Athena Pov. "Anong Gagawin natin Kina Dina at Justin?Mukhang Nag away dahil sa atin eh" ani ko kay stell. Magkahawak kaming naglalakad pabalik sa Mga Kwarto namin. "Actually, Meron na akong plano" ani niya. Napahinto ako at Tumingin sa knya. "Ano yun?" Takang ani ko. Lumapit siya sakin at May ibinulong. Dina Pov. "Asan na kaya si Athena? Gabi na ah" Nag aalalang ani ko. "Oo nga, Sabi niya may Pupuntahan lang siya na Kaibigan, dalawang Oras na ang Lumipas?" Ani rin ni Agatha. Nakaupo ako ngayon sa kama At Sinusuklay ang buhok ko. ~kring~kring~ Kinuha ko ang Phone ko at Sinagot iyon. Nakita ko na si Athena Iyon. "Hello?" Ani ko. Unang bumangon sakin ang Paghikbi niya. "D-Dina, A-san ka?" Umiiyak na ani niya. "Oh? Umiiyak kaba? Anong nangyari?" Tanong ko. Napunta ang atensyon nila sakin at Kitang kita na nag aalala narin sila. "B-Busy kaba? S-Sorry, K-kailangan lang K-Kita Ngayon" Rinig na rinig ko ang Sunod suno na paghikbi niya. Kinuha ko ang wallet ko at Balabal. "Hello, Athena? Asan ka ngayon, Pupuntahan kita" ani ko. "N-Nasa G-Gilid ako ng Dagat sa W-Wala masyadong Tao. S-Sa may Malapit sa M-Malaking bato" Pinatay ko ang phone ko at Sinabihan sila Sa Nangyari. Gusto pa sana nila na Sumama pero sinabihan ko sila na Ako nalang mag isa. Paglabas ko ng Building namin ay Ramdam ko ang Lamig. Gabi narin kasi kaya Wala na masyadong tao. May nakita akong Tao na Nakaupo sa Gilid ng Dagat pero hindi si Athena... "Justin...." Justin Pov. (Earlier) Mag isa akp ngayon sa Kwarto namin. Si Stell kasi Lumabas Magpapahangin daw, Sina Ken, Josh at Sejun naman ay Nasa Baba Kumakain Kasama Ang mga Asawa at Girlfriend nila. Hayssttt... Nakakabagot naman dito. 'Kapag nagkakuto ba ang mga kalbo ang Tawag dun Homeless?' Sabi ko nga Bored lang ako, Tch. ~kring~kring~ Tinatamad na Kinuha ko ang Phone ko sa Bag ko. "Hello?" Walang ganang ani ko. Nakahiga ako ngayon sa Kama at Nakatingin sa Ceiling. "Asan ka bro?" Ani ni Stell. "Andito sa kwarto, bakit ba?" ani ko. "Puntahan mo ako may Ibibigay ako sayo" "Bro, alam ko na Galit ang Asawa ko ngayon sakin pero hindi ko magagawang Mambabae" ani ko. "Baliw, Di babae to! Tsaka loyal rin ako sa Fianceè ko noh, bilisan mo na dyan! Pumunta ka dito sa Gilid ng dagat sa may malaking bato" Hindi niya na ako pinasagot ay Binabaan na ako. Highblood? Gaya ng Sinabi niya ay andito na ako sa may malaking bato. Sabi niya bilisan ko eh siya naman itong wala pa. Loko talaga. Umupo nalang ako sa gilid ng Dagat at Tumingin sa mga alon. Nakakarelax pala dito, Malamig ang hangin at Nakakarelax ang mga Alon sana dito nalang ako tumambay kanina. "Justin...." Napalingon ako ng may tumawag sa pangalan ko. Nakita ko si Dina na Nakatayo Di Kalayuan sa Pwesto ko. Nakasuot siya ng Puting Shorts at Naka Sleeveless na Kulay blue. May Balabal rin siya na Suot. Tumayo ako at Lumapit sa kanya. So, ito pala ang Ibibigay ni Stell. "B-Bakit ka andito?" Takang ani niya. "Pinapunta ako ni Stell dito, May ibibigay daw siya. Ikaw? Bakit ka andito? Gabi na ah" pinipilit ko lang talaga ang sarili ko na hindi ma utal habang nagsasalita. "S-Si Athena kasi Pinapunta ako dito, Kailangan niya daw ako eh" Napayuko nalang ako ng Naunawaan ko na ang nangyayari. Mukhang Naintindihan niya rin ang Nangyayari kaya Napatingin siya sakin ng masama. "Hey, Wala akong kinalaman dito, I Swear!" Ani ko. Aa "Una na ako" aalis na sana siya pero mabilis ko na hinila ang kamay niya at Niyakap siya. "Sorry na please, Kasalanan ko." Ani ko at Hinaplos ang Buhok niya. "Bitiwan mo nga ako" pagmamatigas niya. Niyakap ko pa siya ng mahigpit para di na siya makawala pa. "Kapag Nanlaban kapa...." "Ano?! Anong Gagawin mo?" "......Hahalikan kita" napatigil siya sa sinabi ko. Whuttsss, Mukhang Lumambot narin, Naks Jah. "S-Subukan mo! S-Susumbong kita sa Kuya ko" banta niya. "Babe Mag asawa na tayo, Meron na nga tayong anak. Sa tingin mo Magagalit pa sakin ang Kuya mo pag Hinalikan kita?" Iniharap ko siya sakin at Hinawakan ang Magkabilang Balikat niya. "Ano ba kasi ang sasabihin mo." Malumanay na ani niya, Sus kunwari kapa Babe. "Sorry. Hm?" Ani ko. "Bakit alam mona ba ang Kasalanan mo?" Mataray na ani niya. "Oo, Sorry na please. Bati na tayo?" "Pag iisipan ko" "I hope, Makakatulong to sa Pag iisip mo..." Inilapit ko ang Mukha ko sa knya at Hinalikan siya. Iniharap ko siya sakin at Kita sa mukha niya na Kinilig siya. "I love you" malambing na ani ko. Unti unting Nawala ang Inis sa mukha niya at Napangiti. Alam ko ang weakness ng Asawa ko, at ako yun. Niyakap niya ako at Ganun rin ang ginawa ko sa kanya. "I love you too..." ........
I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
nice story
24/10/2025
0it's amazing
04/02/2025
0good
27/01/2025
0Tingnan Lahat