Homepage/BEASTLY SERIES 2: THE BEASTLY HEIR/
CHAPTER 13
LUMIPAS ang tatlong linggo ay nasanay na rin siya sa presensiya ng binata. Kung noong una ay kinaiinisan niya ang pagiging mayabang, at ang pagiging palabiro nito. Ngayon ay parang wala na sa kanya 'yon.
Sa pagiging magka-groupmates nila ni Sky sa thesis kasama ang dalawa niyang kaklase pati na ng bestfriend niyang si Allysa ay mas nakilala niya ang katauhan nito. Nakita niya kasing likas na sa lalaking ito ang pagiging mayabang dahil siguro sa kinalakihan nitong lugar sa ibang bansa. Wala na sigurong makakapagpabago ng ugali meron ang lalaki.
Idagdag pang ang bestfriend niya ay wala ng ibang ginawa kung hindi ang tuksuin siya sa binata. Umamin pa ito na sumuko na raw siya kay Sky at hinding-hindi na raw niya pagpapantasyahan dahil nakalaan na raw ito sa akin.
Sana nga lang hindi malaman ng Daddy John niya na may kagrupo siya na lalaki. Ayaw niyang dahil sa kanya ay magkaproblema pa sila dahil plantsado na nila ang kanilang gagawin para sa thesis defense nila.
DUMATING na rin ang araw na kanilang hinihintay. Silang lima ngayon ay mga nakasuot ngayon ng pormal na damit habang nakaharap sa kanilang tatlong panelist.
Mabuti na lang bawat bahagi ng kanilang thesis ay pinag-aralan nila kaya bawat ibigay na tanong sa amin ay nasasagot namin. Bawat grupo ay binigyan lamang ng dalawampung minuto upang ipakita ang mga inihanda naming presentation.
Natapos ang dalawampung minuto at nakita naming na ang tatlong panelist ay nakangiti at pinapalakpakan kami.
“Job well done to your group Akhi!” sabay-sabay na sabi ng mga panelist namin.
Ang tanging ginawa na lang naming lima ay nagtatalon, at umapir sa isa’t isa. Lumabas kaming lima na maluwag ang dibdib, at walang iniintinding defense.
Habang inaalala nila ang mga ginawa nilang paghahanda noong bago sila mag-defense ay naglalakad naman sila sa hallway pabalik sa kanilang classroom para kunin ang mga gamit nila upang umuwi.
“Sige Akhi, Allysa, at Skylar mauna na kayo sa amin kasi magpapalit pa kami ng damit,” nakangiting sabi ni Sydney saka nagpaalam na kasama ni Marielle pagkatapos ay kumaway sa kanila.
“Mabuti na lang at tapos na tayo mag-defense. Makakatulog na rin ako nang mahimbing. Ilang araw rin kasi akong napuyat kaka-memorize ng thesis natin na iyan. Pakiramdam ko naubos na lahat ng brain cells ko,” natutuwang sabi ni Allysa sa kanya.
“Oo nga e. Mabuti na lang ay makakapagpahinga na rin tayo kasi malapit na ang Final Exam natin,” namimilog ang mga matang sagot ni Akhi.
“Kaya bago pa ang Final Exam magpunta tayong tatlo sa mall para gumala,” singit naman ni Skylar sa usapan nila.
KINABUKASAN ay masaya siyang pumasok sa kanilang classroom. Pagpasok niya ay wala pa ang kanilang professor kaya nakipagkuwentuhan muna siya.
Ilang minuto lang ay dumating na rin ang kanilang professor kaya nagsibalikan na sila sa kanilang mga upuan para makinig sa sasabihin nito.
Mabuti na lang ay wala silang lesson ngayon. Ipahinga raw muna namin ang isip namin. Maghanda na lang daw kami sa susunod na linggo para sa finals naming sa kanya.
Paglabas ni Maám Rodriguez lahat kami ay napahiyaw, at nagpalakpakan dahil sa sinabi niyang iyon. Mukhang natuwa ito sa resulta ng thesis defense nila.
"Hi Akhi, ano tuloy ba tayo ngayon sa mall para mag-unwind man lang?" tanong ni Skylar sa kanya.
Mabuti na lang ay wala na silang klase kaya malaya na nilang gawin ang gusto nila.
Ang ibang kaklase nila ay uuwi na. Ang iba naman ay gagala katulad nila.
Bigla namang humawak sa kanang braso niya si Allysa. "Papayagan ka naman siguro ng mommy mo di ba Akhi?"
"Oo naman! Saka hindi ba ise-celebrate pa natin ang pagiging successful ng defense natin no'ng Monday? Kaya tara na!"
Speaking of thesis, naging maganda ang resulta ng kanilang defense di niya nga akalaing makakakuha sila ng flat 1. Worth it naman ang ginawa naming overnight sa bahay ni Allysa ng ilang beses.
Napatunayan din ni Skylar na talaga ngang matalas ang kanyang isipan sa pagme-memorize ng mga nakapaloob sa thesis dahil halos mga tanong ng panelist ay nasagot niya.
"Hoy, Sky natulala ka na naman katitig kay Akhi habang nagsasalita siya. Mukhang gandang-ganda ka na naman sa bestfriend ko," nanunuksong sabi ni Allysa habang mahinang tinapik ang balikat nito.
Nakita niyang bahagyang namula ang pisngi nito. Dahil siguro sa panunukso ni Allysa.
Ngumiti muna ito bago sumagot kay Allysa. "Nakatingin lang ako kay Akhi. Saka masama bang i-appreciate ko ang kagandahan ng bestfriend mo?"
"Tumigil na nga kayong dalawa r'yan. Alam kong maganda ako kaya huwag niyo ng pagtalunan pa. Ano na? Aalis ba tayo o magbabangayan na lang kayo hanggang mamaya?" nakasimangot na tanong niya kina Sky at Allysa.
"Hay naku, masyado namang bilib sa sarili 'tong bestfriend ko. Teka may tatanungin lang ako kay Sky," sabi pa ni Allysa pagkatapos ay naka-crossed arm na tumingin sa binata. "Oy Sky, bakit ba puro si Akhi ang sinasabihan mo nang maganda? Di ka ba nagagandahan sa akin? Para namang di mo ako kaibigan niyan. If I know may gusto ka lang sa kanya," dagdag pang sabi niya habang kitang-kita ang pabirong pagkainis sa mukha nito.
"Siyempre maganda ka rin Allysa. Pero mas maganda pa rin sa paningin ko si Akhi. Kahit sinong lalaki naman ay puwedeng magkagusto sa kanya. Actually pareho naman kayo ni Akhi na hindi mahirap magustuhan. Kaya tara na para makapaggala pa tayo nang matagal sa Robinson's Ortigas."
“Hay naku, itigil niyo na nga iyang dalawa! Kung mag-usap kayo sa harapan kong dalawa parang wala ako rito,” inis na sabi niya sabay hila kay Allysa.
KASALUKUYAN silang nag-iikot na tatlo sa loob ng mall. Wala silang ibang ginawa kung di ang kumain at maglaro sa arcade para kahit papaano ay malibang sila.
Nakisakay siya kay Allysa pati na rin si Skylar sa sasakyan nito. Hindi na siya nagpasundo sa driver niya para ihatid sa mall na pupuntahan nila. Ganoon din si Skylar, hindi na rin siya sumakay sa motor niya para diretso na sila papuntang mall.
Hindi na nakasama ang ka-groupmate niyang sina Marielle at Sydney sa selebrasyon nilang 'yon dahil may mga biglaang lakad din ang mga ito.
Walang pagsidlan ang kasayahang nararamdaman niya ngayon. Dahil bukod sa may bago siyang kaibigan sa katauhan ni Skylar ay malaya na siyang gawin kung ano ang gusto niya. Hindi katulad noong nasa poder siya ng dati niyang pamilya.
Naglibot-libot sila sa loob ng Time Zone. Nariyang naglaro kami ng basketball, nag-car racing, air hockey, at space invaders. Huling pinuntahan naming ay ang Time Crisis
"Akhi, ano naman ang gusto mong sunod nating gagawin pagkatapos maglaro ng Time Crisis? Alas singko pa lang naman ng hapon kaya may oras pa tayong magsaya," nakangiting sabi ni Allysa habang tuwang-tuwang binabaril ang mga kalaban.
"Wala akong ideya kung ano pang puwede nating sunod na gagawin. Baka si Sky may ideya," sabi ko sabay tingin sa binata.
"Wait guys, gusto niyo bang mag-bar tayo? Try lang natin para maiba naman. Saka di na naman tayo mga menor de edad kaya papapasukin na tayo do'n."
"Pe-ro baka mabastos naman kami r'on. Di ba kapag sa bar maraming mga manyak? Saka ang alam lang ng parent's namin ay mall lang ang pupuntahn natin.”
"Don't worry Allysa akong bahala sa inyo ni Akhi. Hindi ako papayag na may bumastos sa inyo," sabay angat ng braso nito at pumorma na parang sasali sa Body Building Contest.
"Naku siguraduhin mo lang kung di, lagot ka sa amin ni Akhi ikaw ang mabububugbog namin kasama 'yong manyakis kung sakali," nagbabantang sagot nito kay Sky. "Ano Akhi sasama ba tayo o rito na lang tayo sa mall para manuod na lang tayo ng sine?"
Nag-isip muna siya ng ilang segundo kung “oo” ba siya o “hindi” ang isasagot niya. Gusto niyang maranasan ang pumasok sa bar pero nagdadalawang isip siya.
Dahil baka magalit sa kanya ang mommy at daddy niya kung sakaling nalaman ng mga ito na pumunta siya sa bar kasama sina Allysa at Sky.
"Ahhhm... Magtatagal ba tayo sa bar o hindi? Saka ano bang ginagawa sa bar? Sorry kasi wala akong ideya r'yan kasi dati wala akong ginawa kung di ang magtrabaho kaya wala akong time para magsaya," malungkot na wika niya sa dalawa. Nakatayo siya likod ng mga ito habang nanonood sa kanila na naglalaro.
"Para malaman mo kung anong ginagawa sa bar ay tara ng pumunta r'on." Namimilog ang mga matang sabi nito sa kanya.
Nakita niyang biglang binitawan ni Sky ang hawak nitong laruang baril. Pagkatapos ay walang sali-salitang hinila silang dalawa palabas ng Tom's World.
Ang ibang mga taong nakakasalubong nila ay napapatingin na lang sa kanila. Mabuti na lang ay nakapantalon at t-shirt sila ni Allysa noong pumasok. Kung nagkataong naka-dress siya baka kung ano na lang ang maging itsura nilang dalawa habang hila ni Sky.
"Ano ba naman 'yan Sky! May lakad ka ba? Parang ginawa mo kaming dalawa na paper bag habang hila-hila mo ang braso namin!" angil na sabi ni Allysa habang hinihimas-himas ang braso nitong medyo namumula.
Nakataas ang kilay na tumingin siya sa binata. "Oo nga Sky, talo mo pang may lakad. Saka di pa kami umo-oo sa pagpunta natin sa bar kinaladkad mo na agad kami. E kung bugbugbogin ka kaya naming dalawa?"
"Tamang-tama may taxi, kaya tara na! Sumakay na tayo sa taxi. Huwag na kayong umangal pa. Sagot ko na lahat. Remember magsasaya tayo ngayon. Saka ilang araw na lang Graduation Day na natin kaya huwag na kayong tumanggi,” nakangiting wika ni Sky sa kanila ni Allysa.
Binuksan pa nito ang pinto ng taxi sa likod pagkatapos ay inalalayan sila sa pagpasok. Pagkasakay nila ay saka naman ito pumasok sa loob ng taxi katabi ang taxi driver.
"Manong sa may Aora Bar and Restaurant tayo sa may Marikina," seryosong sabi ni Skylar sa taxi driver.
NARAMDAMAN ni Skyler na nag-vibrate ang kanyang cellphone kaya kinuha niya ito sa bulsa ng kanyang pantalon para tingnan kung sino ang nag-text.
From: Ma'am M.
"Ano magagawa mo ba ang plano natin ngayon? Siguraduhin mong magagawa mo kung hindi ay alam mo na ang mangyayari."
Biglang nawala ang ngiti sa kanyang mukha. Hindi niya na sinagot ang text. Binura niya muna ang text pagkatapos ay binalik na lang agad niya ang cell phone sa kanyang bulsa.
Wala siyang magawa kung hindi sundin kung ano ang plano. Buong akala niya n'on ay hindi mangyayaring mahulog siya sa babaeng 'yon pero umpisa pa lang na makita niya ito ay may kakaiba na siyang nararamdaman para rito.
Natuturuan ang isip pero hindi ang puso. Kaya alam niya na sa simula palang na ang plano ay hindi ito magiging matagumpay.
"Skyler, nandito na raw tayo sabi ni manong," sabay na sabi sa kanya nina Allysa at Akhi.
Tumingin siya sa labas ng bintana at nakita ang nakasulat sa karatula sa labas nito. Ang Aora Bar and Restaurant na laging pinupuntahan ng mga kabataang tulad nila na nagliliwaliw pagkatapos ng klase.I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (7)
Share
Mga Kaugnay na Kabanata
Mga Pinakabagong Kabanata
500
16/06/2024
0Very good
10/06/2024
0ganda
03/05/2024
0Tingnan Lahat