logo text

Special Chapter- 5

Athena Pov.
Nang imulat ko ang mga mata ko ay agad kong nakita si Agatha na may kausap na isang Doctor. Parang kilala ko ang Kausap niya...I think nakatrabaho ko na siya sa isang pasyente noon eh.Ano nga yung pangalan niya?
"She's awake" ani ni Agatha at Lumapit sakin. Tinulungan niya akong Bumangon at naka upo na ako ngayon sa Kama.
"Kamusta na ang Pakiramdam mo?" ani ng Doctor na kausap ni Agatha kanina.
"Ok lang naman Doc Ramos" Ani ko. Napansin ko na Nagulat si Agatha at napatakip ng bibig niya.Why? Anong meron?
"I'm not Doctor Ramos, Doc Athena. Ako si Doc Cruz" Ani niya.
"Oh, Sorry. Medyo Makakalimutin na kasi ako lately Hahaha" Ani ko.
"Kailan pa nagsimula nang Nagiging makalimutin ka?"
"Last week"
"How about sa Headache? Kailan pa?" 
"Last week rin, I also feel na parang nasusuka ako paminsan minsan"
nagtataka na ako sa nangyayari. I remember now Siya si Dr.Cruz isang neurologist. Pero bakit siya ang Tumitingin sakin?
"Doc Athena Fernandez, i'm sorry but you have Brain Tumor" Pagkatapos sabihin yun ng Doctor ay Lumapit sakin si Agatha at yumakap ramdam ko ang paghikbi niya. Habang ako ay nakatulala.
Totoo bato? Pero bakit?
"Gagaling Ka Athena... Okay? Wag kang mag alala. Alam natin Diba ang Kakayahan ni Dr. Cruz?"  Hinawakan ni Agatha ang Mukha ko at Kitang kita ang pamumula ng mata niya.
"Brain tumors begin when normal cells acquire errors (mutations) in their DNA. These mutations allow cells to grow and divide at increased rates and to continue living when healthy cells would die. The result is a mass of abnormal cells, which forms a tumor." Ani ng Doctor.
"Tatawagan ko si Stell" Akmang Kukunin na ni Agatha ang phone niya pero pinigilan ko siya.
"Wag, Sabi mo gagaling ako diba? Ayaw kong mag alala pa siya. Kaya please Wag mo muna silang sabihan"
"Athena, Brain Tumor to, Alam natin lahat kung Gaano ka Seryoso to..."
"Sabi mo gagaling ako. at yun ang panghahawakan ko"
Apollo Pov.
"Ella, Elmo mag mano Kayo kay lola" Ani ko sa mga bata. Nasa bahay na kami ngayon sa Pilipinas.Tumakbo naman ang dalawa at nagsimano kay Mama.
"Goodevening po, Mama" Ani ni Jasmine at Humalik sa Pisngi Ni Mama.
"Kay ganda at Gwapo naman ng mga apo ko" Masayang ani Mama.
"Lola, Look oh" Ani ni Ella at ipinakita sa lola ang doll niya.
"Apo, Don't call me Lola, Just call me Mamita. Do You Understand?"
"Opo"
"Goodgirl"
"Ma, Si Athena po, asan?" tanong ko. Umakyat ang Dalawa sa kwarto ko at dun naglaro.
"Nasa Hospital pa. Nagtataka nga ako eh Kanina pa ang out niya"
"Alam niyo naman si Athena Mahilig mag Overtime" Ani ni Jasmine.
"Actually, Nagpapansin ko na Madalas Sumakit ang ulo niya then Minsan nasusuka siya"
"Hindi kaya Buntis yun?"
"No, Nagwowoworry ako alam mo naman ang Ikinamatay ng Lola Emelda mo yung kapatid ng lola mo. Madlas pa naman na nagpapagod yun" Napatingin kami sa pinto ng bumukas ito at nakita namin si Athena. Halatang Pagod na Pagod siya at halatang Umiyak. Lumapit siya sakin at Yumakap At dun na umiyak.
"Anong Nangyari? Athena?" Nag aalalang ani ni Mama. 
"Mama, Kuya. May Brain Tumor po ako.." Umiiyak na ani niya.
"Ano?" Iniharap ko ang Mukha niya.
"Diagnosed po ako na may Brain Tumor Kuya...... Kuya ayoko pang mamatay.."
"No, Hindi ka mamatay, ano kaba?!" Binuhat ko siya at Pina upo sa Sofa.
"Anak... Alam naba to ni Stell?" Umiiyak na ani ni Mama.
"ayaw kopong malaman niya. Wag niyo po Munang sabihin"
"Athena, kailangan niyang malaman to, Boyfriend mo siya"
"Sasabihin ko rin naman po Wag lang po muna ngayon"
Ilang Oras narin ang Lumipas. Nasa kwarto na ako ngayon Kasama ang mga anak ko at ang asawa ko.Marami naman kaming kwarto rito kaya alang ayaw ng mgga anak ko na Matulog ng Wala kami. si mama naman ay Tumabi Kay Athena Matulog. Naawa ako sa Kapatid ko.... 
"Iniisip mo parin ba si Athena?" Pabulong na ani ni Jasmine.
"Oo, Natatakot ako para sa kapatid ko"
"Matapang si Athena, alam ko na makakayanan niya toh."
Athena pov.
Nandito lang ako sa Kwarto ko ngayon. Sinabihan ako ni Agatha na Nagfile sila ng Leave para sakin. Hindi muna ako makapagtrabaho ngayon. Speaking of agatha andito siya ngayon sa kwarto ko.
"Sabi ko naman sayo hindi mo naman kailangan na Pumunta pa rito" Ani ko.
"Ano koba, gusto mo ba na ako naman ang Himatayin Dahil sa pag aalala sayo, I'm sure kapag nalaman nina Dina to Bibili agad ng mga Ticket yun para pumunta rito" Ani niya.
"Thank you dahil hindi mo sinabi sa kanila, lalo na kay Stell."
"Pero alam naman natin na walang sekretong Hindi nabubunyag. Malalaman at Malalaman rin nila ito"
"I know, Pero sana wag muna ngayon"
"By the way, kahapon ng nahimatay ka may Tumulong sakin para dalhin ka sa kwarto and alam niya narin ang kalagayan mo ngayon"
"Huh? sino?" Bumukas ang Pinto at Nakita ko ang Isang Pamilyar na Mukha. Si....... Xaiver.
"Long time no see" Pambungad niya.
"Don't worry, Hindi kita sasaktan. Fully recovered na ako ngayon. Pano ba naman Napaka Strikta ng Doctor ko sa ibang bansa Hindi Ako Pinalabas hanggang di ako Gumaling"
"Ikaw ang Tumulong sakin?"
"Oo, And gusto ko sana na Humingi ng Tawad sayo sa nagawa ko noon. And Actually narinig kita noon,and i don't know kung natatandaan mo pa pero sinabi mo sakin na gusto mo sa susunod na magkita na tayo ay magaling na ako"
"I'm Happy for you, and Don't wory wala na sakin yun" Ngumiti siya sakin at ganun din ako sa kanya sa mga ngiti niya parang Nakikita ko ang lalaking Gustong Gusto kong makasam ngayon..
Stell.........
........
(1 Week Later)
Mag isa ako ngayon sa Condo ko. Si Agatha kasi May Trabaho si Xaiver naman Pumunta sa Comapany nila. 1 Week narin ang nakalipas ng malaman ko na may sakit ako. Kumuha narin ako ng Condo dahil Sigurado akong Pupuntahan ako ni Stell. Hindi narin ako Nagtratrabaho sa Hospital. Palagi nalang ako andito sa Condo. Tanging Sina Mama,Kuya,Mang Lindo,Agatha at Xaiver lang ang may alam kong asan ako ngayon.Pinupuntahan rin ako ni Dr. Cruz Para Macheck Kung anong lagay ko.
"Ok kalang ba dyan? Hindi naman ba Sumasakit ang Ulo mo?"  ani ni Agatha sa Kabilang Linya. Araw Araw Tinatawagan niya ako para kamustahin.
"Ok lang ako dito, Nakakabagot nga lang" ani ko. Nasa Sala ako ngayon at nagbabasa ng libro.
"Pinuntahan na naman ako kanina ni Stell, Tinatanong niya kung asan ka at kung bakit di mo Sinasagot ang mga tawag niya" Napatigil ako ng marinig ko ang pangalan niya. Pinalitan ko ang Simcard ko at iniba ko narin ang  Account ko sa mga Social Media.
"Anong Sinabi mo sa kanya?"
"Sinabi ko na Hindi ko rin alam, Na hindi rin kita Makontak. Athena, Hanggang kailan mo ba balak Itago yang sakit mo?"
"Hindi ko alam, K-Kamusta na siya?"
"Busy siya sa pagprapractice. Malapitna kasi ang Concert nila. Pero alam mo, kahit Pagod na Pagod na siya, Pumupunta parin siya sa bahay niyo at dito sa Hospital Para tanungin kong asan kana.Ganun ka kamahal ni Stell.. Athena"
"S-salamat Agatha ha, Salamat sa lahat"
"Ano kaba, wala yun. Magpagaling ka dyan. Inumin mo ang mga gamo mo. Lagot ka talaga sakin kapag hindi mo ininom ang mga Gamot na binigay sayo"
Mabuti nalang  at andyan sina Agatha at Xavier para sakin. 
Sobrang Miss na Miss ko na Si Stell. Namimiss ko na ang pang aasar niya sakin, namimiss ko na ang Ngiti niya. Minsan na iisip ko na 'Sabihin ko nalang kaya sa kanya?' Pero Ayaw kong maging pabigat sa kanya, Lalo na ngayon na Sobrang busy niya para sa Concert nila.
Stell Pov.
"Hindi parin ba siya Sumasagot?" Ani ni Josh.
"Hindi ko na makontak ang Phone niya. Ano na kaya ang nangyari sa kanya?Pati Sa bahay niya wala siya.Sabi ng Kuya niya Hindi parin umuuwi si Athena sa knila. Hindi narin Pumapasok si Athena sa Hospital"
'Asan kana ba Athena? Nag aalala na ako sayo..'
"Nagtanong narin ako kay Dina kung may nabanggit sa kanya si Athena eh Hindi pa naman daw sila nag uusap" Ani ni Jah.
Isang Linggo na Hindi kami nagkikita. Araw araw Pumupunta ako sa Bahay nila pero wala siya.Pumpunta rin ako sa Hospital Pero ganun rin. Isang Linggo narin daw na hindi pumapasok si Athena.
Pagkatapos ng Practice namin ay Pumunta kami sa Coffee Shop. Pinili namin ang hindi masyadon Pinupuntahan ng mga tao ang Luckily Walang tao ngayon.  Si Justin ang umorder Nagbato bato pick pa kami kanina kung sino ang Mag babayad at malas ko at ako ang natalo. Pasalamat tala ang mga toh at mahal ko sila hahahah.
"Grabe Malapit na pala ang Concert natin." Ani ni Jah.
"Tatlong araw nalang bah? O Apat?" ani ko.
"Tatlong araw nalang. Kailangan nating galingan lalo na andito tayo sa Bansa natin. Matagal tayong hinintay ng mga Fans natin dito sa pinas" ani ni Pinuno.
"Syempre Gagalingan ko talaga, Uuwi si Misis dito Para manuod ng Concert natin" Masayang ani ni Ken.
"Uuwi rin si Dina" ani ni Jah.
"Sakin rin" si Josh
"Me too, Pupunta si Agatha" Ani ni Pinuno.
Napayuko nalang ako, Hindi ko pa nga nakikita si Athena.Natahimik rin sila ng Maintindihan nila ang Galaw ko.Alam kong nalulungkot rin sila para sakin.Ilang Minuto pa Katahimikan lang ang bumabalot sa paligid. Wala naring nagsalita saamin.Maya Maya pa ay Dumating si Agatha at naka Gown parin siya nasa Bulsa niya ang stethoscope.
"Hey" Ani niya at Tumabi kay Sejun.
"Hindi parin ba siya Tumatawag sayo?" Tanong ko sa kanya.
"Sorry, Hindi pa eh" Ani niya.
"Don't worry okay lang yun, Malakas ang babaeng yun"
"Wala ba talagang Nabanggit sayo si Athena? Isang Linggo na at Hindi parin siya nagpaparamdam" Ani ni Josh kay Agatha.
"H-Hindi ko talaga alam. Wala naman siyang Sinasabi sakin"
"Sabi sakin ng Nurse Nakita pa nila si Athena bago ito Nawala. Sumasakit daw ang ulo niya" Ani ko.
"W-wala namang sinasabi sakin si Athena"
"Hello!" Napalingon kami ng may Nagsalita. May Tatlong Babae na Lumapit samin. Sina Mona,Dina at Riane. Si Athena nalang ang Kulang.
"Oh? Akala ko bukas pa ang Uwi mo?" Ani ni Justin sa asawa.
"Eh Excited tong mga toh eh" Ani niya at itinuro sina Mona at Riane.
"Balita ko nawawala si Athena?" Ani ni Riane.
"Isang Linggo na siya hindi nagpapakita" Ani ko.
"Bakit Naman? Wala ba siyang Sinabi?"
Umiling nalang ako bilang sagot. Isang Oras rin ang Itinagal namin sa Coffee shop. Tumayo na kaming lahat at Paalis na sana ng Bumukas ang Pinto....
"Bilhan mo ako ha"
"May Pera ka magpapalibre kapa"
"Napakadamot mo!"
"Bahala ka dyan hahah"
Napatigil sila sa pagtatawanan ng makita kami. Nagulat ako sa nakita ko. B-Bakit sila magkasama?T-Totoo pa tong nakikita ko?
"Athena..."
"Xaivier..."
........
Athena Pov.
"Athena... "                                                                                                                                                                  
"Xaivier..."
Sabay na Bigkas Nila. Bakit sila nandito? Unting Unti Bumilis ang tibok ng Puso ko lalo na andito ang lalaking Sobrang Miss na Miss ko na.
"A-Athena" Ani ni Stell at Yumakap sakin. Pinilit ko na Hindi yumakap pabalik sa kanya. I Miss him so much. Kumawalas siya Sa pagkayakap sakin at Tiningnan ako.
"Bakit Matagal kang nawala? May Nangyari ba, Babe?" hindi ako makasagot Naninigas ang buong katawan ko ngayon Gustong gusto ko nang Lumabas.. Tumingin ako sa gawi ni Agatha, nagulat rin siya ng makita ako ngayon.Parang Sinasabi niya sakin na 'Bakit ka lumabas?!'
"Athena.." Ani ni Xavier at Hinila ang braso ko.
"Bitiwan mo nga siya" Inis na ani ni Stell.
"No" Ani ko. Napatigil si Stell sa pagkuha ng kamay ni Xavier ng Nasalita ako."Let me go, Stell" Masakit man sakin ang mga Pinagsasabi ko ngayon but i have to."Please, Let me go"
"A-Athena..  Ano ba ang Nangyayari sayo? M-May Ginawa ba ako?T-Tell me"
"Wala Stell"Kahit Parang naiiyak na ako sa Nangyayari ay Pinipilit ko parin Na maging blangko ang Ekspresyon ko.
"Then, Why? Bakit ka nagkakaganyan? Bakit Kasama mo ang lalaking Yan?"
"Stell.."Tumingin ako sa mga mata niya."I'm Breaking Up With you" Napabitaw ang kamay niya sa pagkakahawak sakin.
"Athena.. Ano ba ang Nangyayari sayo? Please Stop This" Ani ni Dina. Hindi parin maalis ang Tinginan namin ni Stell.
"Why?.. Athena?.."
"I feel like..... it would be best if we ended our relationship."
"Athena,  Anong best dun?Ha? Sabihin mo sakin May Ginawa ba ako? Galit kaba sakin? Pag Usapan muna natin Please"
"Athena, Let's Go.." Ani ni Xaiver. Tiningnan siya ng Masama ni Stell at Sinuntok sa Mukha.
"Stell!!!" Sigaw ni Agatha at Pinigilan na si Stell. Lumapit ako kay Xaiver at Tinulungan siyang Makatayo.
"Anong Sinabi sayo ng lalaking yan?!Ha? Athena?" galit na ani niya.
"Wala siyang Sinabi sakin Stell.  Ako ang nag Decide na makipaghiwalay sayo"
"Bakit Athena?"
'Stell, Mahal na Mahal kita, Sobra. Sana Maintindihan mo rin ako.'
"I Don't Love you Anymore"
Napaatras si Stell at unti unting Pumatak ang mga luha niya sa pisngi niya. I Hate myself dahil sinaktan ko ang Lalaking Mahal na mahal ako. Naramdaman ko nalang na lumapit sakin si Dina at Sinampal ako.
"Si Stell" Ramdam ko Ang galit sakin ni Dina at Napaiyak narin ito."...  Kahit pagod na Pagod siya sa pag prapractice Pabalik balik siya sa bahay niyo at sa Hospital para hanapin kalang.Isang Linggo na Kulang siya sa pahinga.Tapos ngayon sasabihin mo lang na hindi mo na siya mahal?!"
"Dina, Kumalma ka muna Please.." Ani ni Agatha. Sa mga tao ngayon na andito sina Agatha at Xaiver lang ang nakakaalam ng pinaghuhugutan ko.
"Tandaan mo ito Athena, Pinutol mo ang relasyon niyo ni  Stell. Ngayon, Kalimutan mo  na naging magkaibigan tayo" Ani niya at Umalis na sa Shop. Sumunod sa kanya sina Stell at kami nalang nina Agatha at Xaiver ang Natira.
Dun na Tumulo ang kanina ko pang Pinipigalan na mga Luha. Umupo ako sa pinakamalapit na Upuan.Wala parin akong Tigil sa pag iyak. Umupo si Agatha sa Katapat ko lang na upuan habang Nasalikod ko naman si Xaiver.
"Bakit ka naman nakipagbreak? Alam mo naman na Masasaktan talaga yun" Ani ni Agatha.
"M-Masmabuti nayun. Atleast Kapag Wala na ako Madali niya nalang matatanggap at mabilis niya narin akong Makalimutan"
"Athena, Sa tingin mo ba ganun lang kadali yun? Tsaka Athena, Hindi ka mawawala, Gagaling ka,Okay?" Lumapit siya sakin at Niyakap ako.
Bumili nalang kami ng kape at Nagtake out, Napadisiyonan narin ni Agatha ma Hindi lang muna pumasok Ngayong Hapon sa Hospital para Samahan ako. Umuwi Nalang muna si Xaiver para makapag usap kami ng maayos ni Agatha.
Mona Pov.
"Ano na ang gagawin natin ngayon?" Nasa bahay kami ngayon nina Dina. Pagkatapos ng nangyari sa Shop kanina ay Dumiretso na kami sa bahay nina Dina. Samantala si Stell naman ay Hiniling na makapag isa muna.
"Hindi ko alam, Hindi ko Akalain na Magagawa yun ni Athena" Ani ko. Ang Pagkakakilala ko kay athena Ay isa siyang Mabait at Mapagmahal na babae. hindi ko akalain na magagawang saktan  niya si Stell.
Wala naman silang naging problema. Wala namang Ginawang Masama si Stell. Hindi ko maintindihan kung bakit siya nakipaghiwalay.
"That Shameless Woman! I Hate Her" Sabi ni dina. Nalala ko pa kanina na Sinampal niya Athena. 
"Siguro May Dahilan naman si Athena Maybe-" Hindi na natuloy ni Agatha ang Sasabihin niya dahil Sumagot agad si Dina.
"Agatha I know na Kakampihan mo siya dahil matagal na kayo nagkakilala. Tell me, Ano ang Dahilan niya? Wala naman siyang Mapipintas kay Stell"
"I think You're Overreacting" 
"Ako? Nag O-Over React? Your Suspicious, Kanina kapa Kumakampi kay Athena. May alam kaba sa Nangyayari?!"
"Calm down,ladies. Pati ba naman Kayo mag aaway pa?" Ani ni Ken.
"Ano na Agatha?!"
"Alam ko Kung nasan si Athena. Last week ko pa nalaman" Pagamin ni Agatha.
"What? Bakit di mo sinabi samin? alam mo naman kung ano ang pinagdaanan ni Stell para lang mahanap si Athena" Ani ko.
"Agatha... Bakit di mo sinabi? Paulit Ulit kita dibang Tinanong?" Ani ni Sejun.
"I-I'm Sorry"
"ha? Sorry? Parehong Pareho kayo ng Kaibigan mo!" Galit na ani ni Dina at Umakyat na sa kwarto niya.
"Dina!" Ani ni Justin at Sinundan ang Asawa niya.
"Pasensya na Agatha, Pero Tama si Dina. Dapat Sinabi mo nalang." ani ni Riane.
Ilang Minuto pa kami na nagtagal sa Bahay nila Dina na Umaasang bababa siya pero hindi. Sabi ng Kasambahay nila na Sinabi ni Dina na Umalis nalang kami kapag Gusto na naming Umuwi. Napabuntong hininga nalang ako. Pano Ba maayos to?!Hayst.

Komento sa Aklat (150)

  • avatar
    ValesLorenzo

    nice story

    24/10/2025

      0
  • avatar
    Alynna Caballero

    it's amazing

    04/02/2025

      0
  • avatar
    MamingHazele Jane

    good

    27/01/2025

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata