Chapter 5

As usual late na naman ako nagising dahil sa kanonood sa Netflix.
Ten past two in the afternoon na pero hindi parin ako nakakaramdam ng gutom. Well, palagi naman akong ganito pero once na matikman ko na ang pagkain ay do'n ko lang malalaman na gutom pala talaga ako.
Katapos ko lang mag hilamos at mag toothbrush. Gusto ko sana maligo kaso tinatamad pa ako kaya nag half bath nalang ako at nag bihis ng damit.
I wore my black bike shorts and pair them with my black Nike sports bra and put on my new pair of black old skool vans. I also sprayed my favorite perfume which is Gucci Bloom, I like the smell of it because it is very feminine.
"Not bad."
Sabi ko ng makita ko 'yung ayos ko sa salamin.
Wala naman akong balak mag workout ngayon pero feel ko lang e flex ang body ko. Para saan pa ang pag hihirap ko kung itatago ko lang din naman.
Pero parang hindi ko pa pala kayang mag all out sa ngayon. Sinuotan ko nalang ng plain nude-color hoodie para maitago ang exposed abdomen ko. Okay parin naman tingnan, match naman siya.
Kanina pa ako ikot ng ikot sa loob ng kwarto ko pero hindi parin ako tapos. Muntik ko ng makalimutan mag makeup.
Kinuha ko 'yung phone ko at habang pababa nako sa hagdan ay narinig ko na naman ang tawanan nila sa living room. I guess nandito na naman sila pero sana hindi na nila kasama ang maldita nilang anak. Kahit naman na inamin ko na crush ko siya, naiinis parin ako sa kasungitan niya no!
Pumunta na ako ng living room at nakita kong nag uusap sila about sa business na naman. I don't want to be rude so lumapit muna ako sa kanila para bumati at mag papaalam na din.
Mabuti naman at wala talaga siya.
"Hey, everyone."
Simpleng bati ko sa parents ko saka sa mag asawang de la Vega.
"I'm going out po may bibilhin lang tapos mag iikot na din."
Sabi ko kanila mom.
"Pero hindi ka pa kumakain sweetie."
Nag aalalang sabi naman ni mom.
"Sa labas na po ako kakain mommy."
Tumango naman sila kaya pumunta nako sa garage.
Naalala ko na naman ang sinabi ni dad kagabi na F1 at truck daw ang meron dito. Sana talaga may F1 kasi hindi pako nakakadrive ng gano'n kaya mas nabubuhayan ako lalo. Napabuntong hininga pa ako bago tuluyang pumunta sa harap ng mismong garahe namin.
Open lang siya at medyo may kalakihan feel ko nga mga more than one fourth ng bahay namin ang sukat nito. Pero shit wala 'yung truck at mas lalo na wala 'yung F1 na sinasabi ni dad.
"What the fuck?"
Napamura nalang ako sa nakita ko.
Shit. Fuck no, seryoso ba 'to? Damn!
Dahil hindi parin ako makapaniwala ay napatili ulit ako at napatalon talon pa sa tuwa. Dali dali kong nilapitan ang kotse na nakakuha sa'kin ng pansin. It's a silver Audi A7 at halatang hindi pa ito nagagamit.
"Hey, Madie are you okay? I heard screaming."
Napalingon ako sa boses ni kuya na takang nagtatanong.
"Kuya, oh my god look."
Naka recover na sa excitement na sabi ko.
"I knew you would like that!"
Sabi naman ni kuya tukoy sa bagong baby ko.
I used to own a Mercedes back in the US but sadly we had to sell it before coming here.
"Pero paano nila dad nabili 'to, kakalipat lang natin diba?"
Na curious ako bigla.
"Sabi ni dad It was from lolo and how did you not know that this was our first house?"
Natatwang sabi ni kuya.
Oh edi ako na ang walang alam, palagi naman.
"Gwapo natin kuya ah san lakad?"
Tanong ko ng mapansin ko ang suot niya.
"Aalis kami ni Diana."
"Hindi ba magagalit si ate Kiara niyan kuya?"
Baka kasi pagawayan na naman nila 'yan mamaya.
"I explained it to her last night and besides magkaibigan lang talaga kami ni Diana saka kailangan din namin pagusapan ang tungkol sa engagement at sa pagpapanggap namin sa harapan nila lolo."
Paliwanag ni kuya Nathan at napatango naman ako dito.
"Ikaw saan naman punta mo at hindi ka pa nakaka-kain."
Tanong pa niya nung hindi nako sumagot.
Nakabalik na kasi ulit ang attention ko sa sasakyan ko, yes it's mine now.
"Uh mag iikot lang at mag shopping na din siguro."
Naka smile na sagot ko.
"Why don't you just come with us?"
Alok ni kuya.
Ah kasi kasama mo po si Diana at nakakahiya kasi kasama ka din kuya baka kasi maging smitten ako kay Diana at mapansin mo pa kaya ayaw ko.
Gusto ko sanang sabihin 'yan sa kanya.
"Huwag na kuya ang sungit kasi ng kasama mo kaya mas better pa na huwag na ako sumama baka mag away lang kami."
Magalang na tanggi ko nalang.
"Don't be silly, kailangan niyo din maging close dalawa and like what you said last night she's fun to be with."
Pilit ni kuya sa'kin.
Ay si kuya hindi alam 'yung term na pagsisinungaling, gosh kuya nasabi ko lang 'yon kagabi kasi hindi ko alam kung ano 'yung sasabihin ko sayo. Kesa naman kasi sabihin ko na okay naman siya kasama kuya kasi kahit na pinag tatarayan niya ako ay nakabawi naman siya sa pag holding hands sa'kin at pag papasandal niya sa'kin sa balikat niya no'ng natulog ako.
Wala nako nagawa kasi nag nag pumilit talaga po siya, excited pa naman ako e drive ang bagong kotse ko pero wala na ako nagawa. Kaya ngayon heto kami sa sasakyan niya. Nasa labas kami ngayon ng bahay nila Diana at hinihintay nalang siya naming lumabas.
"Masyadong pa special naman."
Hindi ko mapigilang sabihin at mabuti nalang hindi 'yon napansin ni kuya Nathan.
Nag argue pa sila kanina ni kuya sa phone kasi ang gusto niya ay mauna na daw kami at susunod nalang siya doon sa meeting place kaso ang gusto ni kuya ay sumabay nalang siya samin tutal kasama din naman daw ako para sabay sabay na kami pero 'yung isa maarte din eh kaya medyo humaba pa ang usapan kaso wala din naman siya nagawa kasi makulit talaga si kuya kaya napa-yes nalang din siya sa huli. Pero kailangan daw namin muna mag hintay kasi hindi pa siya tapos for who knows what she's doing.
Kaya pala tatlong sasakyan ang sabi ni dad kasi tig-isa kami ni kuya tapos 'yung white Range Rover SUV naman share sila mom at dad. Kulay black na Audi A6 naman 'yung kay kuya. Negosyante kasi ang lolo namin at isa sa mga negosyo niya ay mga sasakyan kaya kung makaregalo wagas, kababanggit lang sa'kin ni kuya na pa welcome gift daw eto ni lolo sa amin. Kahit na nakakainis si lolo e namimiss ko parin siya sa katunayan ay lolo's girl ako mas close pa kami kesa kay daddy pero nung nalaman ko ang about sa kasal-kasal na 'yan ay nagalit ako ng sobra kay lolo kaya ayun hindi pa kami nakakapag usap 'til now. Si lolo ang laging bumibisita samin sa America kaya kahit ngayon lang ako nakauwi ng Pilipinas ay sobrang close parin namin.
"Madie can you sit on the backseat para may kasama si Diana?"
Bored na napatingin naman ako kay kuya.
"Really kuya? Pinapahintay na nga niya tayo tapos gagawan ko pa siya ng pabor. Wow, just wow."
Hindi makapaniwalang sabi ko nalang.
"Nakakahiya naman kasi pag siya lang mag isa sa likod baby sis kaya sige na please?"
Papacute pa niya.
Napa shake nalang ako ng ulo saka lumabas na para pumunta ng backseat. Ang tagal na ah mag fifteen minutes na kami nag hihintay dito ano ba naman 'yan. Hindi ko na nakaya kaya sumandal nako sa likod ng upuan ni kuya at inabot ang horn para pindutin ito. Pinindot ko pa 'yun ng mga ilang beses at wala nakong pake kung magalit pa ang mga ibang neighbors namin basta magmadali lang siya!
At ayun mukhang effective naman kasi palabas na siya ng gate nila at halatang iritado na din ito dahil sa ginawa kong pag bubusina sa kanya.
"Finally."
Murmur ko ng malapit na siya.
Binuksan ko na ang door ng backseat saka umusog para makaupo na agad siya. Padabog naman 'tong umupo at tiningnan ako ng masama.
"Who the hell was fucking honking?!"
Iritadong tanong niya samin ni kuya.
"Not me."
At ang mabait kong kuya ay agad naman akong inilaglag sa babaeng 'to.
Thanks kuya owe you a lot.
"You."
Masama ang tingin at turo niya sa'kin.
"Because you're taking too long Diana, don't act like you are the only one who's bothered here."
Sagot ko at inirapan pa siya, siyempre hindi ako papatalo.
"Girls huwag kayo masyadong hot okay?"
"Shut up Nate!"
Ayan tuloy nasigawan pa siya ng malditang katabi ko.
Mabuti nalang nag pa music na si kuya. 'Yung katabi ko kasi dedma parin kung umasta siya parang hindi kami nag holding hands kagabi ah?

Komento sa Aklat (11)

  • avatar
    Stilw8tng

    gang ngayon wala pa din update..

    16/04

      0
  • avatar
    vloggiemerenz

    ang ganda po ng story may next chap.pa po ba?

    01/10/2024

      0
  • avatar
    Richel Pitogo

    highly recommended,at Ganda ng story😊..

    18/02/2023

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata