Dalawampu

“Prepare for blood transfusion!” utos nang doctor.
Sana kahit sa ganito man lang, ay makabawi ako sa kapatid ko. Nag-aalangan pa akong magpatest, kung pareho nga ba kami ng dugo, dahil hindi padin ako buong buong naniniwala na buo kaming magkapatid, pero tanggap ko nang parehas kami ng pinagmulan na ina.
FLASHBACK
“Ikaw lang ang pwedeng magbigay ng dugo sa kanya? Compatible ang dugo niyo pareho.” nagugulat na lang akong tumingin sa kanya, bago ako tumango.
End of flashback.
Sa ngayon parehas na kaming nasa E. R ulit, at naghihintay sa procedure na gagawin nila. Ewan ko kung ilang dugo ang mawawala sa akin, pero wala akong pake na sa ngayon basta ang mahalaga, maligtas ko ang kapatid ko.
-----------------
Sa kabilang banda naman, si Kyle na nasa labas ng E. R at nanalangin na sana kayanin nila. Tahimik siyang nakaupo, at nakatitig sa pintuan ng E. R.
Hindi niya kayang maalis ang mga mata niya dito, at kahit ang mga nurse na nagbibigay nang assistance Sa kanya ay pinapabayaan niya. Ang gusto niya lang naman ay hintaying matapos ang nangyayari sa loob, at hintayin ang magandang balita.
“Sir, gusto niyo po bang mag kape?” tanung nang nurse sa kanya ulit. Linibot ng mga mata niya ang buong paligid, hanggang sa napatingin narin siya sa bintana nang floor na yun, at napansin niyang gabi na.
Bumalik naman ang tingin niya sa nurse na nag-alok sa kanya, tsaka ngumiti ng tipid.
“Sige. Pakuha na lang ako.” sabi niya, at bumalik nanaman ang tingin niya sa pintuan.
“Pag-gising mo dyan, pakakasalan na kita.”
Hanggang sa ilang minuto na ang lumipas, at dumating ang Nurse na nag-alok sa kanya ng kape. Inabot niya iyon, at tsaka siya tahimik ulit na sumandal sa upuan niya.
“Anak? Kyle? Kamusta na siya? Anong nangyari ba?” isang boses nang taong nag-aalala ang narinig niya sa kung saan. Tumingin siya sa gawi nun, at doon niya nakita ang tunay niyang amang humahangos na papalapit sa kanya.
MR. MONTAVERDE.
“Sinasalinan na lang po siya ng dugo” magalang niyang sagot.
Taka siyang tumingin sa anak niya, nang marinig niya iyon.
“S-sinong n-nagbigay?” parang kabadong ani nang matanda.
“Tsk. Si Harvey po.”magalang padin niyang aniya. At tsaka siyang walang paki-alam sa parang kabadong tinig nang ama niya.
“Did she already knew?” wala sa lugar niyang tanung.
“Yeah. And also him. He already knew too.” walang kagatol-gatol na sagot niya sa ama.
“But you promised me! You promised me, that you didn't tell that to anyone, especially them ” matigas na aniya niya sa anak. Wala namang paki-alam na tumingin sa kanya ang anak, at tsaka matunog na bumuntong hininga.
“Excuse me Dad! But, I don't care. I don't even like to lie with them anymore. And please! stop with your, with your stupid excuse  anymore. Kailangan nilang malaman, tapos na yang pagiging ama-amahan mo sa kanya.” matigas na sabi niya din sa kanyang ama. Hindi niya mapigil na mapag-taasan din ito ng boses, dahil sa naiinis  na din siya dito.
“Pero, dahil sa kanya, nagkaroon ako nang mabuting  ugnayan sa mama niya, parang siya yung nagdala sakin, para matupad ko ung pangarap kong pamilya kasama ung babaeng minahal ko simula noon. Siya ung nagdala nun, kahit hindi naman talaga siya sakin.” hindi na alam ni Kyle kung saan na sila dadalhin nang pag-uusap nila, pero isa lang ang nasa isip niya.
“At kami? Hindi kami ung pamilyang pangarap mo? Pero kami ung nabuo. Tsk? Bakit pa kasi ikaw ung naging tatay ko? Samantalang ang ginawa lang naman ni mama noon ay ang mahalin ka ng buo. Alam mo? Parehas kayo ni Harvey, Inis na inis ka sa kanya, pero parehas naman kayo. Nagpapanggap kang mabuti sa kanya, pero plastik ka? Tsk? Pangit bang pakinggan na, parehas lang kayo? Nang-iwan nang babae para lang sa babaeng hindi naman sila minahal. Kung hindi para sa anak na pananagutan, pero anak nang iba, ung isa naman para sa babaeng minahal niya, pero nag suicide Kasi hindi na kaya nung babae. Kita mo? Parehas kayo? Parehas kayong hindi  nakikita kung sino ung tunay na nagmamahal sa inyo, ung kahit anong gawin ng taong yun, hindi niyo mapansin kasi sa isang tao lang kayo tumitingin.” mahaba niyang sabi, ngunit hindi pa doon nagtatapos un. “ Ang Pag-ibig nararamdaman yan? Hindi yan pinipili at pinipilit. Mga tanga na lang ung pilit nang pilit, tapos masasaktan. You know dad, when Pag-ibig hits you, you don't  do anything , you just to accept it or feel it. And if you learn to find it by yourself? You well called it Pag-ibig. Pero sa kalagayan mo? Pinilit mo eh, hindi ka naman mahal. Hindi naman kayo minahal, tapos kapalit nun may mga babaeng nasasaktan.”
“I know son. But, I know its to late. Ung sinabi ko kanina, pag-asa ko na lang un, na natapos na matagal ng tapos. Gusto ko lang panindigan ung desisyong ginawa ko. Na alagaan ung batang hindi naman akin, pero pinanugutan ko, at tinuring anak ko din lang. You know son? Ilang beses ko ding sinubukang kalimutan ang mommy mo? Kahit nasa ibang bahay na ako, kayo padin nasa isip ko. Tapos, malalaman ko na lang kinabukasan na ung taong gusto ko ng kalimutan ay mahal ko pala, tsk? Ang tanga ko don sa part na pwede ko namang tulungan na lang sila Rose noon, tapos hindi ko na lang kayo ewan, pwede naman pala. Tanga lang talaga ako. Alam mo ba kung paano ko nalaman na mahal ko na pala ung mommy mo?” kahit ayaw na sanang makipag-usap ni Kyle dito ay tumango na lang din siya, tsaka niya sininyasan itong umupo muna, para hindi mangalay.
“Nung panahon na, nakita ko siyang ikasal at sa mismong kaibigan ko pa. Magkaibigan na kaming matagal nang ama-amahan mo. Nung nakita ko siyang ikasal sa taong kayang magbigay nang higit na pagmamahal, na gaya ng binibigay niya. Doon lang pumasok sa isip kong gago nga ako. Ang tanga kong pinakawalan ko siya, kayo. At nagsisisi ako.” malubha luha niya pang sabi sa mismong harap nang anak niya.
“Wag kang mag-alalala dad, bago pa sila ikasal noon, pinatawad ka na niya. Kasi, kahit alam kong nasasaktan na si mommy noon, tinanggap niyang sa kanya ka daw lang talaga sasaya.” sabi naman ni Kyle sa Amang nasa harap niya.
Nagkatitigan silang mag-ama, at sabay din sumilay ang mga ngiti nila.
“Successful ang naging procedure. Paki-hintay lang ang babaeng pasyente sa kwarto niya. At hintayin na lang siya doong mag recover at magising. Sa lalaki naman na nagbigay, maya-maya ay ayos narin siya” sabay na lumingon ang mag-ama, sa doktor na nagpapaliwanag.
Tumango lang Si Kyle, tsaka dahan dahang lumingon sa ama, at nakita niya itong ngumiti tsaka tinapik ulit ang balikat nito.
“I will just buy, foods and fruits for them” sabi ng ama niya, bago umalis ulit.
-----------------
ROSE P. O. V
Hindi ko na alam kong ilang beses akong umiling kay mommy na wag niya na akong iwan ulit. Na handa naman akong sasama sa kanya, na kaya kong ewan ang mundong kasama sila, para sa mommy kong saglit ko lang nakasama, para sa Daddy kong ngayon ko lang nakapiling at nakasama.
Hindi ko alam ulit kong panaginip lang ba ito, imahinasyon, o reyalidad. Na talagang naglakbay ang kaluluwa ko, papunta sa kanila. Sa totoo lang talaga ayaw ko ng mawala sa piling nila.
“Mommy, gusto niyo po ba talaga akong makasama?”
“Gusto niyo pa po ba akong nandito?”
“Bakit kailangan ko pang bumalik doon, kung dito na ako masaya?”
Nakangiting lumingon sa akin si mommy, at sabay sabing,
“Kung ako magdedesisyon, ayaw na kitang bumalik pa, at mag hintay na lang tayo dito sa kuya mong susunod. Kaso, hindi pwede anak? Hindi mo pa oras, at sa alam kong sa mga oras na ito ngayon, alam kong liniligtas ka na nang kuya mo sa bingit ng kamatayan. Magiging masaya ka doon, hindi nga lang talaga maiiwasan ang problema, at kalungkutan, pero kahit na ganun, alam mong nasa piling mo ung mga taong magpapasaya sayo, anak. Hindi mo sila habambuhay makakasama, kaya habang pwede ka pang bumalik, bumalik ka, kasi sa oras na talagang iiwan mo na sila, hindi ka makakatanggi, kong talagang oras mo nang mamahinga.”

Komento sa Aklat (133)

  • avatar
    Dimple Rose Teves

    i like this

    03/01

      0
  • avatar
    MENDOZAJOHN REX

    potato soup with chicken

    22/04/2025

      0
  • avatar
    Renz Oybobolante

    soo nice cool

    03/04/2025

      1
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata