ani niya. Ng iniangat niya ang ulo niya ay dun ko siya nakilala.
"V-Venus? " ani ko. Siya yung babae na Pinakilala sakin last time.
"Xaiver, B-Bakit ka andito? " ani niya.
"Bumisita lang ako sa kaibigan ko, Ikaw? "
"Yung kapatid ko kasi,  isinugod dito kanina lang.  Can you help me to find her Room? " ani niya at Ipinakita sakin ang Papel na nakasulat ang Room Number.
Sinamahan ko siya sa pag hahanap. Nagtanong rin kami sa mga nurse para mas mapadali ang pag hahanap namin. Pinuntahan namin ang itinuro ng Nurse. Binuksan niya ang Pinto at nakita namin ang isang babae na nakahiga sa Hospital Bed. Merong Bandage sa Wrist niya. Naka upo naman sa Gilid ang Isang babae at lalaki.
I Guess, Parent's nila iyon kaya Nagpakilala ako Politely.
"Good Day po" ani ko. Tumango sila sakin at bakas parin sa mukha ang pag aalala.
"Ano ba! Alam mo bang pinag alala mo ako! " ani ni Venus sa kapatid at Hinampas ang braso nito.
"Aray naman ate!  Sorry na! " ani niya at Hinimas himas ang brasi niya.
"You Should've told me,  Magkapatid tayo dapat wala tayong inililihim sa isa't isa. " Hinimas ng Veron ang Wrist ng kapatid niya kung saan ito may sugat.
"I won't do it again, I promise" Ngumiti siya sa ate niya at Tumingin sakin.
"O-Oh,  I think i need to go, Venus"
"Salamat pala ha,  Gusto mo bang ilibre kita?  Tell me ano ang gusto mo? "
"Hindi ako pwede ngayon eh, Kailangan kong puntahan ang kaibigan ko. Maybe Next time nalang"
"Chance mo na yun Dude!  Sana Kinuha mo na yung Number. " Ani ni Dina. Nasa kwarto na ako ngayon ni Athena. Tinitingnan siya ng Doctor niya habang Kinukulit ako rito ni Dina.
"Magktrabaho lang kami, Okay? "
"Ano kaba!  Hindi na tayo Bumabata, Dapat sa Edad mong yan may Girlfriend kana.... "
"Ang kulit mo.... "
".....wag mong sabihin na hindi kapa nakakapag move on kay Athena? "
"Hey!  Matagal nayun, Masaya na ako para sa kanilang dalawa ni Stell. "
"So ayun naman pala, Eto nalang Tutulongan ka namin, Diba Athena? "
"Oo,  Naman noh. Kami ang bahala sayo" nakangiting ani ni Athena. Natigil kami sa pag uusap ng bumukas ang Pinto. May pumasok na lalaki na parang pamilyar sakin.
"Aray naman Dina, Matatanggal yung ulo ko sayo eh" kumawalas sa pagkakayakap si Dina at Hinila si Flare papalapit kay Athena.
"Babalik ako mamaya." ani ng Doctor at Umalis ng kwarto.
"Kamusta kana? " tanong ni Flare.
"Ayos naman, Mabuti at Nakabalik kana" nakangiting ani ni Athena.
"Oo naman, Nang nalaman ko ang Nangyari sayo agad akong nagpabili ng ticket pauwi ng pinas. Oh, I bought you some Gummies, I know you like them" Ani niya at Inilagay sa mesa ang Box.
Napalingon kami ng bumukas ang pinto at Nakita namin sina Stell at Justin. Agad namang lumapit si Dina sa Asawa. Si Stell naman ay agad na lumapit sa nobya.
"Andito ka pala" ani niya kay Stell at Inakbayan si Athena.
Psh, Kahit kailan talaga seloso tong si Stell.
"Long time no see,  Stell" ani ni Flare at Inilahad ang kamay.
"Bakit ka umuwi ng pinas? " ani ni stell at hindi tinangggap ang Shake hands.
"Maliban sa pagbisita kay Athena. I'm here to visit my Wife"
"May asawa kana? " gulat na tanong ni Stell.
"Oo, Kaya wag ka nang mag alala di ako aagawin sayo si Athena. "
"Mabuti kapa Flare,  Tong si Xaiver kasi Ni Girl friend wala eh" ani ni Dina at inakbayan ako.
Unti unting Napuno ang kwarto ni Athena ng mga kaibigan at Pamilya niya. Nagbihis narin ng Scrub si Dina.
"Kaya mo yan ha, Andito kaming lahat na maghihintay sayo" ani ni Stell.
"Proud na Proud ako sayo, Athena.  Napakatapang mo. " ani ng kuya niya.
"Please do Everything to save her" ani ng Mama ni Athena kay Dina.
"Don't worry Tita, Ako ang bahala sa kanya. "
Ihinatid namin siya sa labas ng OR.
"Wag na kayong mag alala. Paglabas ko dito magiging okay na ako." nakangiting ani ni athena bago siyang ipinasok ng tuluyan.
Ilang oras na ang nakalipas pero wala paring balita galing sa loob. Kami nalang nina Tita Anna at Kuya Apollo ang naiwan. Sinabihan na kasi ni tita na Umuwi na ang iba lalo na at May anak pa sila na aalagaan. Madaling araw na at naghihintay parin kami dito sa labas.
Napatayo kami ng bukas ang pinto at Lumabas doon si Doctor Cruz at Dina.
"K-kamusta na siya? " ani ni Tita.
"Tita..."
.....
Stell Pov.
Ipinikit ko ang mga mata ko habang naghihintay sa sasabihin ni Dina.
"Tita.... the Surgery went Successful. Nagtagumpay kami na Makuha ang tumor sa Utak niya ....." napahinga ako ng malalim sa sinabi niya. Kanina ko pa gustong Marinig na Magiging okay na si Athena.
"...We will move her on the Recovery Room, Siguro bukas makakabalik na siya sa kwarto niya" ni ni Doctor Cruz. Lumapit si Tita kay Doc at nagpasalamat.
"See? Sabi ko namn sa inyo, Matapang si Athena. Honestly, Nagkaroon ng problema kanina pero ayaw niya talagang bumitaw. " nakangiting ani ni Dina. Yumakap si Mama Anna sa Akin at Yinakap ko rin siya.
Andito na kami ngayon sa Kwarto ni Athena. Sabi ng Doktor bukas pa Maibabalik si Athena.
"Mama,  I think you need to rest na. Don't worry Tatawagan o I tetext kita bukas kapag Andito na si Athena. "
"Ikaw?  Pano ka?" ani ni Mama Anna.
"I will be fine, Dito nalang muna ako matutulog. Wag na po kayong masyadong mag alala,  Okay na siya sabi ni Doctor Cruz"
"Stell, Sasabay na ako kay Tita sa paglabas. Kapag may kailangan ka Sabihan mo lang yung mga Nurse sa Nurse Station."
"Thank you" ani ko. Lumabas na sila at ako nalang ang naiwan.
Xaiver Pov.
Naglalakad ako ngayon sa Hallway ng Agency Kung saan ako nag tratrabaho. It's early in the morning. May Ipapasa lang ako na Papers at Pupunta na ako ng hospital.
"Xaiver!" napalingon ako ng may tumawag sakin. Nakita ko si Venus na Nagmamadaling Pumunta sakin.
"Oh, Good morning, Miss Venus" ani ko.
"Venus nalang,  We're in the same age. No need to be Formal. By the way, Pupunta kaba Ng Hospital ngayon?"
"Ah, Yes. Pupuntahan ko kasi ang kaibigan ko. "
"Great, sabay nalang tayo pumunta then pagkatapos natin sabay na tayong mag lunch.  I still owe you,  I think i need to pay back." Sabay kaming pumunta sa Office ng Manager ko at nilagay sa lamesa ang Papers.
"May i know kung ano ang sakit ng Friend mo? " ani niya. Nasa sasakyan na Kami ngayon.
"Na diagnosed siya ng Brain Tumor.  Kaka surgery niya lang kagabi and Thankfully naging Successful." napangiti ko.
"Siguro, Subrang Close kayo ng Friend mo"
"Of course, Mabait kasi siya kaya Madaling mapalapit ka sa kanya.  Do you want to meet her? "
"Maybe pag Nakalabas na siya ng Hospital. I want to meet her."
Pagdating namin sa Hospital ay nakasalubong namin si Dina. Nakasuot na siya ng Gown niya. I think nagsimula na ang Duty niya.
"Oh, Hello" nakangiting ani ni Dina kay Venus at Tumingin sakin na parang nag aasar.
" She is Doc Dina De Dios. Siya ang Doctor ng kapatid mo" ani ko kay Venus at Gulat na Tumingin kag Dina.
"O-Oh,  Nice to meet you po doc,  Ako po si Venus Cathedral. " Ngumiti si Dina kay Venus.
"Wow,  You are so Beautiful. Halatang halata na Model!"
"Thank you pala sa pagkausap sa Kapatid ko. She told me na Ikaw ang dahilan kaya nakapag open up siya kina Mama at Papa."
"It's my Duty to save my patient. By the way,  Sobrang Ganda mo talaga,  Ang taas mo rin at napaka sexy" ani ni Dina habang iniikotan si Venus.
"H-Hehe T-Thank you.. " Tumingin sakin si Venus na parang sinasabi na 'Tulungan mo ako... '
"Dins, Una na kami. Pupuntahan ko na si Athena. Gising na ba siya? "
"I don't know. Di ko pa kasi siya Napupuntahan."
"Ma una na ako ha,  Thank you Doc Dina at Xaiver" Kumaway muna siya sa amin bago Sumakay ng Elevator.
"Grabe Ganda ng Chicks mo Par" ani ni Dina sabay Hampas sa Braso ko.
"Aray naman! Nakakahiya ka kanina. Sumbong kita sa Asawa mo"
"As if naman na kakampihan ka non. Mas mahal kaya ako non. Sige na, Kita nalang tayo mamaya" Umalis na siya at Ako naman ay Sumakay na ng Elevator.
Maingat ko na Binuksan ang Pinto at nakita ko si Athena na gising na. May benda ang ulo niya. Sisigaw na sana ako na 'Hey Athena!' Kaya lang sinenyasan niya ako na Tumahimik at may itinuro. Nakita ko si Stell na Mahimbing parin na natutulog sa sofa .
Dahan dahan kong Inilapag sa mesa ang dala kong pagkain. At Umupo sa Gilid ng Kama.
"Kamusta kana? " Mahinang sabi ko.
"Okay na ako, Salamat pala sa pagkain"
"No problem, Do you need anything? Water?  Do you want some Water? "
"Yeah, M-Medyo nauuhaw nga ako" Kumuha ako ng warm na water at Ibinigay ito kay Athena.  Magsasalita pa sana ako ulit ng bumukas ang pinto at pumasok si Flare. Gaya ko ay sisigaw na sana pero Pareho naming sinenyasan na Tumahimik. Nakita niya rin si Stell kaya naintindihan niya na.
"Mabuti naman at Gising kana, Sobrang nag alala kami sayo" mahinang sabi niya at Umupo sa Kabilang Gilid ng Kama. 
"Don't worry, Okay na ako. Medyo Sumasakit lang ng kaunti ang ulo ko"
"Gusto mo tumawag ako ng Doctor? " tatayo na sana ako pero Pinigilan niya ako.
"Ok lang, Baka Busy si Doc Cruz sa mga pasyente niya, and hindi naman Gaanong Masakit. " nagkwentuhan lang kami. Kinukwento samin ni Flare and Love story nila ng Asawa niya. 
Nagkakilala daw sila sa Paris,  Noong Feb 14 sa araw mismo ng mga Puso. Sabi niya isa daw yung Love at First sight.
"Nakainggit naman,  Napaka swerte naman niya at merong isang Gentleman, Mabait, At Sweet na Flare na Nagmamahal sa kanya. Masaya ako para sa inyo" Hinawakan niya ang kamay ni Flare at Ang kamay ko at Ngumiti.
"Gentleman, Mabait at Sweet rin naman ako. Bakit kapa maiinggit? Tsk. " Napalingon kami at nakita ko si Stell na nakaupo na. Tiningnan niya kami ng masama at Lumabas ng kwarto.
"Anong Nangyari dun? " takang tanong ni Athena.
"Boyfriend mo, May Period" Natatawang ani ni Flare.
.....
Nagulat ako ng bigla nalang kami tiningnan ng masama si Stell at Padabog na Lumabas ng Kwarto.
Nagpatulong ako sa kanilang dalawa na Tumayo. Nahihilo man ay Pinilit ko na makatayo ng maayos. May Handle naman ang Sinasabitan ng Dextrose ko kaya dun na ako kumapit.
Ipinilit pa sana nila na Samahan ako para Umalalay sakin pero Pinaiwan ko na sila. Kailangan kong makausap yung lalaking yun. Dahan dahan lang ako sa paglalakad.  Sa tuwing nararamdaman ko na nahihilo ako ay Humihinto muna ako.
Napadpad ako sa Balkonahe ng Hospital kung saan kami tumambay ni Stell last time.  Hindi kagaya noon ay Wala nang batang naglalaro sa labas.  Lahat kasi ng mga bata nakalabas na ang iba naman ay Inilipat sa Private Room.  Nakita ko ang lalaking kanina ko pa hinahanap. Nakaupo siya na nakatingin sa labas.
Dahan dahan akong lumapit sa kanya at dahan dahang Umupo. Alam kong alam niya andito ako pero di niya ako pinapansin.
"Uyyy.. "
Ani ko pero di niya ako sinagot o nilingon manlang.
"...Nag effort pa naman ako na Maglakad papunta rito kahit Sumasakit yung ulo ko tapos Hindi mo rin naman pala ako kakausapin. " Hindi niya parin ako Kinikibo.
"Kakaopera kopa naman tapos sobrang hina kopa,  Kawawa naman ako" Wala parin siyang Reaksyon.  Alam ko na...
"Ahhh" Hinawakan ko ang ulo ko at nag panggap na sumasakit iyon.
"Damn! A-Anong masakit?  A-Athena?! " Lumuhod siya sa harapan ko at Nag aalalang Sinabi iyon sakin.
Napangiti ako.
"Ano ba yan!  Hindi magandang biron yon ha! " inis na ani niya at umupo na ulit.
"Ikaw kasi, Di mo ako pinapansin" Ani ko at Sumimangot.
"Ewan ko sayo, Dun ka Sa Flare mo! " Ah, Gets ko na. Nagseselos siya.
"Okay,  then" Maingat ako na Tumayo at Humawak sa stand ng Dextrose ko at Hindi paman nakakalayo at May Yumakap Sa likod ko.
"Are you Kidding me!, Pupuntahan mo talaga si Flare! "  Nakangiti ako humarap sa kanya.
"Ano ba ang Nangyayari sayo?  Wala namang Ginagawang masama yung tao"
"Damn! baby, Nagseselos ako! " Ani niya at Hinawakan ang Pisngi ko. " You are Mine!  Only mine!"
"Ano kaba!  Matagal na akong sa iyo,  Ano ba ang Ikinaseselos mo. May asawa na si Flare at Mahal na Mahal nila ang isa't isa"
"S-Si X-Xavier, Single parin yung Lalaking yun! "
"Nakapag usap na kami, He told me na Naka move on na siya sakin." Kinuha ko ang Mg Kamag niya sa Pisngi ko at Hinawakan iyon. " Sa iyo lang ako, at Ganun ka rin sakin. Wag ka nang magalit, I love you" Lumapit ako sa kanya at Hinalikan siya.  Ngumiti siya kaya Napangiti narin ako.
Inalalayan niya akong Umupo,  Sinermonan pa ako kung bakit Lumabas ako ng mag isa at Wala pang wheelchair. Minsan Nakakakilig rin palang pakinggan ang sermon ng mga mahal natin, It means Mahak nila talaga tayo.
Hindi rin kami nagtagal sa labas. Kaka opera ko lang kasi at baka Magkaroon ako ng infection kapag Napatagal ako sa labas. Andito parin sina Flare at Xaiver kaya Todo Simangot itong boyfriend ko.
"Sabi ni Doc, Baka mapadali ang pag uwi ko dahil mabilis akong makapagrecover. " ani ko.
"Kahit Makakalabas kana, ayoko parin na Lalabas ka ng bahay niyo nang mag isa. Lagot ka talaga sakin, Matigas pa naman yang ulo mo" Inirapan ko siya.
'Ano akala niya sakin? bata?!  Tsk'
Tiningnan ko naman yung dalawa na nagpipigil ng tawa.
Dina Pov.
"Hindi ka pa ba nakakapunta kay Athena? " tanong ni Jah.
"Mamaya pupuntahan ko siya, Nasa Loob kasi sina Flare, Xavier at Stell. Hayaan nalang muna natin sila" ani ko.  Nasa park kami ngayon, Tapos narin naman ang Duty ko kaya niyaya niya akong lumabas.
Magkahawak kami kami ngayon na naglalakad sa Park. Natutulog kasi si Sean kaya di namin naisama. Nakangiting nakatingin kami sa mga batang nag lalaro ang iba naglalaro sa play ground ang iba naman ay Nahahabolan.
Binilhan namin si Sean ng pasalubong, Iiyak kasi yun pag nalaman niya na Umalis kami ng Daddy niya. Yung mukha niya ay nakuha niya sa Daddy niya samantala ang ugali naman ang sa akin.
Gabi na at naisipan namin ni Jah na dalawin si Athena. Pupunta rin ang iba pa naming mga kaibigan.
Pagdating namin sa kwarto niya at Nakangiting binati kami ni Athena. Napansin ko rin na bumalik na ang Sigla niya. Bumalik narin ang Pagiging maganda niya.
"Excited na ako sa wedding!  Ano bang klaseng wedding? Church Wedding? Beach Wedding? " Ani ni Mona.
"Well, napag usapan namin na Sa Church kami ikakasal." Nakangiting ani ni Stell.
"Grabe, Masaya ako para sa inyo" ani ko.
"Salamat sa inyong lahat, Kailanman ay hindi niyo ako iniwan. Mga totoong kaibigan ko talaga kayo" Lumapit kaming lahat kay Athena at Nag group hug.
Pumunta kami sa Rooftop ng Hospital. Nag set up kami ng Mesa at Naglagay ng Mga pagkain at drinks sa mesa.
"To the future Mr.  And Mrs.  Ajero!  Cheers! " Itinaas namin ang mga Baso namin at nag Cheers.
Marami na ang nangyari sa nagdaang taon. Marami ang pinagdaanan naming magkakaibigan, Masaya ako dahil Sabay naming Nalampasan iyon. Ang mga Dating kalaban ay naging kaibigan.
Our Friendship is my greatest treasure that i have.

Komento sa Aklat (150)

  • avatar
    ValesLorenzo

    nice story

    24/10/2025

      0
  • avatar
    Alynna Caballero

    it's amazing

    04/02/2025

      0
  • avatar
    MamingHazele Jane

    good

    27/01/2025

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata