Napaangat ako ng ulo galing sa pag kakasubsob sa leeg ni Diana at takang pinakinggan ang tunog na naririnig ko galing sa kabilang banda ng tulay. "Diana..." Naguguluhan na tawag ko sa pangalan niya. Parang may mali kasi pero sana mali lang ako ng akala. "Why?" "Parang —parang may ibang tao?" May narinig kasi akong nag sisipol. Hindi naman tunog ibon kaya imposibleng kami lang ang nandito ngayon. "Shit. Shit nandito na ata si Ben." Kita ko 'yung taranta sa mukha niya kaya kinabahan narin ako. Sino ba kasi si Ben? "Sino si Ben?" "C'mon, let's go!" Hindi man lang niya sinagot ang tanong ko at hinila nalang ako paahon ng pond at napatakbong pumunta sa loob ng bahay niya. "Bakit tayo nag mamadali? Ano'ng nangyayari Diana?" "I forgot to tell you this kanina na pupunta ngayon si Ben, siya 'yung caretaker ng bahay at pond. Also, I don't trust him that's why I didn't want you to get naked earlier." Bakit ngayon niya lang sinasabi 'to? "Mag tatagal ba siya?" "No, I can tell him to just come back tomorrow. But, we still need to dress up." "Bakit parang takot na takot ka sa kanya?" Dapat narin ba akong matakot sa kanya? Gosh, gusto kong sampalin si Ben ngayon kahit na hindi ko pa siya nakikilala. "Um... no —I am not, I'm not afraid of him. He's just kinda creepy but I don't have another choice kasi siya lang talaga 'yung pinakamagaling mag ayos ng mga sira at mag alaga ng mga isda ni dad." Ang babaw naman mag isip ng daddy mo. For sure naman ay meron pang mas magaling kay Ben. "Diana... may ginawa ba siya sayo na hindi maganda?" I know it's a sensitive topic or question but I can't help to ask her. I'm also worried. "Wala, pero ang pervert niya kung makatingin palagi." Kaya ba hindi kana pumupunta dito ngayon? Dapat kasi sinasabi mo 'yan sa dad mo para mapalitan na siya agad. Hindi naman siguro siya tanga para unahin 'yung kailangan ng mga isda niya kaysa sa anak niya. But don't worry Diana, I can protect us from him if ever he did a sick move. May alam naman akong self-defense action kahit na mukhang hindi ko kayang mag buhat ng ten kilos. "Sa tingin mo ba ay nakita niya tayo kanina na naliligo?" Kahit naman nakita niya tayo ay safe ka parin dahil nakadamit ka. "No, I don't think so?" Narinig ko 'yung pasipol sipol niya kanina pero pwede rin naman na malayo pa siya kasi pwedeng echo lang 'yung narinig ko o 'di kaya ay dala lang ng hangin. "Wait, diba sabi mo magaling siya mag ayos ng mga sira. Bakit hindi niya inaayos 'yung tulay?" "Don't ask questions about that." Ang maldita. "Hey, okay ka lang? Pwede naman na ako nalang ang lalabas para kausapin siya na bumalik nalang bukas." Pansin ko kasi ulit na parang kinakabahan siya. "No! I don't even trust him with myself, what's more with you? So please stay here." Kung hindi ako e sino ang mag sasabi sa kanya na umalis na siya? Alangan naman ikaw pa e mukhang ayaw mo nga siyang makita. "Hihintayin nalang ba natin siya na umalis?" Maingat na tanong ko. Mukhang bothered kasi talaga siya. "Of course not. Mag bibihis lang ako sa room then pupuntahan ko na din agad siya." Halatang takot siya doon sa Ben tapos siya pa 'yung pupunta? Hindi ako papayag 'no. "Ako nalang kasi ang mag sasabi sa Ben na 'yon tutal hindi naman ako takot sa kanya." Ano ba kasi ang ginawa ng Ben na 'yon sayo at ganyan ka maka-react? "Hindi ako takot sa kanya. I'm just protecting you." Sana nga ganyan talaga 'yung rason mo. "Ganito nalang, sasamahan kitang lumabas para kausapin siya na umalis nalang muna. Okay ba 'yun?" Umoo kana please. "O pwede naman na ako nalang, Adi." "Sasamahan kita." Hindi narin siya nakipagtalo sa'kin kaya nauna na ako at dali-daling nagbihis sa room niya. Mahirap na kasi baka mag iba pa ang isip niya. Napanatag nalang ako nang makita ko siya na pumasok sa banyo na may dalang ding mga damit. Hindi ko siya masi-sisi kung takot siya sa Ben na 'yon. Nakakatakot naman kasi talaga ang mga lalaki minsan lalo na kapag ang manyakis kung makatingin at katakut-takot kung gumalaw. Ano kaya ang itsura ni Ben? Knowing Diana kasi may pag ka judgemental siya, baka pangit kasi si Ben kaya ganu'n nalang kung maka-react siya sa kanya. Pero hindi naman ata makatarungan kung ganu'n lang 'yung rason niya. At isa pa ay mukhang iba talaga kasi 'yung takot niya kanina. "Adi." Napabangon agad ako sa kama niya at mabilis na napatingin sa damit naming dalawa. Hindi ko mapigilang matawa sa bihis namin ngayon. "I love our matchy-matchy!" Ang cute kasi talaga at ngayon ko lang din siya nakitang nag suot ng pink. "Not funny." "Ang cute kaya naka all pink tayo." "This is uncomfortable. How did you manage not wearing underwear?" "I guess... sanay lang talaga ako?" "Um, I called someone from my parents' house to send us some fresh clothes and undies." Nag utos siya? Nakakahiya. Bakit kasi hindi nalang kami umuwi? Hindi sa ayaw ko na siyang kasama pero hassle lang na mag pahatid pa siya ng damit namin dito kung uuwi lang din naman kami mamaya. "Hindi naman tayo mag tatagal pa dito diba bakit pa kailangan mag pahatid ka ng damit?" "We're staying the night." "Again." "Yeah, again." Okay... why do I feel excited and nervous at the same time? "Akala ko sleepover lang ang sabi mo kay mommy? Bakit two nights tayo dito?" Promise hindi ako nag rereklamo! "Let's say na kinausap ko ulit si tita. No more questions." "Bakit ang lakas mo sa mom ko?" Sa totoo lang ay hindi ko naman talaga kailangan ang opinyon ng parents ko pagdating sa galaan o sa kung saan ako matutulog. Dahil ako parin naman ang masusunod kahit na ano pa ang sabihin nila. Kung magagalit sila dahil sa desisyon ko, edi mag pagalit ang importante naman ay nag enjoy ako. "Because I'm awesome!" "No you're not! Ang boring mo kaya." "If I'm boring then why do you like me?" Ang awkward! Hindi ko alam na ganito siya ka baliw at straightforward. "Ikaw 'yung... pinaka unang boring na nagustuhan ko." "Okay." Nag bibiro lang ako hindi naman siya boring. Seryoso at mature lang talaga siya minsan kaya ganu'n pero hindi siya boring. Pero huli na ata dahil pakiramdam ko ay galit na siya sa'kin ngayon. Sana hindi nalang ako nag salita. Ang dal-dal ko kasi eh! "Hindi ka pa ba kikilos? Pupuntahan pa natin si Ben." Oo na teka lang! Hindi man lang makapag antay. "Galit ka ba?" Tanong ko pero hindi siya umimik. "Hey, galit ka?" Yup, galit nga. "Please Adi manahimik ka. Naintindihan ko naman kung boring ako para sayo e pero hindi naman kita pwedeng iuwi nalang sa inyo dahil mag tataka si tita." Anong gusto niya hindi ako mag salita? Grabe. "Nagtatanong lang naman ako!" "So, mag aaway nalang tayo?" Napanguso agad ako at napailing dahil sa sinabi niya. "Hindi. Pero ikaw kasi!" Kung pinansin mo nalang ako kanina edi sana okay na tayo. "Know what? Tara na bago pa makapag-start si Ben sa gagawin niya." Na alerto naman ako sa sinabi niya at sumunod nalang sa kanya. Naiinis parin ako pero hindi ko naman hahayaan na mag tagal pa si Ben dito. Tama na kanina 'yung pag sira niya ng moment namin ni Diana. Natagpuan namin si Ben sa storage room malapit sa pinakadulo na banda at malayo sa pond. Kinabahan pa ako nung una kasi ang sketchy ng puwesto ng storage room. Dapat diba nasa malapit sa pond lang para hindi mahirap mag ayos at mag pakain ng mga isda. Mabuti nalang talaga at sinamahan ko si Diana. Parang maniniwala na tuloy ako kay Diana na creepy siya. Pero baka hindi naman kasalanan ni Ben. Baka sinadya lang din talaga ng daddy niya na dito ilagay ang storage room nila. "Pasensya na ho talaga ma'am hindi ko alam na dadating kayo ngayon, tapusin ko nalang ho ito tapos aalis narin ako." Mabait naman ng boses niya. Hindi ko maintindihan bakit ayaw sa kanya ni Diana. "No need, Ben. Hayaan mo na diyan at balikan mo bukas ng hapon." At saka hindi naman siya manyakis kung maka tingin. Hindi ko talaga maintindihan anong mali. "Ah, eh ma'am hindi ho pwede kasi ako mapapagalitan ni sir kapag hindi ko napakain ng maayos 'yung mga alaga niyan—" "I said, balikan mo nalang bukas ng hapon!" Ako ang naawa ngayon kay Ben dahil sa tono ng boses ni Diana sa kanya. "Kuya Ben pasensya na po kayo, bumalik nalang po kayo bukas ha?" Pasok ko sa usapan nila. Ang harsh kasi talaga, pwede namang kausapin ng maayos 'yung tao. Nilapitan ko pa si Ben at nilayo sa kanya. Mukhang makakasakit na kasi siya ng tao sa itsura niya ngayon. Bago kami umalis sa storage room ay pinauna pa niya muna si Ben na makalabas. Hindi naman siguro murderer o serial killer si Ben para paunahin niyang umalis diba? Pero okay na din na sigurado kaso lang ay nakakainsulto naman 'tong ginagawa namin para kay Ben. Sana lang talaga ay hindi niya masamain ang sinabi ni Diana sa kanya. "He seems nice." Sabi ko ng makitang malayo na si Ben. "Uh, he's not. Don't get fooled." Sure, re-respetuhin ko ang iniisip mo pero... mukhang mabait talaga siya eh. May ka-edaran na maliit lang naman kasi si Ben at medyo may katabaan ang katawan niya. Kaya hindi ko maintindihan kung paano niya naisipang makakasakit o may gagawing masama si Ben. Para sa akin kasi mararamdaman mo naman kung masama 'yung tao. "Seriously, he sounds nice." "Bad people act nice to cover the fact that they're a horrible person." Paano mo naman nalaman 'yan? "Are you one of them?" Sabi ko ng hindi man lang nag iisip. Huli na nang ma-realize ko pero hindi ko na pinahalata na nagsisisi ako sa sinabi ko. "If I am, then I wouldn't be a bitch to you or anyone else." Hay, tinanong tanong ko pa kasi nanahimik nalang sana ako. Nang matanaw na namin ang bahay niya ay kaagad naman akong napahinto at pinatigil ko rin siya sa pag lalakad. Hinubad ko ang mga damit ko at saka pinahawak ito sa kanya. Hindi pa man siya nakakapag reklamo ay inunahan ko na. "Let's race! to see who can get to the bridge faster!" "Another thing, the loser has to grant a wish from the winner." Sabi ko habang dumidistansya sa kanya. Na si-sense ko kasing babatuhin niya ako ng mga damit na pinahawak ko sa kanya. "Are you crazy?! We don't even know if Ben is already outside but you got undressed right away!" "Don't be overreacting. Sigurado naman akong malayo na siya." "You're imposible!" Ang hirap mag timpi kung ganito siya. Ayaw ko ng sinisigawan ako lalo na pag alam kung galit sa akin 'yung tao. "Come on, Diana. Don't be such a wuss." Magalit siya kung gusto niya basta ako, hindi ko na mapigilang mainis din. "I am not!" "Then race me." Hamon ko ulit sa kanya. Ewan saan ko napulot ang kapal ng mukha ko ngayon pero nasabi ko na kaya wala ng atrasan. "Fine, if that's what you really want." Mukhang masaya at panalo lang ako tingnan sa panlabas pero sa loob-loob ko ay kinakabahan din ako. Paano kung ma pagod siya kaiintindi sa akin? Alam kong hindi na ako bata ngayon pero hindi naman rason 'yun para maging boring at seryoso diba? Malakas ang kabog ng dibdib akong napalusob sa tubig at nakipag kakerehan kay Diana. Sana lang talaga ay hindi ako hingalin ng todo.
I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
gang ngayon wala pa din update..
16/04
0ang ganda po ng story may next chap.pa po ba?
01/10/2024
0highly recommended,at Ganda ng story😊..
18/02/2023
0Tingnan Lahat