Homepage/BEASTLY SERIES 2: THE BEASTLY HEIR/
CHAPTER 14
“Akhi…sasama ka ba papunta sa dance floor? Parang gusto ko kasing subukan na sumayaw,” bulong ni Allysa sa kanya habang sumusunod sa saliw ng musika ang kanyang katawan. Sumasayaw siya habang nakaupo sa tabi ko at sini-sway ang kanyang kamay at braso.
Nagdalawang-isip siya sa alok ng kanyang matalik na kaibigan. “Pasensya na Allysa pero kasi di ko kayang sumayaw kasama ang ibang tao.”
“Hay naku Akhi. Sometimes learn how to loosen yourself. Huwag masyadong mag-isip sa sasabihin ng ibang tao. Be yourself,” pangaral na sabi sa kanya ni Allysa pagkatapos ay naglakad papunta sa gitna ng dance floor kung saan may mga makukulay na ilaw at mga babae’t lalaki na sumasayaw sa saliw ng tugtuging “Closer”.
Tahimik na lang siyang nakamasid sa matalik na kaibigan niyang masayang-masayang sumasayaw sa gitna ng dance floor. Mabuti na lang ay mangilan-ngilan lang ang sumasayaw dahil puro mga abala ang ibang mga nandito sa bar sa pakikipag-usap at pakikipagtawanan sa mga kaibigan o barkada.
“Ahemmm…nakalimutan mo atang may kasama ka rito.”
Oo nga pala. Nawala sa isip ko na kasama pala namin si Sky.
“Pasensya na. Nalibang kasi ako kapapanood ng mga sumasayaw lalo na kay Allysa.”
Pakiramdam niya e nanlalamig siya sa isiping dalawa lang sila ni Sky na nasa table.
“Ayos lang. Nakakalibang naman talaga panoorin ang mga taong sumasayaw. Bakit pala di ka sumama kay Allysa? Don’t tell me di ka sumasayaw?”
Sumipsip muna siya ng mango shake bago sumagot sa tanong ni Sky.
“Hindi naman. Wala lang talaga ako sa mood sumayaw. Saka 1st ko kasing pumunta sa ganitong lugar kaya parang naninibago pa ako.”
“Sabagay, kahit din naman ako noong 1st time kong pumunta ng bar e nanibago rin ako. Hindi kasi ako sanay sa masyadong maingay na paligid.”
Napalingon ako sa kanya dahil sa sinabi niyang iyon.
“Parang di ka naniniwala sa sinabi ko ah? Mayabang man ako sa iyong paningin e gusto ko pa rin ng medyo tahimik na kapaligiran. Pero dahil niyaya ako noon ng kaibigan ko e sumama ako kasi katatapos lang ng mga exams namin noon.”
“Mabuti naman at alam mong mayabang ka,” nakangiting sagot niya rito.
“You know what Akhi. I like you…masyado ka kasing prangka. Sinasabi mo kung ano ang totoo.”
Pakiramdam niya ay nag-init ang dalawang pisngi niya dahil sa sinabi ni Sky sa kanya. “Tse!” sabi niya sabay irap sa binata.
“Ever since na nakita kita noong first day ko sa school ay nagandahan na agad ako sa iyo. Now that I have this courage, at wala si Allysa ay gusto kong sabihin sa iyo na gusto kita,” seryosong wika ni Sky habang diretsong nakatingin sa mga mata ko.
Hindi ako nakapagsalita dahil sa gulat. Gustuhin man niyang ibuka ang bibig o ibaling sa iba ang kanyang tingin ay hindi niya magawa. Pakiramdam niya ay may magnet ito at parang gusto na lang niya tingnan ang mukha nito.
Gusto niya na rin ba si Sky?
“Hoy Sky at Akhi! Ano ýang ginagawa ninyong dalawa? Naglalaro ba kayo ng staring contest? Aba’t di ninyo man lang ako hinintay na sumayaw.”
Bigla na lang siya napabalik sa wisyo nang marinig niyang nagsalita si Allysa. Parang biglang nawala ang mahika na kanina ay lumukob sa kanila ni Sky.
Uminom muna siya ng tubig. Pakiramdam niya ay bigla siyang nauhaw.
“Aba, wala man lang sumagot sa inyong dalawa! Siguro…”
“Ano ka ba, Allysa. Pagod lang iyan. Ikaw naman nag-iisip ka kaagad ng kung ano,” palusot na sabi ni Akhi sa kaibigan.
“Sandali lang girls ha? Pupunta muna ako sa C.R. kayo na munang dalawa ang mag-bonding,” paalam ni Sky na ikinatango naming dalawa ni Allysa.
Palakad-lakad siya sa loob ng cubicle habang nag-iisip kung gagawin niya ba ang inuutos sa kanya ni Joan.
Iniisip niya pa lang na sasaktan si Akhi ay parang unti-unti na siyang pinapatay nito.
Hindi niya kayang saktan ang dalaga. Iyon ang totoo. Pero ano bang dapat niyang gawin?
“Kung kailangan mong gahasain ang babaeng iyan. Gawin mo…basta makaganti lang ako sa magulang niya!”
Napasabunot na lang siya sa kanyang buhok habang nag-iisip kung anong puwede niyang gawin.
Mayamaya ay may narinig siyang katok sa pinto kung nasaan siya.
“Pare, baka naman puwedeng bilisan mo. Kanina ka pa nandiyan sa loob,” inis na wika ng lalaki.
“Oo lalabas na!”
Binuksan niya na agad ang seradura ng pinto saka lumabas na. Alam na niya kung ano ang dapat gawin. “Patawad Akhi. Alam kong masasaktan ka kapag nalaman mo ang tungkol dito.”
Naglakad na siya pabalik sa table nila. Nakita niyang nagtatawanan ang dalawa. Di niya napansing napadako na pala ang mata niya kay Akhi.
Nakikita ko ang kasiyahan sa kanyang itsura habang kasama si Allysa.
“Hays…Sky, ano bang problema ang pinasok mo?” tanong niya sa kanyang sarili.
Umupo na agad siya pagkarating sa kinaroroonan ng lamesa nila.
“Sky, bakit parang ang lungkot mo? Bumalik ka lang galing sa banyo e para ka ng namaligno,” nagtatakang tanong sa kanya ni Allysa.
“Ahh wala lang ito…medyo nagulat lang ako sa nakita ko sa banyo e.”
“Ha? Bakit? Anong nakita mo roon?” sabay na tanong sa kanya ng dalawa.
Napangiti na lang siya at umisip ng idadahilan.
“Kasi nakita ko sa salamin ang kaguwapuhan ko. Ayon medyo nagulat lang ako kasi…”
Naputol ang kanyang pagsasalita dahil sa sabay na paghampas sa kanya ng dalawa sa kanyang kanang balikat.
“Ikaw talaga. Puro ka kalokohan. Akala namin kung napaano ka na,” inis na sabi ni Akhi sa kanya.
“Oo nga naman! Iyon pala naguwapuhan ka lang masyado sa sarili mo,” pairap naman na sabi sa kanya ni Allysa.
“Tama na nga iyan! Niloloko ko lang naman kayo e. Masyado kasi kayong nag-aalala sa akin.”
“Aba… siyempre naman. Kami kasama mo e! Mamaya sabihin ng mga makakakita sa atin e binasted ka ng isa sa amin,” pamalditang sagot ni Allysa sa kanya.
Nakita niyang namula ang mukha ni Akhi at parang hindi mapalagay sa kanyang upuan.
“Tama na nga iyan, Allysa. Pag-usapan na lang natin ang nalalapit nating graduation.”
“Okay fine… iyan na nga lang ang pag-usapan natin kaysa naman magmukha akong thirdwheel dito sa inyo,” nang-aasar na sagot ni Allysa. I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (7)
Share
Mga Kaugnay na Kabanata
Mga Pinakabagong Kabanata
500
16/06/2024
0Very good
10/06/2024
0ganda
03/05/2024
0Tingnan Lahat