CHAPTER 15

Isang linggo na rin ang lumipas simula ng pumunta sila ni Allysa sa bar kasama si Sky. Iyon na rin ang huling beses na nakita niya ang lalaki. At aaminin niyang nami-miss niya ito.



Naalala niya noong pumunta sila sa bar ay parang ang lalim ng iniisip nito n'ong inilabas nito ang kanyang cellphone at saglit na may binasa nang nasa taxi pa lang sila pagkatapos ay agad ding ibinalik sa kanyang bulsa.



Ilang minuto rin silang nasa biyahe bago sila makarating sa bar. Nang makita niya ang labas ng bar ay biglang nagningning ang kanyang mga mata lalo nang makapasok na sila.



Puno kasi ng mga nagsasayawang mga tao, amoy ng alak na manunuot sa iyong pang-amoy, usok ng sigarilyo mula sa ilang kalalakihang nadadaanan nila at ang nakakaaliw na musika mula sa isang banda.



Naramdaman rin niya ang mahigpit na kapit ni Allysa sa kanyang braso. Maging ito rin siguro ay ngayon lang nakapunta ng bar base sa kanyang kilos at reaksyon.



Tumungo agad sila sa bakanteng lamesa na itinuro sa kanila ng waiter. Paikot ang upuan kaya napapagitnaan siya ni Allysa at Sky.



Naiilang man ay hindi siya nagpahalata. Dahil alam niyang tutuksuin na naman siya ng kanyang kaibigang si Allysa.



"Hoy!" wika ni Allysa sabay kalabit kay Akhi. "Janice Akhinacxia F. Montecillo, ano na naman kayang iniisip mo at parang nasa outerspace 'yang utak mo?"



"Gi-gigil na gigil lang Allysa?" nakangiting sagot pa niya sa kaibigan. "Hindi ba puwedeng may naalala lang ako kaya di ko agad napansing kinakausap mo ako."



"Naku alam ko naman kung bakit kalalim ang iniisip mo e. Dahil 'yon sa kanya di ba?" malungkot na sabi ni Allysa kay Akhi pagkatapos ay naglakad papunta sa bench na malapit sa kinauupuan nito.



"Hi-hindi nuh! Bakit ko naman siya iisipin? Saka hindi ko naman siya boyfriend," wika ni Akhi habang nakataas ang kilay.



"Naku naman Akhi, magsisinungaling ka pa ba sa akin? Bestfriend mo kaya ako. Saka kilalang-kilala na kita kapag di ka nagsasabi ng totoo."



"Oo na lang!" pairap na sagot niya pagkatapos ay malungkot na tumingin kay Allysa. "Sa tingin mo, ano kayang dahilan kung bakit di na siya pumapasok?"



"Hindi ko rin alam Akhi. Malalaman natin 'yan once na minessage o tinawagan natin siya. Remember, may cellphone number tayo ni Sky. Kung gusto mo ikaw na kumontak sa kanya."



"Susubukan ko kung mako-contact ko siya."



"Oo nga pala! Naalala ko pupunta pala kami mamaya sa bahay niyo mamayang dinner nina Mama Shaira pati siguro sina Tita Danella at Alice."



"Mabuti pinaalala mo. Nakalimutan kong may dinner party pala sa bahay mamaya."



"Alam mo naging kaklase lang natin si Sky naging out of focus ka na. Baka naman bumagsak na tayong pareho niyan?" natatawang wika ni Allysa sa kanya na inirapan naman niya. "Tara na, baka nakalimutan mo na ring may klase na tayo ngayon."



"Naku Allysa tumigil ka na nga kakaasar sa akin kay Skyler. Gusto mo atang di na kita pakopyahin ah! Saka never in my dreams na babagsak ako. Baka ikaw lang ang bumagsak!"



“Ikaw naman…binibiro lang kita. Alam mo namang kakampi mo ako e.



Nakita niyang nginitian lang siya ng kaibigan pagkatapos ay dinala niya ang kanyang kamay sa tapat ng bibig pagkatapos ay sumenyas na parang sinisirado ito na animo'y zipper.



Naiiling siya habang patuloy na naglalakad kasabay nito.



"Nasaan ka na ba Sky? Bakit di ka na nagpapakita?” sabi niya na lang sa kanyang isip.



Kasalukuyan silang naghahanda ng kanyang anak na si Akhi ng mga pagkain para sa gagawin nilang salo-salo mamayang hapunan. Kasama ng kanyang kaibigan pati ng kapatid ni John na si Sage kasama ang asawa't anak nito.



"Akhi, anak sige umakyat ka na. Ako nang bahala rito. Magpalit ka na ng damit mo dahil malapit ng dumating ang mga bisita natin."



"Pero Mommy Khrystal? Tutulungan ko na po kayo tapos sabay na tayong umakyat para magpalit. Kaunti na lang naman po 'tong ginagawa natin e," nakangiting sagot ni Akhi habang naglalagay ng mga kutsara't tinidor sa lamesa.



"Napakasuwerte ko talaga anak sa 'yo. Kahit na pinagmamalupitan ka ni Joan at hindi ka namin nakapiling ng Daddy John mo ng ilang taon ay lumaki ka pa ring mabait na anak," naluluhang sabi niya kay Akhi pagkatapos ay niyakap ito nang mahigpit.



"Mo-mommy naman, baka di na tayo matapos niyan sa ginagawa natin at magkaiyakan na lang tayo rito?"



"Oo nga pala, baka makita pa tayo ng Daddy John mo na nag-iiyakan at mag-alala pa 'yon. Alam mo namang bipolar ang dad mo," nagpapatawang sabi niya habang pinupunasan ng tissue ang kanyang mga luha.



"Mabuti na lang mommy di po ako nagmana kay daddy ng pagiging mainitin ang ulo. Kung di ano na lang kaya nangyari sa akin ngayon?" nagpapatawang wika pa ng kanyang anak.



"Ewan ko anak," nakangiwing sagot niya habang iniisip ang itsura ni Akhi na nagagalit na lang agad ng katulad ni John. "Huwag naman sanang ma-trigger o mangyari na huli na lumabas ang resulta na may Borderline Personality Disorder ka rin katulad namin ng daddy mo. 'yon nga lang mas malalala 'yong kanya."



"Sana nga mommy. Kung di baka parang lagi po tayong nasa war zone niyan araw-araw," nakangiting wika nito pagkatapos ay sabay na lang silang napatawa.



Sa pagtatawanan nilang dalawa ng kanyang anak ay hindi sinasadyang napatingin siya sa dingding kung saan nakasabit ang orasan.



"Naku anak kailangan na nating mag-ayos paparating na mga tita mo. Tawagin mo na lang si Aling Charito para tapusin ang paghahanda sa lamesa pagkatapos ay umakyat ka na rin sa kuwarto mo para magbihis."



"Opo mommy. Sige na po kasi baka nakasimangot na si daddy dahil hanggang ngayon ay di pa kayo umaakyat sa kuwarto niyo," nakangiting wika ni Akhi sa kanya.




"Sinabi mo pa..." Natatawang sagot niya sa kanyang anak. Nai-imagine niya na kasi ang reaksyon ng asawa niya.



Nagmadali na siyang umakyat papunta sa kanilang kuwarto upang magbihis. Pagpihit niya ng seradura ng pinto ay bumungad agad sa kanya ang seryosong mukha ng asawa.



Nakita niyang nakabihis na 'to ng simpleng puting t-shirt at pulang urban pipe short na ibinigay ko pa sa kanya noong nakaraang buwan. Humakbang siya papasok sa kanilang kuwarto pagkatapos ay sinarado ang pinto.



Humalik muna siya sa pisngi ng asawa pagkatapos ay dumiretso sa kanyang closet para kunin ang nakahanda niyang damit.



Napili niyang suotin ang puting dress na may mga sunflower na disenyo. Naalala niyang 'yon ang binili sa kanya ni John unang pumunta sila nito kasama ng kanilang anak na si Akhi.



Nasasabik na siya sa muling pagkikita nila ng kanyang mga kaibigan. 'yong huling kita kasi nila ay no'ng kaarawan pa ni Sebastian. Dahil nga sa may mga kanya-kanya na kaming pamilya ay limitado na rin ang oras at araw na nagkikita at nagkakausap sila ng kanyang mga kaibigan.



Alam niyang magiging maganda ang bonding nilang magkakaibigan kasama ng kanilang mga anak.

Komento sa Aklat (7)

  • avatar
    Evander Sarabia

    500

    16/06/2024

      0
  • avatar
    Cherry Ramos Amoroso

    Very good

    10/06/2024

      0
  • avatar
    ReyesPrincess

    ganda

    03/05/2024

      0
  • Tingnan Lahat

Tapusin

Mga rekomendasyon para sa iyo