Labing-pito

Maraming nagbago nitong mga nakaraang araw. Katulad na lang ng, pagsama sakin lagi ni Kyle, kahit saan ako pumunta, maliban sa banyo.
Hindi nga lang namin nasasabi pa kay Daddy na alam ko na ang lahat. Napagisip-isip ko na kaming dalawa muna ang makaka-alam.
Status namin, parehas nang in a relationship, pero hindi pa namin sinasabi sa public, kahit alam kong napapansin na nila.
I'm happy with him, and I'm sure he will be a good man now. At noong mga nakaraang araw lang, pilit kong denedeny yun sa sarili ko, I keep telling on myself, that I don't love him anymore, but the fact that I still love him, even if years had been past, between us. I still love him....
Minsan kasi siguro talaga totoo yung nababasa kong kwento sa libro, na kung talagang mahal mo, kung handa kang maghintay, kahit gaanu pa katagal, kayo at kayo sa dulo.
Sa sitwasyon namin, parehas nagkaroon ng malabong unawaan, hindi maayos na usapan. Kaya siguro, medyo hindi din nagkaroon ng chance para mag-usap ulit noon.
But, iba na ngayon, ayos na kami. Ayos na. Ang hindi na lang maayos sa buhay ko, ay ang katotohanang matagal nilang tinago. Hindi lang sakin, kundi pati kay Harvey.
Amputa, magkapatid pala kaming buo, tapos inaaway ako kasi half siblings lang kami! Amputa talaga.
“Are you happy now Rose? Mukhang masaya ka? Sa tingin mo hanggang kailan yan?” nawala ang ngiti ko, nang marinig ko ang boses na yun. Ung boses na halos bigyan ako ng bangungot gabi-gabi. Ung boses nanaman nang lalaking nakausap namin nung isang gabi.
“Ano pa bang kailangan mo sa amin? Sa akin!? Wala ka ng mapapala sakin!” inis na sigaw ko sa kanya.
“Talaga ba? Sa tingin mo maniniwala ako? Pagkatapos kong malaman na kapatid mong buo yung Hayuuf na yun. Sayang? Wala dito mga anak niya, sayang sila na lang sana, mas masakit yun? Mas masakit pa yun para kay Tamara. Sayang lang wala sila. Hindi nila makikita kung paano ka mamatay! HAHAHAHA. Pero pwede rin, sundan ko sila doon pagkatapos ko sayo.” nakangisi niyang sabi sa akin.
Nasa bahay pa ako, tsaka wala akong kasama. Wala pa si Kyle, kasi kakauwi niya lang din para kumuha ng gamit, katulad ng damit sa condo niya.
Wala akong kasama dito! Paano na!
“Wag mo nang subukang tumakas. Hindi ka din lang naman magtatagumpay.” nakakatakot ang paraan nang pananalita niya, hindi ko alam kong bakit, pero natatakot ako!
“Baka sakaling mabuhay ka pa, kung sakaling pumayag yang magaling mong kapatid, na pumalit sa pwesto mo!” sa isang iling kong yun, ay doon na niya kinuha ang baril na nakatago pala sa likod niya. At doon na lumabas ang mga taong naka-itim na kasama niya. Hinawakan nila ako sa kamay at tinali.
Kinuha niya din yung selpon niya, at nagsubok magdial. Nakangisi padin niya akong tinitignan, kahit may kausap na siya sa selpon niya.
“Dalhin niyo na ung sasakyan dito, dito sa mismong harap nang bahay! Bilisan niyo.” sinubukan ko pang magpumiglas sa kanila, pero mas malakas sila sa akin kaya hindi ako makatakas.
Dahil sa ginawa kong yun, ay isang malakas na hampas sa ulo ang naramdaman ko, bago ako mawalan ng malay.
****
Nagising akong masakit may tama sa ulo, ang sakit para akong umiikot. Nahihilo din ako! Putang*** yung humampas, kakalbohin ko yun!
Nagpalinga-linga ako sa paligid, sinusubukan kong hagilapin kong ako lang ba ang mag-isa dito! O may kasama pa ako!.
Hanggang sa mapadpad ang mga mata ko, sa lalaking nakaupo ngayon sa isang box. Parang lumang warehouse itong pinadalhan sa amin, punong puno kasi ng karton at kahon na kahoy!
“Amputa, pakawalan niyo ako!” hindi ko na mapigilang hindi mag mura.
“Napasarap atta tulog mo, napalakas atta ung paghampas ko” Aba't itong kalbong ito, ang humampas sakin. HAHAHA hindi ko na makakalbo yan, kalbo na pala. Hampasin ko na lang din, para patas kami, pero ung kanya ung hindi na magigising.
Wala siyang karapatan para hampasin ako!
“Hayuff kang Gagu ka! Asan ung boss mong panot? Sino siya para kidnappin ako! Aba't hahampasin din kita,” gigil na sigaw ko, nakita ko naman siyang ngumiwi tsaka ako masamang tinignan.
“HAHAHA,maganda ka sana pala mura lang” komento niya. At doon ako mas lalong nainis.
“BUWAHAHAHAHA. panget ka na nga, kalbo ka pa. Atleast ako, maganda. Pero palamura. Astig yun tanga. Hindi mo ba alam? Sa bagay mukha ka namang walang alam!” pang-iinis ko. Mas lalo namang tumalim At sumama ang tingin niya sakin.
Ewan ko kung susugod na ba siya or nagpipigil lang nang inis dahil wala naman siyang ginawa kundi ang ngisian lang ako.
“HAHAHAHA, ang bilis mo namang tanggapin na panget ka. Tanggap mo na ba?” pang-aalaska ko pa. At doon na siya tumayo, at akmang susugod sa akin ng biglang lumabas sa pintuan, ang lalaking dahilan kung bakit ako nakagapos at nakatali ngayon. Ang dahilan kong bakit nandito ako ngayon!
“Tama na yan, hayaan mo siya. Tutal hindi na yan makakaputak kapag nasa hukay na!” walang emosyon niyang sabi.
“Punyeta ka Yael! Ano bang ginawa ko sayo Huh! Wala naman akong ginawa sayo? Kelan ba ako makakalaya dito?” sigaw ko sa kanya.
Wala naman siyang sinabing sagot tanging ang dahan dahan niya lang na paglapit sakin ang ginawa niya.
Tahimik lang naman akong nagmamasid sa gagawin niya. Tahimik lang.
Hanggang sa tumigil siya sa mismong harap ko, masyadong naging mabilis ang galaw niya, naramdaman ko na lang ang mukha kong nanakit dahil sa pagsampal niya, maging ang anit kong masakit dahil sa paraan ng paghawak niya sa buhok ko.
Ang sakit, pero hindi ako umaangal.
“Ano masakit ba? Kulang pa yan.” nakangisi niyang sabi.
Umiling naman ako. Sinampal niya ako ulit.
Tatlong beses niya akong sinampal, bago siya tumayo at saka humugot ng selpon nanaman.
May kung ano siyang pinindot, bago siya ngumisi, ulit. At tinapat ang selpon sa tenga niya, maya maya may narinig na akong kausap niya.
“HAHAHA. unahin ko na kaya itong kapatid mo HARVEY, bago ung mag-ina mo. Tutal hindi mo naman sila kailangan, hindi mo din sila pinahahalagahan.... Huh? Ano? Papatayin ko na? Sigurado ka ba? HAHAHAHA wala ka talagang kwenta.” natatawang aniya.
Parang may kung anong bumara sa dibdib ko at nanakit. Ang sakit, ang sakit marinig sa kapatid ko mismo na gusto niya akong patayin. Na parang ayaw niya akong iligtas
“Paano ba yan? Mamatay ka na daw! HAHAHA. Kawawa ka naman.” hanggang sa nakarinig na lang ako ng putok ng isang baril.
At tuluyan na akong binalot ng takot.

Komento sa Aklat (133)

  • avatar
    Dimple Rose Teves

    i like this

    03/01

      0
  • avatar
    MENDOZAJOHN REX

    potato soup with chicken

    22/04/2025

      0
  • avatar
    Renz Oybobolante

    soo nice cool

    03/04/2025

      1
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata