CHAPTER 12

Ilang araw simula ng mag-transfer si Skylar sa school namin ay halos nakasundo na niya ang mga kaklase naming, at parang hindi siya transferee kung umasta.


Idagdag pa na parang naka-glue na siya sa amin ni Allysa dahil kahit saaan kami magpunta ay nakabuntot na siya. Nandito kami ngayon sa cafeteria habang hinihintay ang afternoon classes namin.


“Akhi, bakit ayaw mo pang kainin iyang carbonara mo? Kanina mo ko pa nakikitang nilalaro-laro mo iyan,” nakakunot-noong sabi sa akin ni Allysa.


“Oo nga naman, Akhi. Kainin mo na iyan kasi mamaya may klase na tayo. Ayoko pa namang magutom ka.” Nakangiting sabi sa kanya ni Skylar pagkatapos ay kumindat.


Matalim niyang tinignan si Skylar bago sinubo ang carbonarang nasa tinidor niya.


Siniyasat naman sila ng tingin ni Allysa. “Ehem… Baka nakakalimutan ninyong nandito ako sa harap ninyo. Saka Sky may tanong lang ako ha?”


Napatingin naman si Skylar kay Allysa. “Ano namang tanong mo sa akin, Allysa?”


Ngumiti muna si Allysa kay Akhi bago nagtanong. Parang sinasabi nito na makinig lang kung anong isasagot ni Skylar sa tanong niya. “Sino ba kasi ang gusto mo sa amin ni Akhi? Napapansin ko kasi e palagi kang sa amin sumasama. Baka isipin ng mga kaklase natin na bakla ka o kaya naman ay may gusto ka sa isa sa amin.”



“Ang totoo niyan ang gusto ko talaga ay bakla ako,” seryosong sagot nito. Ngunit mayamaya ay ngumiti. “Biro lang, ang totoo e gusto ko si Akhi.”


Pagkarinig ko sa pangalan ko ay bigla na lang parang may bumara sa lalamunan ko at di ko na napagilang mapaubo. Kaya dali-dali kong kinuha ang mineral water na nasa harap ko, at saka uminom.


Ganito ba talaga ang pakiramdam kapag personal na umamin sa iyo ang lalaki na gusto ka niya?


“Ayos ka lang Akhi?” sabay na tanong ni Skylar, at Allysa sa kanya.


“Oo ayos lang ako. Puwede ba sa susunod huwag kayong mag-uusap ng tungkol diyan lalo na kung kumakain tayo,” inis na sabi niya sa dalawa. Pakiramdam niya ay may pumasok sa ilong niya na strand ng pasta. Dahil sa pagkakasamid niya.


“Sungit!” Sabay na sabi ng dalawa pagkatapos ay itinuloy na ang pagkain.


Inisip na lang niya na wala siyang narinig, at parang walang nangyari. Hindi niya na lang pinansin dahil ilang minuto na lang ang natitira bago magsimula ang afternoon classes nila.


Pagkatapos naming kumain ay sabay-sabay na kaming tumayo palabas ng cafeteria. Kahit isa sa kanila ay parang walang gustong magsalita.


“Akhi…Allysa…mag-CR lang muna ako ha? Mauna na kayo sa classroom. Susunod na lang ako,” wika ni Skylar sa aming dalawa saka naglakad na palayo.


“Allysa, bakit ang tahimik mo?” nagtatakang tanong niya kay Allysa.


Hindi ito sumagot kaya sinundot niya ito ng hintuturo niya sa tagiliran nito. Alam niya kasing malakas ang kiliti nito doon.
“Tama na Akhi. Huwag mo na akong kilitiin. Oo na, kakausapin na kita,” sabi ni Allysa habang hawak ang kanyang kanang tagiliran pagkatapos ay lumayo ng kaunti sa kanya.


“Dahil ba sa kaninang sinabi ni Sky? Kaya ka nananahimik?” naninigurong tanong niya sa kaibigan.


“Oo, alam mo namang crush ko iyong tao. Kaso saying ikaw pala ang gusto. Pero dahil bestfriend kita ibibigay ko na lang siya sa iyo,” sabi niya sabay hawak sa kanyang kanang braso. “Alam mo namang mas mahalaga ka sa akin kasi bestfriend kita kaya okay lang na ikaw ang magustuhan niya.”


“Hmmnn…maniwala ako sa iyo. Alam ko namang mahalaga ako kasi nakakakopya ka sa akin,” natatawang sagot niya sa kaibigan.


“Hoy grabe ka naman sa akin! Totoo naman iyon e!” Namumula ang mukhang sagot ni Allysa sa kanya.


“Oo na! Naniniwala na. Saka don’t worry hindi ko naman gusto si Sky kaya okay lang na pagpantasyan mo pa rin siya,” natatawang sagot niya kay Allysa.


Nakataas ang kilay na tumingin sa kanya si Allysa. “Sigurado ka? Hindi mo siya gusto? Hindi ka man lang naguwapuhan sa kanya?”
“Oo nga…swear!” sagot niya habang nakataas ang kanang kamay.


Napansin niyana nakatingin lang sa kanya si Allysa, at halatang hindi makapaniwala sa sinabi niya. “Tingnan natin kung hindi ka magkakagusto sa kanya kapag tinukso na kita sa kanya.”



Nagsimula na ang kanilang klase sa kanilang Filipino subject. Ang activity namin ngayon ay tungkol sa hinahangaan naming lalaki bukod sa aming ama. At ang masaklap pa ang puwede lang naming ilagay na pangalan ay ang sa klase namin.


“Maám Rodriguez, tanong ko lang po. Puwede naman pong pangalan ng babae para po sa hinangaan?” tanong niya at umaasang puwedeng babae ang mailagay niya.


“Hindi puwede. Hindi naman porket hinahangaan ay ibig sabihin nito na gusto mo siyang maging kasintahan. Ibig sabihin ng hinangaan ay may isang bagay ka na nakita mo sa kanya na naging dahilan kung bakit hinangaan mo siya. Ganoon din sa lalaki, dapat ay babae naman ang ilalagay nilang hinahangaan nila. Halimbawa hinangaan mo siya dahil ang linis niyang tignan,” paliwanag sa kanya ng kanyang guro.


“Alam ko na Akhi kung sino ang puwede mong ilagay. Si Sky… hindi ba Sky?” nanunuksong sabi sa kanya ni Allysa.


Ngumiti lang si Sky sa bestfriend niya na alam niyang tinutukso lang siya ni Allysa.


Hay bahala na nga! Ang president na lang nila sa classroom na si Edi ang ilalagay niya tutal naman ay magaling itong mag-manage ng kanilang classroom.


` Narinig nilang tumunog na ang bell. Hudyat na natapos na ang kanilang klase kaya pagkatapos magpaalam ni Ms. Rodriguez sa kanila ay sunod-sunod na nagpasa ng kani-kanilang mga papel ang mga kaklase niya saka lumabas na ng classroom.


Hinabol niyang ipasa ang kanyang papel sa kanilang guro saka bumalik ulit sa kanyang upuan.


“Akhi ano? Sinunod mo ba ang sinabi ko sa iyo kanina?” nakangiting sabi sa kanya ni Allysa.


Kanina pa siya naiinis sa kaibigan niyang ito pero hindi niya na lang pinapatulan. Saka alam niyang tinutukso lang siya nito.
“Oy…Akhi! Hindi mo ba talaga type si Sky?” tanong ni Allysa sa kanya habang nakatayo sa harap niya.


Mariin niyang pinaglapat ang kanyang mga labi bago sumagot. “Hindi. Kaya puwede ba huwag mo na akong tuksuin sa kanya. Nakakahiya kay Sky mamaya umasa iyong tao.”


“Sigurado ka?” Hindi makapaniwalang tanong sa kanya ni Allysa.


Tinignan niya na lang ito nang masama. Nagkibit-balikat lang ito saka bumalik na sa kanyang upuan. Mabuti na lang ay wala si Sky sa tabi niya kung hindi ay baka masaktan ito sa narinig niya sa usupan nila ni Allysa.”


Mayamaya ay biglang pumasok si Sky sa classroom nila kasama ang ibang mga kaklase naming lalaki pati ang president naming si Edi.


Nakita kong may kinuha siya sa bulsa niya pagkatapos ay may inilapag siya sa lamesa ni Allysa. Naglakad na ito patungo sa katabing upuan niya saka may inilapag din sa lamesa ko.


Pagtingin ko ay kendi na “fresh” tapos may nakasulat pa na “I like you” pakiramdam niya ay nag-init ang dalawang pisngi niya.

Kaya umiling-iling siya para bumalik ulit siya sa reyalidad saka ipinagkibit-balikat niya na lang dahil ayaw niyang bigyan ng kulay ang kendi na ibinigay nito sa kanya.


Inisip na lang niya na nagkataon lang iyong nakalagay sa kendi. “Nagkataon nga ba talaga o talagang nagpapahiwatig siya nito na gusto talaga siya ni Sky?”

Komento sa Aklat (7)

  • avatar
    Evander Sarabia

    500

    16/06/2024

      0
  • avatar
    Cherry Ramos Amoroso

    Very good

    10/06/2024

      0
  • avatar
    ReyesPrincess

    ganda

    03/05/2024

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata