Homepage/They Called it Pag-ibig/
Labing-siyam
Third Person P. O. V.
The two are restless, while Rose is in the E. R, ongoing for operation. The knife was stabbed too deep into her, so Rose had to be taken to the hospital immediately, before she lost a lot of blood.
They just waited quietly and almost no one noticed, they also did not talk or even stand in their seats. They were both bent over, and they were only staring at the floor.
Tumunog ang pintuan nang E. R at parehas na umangat ang mga mukha nila, para harapin ang doktor na lumabas.
“Dok? Kamusta na siya? Ayos po ba siya?” agad na tanong ni Kyle.
“Mabuti na lang at naisugod niyo agad siya, kung hindi ay baka mas marami pang dugo ang mawawala sa kanya. Sa ngayon, nangangailangan nang dugo ang pasyente. Kaya hindi ko pa masasabing ligtas na siya. ” diretsong tugon ng Doktor sa kanila.
Nang marinig ito ni Kyle, ay wala na siyang sinayang na oras, at kinausap ang doktor para kuhaan siya nang dugo at ibigay ito kay Rose. Hindi naman agad pumayag ang doktor, dahil kailangan munang malaman kong match nga ba sila ng pasyente.
Naiwang tulala si Harvey. Hindi alam kong anong sasabihin at balisa? Dumiretso siya sa bintana, kung saan tanaw si Rose sa loob, na nakahiga at kung ano-anong apparatus ang nakalagay sa kanya.
Awang awa Si Harvey sa kapatid. Hindi niya malaman kong anong gagawin niya kung sakaling may mangyari sa kapatid niyang masama. Hinding hindi niya mapapatawad ang sarili niya.
“Sa oras na gumising ka dyaan. Magiging mabait na ako sayo. Hindi na kita sasaktan. Please.... Just. Wake up. And Be back again. Again in our lives. ” naiiyak niyang sambit. Ngunit kahit anong paki-usap niya ay wala pading nangyayari.
“Your regretting now? Huh? Idiot.” Kyle suddenly appeared on his back. Remaining he's self to calm. “Kung makataboy ka noon akala mo hindi mo kapatid, akala mo hindi iisa ang nanay niyo, na hindi mo matanggap kasi anak daw siya nang iba. Ngayong nalaman mong magkapatid kayong buo, para kang baliw na paulit ulit dyan na bumubulong na bumalik siya. I honestly awe you, when it comes in business matter, but I hate you, when it comes in family matter. Before, I'm trying so hard to defend you, alam mo kung bakit? Because I thought, like me. May gusto ka ding protektahan o kaya naman ay taong gustong iligtas kaya malayo ang loob mo sa kapatid mo, kaso nagkamali pala ako, kasi tanga ka, hindi tayo pareho. Ikaw na? Nagsabing kriminal mismo ang kapatid mo, ikaw na mismong nangloko nang asawa at anak mo? Ikaw na walang ginawa kundi ang pahirapan sila.” pero hindi niya mapigilan kong ano mang gustong sumabog na galit mula sa kaloob looban niya. Alam niyang masakit lahat g sinabi niya, pero hindi niya naman matiis na mas naging malala pa ang ginawa sa kanila nang lalaking nasa harap niya.
Tamara and Rose. Kahit noon pa mang nagsisimula pa lang sa relasyon sila Rose at Kyle, nandiyan na si Tamara para suportahan at payohan sila, pinagbabati kapag may hindi pagkakaintindihan, kaya naman itinuring nang kapatid din Kyle si Tamara.
Kaya't sa hindi malaman na dahilan ni Kyle, kung bakit ganun na lang ang laki ng galit ni Harvey sa kapatid niya at kay Tamara ay dahil yun pala sa babaeng akala niyang pinatay daw nang dalawa, na halos wala namang pruweba na sila talaga.
Naiinis siya sa lalaking nasa harap niya padin ngayon dahil hindi man lang ito gumawa nang paraan para hanapin ang katotohanan, hindi man lang nag sayang ng pera para bigyan ng pagkakataon ang dalawa para magpaliwanag .
“You know what? I want you to punch very hard now. Hanggang sa mawala yang pagmumukha mo, hanggang sa umikot yang mukha mo patalikod.” Naiinis niya pading sabi.
Wala namang naging tugon si Harvey sa sinabi nang kausap niya. Tanging ang pagtitig At kawalan ng emosyon ang namamayani sa kanya.
Kaya't mas lalong nainis si Kyle, at umalis. Kasabay nang pag-alis ni Kyle, ay siya namang paglaput ng Doktor Kay Harvey.
“Bakit hindi mo subukang magpatest? Baka sakaling parehas kayo ng type nang dugo. At kahit papano, dito ka na lang makabawi” sabi ng Doktor sa kanya. Doon lamang siya tumugon at agad na bumaling sa doktor.
“Okay.”
________________
Sa kabilang banda naman, habang nakahiga sa hospital bed ang katawan nj Rose, ay ang siya ding paglalakbay ng isip niya mula sa napakalayong lugar.
“Anak? Masaya ka pa ba? Kaya mo pa ba?” isnag boses nang babae ang tumatawag sa kanyang anak. Nakatayo siya mula sa malawak na kaparangan. Maliwanag at matiwasay
Ramdam niya ang kapayapaan at ang pagiging kuntento. Nakaramdam siya nang pagkasabik na mamuhay sa lugar na kinaroroonan niya ngayon.
“Anak?” tinig nanaman nang isang babae ang pumupukaw sa kanyang atensyon.
“Talaga bang desidido kanna?” sa paglingon niya sa kanyang tabi, ay pagkabigla niya dahil sa hindi niya inaasahang bisita.
“Mommy, sinusundo niyo na po ba ako? Miss ko na kayo?” naiiyak niya nang sabi. Wala siyang sinayang na oras at agad yumakap sa babaeng tinawag niyang mommy.
“Gusto mo na ba? Ngayon na mismo kung gusto mi? Kukunin na kita” hindi malaman ni Rose kung matutuwa ba siya o magagalit kasi, sa paraan nang pagkakasagot niya doon ay parang may halong pagpipigil.
“Yung totoo anak. Hindi minamadali ang pagpapahinga. Malay mo may mas mahalaga ka pang misyon sa ibaba. Malay mo anak hindi ka talaga sa langit.” muli namang tumawa sang mommy niya sa mismong sinabi niya dito.
“Mommy naman ehh. Yung totoo po kasi.” Naiinis niya na namang sambit.
Tumawa nanaman nang mahina ang mommy niya
“Sa totoo lang. Magiging masaya ka pa. Mapapatawad mo pa siya. At malay mong ikaw pa ang dahilan ang pagiging masaya niya.” sa pagkakataong iyon. Doon niya lang naisip na mas may naghihintay pang mga buhay sa kanya. Babawi pa sigurado ang kapatid niya. At pala kasalan pa siya ni Kyle.
Natawa na lamang siya sa mismong naisip. At mas lalong hinigpitan ang yakap sa nanay niya. I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (133)
Share
Mga Kaugnay na Kabanata
Mga Pinakabagong Kabanata
i like this
03/01
0potato soup with chicken
22/04/2025
0soo nice cool
03/04/2025
1Tingnan Lahat