Ano ba 'yan ang tagal naman ni EJ sa loob, mabilis lang naman magbigay ng bulaklak ah? Unless nalang kung nakipag kwentuhan pa siya. Sinabihan ko muna 'yung dalawa na papasok muna ulit ako para mag banyo kahit hindi ko naman talaga kailangan! Kainis lang kasi ang unfair ng life siya kaya niyang mag bigay ng bulaklak sa harap ng ibang tao ng walang pang huhusga na matatanggap kaya libre niyang gawin ang gusto niya na manligaw kay Diana. Samantalang ako heto nababalisa kaiisip kung ano na nangyayari sa kanila. Pagkapasok sa loob ng restaurant ay naabutan ko pa ang aktong uupo na sana si EJ ng tingnan siya ng masama ni Diana at may sinabi sa kanya kaya napatayo nalang uli siya. "Ang sama." Hindi ko mapigilang sabihin, ang pangit lang kasi alam mo 'yon? Oo gusto ko siya pero nakakagulat lang 'yung nakita ko. Mas masama pa pala ang ginagawa niya kesa sa mga ginawa ko dati kasi mas malala siya trumato. May mga ibang tao pa kasi tapos ginaganyan niya si EJ? Tss, si EJ kasi tanga din pwede naman niyang iwan nalang sa mesa 'yang ibibigay niya. Dammit, hindi na tayo medieval era kaya hindi na uso ang chivalry na 'yan na kailangan mo pa ng permission para tanggpin lang niya ang offer mo. Kung ako si Diana siguro maiinis din ako syempre pero hindi ko naman papatayuin 'yung tao ng parang tanga diyan. Pwede naman niya kuhanin nalang 'yung bouquet para makaalis na agad si EJ ah? Pero hindi, siguro gusto talaga niya ng scene. Hindi ko na matiis 'yung tension nila kaya pinuntahan ko na. "EJ let's go?" Nilapitan ko na si EJ at hinawakan sa braso pero bago 'yun ay nakipag titigan pa muna ako kay Diana. Pinipigilan kong makilig sa mga titig niya kaya nag papasalamat din ako sa inis na nararamdaman ko dahil sa ginawa niya kay EJ kaya mas madali sa'kin na kontrololin muna 'yung feelings ko. "Sandali lang?" Mahina ang boses at malungkot ang matang pakiusap ni EJ. "No EJ, let's go." Sinadya kong diinan ang pag kakasabi ko para malaman niya din na seryoso ako sa sinasabi ko. "You know what? Halatang ayaw naman niyang kunin 'yung binibigay mo sa kanya, kaya mas mabuti pang akin nalang." Madiin pero 'yung tama lang na kami lang ang makaka rinig. Ayaw ko ng gulo pero sumusobra na si Diana. I know karibal ko si EJ pero ramdam ko kasi 'yung sakit sa mga mata niya. Wala akong pakialam sa mga ganito dati pero ngayon ramdam ko na kaya kahit na nagseselos ako kasi harap harapan niyang nililigawan si Diana ay medyo naawa parin ako sa kanya. Kukuhanin ko na sana sa kamay ni EJ 'yung mga dala niya ng biglang dumating si Precious at ang isa pang kasama nila. "Hey, sorry napatagal kami sa restroom." Rinig kong sabi ni Precious. "Hey Eric, who's your friend?" Tanong naman ng kasama niya kaya nag pakilala nalang din agad ako mukhang mabait naman siya. Nakatayo lang kaming lahat pwera kay Diana. Habang kinakausap nila si EJ ay pasimple ko namang kinuha sa kamay niya ang mga bulaklak. Tutal ayaw naman ni Diana kaya akin nalang, mahilig pa naman ako sa bulaklak at lalo na't pink roses pa ang cute ng kulay niya. Umatras muna ako sa kanila kasi hindi ko naman alam 'yung pinag uusapan nilang tatlo parang about sa tournament daw. Inaamoy amoy ko pa 'yung roses ng bigla nalang may humablot sa akin no'n. "It's mine." Confused na napatingin nalang ako sa kanya. Nakaawang pa ang bibig ko't naka hurma pa ang mga kamay na parang hinahawakan parin ang palumpon ng bulaklak. "Pero ayaw mo diba? Kaya akin na 'yan." So, gusto niya talaga 'yung bulaklak na bigay ni EJ? What the fuck? Ouch ha. "No, it was originally for me so it's mine!" Hindi ko naman siya tinaasan ng boses ha? Geez, hindi man lang niya kayang hawakan ng mabuti ang roses, kainis! "Pakipot." Napairap nalang ako sa kanya, nakakahawa din pala 'yung palaging pag irap niya sa'kin. "What did you say?" Ahhh bakit ba ang sungit niya? "Nothing." "You said something to me!" Bingi-bingian? "Narinig mo naman pala bakit tinatanong mo pa?" "Don't flip me." Nakipag tigasan nalang ako ng tingin. Naiinis ako pero ang funny din kasi sa ganitong paraan pa kami nag uusap, away. "Hey, what's going on?" "Obviously, nag aaway sila dahil sa bulaklak." Korni, ew! "Hayaan mo na tol, bibilhan nalang kita mamaya." Nako EJ hindi porket naawa ako sayo ay hahayaan ko ng makipag close ka kay Diana. At saka hindi kailangan, gusto ko lang talaga inisin lalo si Diana pero gusto ko din 'yung flowers. "No, it's fine." Nginitian ko nalang si EJ at pagka tapos ay bumaling din ako kay Diana para samaan siya ng tingin. I don't know what I'm doing but I'm enjoying this. "Madison, huwag mo nalang pansinin 'yang kaibigan namin kasi ganyan talaga 'yan minsan." Tawag sa'kin ni Georgia at nag wink pa. See, ang babait ng mga kaibigan niya pero bakit siya hindi? "Georgia!" My gad, aalis nalang ako. "Tara na EJ may class pa tayo." Sabi ko at hinila siya, pero pinigilan lang kami nila Georgia at Precious. Nakipag beso pa ako kay Precious habang si Georgia naman ay niyakap pa talaga ako. "Nice hoodie." Bulong niya habang nakayakap parin. Haha kung alam niya lang, pag mamayari 'to ng maldita nilang kaibigan. "Bye guys, ingat kayo!" Habang nag paalaman kami sa isa't-isa ay tinapunan ko ulit ng tingin si Diana at sakto namang nakatingin na din siya sa'kin kaya nahihiyang tumango nalang ako sa kanya.Hindi ko nga alam kung nag smile ba ako o napa kagat lang ng labi. Sobrang nakakahiya lang kasi mag paalam sa kanya kasi inaway away ko pa kanina. "Bye, Penelope." Nakatingin parin ako kay Diana kaya kitang kita ko pa ang pag irap niya sa sinabi ni EJ. Kaya bago pa ako matawa sa naging reaction niya ay hinila ko na talaga si EJ palabas ng restaurant. Nang malapit na kami sa parking area ay bigla nalang napahiyaw si EJ, tss kinikilig. "Tol tinanggap niya 'yung roses!" Masayang bigkas niya at medyo namumula pa. "Yeah, yay..." Sinusubukan ko naman maging masaya para sa kanya pero ang fake lang talaga ng kinalabasan. Nakokonsensya ako pero nahihiya din akong sabihin na gusto ko din si Diana. Pag iisipan ko muna ng mabuti 'to bago sabihin sa kanila para hindi maging awkward 'yung sitwasyon namin. "Pero hindi ko nabigay 'to." Sabi niya sabay taas ng box. "What's that?" "Bracelet." Napakurap pa ako ng pinakita niya sa'kin. What the fuck lang kasi? Ang ganda, hindi ko alam kay Diana pero para sa'kin ang ganda. Charriol laetitia bracelet siya na silver, maganda din pala taste ng lalaking 'to. "Palagi ka nagbibigay sa kanya ng mga ganyan?" Curious lang naman ako. "Hindi naman, dati lang no'ng mga high school days oo pero nu'ng mag junior at senior high na ako pa minsan-minsan nalang nakakabigay ng flowers at saka mga chocolates kasi occupied na sa laro. Itong bracelet ngayon lang sana kaso nahihiya na ako baka ayaw niya din kasi gold lang 'yung nakikita kong suot niya na relo at bracelets." Nakatayo parin kami sa labas ng kotse niya. "Yeah baka hindi din mag match kapag binigay mo, pero you can try naman malay mo?" Shit! Why did I say that? Stupid self. My mind opposes but my mouth says otherwise. "Nag text pala sa'kin si Connor na nauna na daw sila ni Therion kasi may kukunin daw muna sila." Sa wakas nag offer na din siya na pumasok na sa kotse, ang init na din kasi sa labas tapos suot ko parin 'yung hoodie ni Diana. Pinagbukasn niya din ako ng pintuan ng kotse. "Naka ilang girlfriends kana? Anong mali sa tanong ko at natatawa siya? "Strange ba ako? Hahaha naka limang girlfriends na ako. Sa pagiging soccer player at pag chess ko hindi mawawala ang girls doon." Oo sobrang weird kasi kung makakilos siya parang si Diana lang 'yung babae na nagugustuhan niya. Nandiyan naman si Precious tapos si Georgia din ang gaganda kaya nila! Bakit kasi si Diana talaga eh halata naman na mas maganda 'yung ugali nila Precious at Georgia kesa kay Diana. "Uhm Slight?" Pagkasabi no'n ay bigla ko nalang na realized ang naisip ko kanina. Ayan na naman nagiging hypocrite na naman ako. Ayos ayusin mo nga 'yang pinag iisip mo Madison! "Ewan crush na crush ko lang talaga si Penelope hahaha feeling ko para siyang artista na kahit hindi na niya ako jowain basta mapansin lang okay na ako." Ang tindi naman, hindi pa naman ako naabot doon diba? Sana nga. huhu "Ah, so it's like you admire her but not romantically?" "Hmm, you can say that... pero alam mo naman lalaki din ako kaya hindi mawawala ang tukso." Oh. "Mabilis ba talaga ma tempt ang mga lalaki?" Hindi ko kayang tanungin sila kuya about dito kay opportunity na 'to. "Wait, okay lang ba 'yung sinabi ko hindi ba kita na offend doon?" He is a nice guy, I think? "Actually, gusto ngang malaman ang side niyong mga lalaki." Nag simula na siya mag drive at kasabay no'n ay nag kukwento din siya. Okay naman pala siya siguro natatabunan lang ng inis at selos ko kaya umiinit 'yung ulo ko sa kanya. At saka sinabi na niya din naman na okay lang kahit hindi maging sila ni Diana kaya medyo nag okay na din ako, baka idol niya lang talaga si Diana. "Bakit pala gusto mo si Diana?" "Confused ka ba? Alam ko naman na masungit siya dati pa at madaming may alam no'n pero ang hot kaya ng gano'n haha at saka magaling siya mag laro ng chess. Doon ko siya una naging idolo kasi mahilig din ako sa chess. Nakaka turn on ng mga babaeng hindi lang maganda kundi ay matalino din. Oo, maldita at suplada siya pero hindi naman sa lahat. Sa katunayan niyan ay okay naman siya makitungo huwag mo lang siya galitin or ligawan, katulad ng ginagawa naming mga lalaki." Ang dami ko naman nalaman ngayon. Pero ayaw niyang mag pa ligaw? Eh paano 'yon NBSB din ba siya? "Hindi pa ba nagkaroon ng boyfriend si Diana?" "Hindi parin ako sanay na Diana ang tinatawag mo kay Penelope." Natatawang sabi niya. "Sorry, I'm just used calling her that name." Akala mo talaga ilang taon ko na kilala si Diana haha eh mag dadalawang linggo pa nga lang. "Oo naman nagka boyfriend na siya dati at mas senior sa kanya 'yon ang alam ko." Kaya pala ayaw niya sa'kin. "Mahilig pala siya sa mas matatanda sa kanya." "Oo halos lahat ng mga naging ex niya ay mas matanda sa kanya." Grabe naman 'yung mga ex, so madami na pala siya naging kaharutan dati? Damn. Hindi ko sila kilala pero naiinis akong isipin na sweet siya sa iba. Bakit gano'n? Need ko na ba mag patingin sa utak? May saltik na ba ako? "Ayaw niya talaga sa mas bata." I say in realization. "Tama kaya nga siguro sobrang inis din niya sa'kin noong high school kasi patpatin na nga ako totoy pa! Nakakahiya diba?" Ang baliw naman pala ni EJ haha. "Can you believe me when I say that she called me a kid? A fucking kid! The heck I'm eighteen!" "Seryoso? Sa ganda mong 'yan bata parin ang tingin niya sayo? Hahaha grabe naman pala ang taste ni Penelope!" Mabuti ka pa maganda ako sa paningin mo. Sana ganyan din siya, sad. "There is no chance EJ." Wala talaga. Idagdag pa 'yung kasal nila ni kuya... ugh! Ang saklap ngayon na nga lang ako naging sure sa buhay ko ganito pa! Sana mag tanan nalang sila kuya at ate Kiara. "Salamat sa masakit na katotohanang 'yan." He says acting like he's crying so I laughed. Yes, I should better set aside my feelings for Diana when I'm with this man. I feel that we will be great friends.
I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
gang ngayon wala pa din update..
16/04
0ang ganda po ng story may next chap.pa po ba?
01/10/2024
0highly recommended,at Ganda ng story😊..
18/02/2023
0Tingnan Lahat