Sa totoo lang hindi ko alam kung saan ba kami mag babantay ng taxi pero dere-deritso parin ako ng lakad at okay lang kasi nakasunod pa din naman sa'kin 'yung hegante tsk makatawag naman kasi siya ng midget. Hell, tatangkad pa ko 'no! Eighteen palang naman ako kaya hindi malabo 'yon. "Pag ka labas natin ng subdivision stop kana kasi may taxi na do'n, pagod nako mag lakad." Mabuti naman at naramdaman niya rin 'yung pagod. 'Yan talaga ang gusto kong mangyari. "Gusto ko'ng pumunta ng beach... meron ba dito?" Tanong ko sa kanya at napansin ko din malapit na kami sa gate ng subdivision. "Sunset?" Napairap na lang ako sa tanong niya. "Duh? Alangan naman na mag swimming ako'ng naka jeans." Ewan ko ba bakit sobrang naiinis talaga ako sa kanya. "Sungit mong maliit ka nagtatanong lang naman ako duh ka rin!" Singhal niya pa. "Halata naman siguro sa camera na dala ko po diba? Malamang 'yon 'yung pakay ko po." Sabi ko nalang at diniinan pa 'yung pagkakasalita ng po. Nakita ko din na pa-irap pa ito, pa malditahan pala ha. "Well wala kaming beach na malapit dito pero meron akong alam na maganda 'yung sunset view." Muntik nako mawalan ng pag asa sa sinabi niya mabuti nalang talaga at may alam siya, sana hindi siya scam. Nasa taxi na kami ngayon at medyo natagalan pa kami sumakay kasi ang arte ng kasama ko ayaw daw niya ng lumang taxi. Edi sana hiniram nalang niya ang sasakyan ng dad niya at ako nalang sana ang nag drive nakakahiya naman kasi sa kanya. Nag-on ako ng camera saka napatingin ako sa katabi ko ang ganda kasi ng suot niya bagay talaga sa kanya kaya naisipan kong kuhanan siya ng picture. Kaya kinuhanan ko kaso stolen shot lang pero ang ganda parin, syempre magaling ang photographer. Napatingin siya sa'kin kaya napa-clik tuloy ako. "Stop taking pictures of me!" Mahinang suway niya sa'kin na lumalaki pa ang mga mata kaya natawa lang ako sa reaksyon niya. "Why? You look cute I had to capture it." Sabi ko at nag smile pa sa kanya kaya na nahimik naman siya at biglang tumalikod sa'kin. Snob talaga hindi man lang nag pa thank you dahil pinuri ko siya, maasar nga. "Hey, huwag kang kiligin diyan mas maganda parin ako sayo." Kulit ko dito habang tinitingnan 'yung mga litratong kinuha ko sa kanya kanina. "Shut up, bakit naman ako kikiligin sayo? Stupid." Kahit hindi ko siya tinitingnan alam kong inirapan na naman niya ako, halatado eh. Nakababa na kami at na mamangha talaga ako sa lugar ang ganda kasi madaming puno tapos may lawa pa paano niya kaya nalaman ang lugar na 'to? Wala kasing ka tao-tao. "Beautiful right?" Rinig kong tanong niya kaya napatango nalang ako ang ganda kasi talaga may mga bulaklak pa sa paligid. Hindi nako nag aksaya ng oras at nag simula na mag kuha ng shots sa camera ko. Magtatanong pa sana ako sa kanya pero napansin ko na nawala na siya sa tabi ko. "Diana... na saan kana? Please huwag ka namang ganyan magiging mabait na 'ko sayo." Mangiyak-iyak na bigkas ko sa hangin. Ang lapad-lapad kasi ng place na 'to tapos hindi ko pa alam kung na saan ako ngayon kasi hindi ko pinansin kanina 'yung sinabi niya sa driver ng taxi huhu dapat pala talaga maging attentive ako palagi lalo na at kasama ko siya, feel ko tuloy hate niya ako. Habang naluluha ay patuloy parin akong palinga linga as paligid at sa palakad lakad dahil hanggang nagyon ay hindi ko parin makita si Diana. "Mommy... daddy... please help me I'm scared." Ulit na hiling ko sa hangin. Until na may nahagip ang mata ko sa hindi kalayuan kaya nabuhayan ulit ako ng pagasa at patakbong pumunta doon. Napakunot ang noo ko ng nakita kong nakaupo siya sa damuhan at parang kinakausap pa ang mga bulaklak. "Diana." Nag ka-crack pa ang boses ko sa pag bigkas ng pangalan niya kaya nagtatakang naptingin naman siya sa'kin. "Why are you crying?" Tanong pa niya, mas lalo tuloy akong napaiyak kaya napatayo na din siya at nilapitan ako. "I didn't know you're such a crybaby." Natatawang sabi niya. "I hate you! Natatawa ka pa talaga na nasasaktan ako ngayon." Inis na baling ko sa kanya. "No you dont, I just found you cute right now that's why I'm laughing." Takang tiningnan ko nalang siya at nag stop na din akong umiyak tutal alam kong safe na ako at hindi naman talaga niya ako iniwan dito. "Weirdo." "What? Me a weirdo how come?" Parang ayaw pa niya maniwala na sinabihan ko siya ng weirdo. Aba kung ayaw niya ng weirdo, psycho nalang tutal nasasayahan siya pag may nasasaktan siya. "Wait, look at me." Ginawa ko naman pero 'di ko akalain 'yung susunod na gagawin niya. May hawak na pala siya'ng panyo at maingat na pinunasan niya ang mukha kong basa at hinalikan niya din ang nakapikit kong mga mata. And she smiles! That was a sincere smile. What the hell? Na engkanto na ata ang babaeng 'to, ayan kasi ang likot kung saan saan na nakakaabot. "Stop being weird Diana, I still hate you." Sabi ko sa kanya at pina ikutan ulit ng mata. "Come on, you're a photographer right? I want you to take pictures of me." Utos niya sa'kin. "Kahit hindi mo naman sabihin ay gagawin ko parin 'yan 'no, para saan pa at nandito ka." Sagot ko nalang. Pero bago pa man siya pumwesto para sa litrato ay inayos ko muna ang dress na suot niya at ang buhok niya, nakayuko narin siya ngayon sa'kin ng bigla nalang napadako ang tingin ko sa mga mata niya ang ganda hazel eyes pala siya. Nang mapansin ko ang ginawa ko ay agad naman ako'ng bumawi ng tingin. Ano ba naman kasi 'yan, 'yung sunlight kasi nakiki-epal din e tumatama sa mukha niya. Ayan tuloy feeling ko nakakita ako ng anghel kahit na may pag ka evil ang babaeng 'to. Madami akong kinuha na shots na siya palagi ang subject nakalimutan ko na nga na sunset pala pinunta ko dito at hindi para maging personal photographer niya. Pero in fairness ang ganda niya sa mga kuha ko pero 'yung favorite ko talaga ay 'yung may hawak siya na maliit na daisy ang cute lang kasi pero syempre secret 'yon baka lumaki pa ulo ng heganteng 'yon. "Ang galing mo pala kumuha ng litrato." Nasa kanya na din pala ngayon ang camera ko. Kailangan niya daw kasi e check baka daw pinag ti-tripan ko lang siya at pangit 'yung mga kuha ko. Like what the fuck nakaka insulto kaya siya kung alam niya lang. Hindi ko na siya sinagot at tiningnan na ang relo ko. Shit, five fourty-one na pala, kaya sinabihan ko na siya na pumunta na kami malapit sa lake para mas maganda ang view ng sunset. "Wala bang pumupunta na ibang tao dito?" Curious lang, napansin ko kasi na walang ka tao-tao ang paligid. "Wala." Sagot naman niya at napatingin na ulit sa harap. Naka upo na pala kami ngayon sa damo at matiyagang nag hihintay ng pag lubog ng araw malapit na din naman mag six. "Last question, paano mo nalaman ang place na 'to?" Tanong ko ulit ang tahimik kasi. "I own it." What? Teka, teka lang naguguluhan ako. "May pambili ka ng ganito ka lapad na lupain pero wala kang sasakyan?!" Hindi talaga ako makapaniwala. Well, kung sabagay mas maganda nga'ng unahin ang bumili ng lupa kesa sa kotse. Pero hindi eh kasi I'm sure afford naman nila 'yon. "Did I say I don't have a car?" Sarcastic na sagot pa niya. "Y-yeah." "I don't want you in my car." Sabi niya at napa irap na naman. So, gusto lang pala niya akong pahirapan mag lakad kanina? "You bitc—" Mumurahin ko na sana at hahampasin siya pero agad niya ding nadakip ang kamay ko. "Shh stop it. Look there's the sunset." Sabi niya na agad naman ako'ng napahinto at napatingin sa harapan namin. Wow ang ganda talaga orange na orange kahit hindi ko favourite color ang orange ang ganda parin titigan. Nakatingin lang ako sa pag lubog ng araw hanggang sa mawala na ito sa paningin ko. Maya maya pa ay naramdaman ko ang mahinang pag pisil ni Diana sa kamay ko. Wait what? Fuck, ughh ang tanga ko talaga! Nakalimutan ko kuhanan ng litrato ang pag lubog ng araw at mas nakakainis pa hindi ko man lang namalayan na mag kahawak kamay parin pala kami ngayon kaya napabitiw agad ako at tumayo. "Uh l-lets go?" Gabi na kasi baka mapano pa kami ang lapad pa naman ng place na 'to mahirap na baka mag ka part two pa 'yung pag-iyak ko kanina. Inilahad naman niya ang kamay niya sa'kin, indicating that I have to help her get up kaya no choice ginawa ko nalang kahit na sobra na 'yung tyansing niya sa pag ho-holding hands palang namin kanina. Oh. By the way, I'm bixesual kaya mahirap 'to halatang straight pa naman siya at ang malala pa magiging fiance na niya si kuya.
I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
gang ngayon wala pa din update..
16/04
0ang ganda po ng story may next chap.pa po ba?
01/10/2024
0highly recommended,at Ganda ng story😊..
18/02/2023
0Tingnan Lahat