logo text

Chapter 69

Nasa loob kami ngayon ng isang five-star hotel dahil may party na namang nagaganap ang mga ka business companions nila lolo Frank. Last week ay meron din pero hindi na ako sumama dahil pagod ako sa final performance namin sa cheerdance at may pa celebration party din kami nu'ng gabing 'yon dahil kami ang naging champion laban sa ibang department nu'ng University Week.
Mga fifteen minutes pa lang ako na nandito sa party pero parang lahat ng guess nandito na. Hindi ko alam kung matagal ba akong mag-ayos or early bird lang talaga sila.
Ganito ba talaga kapag pare-pareho kayong mga nasa larangan ng business? Walang late? Walang pa important person kasi pareho lang naman kayong lahat.
Muntik na rin akong mapagalitan nila lolo at daddy kanina dahil super late na daw ako. Seven 'yung start ng party at seven-forty na akong pumasok ng hotel.
Sure, let's say I'm late. Pero hindi naman ako importante sa party na 'to kaya okay lang dapat 'yun diba?
I don't know why I'm here or what's my purpose here honestly. It seems to me that the party is just intended for them, oldies. I don't see someone my age.
They called it open to 'all' family members of entrepreneurs. Heck, I don't even see a child running around.
It is such a pity for my black high-slit maxi dress if Diana isn't here. I made sure to look gorgeous for her and she isn't here. I'm disappointed.
Nilibot na ng mata ko ang lahat ng tao sa loob ng room na 'to ng hindi umaalis sa puwesto ko pero hindi ko mahagilap 'yung taong hinahanap ko. Hindi na ako nag abalang umalis kasi nakakapagod lang mag effort kung wala naman talaga.
Kung alam ko lang na ganito edi sana nag pantsuit nalang ako. Mas comfortable pa 'yun at saka mababawasan din 'yung mga malagkit na tingin sa'kin ng mga matatandang lalaki dito. Asan na ba kasi ang mga anak nila?
Kidding, kay de la Vega lang talaga ako.
"Why don't you go around for a bit Princess?"
"It's fine, I want to stay here lolo."
Ano pa ang gagawin ko eh parang wala naman akong ka age dito. Ang risky na masyado makipag usap sa mga mas nakatatanda baka batuhin pa nila ako ng questions about sa business. Mapapahiya lang ako or worst ay mapahiya pa 'yung family ko ng dahil sa akin.
Gosh, this party sucks for me. The only thing I'm enjoying is this martini.
Yes, I'm drinking and no, dad isn't letting me but I don't care. Mom and lolo Frank said I can drink whatever, so I'll hold onto that.
"Benito my compadre! It's been a long time. Kamusta ang bakasyon?"
Ben?
Oh my goodness, it's him! But I don't understand... I thought he was just maintenance at Casalinga? O baka sobrang yaman lang talaga nila Diana kaya pati 'yung maintenance sa property niya ay negosyante rin hahaha. Pero hindi naman ata mangyayari 'yun kasi ang hirap isipin, over na.
"Hey, Ben!"
Masayang bati ko at mas lalong lumapit sa kanya para bigyan siya ng halik sa pisnge. Ganito ako bumati sa lahat ng gusto kong batiin, bata man o matanda. You'll know if I don't like you if I just give you a smile or a handshake.
"Ikaw 'yung kasama ni Penelope last time!"
Nakakapanibago lang talaga na makitang ang ayos niya ngayon at ang powerful na rin ng dating niya, unlike nu'ng nakita ko siya dati na nakakaawa.
"That's me! The name's Madison. Nice meeting you again, I guess?"
Sabi ko sabay taas ng martini ko para makipag toss sa kanya. Nakakahiya lang talaga 'yung last encounter namin kasama si Diana, till now hindi ko pa rin makuha kung bakit ganu'n siya makitungo kay Ben.
"Haha no worries my dear, please enjoy the party."
Sagot niya rin at kinompliment ako dahil sa ayos ko.
"Mag kakilala na pala kayo nitong apo ko. Mabuti naman Princess at mag kaibigan na kayo Penny."
Sabi ni lolo Frank at bumaling sa'kin.
"Madison, why don't you call your brother on the terrace and tell him I want him to meet someone."
I totally forgot about my brother. Si Diana kasi agad ang nasa isip ko kanina kaya nalimutan kong nandito rin pala si kuya. Pero teka... does that mean possible na magkasama rin sila? Shit. I don't wanna think about it.
Terrace... where's the way?
Ang lawak ng space nitong room kaya hindi ko alam kung saan ang daanan papuntang terrace. Nag open pa ako ng curtains pero wala namang door doon. Ang malala pa ay kung saan ako pupunta doon naman walang server, allergic ata sila sa'kin.
Hawak ko parin 'tong martini ko habang confident na naglalakad papunta sa kabilang side ng room kasi may nakita akong wine steward na nakatambay doon, sana this time hindi na sila umiwas.
Feeling ko talaga ngayon parang nag lalakad ako sa runway at may dalang props na liquor. Lakas maka-runway kasi ng set up tapos may pa red carpet pa. Ewan kung normal lang ba o tinatamaan na ako dito sa iniinom ko. Pero ang pogi ng waiter...
"Yes po ma'am?"
"Um... yes, where's your— where is the terrace?"
Napailing pa ako ng dahil medyo... medyo ramdam ko na 'yung tama ng martini sa system ko. Hindi naman siguro niya na halata 'yon diba?
"Ma'am?"
"Oh, sorry. Where is that again?"
Sabi ko pero sa inumin ko lang ako nakatingin. Kaya pala medyo nahihilo na ako kasi ubos ko na 'yung drink. Nilapag ko nalang ang glass sa table na nasa tabi niya.
"Yes ma'am, the terrace is just behind the stage. You will easily find it because there will be someone there to assist you."
Nag pasamalat nalang ako sa kanya at kaagad narin na naglakad papunta sa direksyon na sinabi niya. Kaya pala ang pogi niya at fresh tingnan dahil pareho pala sila ni Blake.
Why am I mostly attracted to femboys? No wonder I'm fruity. Well, I dated masculine boys but most of them are jocks, and if not then they were junks. No shit, but they're all players and just want to fvck with virgins.
Bago ako makalapit sa stage ay inayos ko ulit 'yung posture ko. Mahirap na baka mahalata ni kuya na nakainom ako.
'This is the terrace?'
Pag kadating ko sa entrance ng terrace ay napatanong nalang agad ako sa nakita. Dahil ang lawak at ang ganda tapos may malaking pool pa. Malayo doon sa iniisip ko na terrace. Ang akala ko kasi ay parang maliit na open space lang siya na pwedeng tambayan para mag smoke pero hindi pala.
Kaya pala wala doon sa loob ang mga peers ko kasi nandito sila lahat.
"Madison! Madison, babe!"
Napatingin naman agad ako sa gilid ko ng marinig ang boses ni Blake.
"Babe! Have you seen Nathan?"
Bati ko rin at nakipag beso.
"Yung kuya mo?"
"Yes. Have you seen him?"
"Ohh... 'yung kuya mo nga hahaha hindi ka kasi nag sabi ng kuya kaya akala ko ibang Nathan pa. Oo nandoon siya kasama 'yung mga boys, usapang pang businessmen kaya umalis na ako doon. Teka, gusto mo bang ihatid kita sa kanya?"
"Don't bother."
"Are you sure? You look like you need my eyes to walk."
Nagtaka naman agad ako sa sinabi niya.
"Am I that obvious?"
"No, you're really good at pretending. You just have that drunk eyes."
Napa-pout tuloy ako ng sabihin niya 'yon. Pero bago pa man ako umiyak ay hinila na niya ako papunta sa sulok at hinawakan ang mukha ko't pinatahan.
"Madz huwag kang umiyak. Huwag na huwag kang iiyak baka isipin nila nag kakaroon tayo ng breakup scene dito."
Telling me I got drunk eyes is more than a break up!
"But I have drunk eyes! I don't wanna have a drunk eyes."
Baka mukhang addict na pala ako. Gusto ko pa naman na kapag nakita ako ni Diana ay mas lalo niya akong gugustuhin at hindi 'yung kabaliktaran.
"Having those isn't a bad thing. C'mon... it actually making you look hotter!"
I swear palabas na talaga 'yung luha ko pero biglang umurong dahil sa sinabi niya.
"It is? You're not kidding?"
"Gosh! Madison huwag ka maniwala sa akin kung sinabi ko 'yun at straight ako pero girl, bakla ako at alam mong mas maganda ako sayo. So, trust me when I say you look hot with drunk eyes."
Napatawa nalang din ako kasama siya. I'm glad I have a friend like him.
"You're right, but you're not prettier than me so... stop assuming but I love you though."
Even his eye roll is similar to Diana's, though hers is my favorite.
"Ano ba kasing ininom mo parang ang bilis ng tama mo mas mabilis pa kaysa doon sa ininom mong tequila last time."
"I just had two glass of martini."
"Nag vodka ka hahaha! Kaya naman pala."
Ugh, whatever.
"Ano nga pala ang kailangan mo sa kuya mo?"
Oh! Iyon nga pala ang ipinunta ko dito.
"Lolo Frank's looking for him I think he will be introduced to someone."
"Mabuti nalang gusto ko maging Pharmacist kaloka pa naman 'yung ipakikila ka palagi sa mga kung sinong businessmen. Pero wala din naman kasing negosyante sa pamilya namin. Nandito lang talaga ako para mag support kay tita at saka sa pinaka masungit kong pinsan."
I can relate to that, Blake.
"Hmm... same it's also good that my grandfather didn't force me to follow in their footsteps."
"Dito ka nalang muna Madz masyado madaming boys doon mahirap na baka pag nakita ka nila ay matabunan na 'yung beauty ko."
"Ugh, you're going bananas."
"Hindi porke't kinakain ko 'yun ay magiging ganu'n na rin ako. Pauso lang 'yang you are what you eat."
Hindi naman ganu'n ang ibig kong sabihin.
"Go na, baka pagalitan na ako ni lolo ang tagal."
"I'm sorry, your highness!"
Oh gosh, huwag ka ngang mag bow sa'kin ang weirdo lang.
"Kiss mo muna ako babe."
Sabi niya ulit sabay tutok sa'kin ng mukha niya.
"I would have kissed you, but my lips are only for Diana."
Kaya hinalikan ko nalang siya sa pisnge. Alam din naman niyang may something sa amin ng pinsan niya. Hindi ko alam kung paano niya nalaman, but I know I can trust him naman.
Nasa gano'ng posisyon parin kami ng marinig ang boses ni Precious. At kung sinuswerte nga naman ay magkasama pa silang tatlo ngayon. Napadako ang tingin ko kaagad sa kanya at 'yung lungs ko nakalimutan na atang gumana. Seryosong nawalan talaga ako ng hininga ng ilang mga segundo.
Tatlong araw din kami hindi nag kita dahil sa exam week. Sinigurado ko talagang mataas na naman ang makukuha kong result sa exams kasi last time ay dinate niya ako dahil matataas marks ko. Still secretly but it was sweet and romantic. That's why I'm hoping the same again this time.
Isa-isa ko silang tatlo binati at hinalikan sa pisnge. Mabuti at hindi siya nang hindi sa paghalik ko. Ang hilig niya kasing i-reject ang mga beso ko kapag nag kikita kami sa mga party nga katulad nito ngayon. Ayaw ko din naman na hindi siya i-beso baka mahalata nila Georgia at Precious na ang weird namin kumilos kaya kung ano ako bumati sa iba ay ginagawa ko rin sa kanya.
Nakakainis lang siya minsan dahil kahit alam kong natatakot siyang malaman na may something kami ay nakakalungkot at masakit parin 'yung mga kinikilos at pinag sasabi niya kapag nasa public kami.
Pero siya naman ang unang hahalik sa'kin kapag wala ng ibang tao. Dati okay lang sa'kin kasi exciting pa 'yung gano'ng feeling, pero ngayon hindi ko na talaga alam. Sobrang nakaka-durog at ang hirap intindihin.
"Kailan mo sasagutin si Blake? Ang sweet niyo kanina doon sa terrace kinikilig ako sa inyo!"
Natakot ako bigla sa tanong ni Precious. Magkakasama pa naman kaming apat ngayon dito sa iisang table at imposibleng hindi 'yun narinig ni Diana dahil magkatabi pa naman sila.
"Friends lang kami ni Blake, hindi ganu'n yon."
"Loser 'yang si Blake hindi sila bagay ni babe 'no! If no one claims you at the end of the year, I will claim you."
Sabi din ni Georgia at palihim na kinindatan ako. Baliw talaga, palibhasa alam niya din na bakla si Blake at mas lalo ng alam niya din na si Diana ang gusto ko.
"May hinihintay lang ako..."
Nakangiting sabi ko na nakatingin lang sa drink na hawak ko. Nasa harap ko lang si Diana kaya ayaw kong tumingin sa kanila.
"What? So, ayaw mo talaga sa'kin? Ouch, babe you are breaking my heart..."
Sabi ulit ni Georgia at pinisil pa ang kamay ko sa ilalim ng table dahil magkatabi lang kami.
Si Blake alam niyang gusto ko si Diana dahil una palang ay sinabi ko na sa kanya. Pero 'tong si Georgia, masyadong malakas lang intuition niya. Hindi ko naman sana aaminin na gusto ko talaga si Diana kung hindi lang niya pinilit na alam na niya at gusto niya rin daw ako para sa best friend niya. Palagi din niya akong kinukulit kung may improvements daw sa amin ni 'Penny'. Hindi ko naman masabing Oo at saka hindi rin naman kasi ako nag kukwento sa kanya ng mga nangyayari sa'min.
"Ang tahimik mo Penny, makipag kwentuhan ka din sa'min."
Sabi ni Precious na siya namang ikinasama ng tingin ni Diana. Medyo kanina pa kasi kami nakikipag kwentuhan pero siya hindi man lang magawang makitawa sa amin. May gumugulo na naman ba sa isip niya?
"I don't have time for boring nonsense."
Nonsense? But we are talking about me... wala lang ba talaga ako sa kanya?
"Really? Is it us that's boring or... you?"
Georgia that's your best friend who you're talking to. The last thing I want is for them to argue.
"That doesn't need to be questioned! We all know that she's just like that because she's hysterical that Madison is going to be her cousin's girlfriend."
Please, Lord keep them sane. We are all at the party and we need to celebrate and not argue about absurd matters. And, Precious isn't helpful at all.
"What, why would I fuss over that? What's your point, Preci?"
"The thing is... you're just upset that you'll have to share with them the wedding attention!"
Sabi ulit ni Precious na siya namang sinang-ayonan ni Georgia. Wedding? Tss, hindi pa nga sila engaged ano'ng pinag sasabi nito?
"You girls can stop arguing because none of that will happen. Blake and I are just close friends, that's all."
"The hell I care to that."
Talaga ba Diana? Haha. Sorry, my bad.
Nag papauto na naman ba ako sayo? Akala ko talaga totoo 'yung mga sinasabi mo sa'kin na importante ako sayo and that you want to know me dearly. Pero bakit ganyan ang mga lumlabas sa bibig mo ngayon? Pero kung nag papanggap ka lang ngayon na walang pake sa akin? Ay nakakainis ka! Hindi naman siguro maganda na gamiting kasinungalingan ang vulnerability ng isang tao diba? Sana aware ka rin.
"Then stop acting as if you being here with us right now is a waste of time."
Please Precious just shut up and stop making my situation even worse! Ang sakit-sakit na pakingan...
"Why are you so bothered huh? I have every right not to listen and join your conversation. It's honestly too boring for me, don't you get it? I want my peace and enjoyment. I can't get that by listening to your chitchats and besides you guys always talk about her! Madison this and Madison that, really? That seems so annoying and clingy to me."
Nang marinig 'yung sinabi niya tungkol sa'kin ay hindi ko na napigilan ang halong inis at sakit na nararamdaman ko ngayon.
"You're just jealous, Penny."
"Are you really thinking it that way or you are just —"
Pinutol ko ang sinasabi ni Georgia sa kanila para lang sabihin na pupunta ako ng restroom. Ayaw ko ng mas lalong makarinig pa ng mga sasabihin nila. Mas lalo lang akong masasaktan kung papakinggan ko ang usapan nila. Lalo na at sa harapan ko pa talaga sila nag uusap-usap.
Napaka insensitive mo Diana bwesit ka!
Peace? Enjoyment? Fvck you! Hindi ka ba masaya kapag kasama ako? Ganu'n ka ba talaga ka sakal kapag nandiyan ako sa tabi mo?
Hindi naman ako naging clingy sa kanya sa pag kakaalam ko kaya bakit ganu'n yung nasasabi niya? Kung hindi niya ako tatawagan ay hindi rin naman ako mag papakita sa kanya, pwera nalang siguro kung nag kakasalubungan kami sa hallways o sa stairs ng department minsan.
Hindi ko naman pinilit na maging malapit sa mga friends niya. Sila 'yung pumipilit sa'kin na sumabay ako sa kanila kaya kahit mukhang rude ay tinatanggihan ko nalang minsan para hindi maging awkward para sa kanya.
Nasa posisyon ako na umiiyak sa harap ng sink ng tawagin ni mommy 'yung name ko. Syempre nataranta din ako ano ba naman kasi ang magandang idadahilan ko?
"Why are you crying?"
"I have cramps, mom."
"That's just cramps sweetheart, don't cry over it."
Hindi naman kasi cramps lang 'yung iniiyakan ko mommy.
"It's a terrible cramps... you won't get it."
"Come here and let me fix your makeup so we can go back inside."
I don't know if I should be grateful or not na nandito ngayon si mommy. I feel like a kid again. Crying in front of my mom.
"Sweetheart, I know this isn't just a cramp. You can share it to me whenever you're ready. But right now, you have to look good because dad is going to introduce you to some of your peers."
Now we are here near the stage. The four of us, Diana, Georgia, Precious, and I are now dancing to slow music separately with our partners. I didn't want to dance but the elders insisted. They said that we should dance and mingle with the sons of their co-entrepreneurs. But rather to do what they say I dragged Blake with me instead.
I can't stand to dance with some guy knowing that Diana will see me. Yes, we're still unofficial but I treasure her so much that I don't want her to think I'm flirting with another person.
Kanina pa ako pa sulyap-sulyap sa direksyon ni Diana. At kanina pa sumasama ang pakiramdam ko. Feeling ko anytime sasabog na 'tong dibdib ko.
Kahit na mahirap para sa akin na makita siya sa mga bisig ni kuya na sumasayaw sa kantang alam kong hinding-hindi ako magkakaroon ng pagkakataong maisayaw siya ng ganyan sa harap ng madaming tao.
I may look like I'm enjoying dancing or that I like what I'm seeing because I'm smiling dearly looking at Blake's eyes. But, the truth is that I'm hurting inside because even though how much I love her, there will come a time where she has to decide whether to continue doing clandestine with me or marry my brother.
And I have a bad feeling that she will choose what's best for her, and that will make my life miserable because she will be happy without me.
I wanna cry. I want to fvcking cry!
Kaya hindi na ako nag sayang ng oras para hilain si Blake sa kamay palabas ng party. Magkahawak kamay parin kami habang nakayuko ako't nakapikit para pigilan ang pag patak ng mga luha ko. Gusto kong makalabas na dito. Gusto ko ng umiyak! Ang sakit-sakit lang na makita siyang ganu'n kalaya at kasaya ng hindi sa piling ko at lalo ng sa piling pa talaga ng kapatid ko.
"Babe... alam kong masakit sayo 'yung nakita mo kanina. Pero sana malaman mong nandito lang ako para sayo kahit ano pa'ng mangyari. Papanigan kita kahit pinsan ko pa 'yang iniiyakan mo."
Ngunit hindi ko siya sinagot at pinisil nalang ang kamay niyang hawak ko para malaman niyang naririnig ko siya.
Alam kong dalawa lang kami ngayon ang nasa loob ng elevator pero hindi ko parin magawang ilabas ang luha ko knowing na may cctv dito sa loob. Kaya naman nu'ng bumakas na ang pinto ay binitawan ko na kaagad ang kamay ni Blake para lang tumakbo papunta sa parking lot dito sa labas ng hotel.
Ang lamig ng gabi pero mukhang na manhid na ako dahil kahit pansin ko ang lakas ng ihip ng hangin ay hindi ko na ito maramdaman man lang. Naiiyak na talaga ako at wala ng pake kung may tao mang makakita sa'kin ngayon. Hindi naman siguro ako ang unang tao na makikita nilang umiiyak.
Gusto ko lang talaga na ilabas 'tong sakit na nararamdaman ko.

Komento sa Aklat (11)

  • avatar
    Stilw8tng

    gang ngayon wala pa din update..

    16/04

      0
  • avatar
    vloggiemerenz

    ang ganda po ng story may next chap.pa po ba?

    01/10/2024

      0
  • avatar
    Richel Pitogo

    highly recommended,at Ganda ng story😊..

    18/02/2023

      0
  • Tingnan Lahat

Tapusin

Mga rekomendasyon para sa iyo