"What." I deadpan to whoever I'm on a call with. "Madz! Mag ayos kana kanina pa kita chinachat." Instead to answer him, I just groan in response. "Kakagising mo lang ba? Anong oras na ah!" Sabi pa niya ulit pero nakapikit parin ang mga mata ko, ano naman kasi ang pake niya kung late ako magising diba? "Maligo kana kasi mag sisimba tayo ngayon kasama sina tita at pinsan." So? Ano naman kung kasama yung mga tita at pinsan niya, anong connect sa'kin nu'n? "Then go with them, wala naman akong kinalaman dun." Kahit nakapikit ako ang sarap lang umirap. "Seryoso ka ba? Hello? Kasama natin parents ng pinsan ko, si Penny!" Napamulat ako bigla, hindi naman kasi niya agad sinabi na si Diana pala 'yung pinsan na tinutukoy niya. "Kaya nga..." Sabi ko nalang, baka kasi sabihin niyang masyado kong gusto yung pinsan niya. "Ayaw mo ba sumipsip kanila tita at tito?" Tanong niya sa kabilang linya. "Close na kami kaya no need na saka mabait naman sa'kin sila tita Jane at tito Arman kaya hindi ko na kailangang sumipsip pa." Biro ko, saka tumayo na para pumunta ng shower. "Ah basta dalian mo na diyan kasi may chika din ako sayo after ng mass!" Pinatong ko na 'yung phone sa gilid ng sink at pinaandar na yung shower, para din malaman niya na kumikilos nako saka nag bid na din agad kami ng goodbyes. "Madz saan kana? Dalian mo mag sstart na ang mass." Nasa call na naman kami ulit ni Blake at heto ako nag mamadaling pinark 'yung kotse ko at patakbong pumunta sa kung nasaan man siya ngayon. "I'm already outside." Binaba ko na agad 'yung call nang makita ko na siya. "Kinailangan ko pa talagang mag reason na naiihi ako para lang sunduin ka." Sumbat niya. "So it's my fault now? I was sleeping and you were the one who called! I'm just giving you the favor." Ganti ko din at inirapan siya. "Ay tama na nga huwag na tayong mag away nasa harap tayo ng simbahan o!" Huwag mag away eh siya lang naman nauna manumbat! Hinawakan niya 'yung braso ko at hinila ng marahan. Nung malapit na kami ay binitawan niya din naman ako agad at napansin kong parang may familiar na tao pa silang kasama pero nu'ng makalapit na talaga ay doon ko lang nakilala na si kuya Nathan pala 'yon. "Kuya?" Mahinang sambit ko pero 'di na napansin ni Blake kasi nasa harap na siya agad ng parents ni Diana at nang isa pang babae. "Everyone this is Madison, my friend." Pakilala ni blake sa'kin at medyo nagulat pa si kuya Nathan ng makita ako siguro dahil baka nag e-expect siya na natutulog parin dapat ako sa ngayon. "Madie." Rinig kong tawag ni kuya pero inunahan na siya nina tita Jane at tito Arman, saka nalaman ko din na mommy pala ni Blake yung isang pang babae na kasama nila. Ang sweet naman family bonding nila siguro to every Sunday? Tinawag ulit ako ni kuya at nakita ko naman agad ang pagtataka sa mukha ni Blake, bago pa man ako makalapit sa pwesto nila kuya. Magsasalita pa sana ako pero nag ring na 'yung bell meaning na mag sisimula na 'yung mass. "Stay here." Pupunta na sana kasi ako sa tabi ni Blake pero agad naman akong hinila ni kuya at nilagay sa gitna nila ni Diana. Napakunot naman agad ako ng noo at nag try na umalis ulit, pero hinarangan na naman niya ako ng braso kaya wala nako nagawa kundi tingnan nalang siya ng masama at itinutok nalang ang tingin sa harap. Si kuya Nathan talaga minsan hindi ko maintindihan. Tutok na tutok lang talaga ako sa harap pero sa kalagitnaan ng mass ay hindi ko mapigilang mapatingin kay Diana at sakto din namang napatangin siya sa'kin pabalik. Tila'y bigla akong kinilig, grabe ang ganda niya. Mabuti nalang talaga at naka makeup ako kaya 'di masyado halata if nag ba-blush na ako. "Yes?" Tanong niya kaya nataranta tuloy ako at bumawi ng tingin pero ang kulit lang talaga ng ulo ko kasi bumaling ulit ito sa kanya. "Nothing." Pilit kong pina-confident ang sarili para sabihin 'yon, pero tiningnan niya lang ako na parang nagtataka saka siya tumango at itinutok ulit 'yung atensyon sa harap. Samantala ay para akong tangang nakatingin lang sa sahig ng simbahan habang iniisip na sana hindi siya na weirduhan sa'kin. Medyo napatagal kasi 'yung pag titig ko sa kanya kanina kaya siguro siya napatingin din sa'kin. Shit ang creepy ko na ba? Hindi naman kasi ako ganito dati sa mga naging crush ko. Mostly kasi pag nagka crush ako ay hindi ko masyado pinapahalata pero once na nag ka jowa na sila doon nalang ako iiyak. Yes, tanga talaga ako minsan at lalo na pag dating sa love. Palagi nalang ako na a-attract sa taong hindi ako gusto at worst sa mga F-boys. Ilang beses nako nakipag date pero wala talaga. Meron pa one time akala ko siya na magiging first boyfriend ko kahit na alam kong dapat talaga akong magsugal sakaling maging kami man pero tinake-advantaged niya lang ako kaya ayun cancel din. At isa pa, pinag babawalan din kasi ako nila daddy at kuya na magka boyfriend kasi bata pa daw ako, like the freak? Twelve year old nga may jowa na tapos 'yung iba madami ng ex, tapos ako na eighteen na hindi parin nag kakaroon ng jowa? Gusto ata nila akong tumandang dalaga. Kahit matigas ang ulo ko ay natatakot parin naman ako sa kanila lalo na sa palaging sinasabi sa'kin ni daddy na ipapabugbog niya daw ang magiging boyfriend ko at sasampalin niya ako sa harap nito. Diba ang sama lang? Kung totohanin niya man 'yun, ako na siguro ang may pinaka worst na ama. Nawala lang sa pag iisip nung tapikin ako ni kuya sa balikat kaya napa angat ako ng tingin sa kanya at nakitang nakatayo na pala sila. "Are you still sleepy, Madie?" Tanong niya. "No kuya, sorry." Ano ba 'yan, isang oras na nga lang ang pwede ko maibigay lutang pa ako. Nakakainis. Nakakahiya! Ako na lang pala kasi 'yung naka upo kanina at ang malala pa dahil pag tingin ko sa isang katabi ko ay nakita kong naka curl up yung lips na parang gusto niya tumawa at ng magtama ulit 'yung mga mata namin ay pilit niyang pinaseryoso 'yung mukha niya, biting the inside of her mouth is just too obvious that she wants to laugh at me. Hinayaan ko nalang siya at sinubukan i-focus ulit 'yung atensyon sa mass. At sa akala ko na maiiwasan ko siya kahit na may pagka-impossible kasi magkatabi lang kami, mali pala dahil dumating na kami sa part na magka hawak kamay na 'yung lahat na mga kasama namin pwera nalang sa aming dalawa. Tiningnan niya ako at inilahad ang kamay niya sa harap ko, ayaw ko man tanggapin 'yun dahil napahiya ako kanina ay wala din akong magagawa dahil baka mapansin ni kuya at isipin niyang ayaw ko kay Diana. So I accepted it even though I'm torn between this annoying feeling and missing her warmth. Ilang seconds palang kami na magkahawak kamay pero bakit ganito? Hindi ko na ramdam 'yung inis. Shit... am I falling for her? Ang saklap naman kung sa kanya pa, ang complicated na nga ng family namin plus she seems straight to me and that's so fucked up. "Madz, explain mo nga sa akin, mag kapatid ba kayo ni Nathan?" Mahinang tanong sa'kin ni Blake. Papasok na kami ngayon sa mall at medyo nauuna kami kesa kanila kuya, kaya hinila ko nalang siya palayo sa dalawa. "Wait lang paano 'yung dalawa hindi man lang ba tayo mag papaalam?" Oo nga 'no? "Wag na baka hindi pako payagan ni kuya lalo na't alam niyang ikaw ang kasama ko." After College pa kasi ako pwede mag jowa kaya gano'n sila pero minsan sobra din ang OA na. "Ay grabe siya? Sa ganda kong 'to di kita pag nanasaan ka ew Madz, baka siya pwede pa." Ay langhiyang bakla to! Dinamay pa kuya ko sa kadugyutan niya. "Yes magkapatid kami ni kuya Nathan." Sagot ko ng makaupo na kami sa food hub, mabuti nalang at hindi masyado madami 'yung mga tao dito. "Oh my gosh madz siya 'yung boyfriend ni Penny! Tapos gusto mo parin siya kahit na alam mong mag jowa na sila ng kapatid mo? Whaat?!" Bakit feeling ko parang siya pa 'yung affected? Okay I get it pinsan niya si Diana at friend na niya ako kaya nag aalala siya pero heck kung meron man sa amin ang dapat ma moblema ay ako 'yun. At sa tono ng boses niya ngayon feeling ko mas lalong nagugulo 'yung situation ko. Hindi ko naman kasi alam na pinalabas na pala nila na mag jowa 'yung dalawa. "Huwag ka ngang maingay, I'll tell you the whole story." Wala din naman ako magagawa kundi e explain sa kanya 'yung nangyayari. "Paano ako hindi magiingay e nagising lang ako may pinakilala ng boyfriend ni Penny sina tita sa'kin? Okay fine, kalmado nako..." Maarteng sabi niya sabay paypay pa sa sarili kaya napairap nalang ako saka nag salita. "Our grandads made a deal, an oath or whatever you call that. It was about my mom and tito Arman but obviously that didn't happened so they came up to another idea and that's my brother and your cousin." Tiningnan ko siya para malaman if nagegets niya yung mga pinagsasabi ko pero parang mas slow pa ata siya kesa sakin. "Blake! That whole relationship thing is just a set up and now they are bound to marry each other kahit na hindi nila gusto ang isat-isa. Now, do you get it?" Napa-OMG naman siya ng walang tunog. "Kawawa naman pala si papi Nates ang maldita pa naman ni Penny." Seriously? Ayun 'yung concern niya? "Baliw mo talaga, yes kawawa silang dalawa kasi iba 'yung mahal ni kuya and hindi din siya mahal ni Diana." Hindi naman siguro masama na bigyan ko siya ng hint, feel ko naman mapagkamatiwalaan ko talaga siya. "Confident natin mag sabi du'n sa hindi siya mahal ni Penny ah? So sino 'yung mahal ni Penny, ikaw? Ayieee" Ay tangina mong bakla ka! Pasalamat ka talaga at nasa public place tayo dahil kung hindi siguro nasuka mo na 'yang atay mo. "Whatever bakla, pasalamat ka talaga dahil wala akong ma igaganti sa mga panunukso mo sa'kin!" "Aminin mo na kasi na gustong gusto mo 'yung pinsan ko." Maka-gustong gusto naman siya wagas. "You're not her so I have nothing to admit." Pero mas lalo lang siyang ngumisi sa'kin. "So ayun na nga, parang inamin mo nadin hahaha." Whatever. "It's just a crush, nothing special." Hay sana matapos na 'yung topic na 'to. "Ano ba 'yan ang arte mo! Aamin lang naman e ang dali dali lang o." Ang kapal siguro ng mukha nito sa mga nagugustuhan niya? Dalagang Pilipina parin naman ako. "Ewan ko sayo Blake, inggit ka lang na may matres ako." Nag crossed-arms sabay irap sa kanya. "Duh. Kahit kailan hindi ko pinangarap magkaron ng tahong 'no! Okay nako sa talong ko." Tahong? Talong? Kadiri! "Ew kadiri ka Blake!" Sigaw ko habang tinatakpan 'yung tenga ko. "Tumahimik ka nga ang arte mong babae ka, parang 'di mo sanay magsabi ng ganu'n ah!" Napairap nalang ako, may point siya pero... "Ang sagwa pakinggan pag sayo ng galing nakaka-ew lang and hello? Sino mag re-refer ng genitals nila as tahong or talong? Not me." Patawa-tawa naman ang loko parang tanga lang, di ko masisisi si Diana if naiinis siya dito kasi minsan nakakainis pala talaga. "Wait, pero seryoso paano 'yan? Kahit na madalas masama sa'kin si Penny e mahal ko parin naman 'yun hindi ko kaya na makita siyang malungkot dahil itatali na siya sa taong hindi naman niya totoong mahal." Gano'n din naman nararamdaman ko para sa kanila ni kuya, natatakot ako na maging pilit lang 'yung lahat ng kasayahan o ngiti na maipapakita nila sa mga tao pag magakasama silang dalawa. "I know... sa ngayon di ko pa alam pero I'm sure ginagawan na din ni kuya ng paraan 'yun, mahal na mahal niya 'yung girlfriend niya."
I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
gang ngayon wala pa din update..
16/04
0ang ganda po ng story may next chap.pa po ba?
01/10/2024
0highly recommended,at Ganda ng story😊..
18/02/2023
0Tingnan Lahat