Abala ako sa pag pack ng mga gamit ko ngayon kasi uuwi na kami ng Pilipinas. Ewan ko ba kina mommy at daddy bakit pumayag sila sa kagustuhan ni lolo na ipakasal si kuya e twenty-two pa lang naman 'yun at saka ang malala ay pa may girlfriend si kuya pero hindi man lang nila isinaalang-alang 'yun dahil daw baby palang sina kuya at 'yung anak ng mga de la Vega ay na pag desisyonan na daw na ipakasal 'yung dalawa sa pag tuntong nila ng bente anyos. Mabuti nalang talaga at hindi sa'kin nangyari 'yun 'no! Dahil if ever man ay lalayas talaga ako at mas mabuti pa na itakwil nila ako kesa naman sa makasal pa ako sa taong hindi ko naman mahal at never na mamahalin! Never. Ma mi-miss ko talaga ang kwarto ko dito at 'yung mga kaibigan ko pati na din si Trevor. Kinikilig na naman ako huhu kainis lang kasi hindi pa nga nagiging kami pero kailangan ko na siyang kalimutan agad kasi mag si-stay na daw kami sa Philippines for good. My whole eighteen years of existence ay hindi pa ako nakaka apak ng Pilipinas. Baby pa kasi 'yung kuya ko ay nag migrate na ang parents namin dito kaya ayun dito na'ko nagawa sa U.S. dito na din ako pinanganak. Pero kahit gano'n ay hindi pumapayag si daddy na hindi kami nag sasalita ng tagalog lalo na kung nasa bahay kami kaya thankful din naman ako na fluent ako sa tagalog. Habang nag aayos ako ng mga camera lenses ko ay pumasok naman si mommy sa room. "Sweetie, you haven't packed your belongings yet?" Last week pa niya kasi ako sinabihan na mag ayos ng mga gamit kaso sa sobrang tamad ko e kagabi ko lang sinimulan. "No mom, patapos na din 'to at konti lang naman ang dadalhin ko. Doon nalang siguro ako sa Pilipinas mag sa-shopping." I heard, maganda daw 'yung styles ng Asian pagdating sa mga damit at saka let's support local products na din. "Okay, sweetie bumaba kana agad kasi in two hours pupunta na tayo ng airport." 'Yun lang at lumabas na din si mommy. Dapat excited ako kasi sa wakas makaka uwi na ako ng Pilipinas pero bakit ganito parang kinakabahan ako? Hindi kasi siya 'yung kaba na na-eexcite ka pero ito 'yung kaba na parang na nginginig 'yung ugat ko na parang nilalamig ako? Oh, nevermind baka naawa lang ako kay kuya kasi nga ikakasal siya sa taong hindi niya naman mahal. I'll just pray for him and whoever that girl is, hindi naman kasi ako interested every time na nag kekwento 'yung parents namin about sa contracted marriage na 'yan kaya wala akong alam. Nasa sasakyan na kami at katabi ko si kuya Nathan at halatang kinakabahan siya. Kaya as a good sister naisipan kong tanungin siya. "Hey, kuya Nathan are you alright?" Tanong ko habang hawak 'yung kamay niya. "Honestly I don't know if I'm fine Madie, because I know when we get to the Philippines things will be complicated for me and Diana." Almost pa whisper na sagot niya. Diana pala ang name niya... "I'm here for you kuya, I'll try my best to help you." I give kuya my reassuring smile para kumalma siya kahit papano at saka sincere talaga ako sa sinabi ko. Susubukan 'kong humanap ng paraan para matulungan si kuya. "Thank you baby sis." "Kuya Nathan naman dalaga nako! Baby ka diyan, ew." Ayun natawa lang siya. Nasa plane na kami ngayon at sixteen hours and thirty minutes daw 'yung flight kaya umaga na kami makakaabot ng Manila. Mabuti nalang talaga at automatic na nakakatulog ako every time na nasa malayong byahe. May be weird for you but trust me, kung gaano ka layo 'yung byahe gano'n din katagal 'yung tulog ko madalas but for this flight syempre gigising gising din ako 'no kailangan ko din naman gumamit ng toilet at kumain. Katabi ko si kuya at mukhang naka tulog na din siya ngayon kaya isinuot ko na 'yung headphones ko at sleeping mask para maka rest na din. Mga fifteen minutes palang siguro kami na naka-baba ng plane and of course, welcome to Manila! "Nasa labas na daw sina Jane at Arman." Rinig kong sabi ni daddy. Nasa baggage reclaim area kami ngayon nag hihintay nalang para kunin 'yung mga bags namin. "Honey, kasama ba nila si Diana?" Tanong naman ni mommy. "Hindi nabanggit honey." May pa honey-honey pa sila mom at dad akala mo mga teenager parin. Edi sila na happy, ako na single. Syempre joke lang! Ayaw kong mabatukan ni mommy 'no! Damn, ayaw ko maalog 'tong utak ko kahit na hindi man ako kasing talino ni kuya. Isang malaking maleta, isang maliit na maleta at saka personal bag lang naman ang dala ko hindi naman masyadong madami kaso tinatamad talaga akong bumitbit nakaka bawas ganda. Wala akong choice kundi mag inarte ako na nabibigatan. Bilang mabait na kapatid ay nilapitan agad ako ni kuya. "Hey Madie ako na magdadala niyan." Tukoy ni kuya doon sa malaking maleta ko. Nag pakipot pa ako na kunwari okay lang at kaya ko pero makulit si kuya kaya nag insist parin siya, at syempre alam ko naman na mangyayari 'yon! Nakalabas na kami ng airport at papunta na kami ng waiting area kung saan ay nag hihintay na 'yung mga kaibigan ng parents namin. Naka airpods na ako ngayon, nag papakabusy sa pakikinig ng music at nasa phone ko lang 'yung attention ko. Naka sunod parin naman ako sa kanila pero wala lang talaga akong pakialam sa nangyayari siguro nga nag kakamustahan na sila ngayon. Snob na kung snob pero naiinis talaga ako sa parents ko at sa mga kaibigan nila dahil sa kasal-kasal na 'yan. Na aawa lang naman ako kay kuya at sa anak nila. Mabuti pa nga ako may awa, sila wala na talaga. Nag s-scroll ako sa Instagram ng maramdaman ko na parang may nakatingin sa'kin kaya napatingin na din ako sa kung saan 'yun ng gagaling. Napakunot pa ang noo ko ng makita ko 'yung matangkad na babae pero agad din naman siyang bumawi ng tingin at humarap ulit kina mommy and daddy, siguro ayan 'yung anak nila. And on cue, agad naman akong hinila ni mommy at pinakilala sa mag asawang kaharap namin. "Eto naman 'yung bunso namin si Madison, maganda diba?" Si mommy talaga kailangan pa talagang banggitin na maganda ang anak niya e 'di hamak naman na mas maganda sa'kin 'yung anak nila 'no? Ang lakas din maka pahiya ni mommy sa'kin minsan. Para hindi mag mukhang rude ay pinatay ko muna 'yung pina kikinggan kong music at nag smile sa mga kaibigan ng parents ko. "Hi, I'm your tita Jane and this is Arman my husband. You're so beautiful hija mana ka talaga sa mommy mo no'ng mga dalaga pa kami ganyan na ganyan din ang beauty niya pero mas lamang ka nga lang." Sabi ni tita Jane na sinang-ayunan naman ng asawa niya. Syempre nakipag beso na din ako sa kanila at na alala kong may anak pala sila kaya naisipan ko na maging mabait at makipag kilala na din and as a form of gratitude makikipagbeso na nasa ako kaso halatang mas matangkad siya sa'kin at hindi ko siya masyadong abot kaya nag tip toe nalang ako at inilagay 'yung mga braso ko sa leeg niya para hindi ako matumba saka siya hinalikan sa left cheek niya. Halatang nagulat siya sa inakto ko kaya nahiya tuloy ako at binigyan ko nalang siya ng guilty smile saka nag sorry na din kasi nagulat ko ata siya, nag uusap pa kasi sila ni kuya kanina. "N-no don't be, I was just caught off guard when you kissed me." Weird. Akala mo naman sa lips hinalikan eh sa cheek lang naman. Napa-pout tuloy ako at napatingin nalang sa floor. Maya maya pa ay naramdaman ko na may kamay na humawak sa chin ko kaya napa angat nadin ako ng tingin at nakita ko 'yung mukha ng magiging fiancé ni kuya. Bakit ang ganda niya? Tapos ang cute pa... "Hey, forget what happened. I'm Diana by the way." Nakangiting pakilala ni ate Diana sa'kin. Yes ate! Ate Diana kasi mas matanda siya sa'kin at ikakasal na sila ni kuya kaya okay lang naman siguro na ganun 'yung itatawag ko diba? The hell Madison?! Nakalimutan mo ba na si ate Kiara mo lang dapat at si kuya mo ang dapat na maikasal? What the heck are you thinking? Pero mukhang bagay din sila ni kuya kaya bahala na. "Hi ate Diana! I'm Madison Reyes." Nakangiting pakilala ko rin. Kaso bigla nalang nawala ang ngiti niya ng nag pakilala ako bakit gano'n? May expiration ba ang smile niya? "Hey, don't call me ate you're not my sister." Ouch. Maldita pala 'to eh. "Sure." Napairap na 'ko hindi ko na kaya. Akala naman niya gusto ko siya para kay kuya pwes mali siya! First meeting bad impression agad siya kaya big NO siya for my kuya Nathan. "Girls, girls chill kakakilala niyo palang huwag muna kayong mag away please?" Awat ni kuya na halatang naguguluhan sa palitan ng pag irap namin ni DIANA, there ayaw niya na tawaging ate eh. "Hindi kami nag aaway/we're not fighting." Sabay pa talaga na sagot namin. Muntik pa ako matawa kaso naalala kong maldita din pala siya at hindi pwede sa'kin 'yon. Magsasalita pa sana si kuya kaso nandito na pala 'yung van nila tito Arman kaya tumalikod na ako at nauna nang pumasok sa loob. Ang swerte ko talaga magkatabi pa kami ni Diana ngayon. "Matulog muna kayo mahaba pa ang byahe bago makaabot sa bahay." Natatawang sabi ni tito Arman habang 'yung mga nanay namin nag kekwentuhan parin. "Kotang kota na kami ng tulog sa flight kung meron man na matutulog dito ngayon si Madison lang 'yun." Natatawang sagot naman ni dad. Okay lang ako, sanay na akong inaasar ni daddy. "Sweetie sleep ka muna three hours pa ang byahe." Tukoy ni mommy sa'kin. Tumango na lang ako kahit sa loob loob e gusto ko ng mag-wala. Kasi naman hindi ako na inform sa ganito, halos hindi na ako mapakali kasi gusto ko ng gumala at mag nature photography. Sanay ako sa long flight at car rides kaya 'di na ako nakakaramdam ng pang hihilo o jet lag. Ayun nga lang nakakatulog talaga ako pag nasa byahe kapag hindi ako ang nag da-drive. Hindi talaga ako fan ng neck pillows pero sana pala meron ako nu'n ngayon. Nasa left side kasi ako banda sa window at nararamdaman ko na din 'yung antok. Bahala na l'll make my arm for support nalang para 'di ako mauntog. Pero bago pa man ako lamunin ng antok ay may tumapik sa balikat ko rason para mapatingin ako sa katabi ko. "You can lay your head on me, I won't mind." Offer ng katabi ko. "You sure?" Nahihiyang tanong ko pa pero tumango lang ito at hinila ako sa bewang para mapalapit sa kanya kaya hindi nako kumontra pa at ipinatong ko na agad ang ulo ko sa balikat niya. Mabait din naman pala siya siguro na judged ko lang siya agad. Medyo nagigising nako at napansin ko na ang bango grabe ang sarap din yakapin kaya mas lalo pa akong sumiksik dito. Ano 'yun? May yumugyog ba sa'kin? "Hey wake up Madison, wake up!" Unti-unti ako dumilat at nakita si daddy na ginigising ako kaya napa-frown tuloy ako. Ano ba 'yan dad eni-enjoy ko 'yung tulog. Isturbo naman. "Dad I'm sleeping stop..." Annoying human being. "Tayo na diyan mahiya ka naman anak." Doon ko nalang napansin na may katabi pa pala ako kaya kumalas ako sa pag ka-kayakap sa kanya at takang tiningnan silang pareho. Kami nalang pala ang naiwan sa loob ng sasakyan. "Sarap ng kapit natin ah? Tayo na diyan, hindi ginawang maganda si Diana para lang maging unan mo." Pang iinis ni daddy at nag wink pa, na siya namang ikinatawa ng katabi ko kaya inirapan ko nalang silang dalawa saka padabog na lumabas ng sasakyan. Naramdaman ko naman na nakasunod lang sila sa'kin. "Ako pa talaga ang pinag tripan nila? Ako na kakagising? Hindi ba nila alam ang kasabihan na pag tripan mo na lahat huwag lang sa taong bagong gising?" Kausap ko parin ang sarili ko habang dire-deretso lang sa paglalakad. Ayan na naman tumatawa na naman sila! Kainis ah ano ba atraso ko sa kanila ba't ganyan sila sa'kin? "Anak, hoy bumalik ka dito!" Nakakarinding sigaw ni daddy kaya napalingon ako para samaan siya ng tingin. "Tito hayaan na natin baka may ibang bahay pa siya." Ugh, isa din siya! "Anak baka maisipan mong umuwi dito lang ang bahay natin!" Pang iinis ni daddy sabay turo sa bahay na katapat ng sasakyan kung saan ito naka parked. Shit. Ang tanga mo naman bakit ka kasi lakad ka ng lakad 'yan tuloy kahiya ka Madison! Iba-iba kasi 'yang naiisip mo. Nang ma realised ay mabilis akong pumunta sa kung nasaan sila at pumasok na ng bahay.
I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
gang ngayon wala pa din update..
16/04
0ang ganda po ng story may next chap.pa po ba?
01/10/2024
0highly recommended,at Ganda ng story😊..
18/02/2023
0Tingnan Lahat