Kabanata 5

"Kailangan ko nang umuwi!" Iyon lang ang nasabi ko. Sabay hila ko sa braso kong hawak ni Kenneth.
Hindi niya ako binitiwan. Hinila niya ako palapit sa kanya. Sa lakas nang pagkakahila niya sa akin ay sumubsob ako sa dibdib niya. Iniyakap niya ang kanyang mga braso sa bewang ko at inamoy niya ang buhok ko. "Ang bango, ah!"
"Bitawan mo nga ako!" Sabay tulak ko sa kanya. Ngunit hindi man lang siya natinag. Narinig kong nagtawanan ang mga lalakeng kasama niya.
Bakit ba ang daming maniac dito.
"Ano ba?! Sabing bitaw, eh!" Sigaw ko kay Kenneth.
Naramdaman kong hinawakan niya ang kaliwang dibdib ko. "Mga pare! Ang lambot!"
"Bastos!" Sigaw ko sa kanya. Sabay angat ng kanang tuhod ko at tinuhod ko maselang parte ng katawan niya.
Nabitawan niya ako. "Aahh! Ang sakit!" Sigaw niya. Napaluhod siya hawak ang maselang bahagi ng kanyang katawan.
Umatras ako. Lalo akong nakaramdam nang takot.
Lumapit sa akin si Smooth at hinawakan ako sa kaliwang braso. "Alam mo bang pumapatol kami sa mga babae!" Galit na sabi niya sa akin.
Iling lang ang tanging nasagot ko.
"Ngayon alam mo na." Tumingin siya sa mga kasama niya. "Ano, mga p're?! Sinong  may gusto pagkatapos ko?"
Halos sabay-sabay silang nag-salita.
Hindi ko sila maintindihan. Sa sobrang takot ko, tanging tibok lang ng puso ko ang naririnig ko.
"Wag kayong ganyan. Natatakot na siya..." Sabi ni Kenneth na dahan-dahang tumayo. Bakas pa rin sa mukha niya ang sakit.
Binitiwan ako ni Smooth at lumapit si Kenneth sa akin. Yumuko siya para matitigan akong mabuti sa mga mata. "Papalampasin ko 'to. Masakit pa din 'to kaya 'di pwede ngayon." Sabay ngisi.
Hinawakan niya ang kanang pisngi ko. "Ang ganda mo talaga." Inilapit niya ang kanyang mukha sa akin.
Hindi ako nakakilos agad dahil na rin siguro sa takot.
Nagulat na lang ako nang may biglang humila sa akin mula sa likuran. Sa lakas nang pagkakahila sa akin ay muntik na akong matumba.
Ang bilis nang pangyayari. Nakita ko na lang si Kenneth na nakahiga sa semento. Hawak ang bibig na dumudugo.
Kahit nakatalikod sa akin ay kilala ko na agad kung sino ang gumawa noon kay Kenneth. Si Ben!
"Di ba sinabihan na kita! Na 'wag na 'wag mo siyang hahawakan!" Galit na sabi ni Ben.
"Grabe! Ang seloso mo namang boyfriend! Para hahalik lang, eh! Dati naman share tayo sa babae!" Nakangising sabi ni Kenneth kay Ben habang tumatayo.
Hindi nagsalita si Ben. Sinugod niya si Kenneth at sinuntok ng sunod-sunod sa mukha.
Natumba ulit si Kenneth sa semento at kinubabawan siya ni Ben.
"T∆ngina mo! Sinabi ko na sayo na 'wag na 'wag mong hahawakan si Lara!" Sigaw ni Ben kay Kenneth.
Hindi ko alam ang gagawin ko.
Inawat ni Smooth si Ben. Pero sinuntok din siya ni Ben sa mukha. Napaatras si Smooth.
"Isa ka pa, gag0! Akala ko kaibigan ka namin nila Franco!" Hinihingal na sabi ni Ben at hinarap si Smooth. "Traydor ka!"
Hindi sumagot si Smooth at tinulungan nitong tumayo si Kenneth.
"Hindi ikaw ang pangalawa kaya ligtas ka ngayon. Ihuhuli kita." Nakangising sabi ni Kenneth at nauna na itong umalis kasunod si Smooth at mga kasama nila.
Naiwan kami ni Ben sa court. Lumingon siya sa akin. "Okay ka lang ba?" Tanong niya.
"O-oo." Sagot ko sa kanya. Tumalikod na ako at naglakad paalis. Hindi ko siya nilingon. Alam kong nakasunod siya sa akin.
Kahit niligtas niya ako ay galit pa din ako sa kanya! Pare-pareho sila! Mga maniac!
Dapat pati sarili niya ay sinasabihan niyang huwag lumapit sa'ken!
Nasa bahay na sila Nanay Gloria, Tiyo at Tiya nang nakauwi ako.
Nandoon pa din si Kian at Aldritz sa sala.
Dumiretso ako sa kwarto namin ni Nanay.
"Saan ka galing, Lara?" Tanong ni Nanay ng pumasok ako sa kwarto namin.
"Nag-pahangin lang po ako sa labas 'Nay."
"Ah, ganon ba. Nga pala anak, sa isang linggo na kami mag-uumpisang magtinda sa bayan ng Tiya mo."
"Talaga po, 'Nay?"
"Oo 'nak. Mga grocery at mga gulay ang ibebenta namin."
"Tutulong po akong magtinda, 'Nay."
"Di pwede, anak . Mag-aaral ka 'di ba. Sa isang araw sabay-sabay daw kayong tatlo nila Ben at Mikee na mag-enrol."
Bakit kasabay pa 'yong maniac na 'yon! Ang malas ko talaga.
"Oo nga pala 'Nay, ngayon ko lang po naalala." Binuksan ko ang cabinet kinuha ko ang puting sobre sa ilalim ng aking mga damit. Ibinigay ko ito sa kanya.
"Ano 'to?" Tanong niya sa akin.
"Yan po 'yong binigay sa'ken ni Tita Lydia bago ako umalis sa bahay. Idagdag n'yo po sa puhunan sa tindahan."
Ibinalik niya sa akin ang sobre. "Hindi ko 'to matatanggap, Lara. Para sayo 'to."
"Sige na po, 'Nay. Gusto ko rin pong makatulong sa inyo. May konti pa po akong ipon, galing po sa allowance na binibigay sa'ken ni Papa noon."
Ibinalik niya pa din sa akin ang sobre. "Itabi mo na 'yan, Lara."
"Kahit kalahati na lang po, 'Nay." Kumuha ako sa loob ng sobre ng ten thousand. "Sige na po, tanggapin n'yo na 'Nay."
"Sige na nga, pero 'di ko 'to gagastusin." Itinago niya ito sa loob ng bag niya.
"Tara sa kusina, Lara. May binili akong suman sa bayan kanina, paborito mo 'yon 'di ba?"
"Opo."
Sabay kaming bumaba ni Nanay Gloria sa hagdan.
Wala na sila Kian at Aldritz sa sala.
Nasa kusina na pala sila. Magkakatabi sila sa harap ng lamesa. Nasa may kabisera ng lamesa si Tiyo. Nasa may gilid niya si Tiya at kabila naman si Kian.
"Oh, Ate, Lara. Magmeryenda na kayo." Si Tiya Charito.
Umupo si Nanay sa tabi ni Tiya. Umupo naman ako sa tabi ni Nanay.
"Lara, masarap 'to." Iniabot sa akin ni Tiya ang isang tali ng suman.
"Salamat po." Binalatan ko ang suman at kumain na ako.
"Lara, nasabi na ba ni Mikee sayo na mag-eenrol kayo sa isang araw." Si Tiya Charito.
"Hindi po. Pero si Nanay po, sinabi niya po sa'ken kanina."
"Dito ka na mag-aaral, Lara?" Tanong ni Aldritz sa akin.
"Oo." Sagot ko.
"So, dito ka na din titira?" Tanong naman ni Kian.
"Oo." Sagot ko ulit.
Nag-tinginan ang dalawa. Nag- ngisian, sabay nag-high five.
"Oy! Kayong dalawa d'yan! Bawal ligawan si Lara! Bata pa 'to!" Sabi ni Tiya kay Aldritz at Kian.
"Si Tita Chat naman. Syempre masaya lang kami para sa anak n'yo na dito na titira si Lara. Baka nga magpaparty pa 'yon." Nakangising sabi ni Aldritz.
"Sino sa mga anak ko?" Nagtatakang tanong ni Tiya.
"Syempre si-"
Natigil sa pagsasalita si Aldritz nang may pumasok sa may kusina.
"Ben, sa'n ka na naman galing?" Si Tiyo.
"D'yan lang po sa labas." Sabi ni Ben at naupo sa tapat ko.
"Oy, 'tol! May good news ako sa sayo!" Sabi ni Aldritz kay Ben.
"Alam mo ba na dito na di-"
"Al, hinahanap ka ng Nanay mo! Nagtext sakin." Sabi ni Kian sabay pakita nito ng cellphone kay Aldritz.
"Saan? Wala naman, eh!" Sabi ni Aldritz at kumunot ang noo. "Ah, ito ba? Patay ka mamaya ang dal-." Tumingin ito kay Ben na seryosong nakatingin sa kanya. "Tara na Kian! Tita, salamat po sa meryenda. Uwi na po kami. Hinahanap na po ako ni Mama." Sabi ni Aldritz at nauna na itong lumabas. "
"Tol, sunod ka na lang." Sabi ni Kian kay Ben at lumabas na ito.
"Saan na naman ang lakad n'yo, Ben." Tanong ni Tiyo.
"Sa bahay lang po nila Franco."
"Siguraduhin mo lang. May nakapag-sabi sa'ken na napaaway daw kayo ng mga barkada mo noong isang linggo." Seryosong sabi ni Tiyo kay Ben.
Hindi sumagot si Ben. Tumungo lang ito.
"Baka mamaya gantihan kayo ng mga nakaaway niyo. Mas mabuti na 'yong naiwas kayo sa gulo." dagdag pa ni Tiyo.
"Opo." Tipid na sagot ni Ben. Pasulyap-sulyap siya sa akin habang kumakain.
Opo? Eh, nakipagsuntukan nga siya kanina!
Naunang natapos mag meryenda si Tiyo. Nag-paalam ito na mag-aayos muna siya ng mga tanim niyang gulay sa likod bahay.
"Hello there! Nandito na pala kayo mother!" Si Mikee.
"Saan ka na naman galing Mikaella?" Tanong ni Tiya kay Mikee.
"Sa bahay po nila Jet, 'Nay. Ipinayos ko po 'tong cellphone ko nag-hahang, may virus pala." Sabi ni Mikee. Naupo ito sa tabi ko. "Lara, 'pag nagloloko ang cellphone mo, ipaayos mo kay Jet. Magaling yon, libre pa."
"Wala akong cellphone." Nakangiting sabi ko kay Mikee.
"Di nga? Wala? Imposible!" Sabi ni Mikee sabay subo ng suman.
"Nasaan 'yong binigay sayo ng Papa mo noon?" Tanong sa akin ni Nanay Gloria.
"Na-snatched po sa may terminal ng bus, 'Nay. Bago niyo po ako makita doon." Sagot ko.
"Bakit 'di mo sinabi agad? Sayang naman 'yon." Nanghihinayang na sabi ni Nanay. "Ibabalik ko sayo 'yong perang binigay mo sa'ken kanina. Bumili ka ng bago."
"Wag na po, 'nay, sa inyo na po 'yon. Hindi ko naman po kailangan ng cellphone." Sabi ko.
"Ay, ano ka ba, Lara? Ang hirap kaya ng walang cellphone. Paano kung may emergency." Sabi ni Tiya.
"Tama si mother, Lara." Sabi ni Mikee. "Bumili ka na, sasamahan kita pag-bili mo. O, kung ayaw mo namang bumili. Hiramin mo muna 'yong isang cellphone ni Ben. Dalawa cellphone n'yan, rich kid kasi."
"Oo nga naman. Ben, ipahiram mo muna kay Lara 'yong isa mong cellphone. Hindi mo naman ginagamit, masisira lang 'yon sa taguan." Sabi ni Tiya Charito.
"Nako, 'wag na po Tiya. Bibili na lang po ako." Mas mabuti nang bumili ako kesa manghiram ako kay Ben!
"Lara, 'wag ka ng mahiya kay Ben. Makapal naman ang face n'yan!" Natatawang sabi ni Mikee.
Binato ni Ben si Mikee ng balat ng suman. Tinamaan siya sa mukha.
"Yuck! Ano ba 'yan ang lagkit! Bastos ka talaga Benedict!" Gumanti si Mikee. Binato din niya ng balat ng suman si Ben pero nakailag ito.
"Duling." Natatawang sabi ni Ben.
"Oy, tama na 'yan! Ligpitin n'yo na 'yang mga kalat n'yo!" Sabi ni Tiya sa dalawa niyang anak.
"Ligpitin mo na daw, Mikee." Sabi ni Ben lumabas na ito ng kusina.
"Ang daya!" Si Mikee.
"Tulungan na kita." Sabi ko.
"Thanks. Lara, gusto mo bang sumama? Pupunta kami Jet sa gubat mangunguha kami ng mangga."
"Pwede po kong sumama 'Nay?" Tanong ko.
"Sige. Basta bumalik kayo agad bago magtanghalian." Sabi ni Nanay Gloria.
"Opo, Tiya." Sabi ni Mikee.
"Magpapalit lang ako ng damit, Mikee."
Nagpunta na agad ako sa kwarto at nagpalit ng damit. Pagkatapos ay dali-dali din akong lumabas.
Nagulat ako dahil pagbukas ko ng pinto ay nandoon si Ben. Iniabot niya sa akin ang isang cellphone.
Hindi ko iyon tinanggap. Iniwasan ko siya at bumaba na ako sa hagdan.
Nakita ko si Mikee sa may pintuan kasama si Jet.
"Tara na." Aya ko sa kanilang dalawa.
Naunang lumabas sa gate si Jet. Sabay naman kami Mikee.
"Malapit lang ba 'yon?" Tanong ko kay Mikee habang naglalakad kami sa kalsada.
"Malayo-layo din." Sabi Mikee. "Naglilihi kasi ate ni Jet. Ang gusto pa si Jet ang aakyat ng puno."
"Siguro magiging kamukha niya 'yong baby ng ate niya." Sabi ko.
"Oo, lagi ngang si Jet ang hinahap ng ate niya. Kawawa naman 'yong baby, 'no?"
"Oy, mahal! Narinig ko 'yon!" Sabi ni Jet. "Ang gwapo ko kaya. Paanong magiging kawawa 'yong pamangkin ko!"
Tinawanan lang ni Mikee si Jet.
Totoo nga naman, gwapo siya. Magka-singtangkad sila ni Ben. Hawig niya si Hua Ze Lei ng F4. Mas malaki nga lang ang katawan niya. May tatlo siyang hikaw sa kaliwang tenga. Mahilig pati siyang magsuot ng pabaligtad na cap sa ulo.
Lumingon ako sa bahay. Nasa may tabing kalsada si Ben. Nakaupo. Mukhang malalim ang iniisip.

Komento sa Aklat (19)

  • avatar
    QueenofHearts

    I Love the Title, interesting to read, keep writing🥰😍

    23/04/2022

      0
  • avatar
    DianaRoberta

    mganda ung story sana may story dn ung mga kaibigan nina Ben at Lara

    15/05/2025

      0
  • avatar
    Amben Riza

    nice story

    18/11/2024

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata