Homepage/Delight Demanding Deeds/
CHAPTER 16
Kahit na antok ay pinilit ko ang sarili kong mag-ayos at maghanda. Ngayon ako magsisimula sa plano kong mas mahalin ang sarili. Maybe, after this, we can be together... again.
I quickly slapped my hand to stop thinking about him. This day is mine! I need to do something I love.
I remembered my office. I really love that place. When I'm in that place, I always don't noticed that I was working my ass off and not minding the time. Good to know, Lily, my best secretary, always reminds me the time I need to eat.
She was a god-send!
Its funny how I think of her as an angel now, that before I was actually secretly hating her for her unique but gorgeous fashion. I'm just in denial that time but I actually envy her in some way.
As I put my make up on, I was smiling. Just the thought of business and office work makes me happy and excited. If other person hates office works but love leg works then I'm the opposite. I love when I'm typing documents and signing files.
Its just mine. I was born for this.
Nang matapos, agad akong lumabas. Nang makalabas ng elevator, I quickly but gracefully move towards my Benjie. When I got in, I drove to the nearest coffee shop.
I chuckled at myself. Sa sobrang excitement na nararamdaman ay nakalimutan ko namang mag-almusal.
Kumain muna ako dito ng isang slice ng carrot cake and ordered a frappuccino. While sipping on my coffee, I'm actually having a conversation with Lily via texts. Asking if I have meetings or any other events to go to.
'Good morning Lily! Do I have meetings to attend today?', I texted. She immediately replied which makes my eyebrow raised.
'Good morning too, Ma'am! You don't have any meetings today but you have to attend a Halloween party this evening. ', I quickly looked at the calendar app installed on my phone. I gasped when I saw that it is already the end of October. Hmm, that's why.
I immediately texted Lily, 'What's the theme?'.
'Masquerade, Ma'am.', I nodded at her response. I see it's masquerade. A not-so enjoyable theme. What is the sense of masquerade if once you enter at the place, the MC will say your name on the stage.
'Okay, send me the details. Time and place.', I demanded. This is one of the time where I have to be the 'boss'. I have to demand for the future of my business.
Isa pa, that masquerade party would give my company a million opportunities. Though, I will also give charity. Let's say, 10 million? Maganda naman ang balik sa negosyo ko.
When I received the details from Lily, I texted her a thank you. That time, I'm full and done, I quickly go back to the car. But, of course, after ordering coffees for my employees.
Nang makarating sa building, inutusan ko ang mga guard na ipamigay na ang kape sa mga employees. Binigay ko naman, personally, ang kape kay Lily. Dadaanan ko naman siya eh, less hassle for the guards which responsible for distributing the coffees.
I immediately sprayed a perfume to my office, once I entered. To complete my day, I played a low calm sound using my phone and speaker. It was relaxing me to the point that I forgot I needed to eat, for lunch. Thank god, there's Lily.
She also invited me to join her circle of friends. I quickly agreed. I missed them kahit isang araw pa lang kami hindi nagkikita.
Nakakamiss rin pala kahit papaano si Zachary na nang-aasar kay Leo, si Zeus na pilit na pinagtitripan si Cashea ngunit lagi namang bigo, at siyempre, si Lily na tawa palang ay malaki na ang epekto kay Cashel.
So, ako nalang pala....
I laughed when I saw Cashel's face when Lily keep on teasing him about his crush on our office. Nakakapagtaka 'man ay nagpatuloy na lang ako sa pagtawa. Kala ko naman sila.....
Well, everyone can be wrong...
Si Zachary naman ay may sariling mundo kasama si Leo. Nakangiti ito habang nagkukwento si Leo. Halatang patay na patay ito sa lalaki. Si Leo naman ay parang batang nagkukwento.
Si Cashea ay, as always, walang emosyon habang nagpapakita ng magic tricks si Zeus. Natawa ako nang parang tanga si Zeus. Nagpapakita kasi ito ng pambatang tricks. Katulad na lang nang kunyari mawawala ang piso nito sa kamay at makikita sa tainga ng babae. Napangiwi ang babae sa ginawa nito na nagpahalakhak sa akin.
Ngumiti ako kay Cashea nang magtama ang mga mata namin. Siya nama'y ibinalik rin ito sa akin. Nanliit ang mata nito nang ngumiti na mas lalong nagpaganda dito.
"Buti pa si Ma'am, nakakatanggap ng ngiti mo. How about me naman, Mahal?", nakanguso namang tanong ni Zeus kay Cashea habang ang mga hintuturo nito sa dalawang kamay ay ipinagdikit. Napahawak ako sa bibig ko upang pigilan ang tawa sa ginawa niya. Bukod 'don ay mayroon din kasi akong naaalalang lalaki sa ginawa nito.
"Tumigil ka Poncio.", malamig ang pagkakasabi nito. Hindi ko na mapigilan, humalakhak na lang ako. Kahit sila Lily ay natawa.
Mas lalo namang humaba ang nguso ni Zeus sa narinig. Naging busangot din ang mukha nito na para bang mayroong bagay na nasabi ito na hindi niya gustong mapakinggan.
"Don't call me that, love! Ang bantot ih!", saad nito na nagpatawa na naman sa'min. Si Cashea lang ata ang hindi tumawa.
Siya lang naman kasi ang pinakawala talagang kakikitaan ng emosyon. Pangalawa si Cashel, sumunod si Leo. Tapos si Lily at Zachary ay parehong maingay, lalo na si Zachary na kapareho ni Zeus. Magkambal nga naman oh...
Si Zeus lang talaga ata ang pinaka sa pinakamakulet at madaldal sa lamesa. Kapag kasi siya ang nagsasalita, walang gustong sumabat. Puro kasi tsismis hatid nito. Natatawa na lamang ako.
"Oo nga pala, nakikita nyo pa ba sina Ryan dito at ang mga kaibigan niya?', seryoso kong tanong. Ayoko ng mga taong naninira ng reputasyon ng iba. Kala mo kung sinong mga magagaling.
Mga tamad pati ito. Kala mo naman sila ang boss. Sila naman ay panandaliang naging seryoso. Kahit si Zeus ay tumigil sa 'pagtatalak.
"Hindi na Ma'am. Buti nga po 'yon, wala ng feeling boss dito.", saad ni Lily sa akin.
"Alam nyo po ba, Ma'am. 'Yan si Ryan, nang-uutos ng mga kapwa empleyado lalo na 'yong mga bago. Magpapabili ng kape. Mang-uutos ng mga bagay na dapat siya ang gumagawa. Eh dahil nga po sa takot sila kay Ryan since matagal na siya dito, nasunod agad sila.", tsismis sa'kin ni Zeus. Si Zachary naman ay puro tango na para bang sang-ayon sa kambal niya.
Si Cashel naman ay kumuha ng phone at may pinindot bago ipinakita sa akin. Nagulantang naman ako sa napanood.
"Kuha ko po 'yan Ma'am noong bago pa lang ako dito.", mahinahong imporma sa akin ng lalaki. Nakita ko sa bidyo ang pagkalampag ni Ryan sa desk ni Cashel dahil hindi ang gusto nitong flavor ng kape ang nabili.
Nakita rin sa bidyo ang pagbabalak nitong buhusan si Cashel ng kape. Buti na lamang ay pinigilan ito ni Leo.
Nakanganga lamang ako nang matapos ang bidyo. Agad akong humanap ng paraan para tumigil na ito sa ginagawa.
"Pwede bang ibigay mo sa akin ang bidyong 'yan, mamaya? We can use that as an evidence. Iba-ban ko sya sa ibang kompanya. We can't let him do those things to other.", I firmly said. Tumango naman si Cashel sa utos ko sa kaniya.
Nawala rin naman ang tensiyon sa pagitan namin ng tumawa si Zachary sa binulong ni Leo. Napailing na lamang ako sa nakikita. Nakakainggit.....
Well, myself first, remember?
Kahit sa lunch ay sabay-sabay kaming kumain. Kahit nakakapagod ang trabaho ay masaya naman akong umuwi sa bahay ko upang mag-ayos sa party na dadaluhan. Magaganap ito sa isa sa mga resort malapit dito sa aming lugar. Ang sinabi naman ni Lily ay 9 PM pa ang party, 7 PM palang naman sa aking relo.
Nang makapag-ayos ay agad akong pumunta sa resort. Agad 'kong sinuot ang aking maskara ng makapasok. Sa maliit na bar agad ang diretso ko. Fruit wine lamang ang hiningi ko sa bartender since ayokong malasing. Mag-isa pa naman ako. Well, lagi naman akong mag-isa pero... it's dangerous.
Nagsimula ng magsalita ang MC for the opening program. He also states the sponsor and the supervisor of this event. Pagkatapos nito ay nagpakain na muna ito. Madaming waiter ang lumapit sa mga bisita. Agad din akong binigyan ng isang waiter ng steak and soup. I eat it gracefully. Kahit gutom na gutom ka na ay dapat pormal ka parin. Lalo na sa ganitong mga ganap.
After an hour or so, madami ng nakipag-usap sa akin about sa businesses and companies I own. There, the offers are coming. I cam feel it. Unti-unti silang nagbigay ng card sa akin at offers. I, of course, accept it and put it inside my purse.
Napatigil lamang ako sa pakikipag-usap nang may maglahad sa akin ng kamay na ikinakunot ng noo ko.
"Oh, seems like a lot of man can't get over your beauty Ms. Bantugan.", puri ng negosyanteng kausap ko. Nagpaalam na rin ito pagkatapos kung ngumit ng pormal.
Agad ko namang tiningala ang nagmamay-ari ng kamay. Nanlaki ang mga mata ko nang makita kung sino 'to.
"Niarchos?", hindi ko makapaniwalang tanong sa gwapong lalaki sa aking harap. Naka-tuxedo ito at mayroong hawak na wine. Kahit na may maskara ay nakilala ko pa rin ang mga masungit nitong mga mata.
"Shall we?", tanong nito na agad ko naman nakuha. Dahil sa gulat ay tumango na lamang ako. Inilapag nito ang wine glass sa nadaanan naming waiter.
Hinawakan agad nito ang baywang ko at ako nama'y nilagay ang mga kamay sa balikat nito nang makarating sa gitna. Kapwa kami nakatingin sa isa't-isa habang sumasabay ang mga katawan sa lamyos ng musikang nakapalibot sa amin.
Agad akong umiwas ng tingin nang marealize ang nangyayari. Medyo humiwalay ang kamay ko sa balikat nito. Nanginginig ma'y tinanong ko pa rin ito with a firm and strong posture and voice.
"Why are you here?", tanong ko dito habang matapang na nakatingin sa mga mata nito.
"I will donate here, that's why I'm here.", imporma nito sa akin. Marahil nakita nito ang pagtataka sa isip ko kaya naman nagpatuloy ito sa pagsasalita.
"I have some money, my love. I'm the only son of one of the famous businessman in the country. Just like you. Nawala lang 'yong title na 'yon ng mawala ako dahil sa Mall na 'yon. Bumalik din naman." ,saad nito sa akin.
Nang marinig 'yon ay agad naman akong bumitaw sa lalaki. Napangiti ako dito ng mapait. Madami pa pala akong hindi alam sa lalaki.
Nanghihingi ng tawad na hinawakan nito ang kamay ko. Tila ba naalala niya na hindi kami okay. Hinalikan din nito ng paulit-ulit 'yon na para bang mawawala 'non lahat ng sakit sa puso ko.
"I'm sorry. I'm sorry, love. I regret every words I've said. I'm sorry I shouted at you. I'm sorry sa paninisi ko sayo. I love you, believe me. Please, I love you.", paghihingi nito ng tawad.
Agad naman akong humiwalay dito at umalis ng party. Buti na lang nabigay ko na ang donation ko para sa party.
Papasok pa lamang ako sa kotse ng hawakan ako nito sa braso. Agad ako nitong hinalikan na nagpapikit sa akin. Isinandal ako nito sa kotse. It was a passionate kiss.
Agad ko itong itinulak palayo sa akin at sinampal nang malakas. Tumulo ang luha ko nang makitang lumuluha na rin ito na para bang nasasaktan siya sa nangyayari sa amin.
"I love myself, Niarchos. I need to value my emotion, decision, my worth! Please... Since I've met you, I forgot myself. Let me, my love. Let me prioritize myself first. And after, maybe, we can be together... just like what we have been dreaming of.", mahina kong saad habang luha'y patuloy na dumadaloy.
Bago ko paandarin ang kotse paalis doon ay nakita ko ang malungkot, pagsisisi, at sakit na nasa mata nito.
"Please wait for me, my love..", bulong ko sa hangin.
M|AI-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (16)
Share
Mga Kaugnay na Kabanata
Mga Pinakabagong Kabanata
jehejririririririro
01/10/2024
0wow so pretty
26/07/2024
0leget talaga grade
15/07/2023
2Tingnan Lahat