Katatapos ko lang maligo at naka robe parin ako ngayon habang nag papaganda sa harap ng salamin. Naisipan ko kasing lumabas ngayon dahil bored na ako dito sa kwarto. Pag karating kasi namin kanina ay wala pa ten minutes nakatulog na ulit agad ako. Almost four in the afternoon pa lang naman kaya madami pa ako pwedeng gawin sa labas. Gusto ko kasing i-enjoy muna 'tong place habang hindi pa nag sisimula ang pasukan. "Should I bring my camera o not? I have my phone but camera still hits differently when taking photos. Iba kasi talaga 'yung quality at saka raw 'yung photos kaya mas maganda kapag mag i-edit na. Hindi ako professional pero may alam naman ako kahit papaano sa photography. I enjoy taking photos especially the sceneries and mainly the sunsets. Mag papaalam na sana ako kanila mommy at daddy pero napansin kong nandito pa rin pala sina tito Arman at tita Jane. Kaya imbes na umalis na agad ay nakipag usap pa ako. "Mom, dad, I'm going out." Paalam ko sabay taas ng camera para ipaalam na may importante akong gagawin at 'yon ay ang pag kuha ng mga litrato mamaya sa kung saan man ako dadalhin ng mga paa ko. "Paid photographer ka hija?" Ngingiting tanong ni tita Jane kaya umiling agad ako. "Hobby lang po tita." Not because I have a camera and I love photography doesn't mean I'm already a paid photographer. Yes, I'm a photographer but not a professional one. Geez, is money really that important to them? And it takes a profession to be called one. For me it's like calling me a nurse just because I know how to first aid. "Bumalik ka agad Madison hindi mo pa kabisado ang lugar dito." Striktong saad ni dad. Akala mo talaga may pake siya kung mawala man ako. "Sandali, hintayin mo nalang si Penelope." Sinong Penelope na naman 'yan? Hindi ko need ng yaya! At isa pa ay kanina pa dapat ako nakaalis kung hindi lang kayo salita ng salita. "Ayan na pala siya." Sabi ni tito Arman habang nakatingin sa likod ko kaya napalingon na din ako. Pero si Diana lang ang nakita ko kaya naningkit ang mga mata kong tumingin ulit kanila tito. "Darling, paki samaham mo muna si Madison mag isa lang kasi siyang aalis baka mapano pa siya sa labas e hindi pa niya kabisado ang mag lugar dito." Utos ni tita Jane sa anak niya. So, siya pala si Penelope. "Tamang tama mag kakasundo kayo ng anak ko kasi model 'yan pwede mo gawing subject." Halatang proud na proud si tito sa anak niya, sana lahat ng parents ganyan. I'm jealous. Nakita kong napa smile naman ang anak niya kaso ang bitin at halatang pilit pa. "Hindi ba nakakahiya para kay Diana baka kasi maka abala 'tong anak namin?" Abala lang naman ako palagi sa paningin nila, ano pa bang bago? "Sweetie, pwede pa naman ipagpabukas 'yan diba? Ako nalang ang sasama sayo." Na lungkot tuloy ako sa sinabi ni mommy. Naka bihis na ako at lahat-lahat tapos sasabihin niya sa'kin na bukas nalang? Sino kaya ang hindi maiinis doon? "Don't be silly, wala namang gagawin si Penelope at para na din makapag bonding sila alam niyo na girl-thing." Yes! I love you tita Jane, thank you! Tututol na naman sana sila daddy pero mabuti nalang at mapilit si tita Jane kaya napa oo din sila. Kaya hinila ko na agad si Diana bago pa magbago ang isip nila. "Let's go Penelope!" Pero hindi pa man kami nakakalis ng living room ay tinawag ulit ako ni mommy. "Madison! Don't be rude, you should call her ate she's older than you!" Nagulat ako sa tono ng boses ni mommy kaya napahinto agad ako. Alam ko kasi 'yung boses niya pag nag titimpi siya at 'yung boses niya kapag galit na talaga. "Mom! She doesn't want me to call her that." Medyo naiinis narin ako dahil bakit kailangan pang tawagin ko siya ng ate eh sinabi na niya sa akin na huwag ko siyang gagawa gin ng ganu'n dahil hindi ko naman daw siya kapatid. "Watch your tone, young lady." She's already gritting her teeth and dad looks so annoyed now. They are both acting ridiculous. I don't understand why calling Diana with that prefix is such a big deal. "I don't want her to call me ate." Sagot naman ng katabi ko kaya napa irap nalang din ako. Takang nakatingin naman sila sa amin dahil sa sinabi ni Diana. Ano ba talaga? Pag hindi ako nag sabi ng ate rude ako, pero pag nag sabi ako ng ate ay magagalit naman ang malditang 'to. "I don't like being called ate." Pagtatama niya kaya napatango nalang si mommy. Nag smile na lang ako ng napaka tamis para ma lighten na 'yung mood saka nag paalam na ulit kami. Pag kalabas na pag kalabas namin sa gate ay agad namang kumalas sa pag kakahawak ko si Diana. "Don't be so clingy!" Aba hindi lang pala maldita, masungit din siya. "Do I look like I have a virus to you?" Inis na tanong ko dito pero ini-snob lang ako. "Ugh, you're such a virago, where are we going now ate?" Tanong ko and yes sinadya ko talaga na tawagin siyang ate. "I told you to stop calling me ate!" Hala ang cute niya magalit namumula talaga siya kagigil tuloy. "Why?" Pinipigilan ko lang talaga ang mapangiti ngayon pero ene-enjoy ko din 'tong ginagawa ko. "J-just don't call me ate, I don't like the sound of it." Na uutal na siya haha dati si kuya lang ang iniinis ko ngayon may ate na din akong iinisin ahh so blessed. Wala kami dalang kotse kaya nag simula na siyang maglakad. "Don't you have a car?" Takang tanong ko habang pahabol na nakasunod sa kanya. Ang haba kasi ng legs niya grabe five foot three ako, matanong ko nga siya. "Wala, kaya mag ta-taxi tayo." Ang alam ko twenty na siya pero bakit wala pa siyang kotse? Oh well, nevermind. "Can you slow down? And hey, ate ano pala ang height mo?" Napahinto naman siya bigla kaya nabungo pa ako sa kanya. Ay ano ba yan! "Ouch!" Inarte ko kahit hindi naman talaga masakit. "Huwag ka'ng maarte hindi ka nasaktan and please lang stop calling me ate hindi tayo magkapatid at kahit kailan ay hindi ko gugustuhin na maging kapatid ka ang kulit mo din 'no?" Harsh. Bakit ba ayaw niya, siya pala 'tong maarte eh. "Don't you really like my brother? He's handsome, smart, kind, and almost everything is already in him." Tiningnan niya lang ako saka napabuntong hininga. "I know... but you can't change the fact that I don't love him and vice versa. I'm still young and I want to feel how to fell in love and get married to the choice of my own and not by my parents or yours. Do you understand me?" Ang hirap pala talaga ng situation nila ni kuya, kung sana ay may magagawa lang ako para sa kanila. "I understand you, sabagay may girlfriend din kasi 'yung kuya ko at alam kong mahirap din para sa kanya ang lumayo." Na pa sigh nalang uli siya. Ang complicated naman kasi ng mga pamilya namin. "Let's just drop this topic." Sabi niya at tumalikod na ulit. Ramdam ko na malungkot siya kaya hinawakan ko nalang ang kamay niya at mahinang pinisil ito para ipaalam sa kanya na nandito lang ako para sa kanya. Kahit na hindi kami magkabating dalawa ay naawa parin naman ako sa situation niya. "Hey... ngumiti ka naman sayang 'yung ganda kung parang nakalunok ka lang ng sampalok diyan." Gusto ko lang naman na ngumiti siya pero ayun sinamaan na naman ako ng tingin. Ang sungit talaga. "Midget, by the way I'm five foot eight." Wow midget? Ako midget? The heck, five foot three ako! Hindi naman nakakalayo 'yung five inches na pagitan namin. "Shut up, mas maganda ako sayo!" Singhal ko saka iniwan siya't nauna ng maglakad. Kung alam ko lang na iinsultuhin niya ako sana hindi nalang ako nag abalang pagaanin ang loob niya. "Hey, Adi wait up!" Habol niya sa'kin. Tss sasama-sama pa kasi, bahala siya! Kaya ko namang ang sarili ko kahit wala siya 'no.
I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
gang ngayon wala pa din update..
16/04
0ang ganda po ng story may next chap.pa po ba?
01/10/2024
0highly recommended,at Ganda ng story😊..
18/02/2023
0Tingnan Lahat