"I'm sorry, may naalala lang ako na nakakatawa." Ha-ha parang tanga Blake. "By the way, are you studying at the same school as them?" Tanong ni kuya tukoy kay Blake. "Yes. Gonna be Junior college by tomorrow." Ano to, getting to know each other? Ako nga hindi ko na natanong 'yan kay Blake. "What degree are you pursuing now?" Napapansin ko lang, nagiging tsismoso na talaga si kuya. "Bachelor of Science in Pharmacy. Sayang nga kasi medyo malayo 'yung building namin sa Commerce kaya minsan ko lang madadalaw si Madison." What, how the hell did he knew that? Nagtataka talaga ako kung paano niya nalaman ang tungkol dun kaya tiningnan ko siya at tinaasan ng kilay, alam na niya ang ibig sabihin nu'n. Pero dedma kasi mas pinili niyang kausapin si kuya. Tss flirt. "Cool, I wanted to take up Medicine, growing up I would always imagine how to feel having a M.D. on my name." Mga pinagpala talaga. Me on the other hand, wished that I would be stuck on my younger age so that I won't experience the hassle of pursuing a degree or just simply being an adult. "Bakit dude, ano nangyari?" Tinanong mo pa, syempre bilang tagapagmana kinailangan na sumunod sa yapak. "I moved on. I actually didn't regret anything, maybe I did accept the fact the it was just my childhood dream to become a doctor." Hindi ko alam bakit ako nalulungkot para kay kuya, siguro dahil sa sinabi niya o dahil sa tono ng boses niya. Ewan ko, ang lungkot talaga pakinggan. "Masaya ka naman ba?" Good question! "Dude I'm proud and happy to what I've become now. Although I still need that six years to have that D.B.A. on my name." Okay, he is happy. I just hope that won't fade. Hinayaan ko ng magkwentuhan 'yung tatlo. Hindi kasi ako makarelate sa kwento ng mga nakaka tanda. Hanggang ngayon hindi parin mawala sa isipan ko kung favourite ba talaga ni Diana ang matcha na pina-order niya sa'kin o pinag loloko niya lang ako. Kasi naman, kung totoong favourite niya 'yon e bakit iba 'yung inorder niya? Saka hindi ko gusto 'yung kulay niya feeling ko talaga dahon siya. "I have gym equipments at home but going to the gym still hits different, specially when you have your buddy." Ayan na po sila, puro kwento katawan na naman ang pinag uusapan nila. Kawawa naman kami ni Diana at lalong lalo na ako. Kanina pa kasi ako hindi makasali sa usapan nila. Yung feeling na relate na relate sila habang ako naman iniisip nalang kung kailan na matatapos 'yung usapan nila. Kahit bakla 'tong si Blake puro pang lalaki parin ang alam hahaha if hindi ko siya kilala hindi ko talaga masasabi na baliko siya. "Yeah, yeah dude definitely!" Nako kuya Nathan ma-tatsansing ka lang diyan kay Blake pag siya naging buddy mo. "Kung gusto mo, sama ka sa'kin sa gym ng kakilala ko? Semi private kasi siya, usually mga barkada lang din ang wo-workout doon. Promise dude ma gugustuhan mo." Kung makayaya parang hindi pasukan bukas ah? Saka paano naman 'yung work ni kuya sa company? Mga lalaki talaga para sa pang pa pogi lahat gagawin. "Yeah sure, I'll try that." Nako Blake siguraduhin mo lang na matino ang intention mo sa kuya ko. "Guys we should get going, matagal pa naman mag shopping 'tong kapatid ko." Sabi ni kuya at medyo ginulo pa ang buhok ko. Ugh hindi ba niya alam kung gaano katagal ako sa mirror kanina just to made sure na maayos at maganda 'yung buhok ko tapos guguluhin niya lang? Kaya mabuti na din na wala akong boyfriend eh, kasi for sure may ganito ding eksena at baka masampal ko lang. "Blake lets go." Tawag ko saka hinila siya patayo at palayo sa kanila kuya Nathan at Diana. "Madz wait lang sasama ako kay papi Nates." Agad naman akong napatigil at napabuntong hininga sa sinabi niya. "What the heck? I got plans with you first so you're going with me." "Eh, pero sabi ng kuya mo si Penny naman daw sasama sayo." That's what he said. "Why? Did your cousin said yes?" Hindi diba?! "Hindi. Pero ang sabi niya naman pag iisipan niya." "Until when? Bukas?" "Tara tanungin mo ulit!" Saka niya ako hinawakan sa wrist at hinila pabalik kanila kuya. "Hey! Stop." "Ay nako Madz ikaw ha ang arte mo pag tayo talaga napansin ng dalawa na iba ang galaw natin, sige ka." Damn. Paano naman kasi ako hindi mag rereact e muntik lang naman ako ma out balanced sa paghila niya sa'kin. "Fine." Inikutan ko muna siya ng mata bago umarte ulit ng sweet sa kanya at magkahawak kamay na bumalik sa loob ng milk-tea shop kasi nandoon parin 'yung dalawa. Pagkabalik sa loob ng milk-tea shop ay si kuya lang ang nakita ko na nag ta-type sa phone niya. "Um kuya nasan si Diana?" Tanong ko at umupo ulit sa table namin kanina. "Comfort room." That's when it hit me. Kaya agad ko naman inopen ang front camera ng phone ko to check my face. Mabuti naman at maayos parin ang makeup ko. "Sa wakas nandito na ang maganda kong pinsan makaka alis na tayo." Hindi talaga marunong mag ingat 'tong si Blake, alam naman na pikon 'yung pinsan niya. "Shut up." Shit four o'clock na pala. "Kuya aalis na kami ni Blake." Kaya nagpaalam nako kay kuya Nathan at humalik sa pisnge niya. "No. You're going with Diana, she already said yes." What? Kelan pa? "Pumayag ka?" Takang tanong ko kay Diana. "May bibilhin din kasi ako." Oh god. Thank you so much! Alam mo talaga kung ano magpapasaya sa'kin. I try hard not to show my smile, pero damn ang hirap pala lalo na't nakangiti din siya. At sa oras na masayang masaya ako ay doon na naman napili ni Blake na umeksena, ulit. Agad siyang lumapit at pumunta sa harapan ko sanhi para matabunan ang magandang figura sa harapan ko. Minsan ang sarap talaga mag paka sadista at pag sasampalin 'tong lalaking 'to. "Blake." Mangiyak ngiyak kong tiningnan siya, hindi ko alam bakit ako naluluha kung sa luob-luob ay naiinis naman ako. "Babe pakabait ka kasama si Penny. Tawagan mo kami agad pag tapos na kayo para masundo namin kayo ha?" Sabi niya saka hinalikan ako sa noo. Nahagip ko din ang pag wink niya. Baliw talaga, naiinis parin ako! Sarap sarap ng ngitian namin ni Diana tapos biga lang siya haharang. "Dude tara na." Tawag ni kuya at umalis na sila. Kuya wag mo sana takutin si Blake, acting lang naman namin 'to. Ewan ko ba't sinasakyan ko din ang trip niya. "Hi, saan mo gusto pumunta? Unahin na muna natin 'yung bibilhin mo." Nakakahiya naman kasi e nagpapasama lang naman ako. "Watsons bibili lang ng face mask pwede pa naman mamaya 'yun." Sabagay hassle lang 'yun kung bibitbitin niya habang namimili ako. "Actually I don't know where to go because I usually order my clothes online." Bahala na kung ano nalang makita ko. "Pwede naman tayo mag lakad-lakad muna tapos kung anong store 'yung makakuha ng pansin mo then doon tayo." Good idea. "Um I'm just curious, kayo na ba ng pinsan ko?" Geez. Madison ayan na nagtatanong na panindigan mo 'yang kagagahan niyo ni Blake. "Ah ano h-hindi pa kami?" Ugh ang dali lang sabihin na hindi! Madison naman eh, ayan tuloy uutal ka pa. "Why aren't you sure?" "Hindi pa kami." "You're aware he's older than you right?" And so are you, pero gusto parin kita. "Of course." Kung sana gusto mo din ako, hindi ko na kakailanganin na magsinungaling ngayon sayo. "Hmm. Sige." After no'n ay hindi na siya nag salita. Tahimik kaming nag lakad-lakad sa mall hanggang sa mahagip ng mata ko ang NASA na hoodie sa loob ng H&M na store. So I tug gently on Diana's arm and point inside the store. "Look at that NASA hoodie, cute diba?" Nakita ko naman agad pagkamangha sa mukha niya. "Oh my god." I suppose she's a fan too. "Gusto mo din pala ng NASA?" Natatawang sabi ko. "Sakto lang, ang cute na ang astig lang kasi about space and aircraft. Bakit ikaw ba?" Sagot niya habang nagtitingin sa iba pang designs. "Hindi ako masyado maalam about diyan pero I watched several videos of shuttle launched and also the logo is cute that's why." Yieee! Magkaka matchy-matchy na kami ng damit. Hehe
I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
gang ngayon wala pa din update..
16/04
0ang ganda po ng story may next chap.pa po ba?
01/10/2024
0highly recommended,at Ganda ng story😊..
18/02/2023
0Tingnan Lahat