Chapter 4

Pagkauwi na pagkauwi ko ay naabutan ko si kuya na nakaupo sa labas ng pintuan ng bahay na mukhang hindi mapakali.
"Kuya anong ginagawa mo pa dito sa labas?"
Tanong ko kaya napaangat naman siya agad ng tingin mula sa phone niya.
"Kiara won't answer my phone calls. I mentioned earlier that Diana was with us at the airport then she suddenly lost her mood."
Malungkot na paliwanag ni kuya kaya napaupo na din ako sa tabi niya.
"Kuya gusto mo tulungan kita i-explain sa kanya na wala siya dapat ika-selos?"
Alok ko pero tumanggi lang si kuya kasi hindi ko daw kailangang madamay kasi problema niya daw 'yun.
Totoo naman kasi na mahal na mahal ni kuya si ate Kiara kaso ang fucked up lang talaga ng situation namin ngayon pero alam ko naman na gumagawa din ng paraan si kuya.
"How's your friendly date with Diana pala baby sis?"
Halata sa mukha niya na pinipilit niya lang maging positive.
"Okay naman, masaya naman siya kasama except lang do'n sa part umiyak ako at sa kasungitan niya din."
Sabi ko kay kuya at napalukot 'yung mukha niya.
"Why did you cry, what did she do to you?"
Tanong ni kuya na medyo galit pa ang tono ng pagkakasabi niya.
Ayan nagiging protective brother na siya. Haha
"Kuya chill hindi naman siya gano'n ka sama, akala ko lang kasi iniwan niya ako kanina pero hindi naman pala, iyakin lang talaga ako."
Kwento ko kaya napatango naman siya.
"I love you Madie and I don't want anyone making you cry even if it's a girl, I won't go easy."
Sweet na sabi ni kuya pwera do'n sa huli niyang nabanggit.
"Kuya what the heck kaya mo'ng manakit ng babae?!"
Sino naman kasi ang matinong tao na hindi magugulat sa sinabi niya?
"Of course not, what I mean is lagot sila sa'kin pero 'di ko naman sasaktan physically, I'm not that kind of guy."
Depensa naman niya.
"So ano 'yun cyber bully kana?"
Biro ko.
"Well not that but I will pull some pranks on them, you know how great I am with pranks right?"
Sagot ni kuya saka nag wink pa sa'kin kaya natawa na lang kaming dalawa.
"Asa ka kuya ang babadoy ng pranks mo feeling ka diyan!"
Totoo 'yan, hindi siya magaling at puro failed at makaluma 'yung pranks niya samin nila mom at dad kaya pagkasabi na pagkasabi niya sa'kin kanina na 'yon 'yung igaganti niya e natawa nalang ako pero happy din naman ako kasi napangiti din si kuya at least di na siya masyadong malungkot kasi nag aaway sila ni ate Kiara.
Nginitian ko uli si kuya saka niyakap, mahal na mahal ko ang kapatid ko sana lang talaga mapapayag namin sila lolo na itigil na 'yung kalokohan nila sa kasal kasalan na 'yan.
Tumunog ang phone ni kuya kaya napabitiw na kami sa pagkayakap at napatayo na din siya para sagutin ito nakita ko naman na napa smile siya ng sagutin niya ang tawag.
"So I guess it's ate Kiara then."
Sabi ko sa sarili at napatayo na rin.
Napatingin naman si kuya sa pwesto ko sabay senyas sa'kin na kausap na niya si ate Kiara kaya nginitian ko naman siya at pumasok na sa loob.
Katatapos ko lang maligo at nakapalit nadin ako ng damit pantulog. Nakaupo lang ako ngayon sa kama habang nanonood ng Tiktok videos ng mga kung sino-sino sa #foryoupage ko. Half past nine na pero hindi parin ako nakaka dinner and for sure kanina pa tapos kumain sila mommy. Well, hindi naman talaga kami sabay sabay kumain at iilan lang din ang times na mapag sasama mo kami sa hapag kainan at kadalasan kapag may mga occasions lang.
Palagi kasi akong late magising or si kuya tapos si dad naman masyado maaga magising kasi may work siya kaya di na kami nag kakasabay sa breakfast and for lunch usually nasa work na si dad at kami ni kuya nasa school naman kaya kung nasan kami do'n na kami kakain tapos pag dating naman sa dinner mauuna na si mommy at kuya kumain, kasi always ako walang gana pag gabi or sadyang tamad lang talaga ako bumaba ng kwarto para kumain. Si daddy naman minsan may mga kailangan ayusin sa company ng boss niya kaya 'di na siya nakakasabay sa dinner.
Mabuti nga ngayon hindi na busy 'yong parents namin kasi nag resign na si dad sa trabaho niya bilang manager sa dating company niya bago pa kami umuwi dito sa Pilipinas.
As for mom, she's an amazing housewife. Sabi niya kasi kapag daw mag trabaho pa siya e wala na'ng gagawa ng mga gawaing bahay kung pareho sila ni dad ang busy sa work kasi nga nag aaral pa ako at kaka graduate lang ni kuya kaya ayun no choice kundi sarcrifice niya ang pagiging pastry chef niya simula nung pinanganak na ako saka ayaw din kasi ni mom na kumuha ng katulong.
Nandito ako ngayon sa sala, bumaba kasi ako para uminom lang sana ng tubig kaso naabutan kong nandito pa si dad na nanonood ng tv kaya naisipan kong perfect time 'to para tanungin siya.
"Dad, pwede mag pabili?"
Sabi ko kay dad ng makaupo na ako sa tabi niya.
"Ano yun."
Wow hindi siya tanong, parang alam na ata ni dad na hindi simple lang 'yung kailangan ko.
"Gusto ko ng sariling sasakyan dito dad miss ko na mag drive."
Pag mamakaawa ko pa.
"Meron tayong tatlong kotse sa garahe, nasa likod check mo nalang bukas sayo na 'yung isa."
Bilis kausap ah?
"Ano klaseng car 'yon dad?"
Baka kasi family car 'yun namin at pinagloloko lang ako ni dad.
"F1, SUV at Truck."
Pinagtitripan niya talaga ako, I knew it!
"Dad naman! Seryoso kasi need ko ng kotse saka malapit na din pasukan diba? Ayaw ko naman na hinahatid pa ako."
Medyo naiinis na pakiusap ko pa.
Naramdaman ko nalang na pinitik na ni dad 'yung noo ko pero hindi naman masyado malakas kaso maarte ako kaya iiyak ako as usual.
"Tama na ang drama diyan Madison ha, sinabi ko ng tingnan mo bukas at pumili ka nalang ang dami mo pang pinagsasabi naguguluhan ako sayo."
Kahit kailan talaga ang harsh ni daddy.
Mabuti nalang talaga at hindi nagmana sa kanya si kuya. Sa aming magkapatid si kuya talaga ang mas sweet at mabait parang si mommy. lang kaya malabo na magmana siya sa suplado at mapanakit namin na ama.
Natawa tuloy ako kaya napa shake pa ako ng ulo dahil sa naiisip.
Wait.
So ibig sabihin ako ang nagmana kay daddy? No!
No. Not true! Hindi ako gano'n ah.
"O ano iniisip mo diyan mukha kang baliw."
Rinig kong sabi ng katabi ko kaya napahinto ako sa pag iisip ko at napatingin ng masama sa kanya.
"Unbelievable."
Napabuntong hinanga nalang ako.
"Huwag mo ako titingnan ng ganyan Madison."
Suway niya kaya napahilamos nalang ako ng mukha, ka stress!
"Balik na po ako sa room dad, goodnight."
Tumalikod na lang ako saka nag madaling umakyat ng kwarto.
Kapagod ng araw ko pero worth it naman. Napa-smile ako habang inaalala 'yung nangyari kanina no'ng pauwi na kami.
Naka intertwine ang kabilang kamay niya sa isang kamay ko habang ang isa pa niyang kamay ay may hawak na phone para mag silbing flashlight para samin.
Inaamin ko matatakutin talaga ako sa dilim at hate ko manood ng horror movies or whatever that involves creepy things. Usually pag ganitong scene na ay naiiyak nako sa takot at kaba dahil sa sobrang likot ng imagination ko lahat na ng klase ng mga awsang at multo ay na iimagine ko na.
I know sobrang paranoid talaga ako lalo na't pag nasa place na hindi ako familiar.
Pero parang iba ngayon, 'yung feeling na alam kong safe ako kasi kasama ko siya at alam kong poprotektahan niya ako sa mga multo? Ang sarap pang hawakan ng kamay niya gustong gusto ko 'yung warmth nito kaya hindi ko naiwasan na idiin pa lalo ang palad ko sa palad niya at napansin kong napahinto siya sa paglalakad.
"Are you okay Adi?"
Tanong niya kaya napakurap ako.
"Adi?"
"Yes, haba ng Madison nakakatamad sabihin."
Wow akala ko sweet na siya pero hindi parin pala.
"Whatever bilisan na natin lumalamig na."
Sabi ko nalang at hinatak na siya.
Syempre magka holding hands parin kami.
Masyado na kasing creepy ng place pag gabi ibang iba sa place na naabutan namin kanina na parang paraiso pero ngayon parang nasa wrong turn lang kami.
Nasa labas na kami ng kalsada ngayon at naghihintay nalang sa uber. Medyo nilalamig na ako ngayon kaya niyayakap ko na ang expose na shoulder ko almost twenty minutes na din kami naghihintay ngayon. Ang sabi niya malapit na daw pero gosh!
"Hey, quit shivering."
Mukha mo!
"Sino ba kasi nagsabi sayo na mag crop tank top ka lang ha?"
Dagdag pa niya kaya inirapan ko na.
"Excuse me? Sorry ha kung hindi ako nag expect na ganito pala kalamig sa Pilipinas pag gabi."
Sagot ko pero hindi na siya umimik.
Totoo naman 'yun hindi talaga ako nag expect. Sige ako na tanga pero sobrang init naman kasi talaga kanina before kami umalis ng bahay!
Maya maya pa ay dumating na 'yung uber driver. Mauuna na sana akong pumasok kaso mas naunahan ako ni Diana sa pagbukas ng pinto ng sasakyan pero hindi naman siya pumasok kaagad kaya napatingin ako sa kanya.
"Get in."
Utos niya kaya ginawa ko nalang.
Nag papaka-gentlewoman ba siya sa'kin? Haha ang baliw ng iniisip ko talaga. Gosh Madison mas straight pa 'yan sa buhok mong kaka-rebond lang!
Well that's a metaphor kasi hindi naman talaga ako nagpa-rebond pero whatever.
Napakurap kurap naman ako para mawala ang isip ko sa kanya pero ang hirap pala 'pag katabi ko lang siya.
Fvck iiyak na naman ba ako dahil sa crush-crush na 'yan?
"Adi stop zoning out."
"What?"
"I said kung gusto mo matulog okay lang na sumandal ka sa'kin."
Napangiti naman ako sa sinabi niya.
Nag smile ulit ako sa kanya bago pinatong ang ulo ko sa balikat niya saka automatic naman akong na napa-yawn. It's because nasa byahe kami or siguro nga pagod talaga ako.
Naramdaman ko pa'ang hinawakan niya ang kamay ko at pinag-intertwine muli ito. Oo antok ako pero hindi ko parin maiwasan na makilig sa ginawa niyang pag hawak sa kamay ko dagdagan pa na nakasandal ang ulo ko ngayon sa balikat niya kaya amoy na amoy ko ang sweet vanilla scent niya.
Mabuti nalang talaga at medyo madilim sa loob ng sasakyan.
Yup.
May crush na nga yata ako kay Diana.

Komento sa Aklat (11)

  • avatar
    Stilw8tng

    gang ngayon wala pa din update..

    16/04

      0
  • avatar
    vloggiemerenz

    ang ganda po ng story may next chap.pa po ba?

    01/10/2024

      0
  • avatar
    Richel Pitogo

    highly recommended,at Ganda ng story😊..

    18/02/2023

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata