logo text

Special Chapter- 6

Justin Pov.
Nasa Venue na kami ngayon para sa Practice namin. Nakahanda na ang lahat pero hindi parin Dumarating si Stell. 9:00 ang Usapan namin pero 10:06 na wala pa siya.
"Magpractice Nalang kaya Tayo. Kanina pa natin siya Hinihintay. Baka hindi na darating yun" ani ni Josh.
"Alam naman natin ang pinagdaanan niya ngayon, Intindihin nalang muna natin" ani naman ni Pinuno.
"Yes. Pero Nagwoworry lang ako dalawang araw nalang at Concert na natin. Siya pa. Naman ang Maraming Parts sa atin" ani ko. Pumwesto na kami sa Stage at Hinintay nalang ang music.
"I'm Sorry, I'm Late" Napalingon kami at nakita namin si Stell na papalapit samin. Ibinigay niya sa Staff ang Bag niya at Pumunta na sa pwesto niya.
"O-Okay kalang ba, Stell?"ani ni Ken.
"Magsimula na tayo. Maramu na tayong Oras na Nasayang" Seryosong ani niya..Magsasalita pa sana si ken pero sumenyas si Pinuno na Hayaan nalang muna si Stell.
Napansin ko na Focus na Focus si stell sa practice. Minsan kahit break na namin ay Nasa Gitna parin siya at Paulit ulit na Nagsasayaw.
"Ano kaya ang Nangyari? Bakit nakipahiwalay si Athena? " ani ko. Kagabi ko pa iniisip yun. Hindi naman Enough na Reason yung Sinabi ni Athena.
"Siguro Maynangyari na hindi natin nalalaman" ani ni Josh.
"Masyado niya pinapagod ang sarili niya ngayon. Sinasaktan niya lang ang sarili niya sa Ginagawa niya" ani ni Pinuno.
"By The Way, Kamusta na nga pala si Dina? Hindi na siya bumaba kahapon ah" ani ni Ken.
"Pagdating ko sa kwarto ay Nakahiga na siya sa kama. Kinakausap ko siya pero di naman sumasagot."
Napabuntong hininga nalang kami at Tumingin ulit kay Stell. I hope na maging Okay na ang lahat....
Agatha Pov.
"Ito ang mga Gamot niya. Parati mo siyang I remind na Inomin niya toh. Alam mo naman na may katigasan rin ang ulo ni Doc Fernandez" ani sakin ni Doc Cruz.
"Yes Doc."
"O Sya, Aalis na ako. Ingat ka sa paguwi Doc Agatha" ani niya at Umalis na. Nagbihis narin ako at Kinuha na ang gamit ko. Inilagay ko sa Brown na Paper bag ang mga gamot ni Athena para Madali nalang Ibigay sa kaniya nilagyan ko narin ng Notes kung kailan nita iinumin.
Nakatayo na ako ngayon sa Labas ng Gate ng Hospital. Aalis na sana ako ng may Humawak sa kamay ko.
"Let's Talk... " ani ni Sejun at Hinila ako sa Parking Lot ng Hospital. Wala na masyadong tao rito dahil gabi narin. Simula kagabi hindi pa pala kami nagkakapagusap. Nahiya tuloy ako Madaming beses na akong Nagsinungaling sa knya.
"S-Sorry" ani ko habang nakayuko. Hinawakan niya ang Dalawang Pisngi ko at Iniangat ang Ulo ko.
"It's okay. Hindi ako galit sayo. Naiintindihan kita. Okay? Wag ka nang malungkot" ani niya. Ngumiti ako sa kanya at Yumakap.
"Thank you. I Love you" ani ko at Humalik sa Pisngi niya.
"Walang anuman.." Napabitaw ako sa pagkakayakap sa knya at Tiningnan siya.
"yun lang? Asan yung I love you too dun? " pagtataray ko.
"Iba ang paraan ko sa pag 'I love you too' " ani niya. Napataas naman ang kilay ko.
Inilapit niya ang mukha niya sakin at Hinalikan ako.
"I love you too, Baby" Ani niya at Kumindat sakin. Shemmsss!!!!
Hindi ko mapigilang mapangiti sa kanya.
"Para paraan ka talaga, Pinuno" ani ko. Inakbayan niya ako at Dinala ang Sling bag ko.
"Ako na magdadala nito" ani niya at Kukunin na sana sakin ang Brown Na Paper bag. Oh no, Nandito ang Gamot ni Athena For sure magtatanong siya sakin about sa mga gamot nato.
"N-No, hehe kaya ko na" ani ko.
"Okay. Tara na hatid na kita sa inyo" ani niya. Lumapit kami sa sa isang Black na Motor.
"Asan na yung Kotse mo? " tanong ko.
"Nakakasawa na kasing Magdrive ng kotse gusto ko namang ma try yung Motor" ani niya. Sumakay na siya at Tinulungan naman ako na Umupo sa likod niya.
"Kumapit ka ng mabuti,Baka mahulog ka... " Ani niya kaya Kumapit ako sa Gilid ng Damit damit niya. Nagulat ako ng bigla niyang paandarin ang motor kaya napayakap ako sa knya.
"Sabi ko naman sayo,Kumapit ka." ani niya at Ngumiti.
Buong byahe ay Nakayakap lang ako kay Sejun pano ba naman tuwing kakawalas ako ay Bigla niya bibilisan kaya Napapayakap ulit ako.
"Ingat ka sa byahe mo ha" ani ko. Nasa labas na ako ng gate namin.
"Opo, Ingat karin. Pumasok kana Malamig na" ani niya.
"Ingat, I love you. Goodnight"
"Gusto no ng I love you ulit, baby? " ani niya at Pilyong Ngumiti.
"Buang!" ani ko at Tumawa naman siya
"Bye na Baby. I love you too" ani niya at Umalis na.Umakyat narin ako sa kwarto ko at nagpahinga.
Athena Pov.
Maaga akong nagising dahil maaga rin akong dinalaw ni Agatha. Nasa Salas kami ngayon at kumakain. Binigay niya rin sakin ang mga Gamot na Pinabibigay ni Doc Cruz.
"Sabi ni Doc Dapat inumin mo yang lahat. May nilagay narin ako na mga notes dyan para Hindi mo malimutan." Napangiti naman ako sa kanya. Ang swerte ko talaga sa kaibigan ko.
"Thank you Doc Agatha" Pabiro na ani ko. Ngumiti naman siya at Hinawakan ang kamay ko.
"I hope na Maging okay kana, Para maayos na natin ang lahat." Ani niya.
"Sorry ha, Kung nadamay kapa. Nagalit pa tuloy sila sayo."
Nagi-Guilty tuloy ako. Dahil sakin Galit sa kanya ngayon sina Dina.
"Hey, Kahit ano pang mangyari. I will be On your Side. Okay? Kaya mag promise karin sakin na Gagaling ka At wag kang susuko. Hm?"
Tumango ako sa kanya at Ningitian siya. Napahinto kami sa pag uusap ng bigla akong nakaramdam ng matinding pagsakit ng ulo.
"Argh! "
"A-Athena! Tulong! " Napahiga ako sa matinding pagkirot ng ulo ko.
Hindi ko na nalaman ang Iba pang nangyari ng Nawalan na ako ng Malay.
........
"For now, Kailangan niya labg muna na magpahinga. If Makaramdam siya ulit ng pagsakit ng kanyang ulo or Mahimatay sa ulit we need to Admit her on The Hospital. "
Napadilat ang Mata ko dahil sa paguusap nina Doc Cruz at Agatha. Nasa Kwarto ako ngayon sa Condo ko.
"Oh my ghod,Gising kana" masayang ani ni Agatha napapansin ko rin na namumula ang ilong at mga mata niya.
"B-Bakit ka naman Umiiyak? Mamamatay naba ako? " biro ko sa kanya. Pinalo niya ang Braso ko.
"Hindi magandang Biro yan ah! " ani niya. "...Kailangan mo raw muna na magpahinga, kapag Mangyari ulit sayo ang nangyari kanina Kailangan mo nang i admit"
"Thank you, Don't worry na I'm okay"
Hindi rin nagtagal si Agatha dun kailangan niya pa kasing Pumasok sa Hospital. Mahigpit na Pinagbilin niya sakin na wag muna akong Makikilos kilos dito. Eh sa pasaway ako eh.Naglilinis ako ngayon ng Condo.
'Like an echo in the forest
Haruga doraogetji
Amu ildo eopdan deusi
Yeah, life goes on
Like an arrow in the blue sky
Tto haru deo naragaji
On my pillow, on my table
Yeah, life goes on
Like this again'
Nakikinig ako ng music habang naglilinis. Soundproof naman ang Binili ko kaya kahit Malakas ang speaker hindi maririnig ng katabi ko.
Napatigil ako sa aking ginagawa ng May narinig akong Katok sa pinto. Pinatay ko ang speaker. Siguro si Xaiver nato. Pagbukas ko ay nagulat ako ng makita ko si Stell.
"Hello! Good morning!" Nakangiting ani niya. Bakit siya andito?!!!
"B-Bakit ka andito? P-Pano mo nalaman kung asan ako? " Hindi niya ako sinagot at Pumasok sa loob. Sobrang lakas ng kabog ng Dibdib ko ngayon. Gustong Gusto ko siyang Yakapin Sobrang Na miss ko siya.
"Dito ka pala Nakatira. Kaya hindi kana umuuwi sa inyo" ani niya at Umupo sa Sofa.
"Anong ginagawa mo dito? " ani ko.  Tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa at Ngumisi. Shems! Naka Short lang ako ng maikli at Naka Sports bra. Ako lang naman dito at Sa hapon naman Dumadating si Xavier kaya Dun ako mag t-t-shirt.
"You look Sexy as always" ani niya. Inirapan ko siya at Pumunta sa Kwarto ko. Nagbihis ako ng Oversized na T-Shirt na Pink na plain at nag black na Jogging Pants. Pagbaba ko naka Higa na siya sa Sofa at Nagbabasa ng libro. Pinalo ko ang Right na paa niya kaya Umayos siya ng Upo.
"Bakit ka andito? Dapat ReReady kana dahil Concert niyo na bukas" ani ko.
"Ok na ang lahat.Kaya free time namin ngayon"
"Pano mo nalaman na Andito ako? "
"Mama Anna Told me" Nakiki Mama narin kasi siya kay Mama si Mama rin ang nagsabi sa kanya na Yun ang Itawag sa kanya.
Pero bat sinabi ni mama? Sinabihan ko na sila na wag na wag sasabihin kay Stell.
"Bakit kaba andito? " mataray na ani ko.
"Wala lang. Naboboringan ako sa bahay eh"
Hindi ko lang maintindihan.Dapat Galit siya sakin ngayon.Dapat Lumalayo siya sakin. Bakit Andito siya ngayon sa harap ko at parang walang nangyari?
"Nagugutom ako, Wala kabang pagkain dyan? " Tumayo siya at Pumunta sa Kusina.
"Hey,  Kung nagugutom ka Umuwi ka Then magpaluto ka sa Cook mo"
"Ang Sungit naman nito." Sabi nita sabay Pout. Wahh!  Ang cute niya!
"Hindi ako aalis dito pag di mo ako Nilutuan! " ani niya pa. Umupo siya sa Maliit na Dining namin.
Hayst. Mukhang Mapapaluto talaga ako. Nararamdaman ko na Nakatingin siya sakin habang nagluluto ako. Gustong Gusto kong Lumingon pero Pinipigilan ko lang ang sarili ko.
"Yan,Ubusin mo yan ha" ani ko  at Nilagay sa Lamesa ang kanin at Ulam.
"Thank you" Ngumiti siya at nagsimula nang Kumain. Umupo rin ako pero Dalawang Upuan ang agwat namin.
"Grabe ang Sarap mo talagang magluto" ani niya.
Hindi ko mapigilan na mapatitig sa kanya habang kumakain. Ang Cute niya>.<
Pagkatapos niyang kumain ay akala ko aalis siya pero nakaupo siya ngayon sa sofa at nanonood ng tv. Habang ako naghuhugas ng pinagkainan niya. Sabi niy mamaya daw siya aalis pagnatapos ba ako.
Stell Pov.
Nakatingin lang ako ngayon sa kanya. I miss Her. Na mimiss ko na yakapin siya. Na mimiss ko rin na Asarin siya haha.
Yes, Nasasaktan ako dahil sa breakup namin. But I realized Na baka naguguluhan lang si Athena.Ngayon,Gagawin ko ang lahat para Magbalik siya sakin.
"Tapos na ako sa paghuhugas. Maaari kanang Umuwi" mataray na ani niya. Ang Ganda talaga ang Baby ko! Masungit nga lang!  Haha.
"Oo na Uuwi na ako" ani ko. Hinatid niya ako Hanggang sa Parking Lot.
"Thank you pala sa pagkain" ani ko.
"Okay. Bye" ani niya at Tumalikod na sakin. Psh. Wala man lang 'Ingat ka ha'.
Pumasok na ako sa sasakyan ko at Tiningnan si Athena Habang naglalakad.
"You will be Mine Again, Athena" bulong ko sa sarili ko.  At Pinaandar na ang sasakyan ko.
Athena Pov.
Pagdating ko sa bahay ay agad ko na Tinawagan si Mama.
"Mama,  Bakit niyo po sinabi kay Stell kung Nasan ako" ani ko.
"Nangungulit kasi anak. Nakikiusap na Sabihin ko sa kanya. Alam mo naman na parang anak ko narin yang si Stell hindi ko rin Matiis"
"Pumunta siya rito. Nakakagulat lang dahil hindi siya nagalit sakin. Kinukulit kulit pa nga ako"
"He really Loves you, Anak. Gagawin niya ang lahat Maibalik ka lang. I really Like him for you"
"Ma, Mahal ko rin naman po siya. But natatakot lang ako Pano kung Wala na ako Mas lalo siyang masasaktan.Akal ko kapag nakipaghiwalay ako Lalayuan niya ako at kakalimutan"
Marami pa kaming Pinagusapan ni Mama Binibigyan niya rin ako ng mga Advice. Nagpapasalamat talaga ako sa panginoon at Andyan ang Family and Friends ko para damayan ako.
Kahit ganito ang Nangyari sakin. I'm still Thankful sa mga Blessings niya sakin.
Dapat Lumaban ako. Maraming Nagmamahal sakin. Ayoko na Biguin sila. You can do this Athena!
.........
"Here, Link yan para sa Concert nila mamaya." ani ni Agatha.
"Thank you" ani ko. Sinabi niya sakin na Pupunta silang lahat mamaya para Supurtahan sina Stell. Hindi naman ako makakapunta kaya Binigyan niya nalang ako ng link.
"Andun na Silang Lima at Naghahanda na. By the way, Pumunta pala rito si Stell kahapon. What happened?"
Bumuntong hininga ako at Umupo.
"Pumunta siya rito. Nakagulat lang dahil Parang Normal lang nung pumasok dito. Hindi siya galit at di rin siya malungkot. Parang Tinuturing niya parin akong Girlfriend niya."
"Sejun Told me na Sobrang down ni Stell noong Nakaraang araw. Pinapagod niya ang sarili niya sa practice. Dun niya Ibinuhos ang sama ng loob niya. Hindi niya kayang magalit sayo dahil Mahal ka niya. "
Hindi ko napansin na Tumulo na ang nga luha ko. He really Loves me. He really did.
"I know He loves me. And I love him Also." ngumiti siya sakin. Hindi siya nagtagal dahil Pinapapunta ba siya ni Sejun. Inayos ko na ang loptop kung saan ako manonood.
Ilang minuto pa at Nagsimuka na ang Concert. Nagkaroon sila ng duo performance. Una sina Justin at Josh. Kumanta at Sumayaw sila ng Boy with Love by BTS.
Pangalawa sina Ken at Sejun. Kumanta muna si Sejun ng Opm Song then Pumasok si Ken at Sumayaw sila ng Love shot by EXO.
Huling Pumunta si Stell.Kumanta siya ng Kung maibabalik ko lang. Kitang kita sa mukha niya ang Emotion. Hindi ko namalayan na Umiiyak ako habang pinapanuod siya. Magaling talaga siyang kumanta. Heavenly Voice Talaga.
"Mabuhay Philippines!"ani bi Sejun at naghiyawan ang mga Fans.
"Sana mag Enjoy kayo sa mga hinanda naming Performances!" ani ni Ken.
Biglang Dumilim ang paligid. Ilang Minuto ang nakalipas at Bumalik ulit sina Stell at nag perform ng Go up.
Marami pa silang kinanta. Dalawang Oras o mahigit pa ang Concert.
Lumabas ako sa condo dahil kailangan kong Bumili ng Napkins ko. Nakalimutan kong magpadala kay xaiver nakakahiya naman kung iistorbohin ko pa si Agatha. Sure ako na pagod yun dahil sa concert. Nakasuot ako ng Purple na Jacket at Black na Jogging pants.
Hindi naman masyado malayo
Ang Mini Mart at kaya namang ilakad.
"Thank you po" ani ko sa Cashier at Lumabas na ng Store.
Gabi narin kaya Wala ng tao sa daan. Tanging Music lang sa earphone ko ang naririnig ko.
Naramdaman  ko na may Sumusunod sakin. Dumaan ako sa may Nakaparada na sasakyan at Tumingin sa Side Mirror nito.
Nakita ko ang isang lalaki.Naka Black na Pants, Black na Jacket, Black na Facemask at Black rin na Sombrero.
Naku naman Wala pa namang tao dito pano ako hihingi ng tulong binilisan ko nalang ang paglalakad ko. Binuksan ko ang phone ko at Tumawag kay Xaiver pero Ang malas ko dahil wala na akong load. Bat ko ba kasi nakalimutan magpaload kanina. Hayst.
Lumiko ako at Nagtago sa Likod ng Kotse. Pero wala na akong makita.
"Siguro wala na siya" Bulong ko sa sarili ko.
Lumingon ako at Nagulat ako ng makita ang lalaki ja sumusunod sakin.
"Hoy! Bakit mo ako sinusundan?!Ahhh-" Lumapit siya sakin at Tinakpan ang bibig ko.
"Shhh" natatarantang ani niya. Kinagat ko ang kamay niya kaya Nabitawan niya ako. Hindi paman ako nakakalayo sa kanya ng matapilok ako.
"Aray!" Napahawak ako sa paa ko. Lumapit sakin ang lalaki at Lumuhod.
"L-Lumayo ka sakin" ani ko at Niyakap ang sarili ko.
"Ako to" Tinanggal niya ang mask niya kaya Nakita ko ang Mukha niya.
"S-Stell?!" Gulat na ani ko. Ngumiti lang siya sakin.
"B-Bakit ka andito? B-Bakit mo ako sinusundan?"
"Papunta sana ako sa Bahay ng Kaibigan ko Pero nakita kita. Kaya i decided na ihatid ka para Maka siguro ako na Safe ka makakauwi" ani niya at Kumindat sakin.
Dug. Dug. Dug.dug
'Bakit niya ba ginagawa sakin to?'
Inilahad niya sakin ang kamay niya. Tinanggap ko naman ito at dahan dahang tumayo. Shocks, Ang sakit.
"Kaya mo bang Maglakad?" Tanong niya Ibinalik niya ang mask niya sa mukha niya.
"Maybe" ani ko. Kapag ipinilit ko pa na maglakad Baka Lumala pa.
"Sakay ka" ani niya at Lumuhod.
"H-Ha? "
"Sumakay ka sa likod ko. We both know na kapag pinilit mong maglakad lala yan" Ani niya.
Baka Masakit pa ang katawan niya dahil sa Concert. Mabigat pa naman ako.
"Bilis na Malamig dito sa labas" ani niya. Wala naman akong magawa kaya Sumakay na ako sa Likod niya. At Unti Unti siyang naglakad. Sana Hindi niya Maramdaman ang pagbilis ng tibok ng Puso ko.
"Ikaw kasi bakit kaba Tumakbo" ani niya.
"Sinunsundan mo kasi ako, Akala Ko May Masamang tao na sumusunod sakin"
"Really? Ako? Masamang tao? Ang bait ko kaya"
'Talaga ba?  Ang hilig mo ngang Asarin ako. Tsk'
"Bakit ba ganyan ang suot mo? " Para kasi siyang Grim Reaper.Susunduin niya naba ako?
"Baka kasi may makakilala sakin. Wala pa naman akong kasama" Kaya pala.
Pagkatapos nun ay wala na saamin ang nagsalita. Hinatid niya ako at Pinaupo sa Sofa. Tinanggal niya ang Sombrero, Mask at Jacket niya. Naka itim siya na Plain na T shirt.
Kumuha siya ang Ice pack at Bandage. Dahan Dahan niyang Inilalapag sa Paa ko ang ice pack.
"Wag ka lang muna Masyang Gumalaw rito. Para hindi na mamaga." Alam ko naman ang Gagawin ko. Nakalimutan niya ba na Doctor ako? Tss.
Pinahiran niya ng Dry Towel ang Paa ko at Nilagyan ito ng Bandage.  Napansin ko na Nagsugat ang Kagat ko sa Kamay niya. Kumuha ako ng Gamot at Band aid sa medicine  box. Malapit lang naman.
"Upo ka" ani ko at Umupo siya sa tabi ko. Hinawakan ko ang kamay niya at Nilagyan ng gamot. Pagkatapos nilagyan ko ng Band aid.
"Sorry nga pala dahil Kinagat kita. Thank you sa Paghatid at Paggamot sa Paa ko. Sa susunod kasi Wag mo akong Susundan nang palihim.kapag nakita mo ako Tawagin ko ako. Okay? " ani ko at Ngumiti naman siya.
"Sana yung Puso ko Magamot mo rin" Napatigil ako sa Sinabi niya. At napatingin sa kanya.
........
Stell Pov.
"I-I mean, Lately kasi Medyo N-Nahihirapan Huminga. D-Doctor ka Diba.K-kaya Maybe ma Gagamot mo ako"
' Dude! Umayos ka nga!'
"Hindi naman sa puso yun. Dapat sa Lungs mo Yun"
"Y-Yun nga Kapag Hindi ako Makahinga. S-Sumisikip ang P-Puso ko"
'Ano ba stell!  Bakit mo ba nasabi yun?! '
"Si Agatha ang makakatulong sayo. Hindi na muna ako Pumapasok sa Hospital"
"Bakit naman? "
"Bakasyon ko ngayon." Tipid na sagot niya. Napunta anf mata ko sa Black na Plastic na Dala niya.
"Meron kaba ngayon? " tanong ko. Tumango naman siya.Hindi na naman siya nahihiya na sabihin sakin yun dahil ako ang Bumibili ng Napkins niya kapag Wala siyang Dala.Siguro Masakit na naman ang puson nito.
"Uuwi na ako. Mukhang kailangan mong magpahinga" Kinuha ko ng Jacket ko at Sinuot gayundin ang Mask at sombrero.
"Thank you.Hatid na Kita sa baba" ani niya at Paika Ika na Lumakad papalapit sakin.
"Hindi na, Kaya ko na Bumaba na mag isa. Magpahinga ka nalang muna" I said. Tumango lang siya sakin. Nagpaalam na ako sa kanya at Umalis na.
Nilakad ko Papunta sa Mini Mart kung saan nakapark ang sasakyan ko. Sinadya ko na Wag ihatid siya gamit ang sasakyan ko. Atleast kapag Naglakad lang kami mas mapapahaba na Makakasama ko siya.
Kahit Pagod pa ako galing Concert Pinilit ko na Puntahan siya. Nalaman ko na Nagaway sila nina Dina kaya Siguro Mag isa siya ngayon.
From: Babe Ko
Thank you for today. Ingat sa pag uwi. Bye.
Psh. Di mo rin ako matitiis noh. Mag iingat ako Sabi mo eh.
Agatha Pov.
"Di parin ba siya Nakokontak? " ani ni Justin at Dial ng Dial ng Number ni Stell. Andito kami ngayon sa Bahay nina Stell. Wala ang Mommy niya dahil nasa London siya ngayon.
"Asan ba pumunta yun? Wala pa naman siyang kasama" ani ng Staff.
"Tawagan mo ulit,Jah" Utos ni Sejun. Ilang minuto lang ng matapos ang Concert  ay biglang nawala si Stell. Sabi ng Ilang Staff na nakakita Umalis siya Dala ang Sasakyan niya. And Now. Almost 2 hours  na Hindi parin siya nakikita.
"Oh,  Andito na siya" ani ko ng makita si Stell. Pagkadating niya ay agad siyang Sinermonan ng mga kasama niya. Nakayuko lang siya habang pinagsasabihan. Sinabi niya na May pinuntahan lang siyang Kaibigan napasarap lang ang Usapan kaya Matagal ng bumalik siya.
"Wag ka Aalis ulit na walang kasama. Lalo na at Gabi na ngayon" ani ni Pinuno.
"Ok,  Maayos naman akong Nakabalik. Hindi niyo na kailangang Mag alala.Excuse me. Magpapahinga na ako. " Ani niya at Umakyat na sa Taas.
Lumabas muna ako. Nag uusap pa naman sila sa Loob.
From: Doc Athena
Andito siya kanina. Hindi naman siya nag tagal. Ingat ka pa uwi.
Kaya pala Umalis si Stell, Si Athena pala ang pinuntahan niya.
Athena Pov.
"Bilis na, Ako ang Pipili ng Damit mo" ani ni Agatha. Birthday niya kasi Ngayon and Magkakaroon siya nf Party Mamaya sa Bahay niya. Ayoko na sanang Pumunta dahil Andun sina Dina at Stell.
"Okay, Sasama na ako"Sabay kami ngayon na Bibili ng Dress ko para Mamaya sa Party. Bibili rin naman siya ng para sa kanya kaya sinama niya nalang ako.
"I think Bagay sayo to. You will look Gorgeous Kapag sinuot mo toh" ani niya at Bigay sakin ng Damit.
"Sayo? Ano ang Kinuha mo? "
"Same tayo ng Color but Iba ang Design. Syempre dapat Maganda rin ako noh" Pareho kami na Kulay Blue ang susuotin mamaya.
"Oh, Agatha at si Athena oh" Napalingon kami at nakita namin sina Sejun, Ken at Stell. Napaiba ako ng tingin ng magtama ang mga mata namin. Lumapit si Agatha kay Sejun at Nagyakap. Samatalang ako ay naiwan sa Tinatayuan ko.
"Hi, Athena" ani ni ken at Ngumiti. Ningitian ko rin siya.
"Hi, Long time no see" ani ko.
"Bakit pala kayo andito? " ani ni Agatha sa Nobyo.
"Bibili rin kami ng Damit namin Para mamaya. Syempre dapat ako ng Pinakagwapo sa Birthday ng Fianceè ko" ani niya.
"Psh, Dito pa kayo nag lambingan eh noh" ani ni ken.
"Sus, Inggit kalang. Wala kasi rito ang Asawa mo" Asar ni Sejun.
"Busy lang yun Pero Pupunra yun Mamaya. Tingnan niyi mas Sweet pa kami Mamaya" ani ni ken. Napatigil sila sa pagtatawanan at Tumingin sa amin ni Stell.
"U-Uhm. Gusto niyo ba ng Milktea? L-Libri ko. Hehe" ani ko.
"Grabe, Lalong Gumanda ka Athena ah" ani ni Ken.
"Totoo nga ang Sabi nila na Kapag Nag Break ang mag jowa Mas lalong Gaganda ang Babae" ani ni Sejun. Siniko naman siya ni Agatha.
"Sorry, jwk lang" ani niya at nag peace Sign.
"Magbreak rin kaya tayo Para Gumanda rin ako" - Agatha.
"No, Maganda kana kaya. Ayoko na Gumanda kapa baka Agawin kapa sakin" Nakita ko na Kinikilig naman si Agatha.
Tahimik lang ako na nakikinig sa knila. Pinipilit ko na wag Tingnan si Stell. Pano ba naman kanina niya pa ako Tinitingnan. Nanadya ba toh!
"Kamusta kana Athena? " ani ni Stell. Kaya Napunta sa kanya ang Atensyon ng lahat.Nakatingin parin siya sakin.
"H-Ha? Ok naman." ani ko at Uminom ng Milktea.
"Balita ko hindi kana Pumapasok sa Hospital. Saan kana nag Tratrabaho ngayon? " ani ni Ken. Bakit ba ako ng topic ng mga to.
"Nagtratrabaho parin naman ako dun. Bakasyon ko lang ngayon"
"Si Athena nga babe nag Babakasyon. Mag Leave karin kaya muna para makapag Date tayo"
"Sige.Close naman kami ni Chairman" ani niya.
"Guys, Cr muna ako ha" ani ko.Alis muna ako baka ako na naman ang Pag usapan nila. Inayos ko ang sarili ko. Nag suklay ako at Naglagay ng kunting Liptint. Baka mahalata pa nila na Maysakit ako dahil Maputla ako. Naglagay ako ng Perfume.
Paglabas ko ng Cr ay Agad kong nakita si Stell. NakaSandal siya sa Pader at Nasa bulsa ang Dalawang kamay.
"O-Oh? Bat ka Andito? " ani ko.
"Tara" Hinila niya ang kamay ko. Magpupumiglas na sana ako pero Mas hinigpitan niya ang paghawak sa kamay ko. Nakalabas na kami ng Store pero di niya parin ako binibitawan.
......
"Sigurado kaba dito? " tanong ko
"Oo nga, Wag kang Mag alala"
Seyoso ba siya? Baka may makakita samin dito.
"Baka may makakita satin. Lagot Tayong pareho"
Kinuha ko ang Chopsticks at Kumuha ng karne at Kinain.
"Pinasara ko muna ang Store para Hindi magkagulo. Nasa loob naman tayo hindi naman siguro tayo makikita"
Andito kami ngayon sa Korean Restaurant kumakain kami ng Samgyeopsal, Tteokbokki at Kimchi. Umorder rin siya ng Dalawang bote ng Soju.
"Kanina pa kaya ako nagugutom. Hindi naman nakakabusog yung kape" ani ko.
"Bakit ka nga pala Umalis sa bahay niyo? " Binitawan niya ang chopsticks niya at Tumingin sakin..
"Ah, H-Hindi naman ako Umalis. Busy lang ako sa Hospital kaya humanap ako ng Condo na malapit dun. Gabi narin kasi kapag Lumalabas ako"
"Eh Bakasyon mo naman ngayon bat di kapa Bumabalik"
"Y-Yun nga Bukas na Bukas Babalik na ako sa bahay.hehe"
Hindi ko na naman kailangan na Magtago pa. Alam na naman ni stell kung asan ako. Babalik nalang ako sa bahay atleast Makakasama ko sina Kuya at ang mga Pamangkin ko.
"Cheers? " itinaas niya ang maliit na baso. Kinuha ko ang baso ko.
"Cheers" ani ko at Uminom. Lagot ako mamaya kay Dina. Pero bahal na.Atleast nakasama ko si Stell.
Habang kumakain kami ay di ko mapigilan na mapaTitig sa kanya. Nasa akin ang lalaki na Pinapangarap ng Maraming Babae. Pero eto ako at Binitawan lang siya.
"Wag ko ngang akong Titigan ng ganyan.... " Iniangat niya ang tingin sakin.".....baka mahulog ka ulit" ani niya at Ngumiti.
Matagal na Stell, Matagal na akong nahulog.
"Joke lang hahha, Kumain kana" Ani niya sabay subo ng Wrap na Ginawa niya.
Dina Pov.
"Ito, Maganda to Ghorl! " Ani ni Mona at Ipinakita sakin ang Dress. Niyaya kami ni Agatha para sa Birthday niya bukas. Sa totoo lang nahihiya ako pumunta Lalo na at nagkaroon kami ng hindi pagka uunawaan.
"Kayo nalang kaya Pumunta" ani ko.
Andito silang dalawa sa Kwarto ko. Busy sila sa pag pipili ng damit habang ako ay nakaupo sa kama.
"Ano kaba! Kapag di ka Pupunta.Hindi rin ako Pupunta" ani ni Riane.
"Uy, Ano ba kayo. Magtatampo si Agatha kapag di tayo pumunta." Umupo si Riane sa Tabi ko.
"Hmmm. Nahihiya ka siguro noh" Asar ni Riane.
"Dina, May pagka masungit nga minsan si Agatha pero Mahal tayo nun. Hindi niya tayo matitiis." Ani ni Mona at Tumabi rin sakin.
"Okay, Sasama na ako. Makikipagbati narin ako sa kanya" ani ko at Ngumiti naman sila. Sumama na ako sa pag pipili ng damit.
"M-Mommy!" Lumapit sakin ang anak ko na Umiiyak.
"What Happened? Bakit ka Umiiyak? "
"B-Baby Eli is C-Crying Mommy!*sob*sob*" Kinarga ko ang anak ko at Pinaupo sa Hita ko.
"Wag ka nang umiyak. Okay lang si baby Eli. Maybe She is Hungry. Don't worry Tita Mona will Feed her, Okay? " Nag Volunteer kasi siya na siya na raw muna ang magbabantay kay Eli. May kasama naman silang Yaya kay Hinayaan nalang namin.
Tumayo si Mona at Kinuha ang anak niya. Umupo siya sa tabi ko at Pinakain ang Anak niya
"See, She is Smiling na" Ani ko. Ngumiti naman si Sean at Kinurot kurot ang pisngi ni Eli.
"Be gentle Sean. She is Still a baby"
"Okay, Mom" Ani niya.
"Mukhang may Future ang Dalawa ah" ani ko kay Mona. napatawa naman kami.
Stell Pov.
Pagkatapos naming kumain ay Pumunta kami sa Bookstore. Nakita ko ang Saya sa mukha ni Athena. Mahilig siya Sa mga libro. Tuwing Aniversary namin ay Binibilhan ko siya ng libro galing sa ibang bansa.
"Wow, Grabe Nakakamiss Pala Pumunta dito. Amoy na amoy ko ang Amoy ng Mga Libro" ani niya.
"Pumili kana. Treat ko" ani ko nakasunod lang ako sa kanya. Pareho kaming Naka Sombrero na Itim at Facemask na itim.
Pumunta kami sa Likuran ng Bookstore. Wala nang Tao na dumadaan dito. Inilagay ko ang dalawang kamay ko sa bulsa ng jacket ko.
"Ayun. Ay Wait, Ang taas naman" Pilit na inaabot niya ang libro. Nasa Ikaapat pakasi na Palapag ang libro kaya di niya maabot. Tumalon siya at Nakuha niya ang libro. Pero May Mga libro na Babagsak sana kanya. Dali dali kong Hinarangan ito ng kamay ko. Kaya Napasandal siya sa Shelves. Iniayos ko ang Libro at Tumingin sa kanya.
"Okay kalang? " ani ko pero di siya sumagot. "Uyy..."
"A-ah, Okay lang ako" Umalis siya sa harap ko. Paglingon ko sa kanya ay biglanv namatay ang ilaw.
"Ahhh!  B-Bakit Dumilim! " ani niya at Napahawak sa braso ko.
"Sandali lang Hanapin ko lang ang May ari ng Store" Aalis na sana ako pero Mas hinigpitan niya pa ang paghawak sa braso ko.
"U-Uyy Wag ko akong iwanan dito" ani niya. Tsk, Takot parin siya sa Dilim.
"Mabilis lang ako. Wag kang umalis dyan" Binitawan niya ang Braso ko kaya Naka alis na ako.
Athena Pov.
Ten minutes narin ng Nagsimulang Nag Black out. At Hindi parin bumabalik si Stell. Psh,  Sabi niya Mabilis lang siya. Kinuha ko ang Phone ko at Malas ko dahil Lowbat na.
Pahamak na Cellphone nato. Kung saan kailangan dun pa ma lolowbat. Hayst.
Napa atras ako ng may naramdaman akong papalapit sakin. Atras lang ako ng atras dahil wala rin naman akong makita.
"Ahhh! " bigla akong nakasigaw ng May naramdaman akong tao sa likod. Hinawakan niya ang waist ko at Isinandal ako sa Bookshelves.
"S-Stell" ani ko. Nakatingin lang siya sakin. "I-Ikaw pala yan. Nakagulat ka naman" Aalis na sana ako pero hinigpitan niya pa ang paghawak sakin. Dahan dahan niyang inilapit ang Mukha niya sakin at Hinalikan ang Noo ko.
"I Miss you, Baby...." Bulong niya sakin.

Komento sa Aklat (150)

  • avatar
    ValesLorenzo

    nice story

    24/10/2025

      0
  • avatar
    Alynna Caballero

    it's amazing

    04/02/2025

      0
  • avatar
    MamingHazele Jane

    good

    27/01/2025

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata