Chapter 33❣

Athena Pov.
GABI narin ako nakauwi dahil nagkayayaan na magcelebrate para sa pagkapanalo ng School. Ng makapasok na ako sa Bahay ay Sumalubong sakin si Mama at Lola Seya.
"Congratulations! Iha!" ani ni mama at Niyakap ako.
"Congratulations, Apo" ani rin ni Lola at niyakap ako.
"Thank you Ma at Lola Seya" tugon ko. Kinuha sakin ni Mang Lindo ang bag ko at Binigay sa Kasambahay namin.
"Anong Gusto mong kainin,Anak?" Ani ni Mama.
"Busog po ako Ma, Nagkaroon kasi ng Kaunting Salo Salo sa School. Kayo po? Kumain na po ba kayo?"
"Oo anak. Kanina pa"
"Nakauwi na po ba si Kuya? Nakita kopo ang sasakyan niya sa labas."
"Nasa Kwarto. Mukhang pagod na pagod. Tsaka Mukhang nag away sila ni Jasmine"
Away?Ito ang Unang rinig ko na Nagkaroon sila ng away ah.
Nagpaalam na ako kay Mama at Lola at Pumunta sa Kwarto ni kuya.
Nadatnan ko siyang Nakahiga sa Kama Habang naka Scrub pa.
"Hey, Brother" mahinang tugon ko at Umupo sa Tabi niya.
"Congrats. Sorry nga pala kung hindi ako nakapunta. Maraming pasyente kanina." ani niya.
"Thanks, Halata naman na pagod ka . By the way, I heard na nag away kayo ni Ate Jasmine?"
"Maliit lang naman na Misunderstanding. Nagtampo, Nakalimutan ko kasi na Monthsary namin. Hindi ko nga alam bakit ganun nalang ang galit niya. Sabi ko naman na babawi ako. Pero ayaw talaga eh" ani ni kuya na parang nagsusumbong sakin na May Umaway sa kaniya.
"Kuya, Kung hindi mo aaksyonan, Pwedeng Lumaki yan"
"I don't Know How To Fix This."
"Kaya Mo yan. Sayang naman ang Ilang taon na pangliligaw mo kapag Nawala lang. She's your First Girlfriend at sana Siya rin yung maging Last."
"Sana nga."
"Actually I have an Idea. Meron kaming Project And I'm Planning na Sa Probinsya namin Gagawin yun. Sumama kaya kayo samin. Atleast dun, magkakasama kayo may Chance para magkabati kayo"
"Siguradong Hindi Siya Sasama kapag nalaman niya na Sasama ako"
"Alam mo naman na ako ng Weakness nun. Kapag ako ang nagsabi di niya ako matitiis"
"Thank you. Maasahan talaga kita." nakangiting ani niya.
"No Problem kuya, Magpahinga kana diyan. Magpapahinga narin ako. Goodnight" Tumayo na ako at Lumabas na sa Kwarto niya.
At Pumasok na sa room ko.
KINABUKASAN ay Maaga akong nagising para makapunta na sa School. Hindi ko narin naabutan si kuya dahil sabi ni mama may Urgent Patient siya.
Wala pa masyadong tao sa School dahil Isang Oras pa bago magsimula ang klase. Ang iba naman ay Busy sa paglilinis ng kanilang Classroom.
Pagdating ko sa Room namin ay Tatlo palang kaming narito. Nilagay ko sa upuan ko ang bag ko at Lumabas muna ng Room. Dahil sa wala ring namang magawa ay pumunta nalang ako sa Gym.
Umupo ako sa Upuang bato. At Tumingin sa paligid. Dahil maaga pa ay Wala pang masyadong tao. May Iilan rin nagwawalis sa Paligid.
Lahat ng napapadaan sa akin ay Binabati ako dahil sa pagkapanalo namin kahapon. Ang iba naman ay Ningingitian lang ako.
"Goodmorning, Miss Cheerleader" napalingon ako ng may biglang nagsalita. At yun ay si Dina na kakadating lang.
"Goodmorning" nakangiting ani ko.
Umupo siya sa tabi ko at Pinalupot ang kaniyang braso sa Braso ko.
"Kailan nga pala tayo gagawa ng Project." ani niya sakin.
"Pupunta tayo sa Probinsya namin. Dun tayo gagawa. Sa weekend na tayo Pupunta dun kaya magpaalam kana"
"Sure. Maganda rin yan para makapasyal tayo. " Ningitian ko lang siya at Iniba ang Tingin. Nakita ko si Agatha na Dahan Dahan lang sa paglalakad. Maybe dahil parin sa Injury niya kahapon. Na dapat para sakin.
Bawat pag apak niya ay kita sa mukha niya na nasasaktan siya. Biglang may nasalubong siya na tumatakbo na Lalaki at nasagi siya. Kaya siya ay napatumba. Tiningnan lang siya ng lalaki at Tumakbo.
"Diba Maganda yun, Athena?Athena?Hello?"
"H-Huh?" nabalik ang atensyon ako kay Dina.
"Anong Tinitignan mo dun?" Napatingin rin siya sa gawi na tinitingnan ko. Pero wala na si Agatha dun.
"Wala. Ano ba yun?"
Agatha Pov.
Pagdating ko sa Classroom ay Madyo Marami nang Tao. Iniwan ko ang Bag ko dun Tanging dala lang ay ang Maliit ko na Purse na ang laman ay ang Wallet at ang Phone ko.
Nang maymarinig ako na paparating ay Pumasok ako sa Loob ng Cr.
"Napaka Tanga niyo naman. I said na Sa Sapatos Ni Athena niyo ilalagay ang  mga Tumb tacks. Bakit Ang Agatha na yun ang Natusok" halata sa Tono ng babae na Galit siya.
"Lizue-"
"Don't call me in my name. Baka may makarinig"
"I surely Put Those Thumb tacks on Athena's shoes. Maybe nagkamali lang talaga ng suot si Agatha"
"Pero ok narin yun at kay Agatha napunta yun. Naiirita rin ako sa babaeng yun. Maybe next time mas galingan niyo nalang. "
"I've heard Hindi sila magkasundo. Magkaklase sila noong Highschool. Pero Umalis si Athena. Tapos Hindi na sila nagpapansinan. At alam mo ba-"
"shhh. May paparating. Tumahimik ka" Pagtapos nun at Narinig ko nalang ang Pagsara ng pinto. Kaya Lumabas na ako at Tumingin sa salamin.
So para kay Athena nga talaga yun. Lizue...Lizue... That wich Girl.
Athena Pov.
"Tomorrow, Wala kayong Pasok. Dahil  magkakaroon ng Meeting ang lahat ng Schools dito. Kaya Chance rin ng lahat ng Sumali kahapon na magpahinga."Napuno ng hiyawan ang buong Classroom dahil sa balita ni Binibining katarungan."Pero, Meron kayong Project sakin, Remember? Kaya I Grab niyo na ang Chance nato para Gawin yun, Ok?"
Pagkatapos ng Sayahan nila ay Napunta naman yun sa Pagkadismaya.
"Narito sa akin ang Pangalan ng Mga Groupmates niyo na Pinasa ng Leader niyo. Una, Grupo ni Binibing Athena Fernandez: Sejun ,  Justin De Dios, Ken Suson,  Josh Cullen Santos, Stellvester Ajero,Dina Suson, Flare Terrilos at Ang Huli Agatha Laura Vicente."
Napatingin sakin ang mga kagrupo ko na may Mukhang pagtataka lalo na si
Agatha.....

Komento sa Aklat (150)

  • avatar
    ValesLorenzo

    nice story

    24/10

      0
  • avatar
    Alynna Caballero

    it's amazing

    04/02/2025

      0
  • avatar
    MamingHazele Jane

    good

    27/01/2025

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata