Homepage/Beautiful Angel/
Kabanata 54
"Ay, grabe naman 'yong mama at papa ni Carl. Ang bilis nila, ah!" Sabi ni Maddie.
"Mabuti na lang at nandito ang kapatid ko kanina. Kung hindi, baka matagalan ako ng pagapalaliwanag sa kanila na hindi si Carl ang tatay ng baby ko." Sumunod na umalis si Brylle na umalis, saglit lang daw siya at may tatawagan siya.
"Masyado silang na-excite, 'di ka man lang maka-singit, e." Sabi ni Ayeen na abala sa pagbabalat ng orange.
"Pa'no si Ben? Baka akalain niya, magpapakasal ka kay Carl. Galit siya kanina bago umalis." Sabi ni Maddie na dumampot ng orange at kinain.
"Ano ka ba? Para kay Lara 'yan!" Iniabot sa akin ni Ayeen ang platito na may mga orange. "Okay lang 'yon. Magpapakasal na rin naman s'ya 'di ba? Wala pati s'yang karapatan na magalit. Matagal na silang hiwalay ni Lara."
"Pero nanghihinayang pa rin ako sa inyong dalawa ni Ben. Magkakababy pa kayo ngayon. Dapat kayo na lang." Naupo si Maddie sa bandang dulo ng kama ko. "Pero, alam mo n'yo. Baka nagawa talaga si Lord nang paraan para 'di makasal si Ben kay Iris. 'Yang baby n'yo ang pipigil sa kasal."
"Ano ka ba, Maddie? Pa'no kung mahal talaga ni Ben 'yong baliw na Iris na 'yon. 'Di naman n'ya yayain magpakasal 'yon kung 'di n'ya mahal." Sabi ni Ayeen naupo rin siya sa dulo ng kama ko. Sa kabilang gilid naman.
"Ayokong pigilan ang kasal nila. Kahit na buntis ako, ayokong maging ang baby ko ang maging dahilan nang paghihiwalay nila o 'di matuloy ang kasal nila." Sabi ko.
"Tama 'yon. Kaya Maddie 'wag ka nang manghinayang kay Ben at Lara. Ang lovelife mo Ang problemahin mo." Sabi ni Ayeen.
"Ay, grabe ka! Wala naman akong dapat problemahin. Masaya ako kahit single ako. Palibhasa madami kang boyfriend." Sabi naman ni Maddie.
"Gusto mo bang bigyan kita?" Biro pa ni Ayeen Kay Maddie.
"Ayoko nga!"
"Arte naman! Ikaw na nga ang bibigyan, e!" Kinuha ni Ayeen ang cellphone niya sa bulsa ng bag niya at may ipinakita kay Maddie. "Ito type mo ba 'to Ang gwapo!"
Tiningnan naman ni Maddie. "Ayoko n'yan, mukhang babalatan ako ng buhay n'yan!"
Natawa ako. " Bakit? Ano bang itsura n'yan?"
Ipinakita sa akin ni Ayeen ang picture sa cellphone niya. "Gwapo 'di ba?"
Tumango ako. Gwapo nga pero itsura pa lang hindi ko rin gusto. Ang damming tattoo sa katawan, sa mukha lang ata wala. May mga hikaw pa sa kaliwang kilay at sa mga tenga, sunod-sunod.
"Ganyan ba ang type mo ngayon?" Tanong ni Maddie kay Ayeen.
"'Di naman syempre gusto ko pa din 'yong malinis sa katawan, gwapo at mukhang mabango. Tinanong lang kita kung type mo at tatawagan ko s'ya agad para s'yo!" Sabi ni Ayeen na mukha pang excited kaysa kay Maddie.
"Ayoko! Okay lang may tattoo, 'wag lang kasing dami ng sa lalakeng 'yan!" Sabi ni Maddie na parang nandidiri.
"Ay, baka naman si Raiden pa rin?!" Sabi ni Ayeen. Ibinalik na niya ang cellphone sa bulsa ng bag niya.
"Hindi, a! Kinalimutan ko na s'ya!" Humalukipkip pa si Maddie.
"'Di nga?" Sabay pa kami ni Ayeen.
"Oo naman! Madami namang lalake sa tabi-tabi. Lalo na sa Palawan! Mga foreigners pa ang iba!"
"O, may natipuhan ka naman ba?" Tanong ni Ayeen.
"May naka-date na ako doon. 'Yong isa foreigner. Kaso sumasakit ulo 'pag kausap ko, sabi ko sa kanya. Yayain na lang ulit n'ya akong mag-date 'pag marunong na s'yang magtagalog." Sabi ni Maddie.
"Wow! Pumayag naman?" Tanong ni Ayeen.
"Oo, nakaka-ilang balik na s'ya rito sa Pilipinas at sa Palawan. Nag-aaral s'yang magtagalog." Si Maddie.
"Ang taray ng lola mo! Ikaw, ha! Ba't ngayon mo lang ikinuwento 'yan?" Sabi ni Ayeen na niyugyog pa ang balikat ni Maddie.
"Syempre secret muna dapat ang lovelife ko. Baka maudlot pa!" Sabi ni Maddie.
"Oo nga, no?" Si Ayeen. "Nga pala, Lara. Parang may something do'n kay Carl. Tingin ko lang, a. Parang bakla, nanliligaw ba talaga sayo 'yon?"
"Hindi totoo 'yong panliligaw n'ya sa'ken. Tama ka bakla s'ya.Kinukulit kasi lagi s'ya ng mama n'ya na maghanap ng girlfriend at mag-asawa na. 'Di n'ya masabi sa pamilya n'ya na lalake ang gusto niya. Kaya naki-usap s'ya aa akin na magpanggap. " Sumubo ako ng orange.
"Sayang naman ang gwapo pa sana n'ya, 'no?" Sabi ni Maddie.
"Aanhin mo naman ang gwapong lalake kung bakla naman. Baka agawan ka pa no'n ng panty." Natatawang sabi ni Ayeen.
Natawa rin ako sa sinabi ni Ayeen.
May tumunog na cellphone mula sa bag ni Maddie.
"May tumatawag sayo, Madz. Baka 'yong foreigner mo na 'yan." Biro ni Ayeen.
Lumapit si Maddie sa upuan na malapit sa kama dahil nandoon ang bag niya. Kinuha niya doon ang cellphone. "Si Mikee ang tumatawag." Sinagot niya ang tawag. "Ba't 'di ka na bumalik?"
Tahimik lang siyang nakinig sa sinasabi ni Mikee mula sa kabilang linya.
"Seryoso ba 'yan?" Tanong ni Ayeen kay Maddie.
"Oo. Wait lang lalabas lang ako." Sinundan namin nang tingin si Maddie hanggang makalabas siya.
"Ano kayang meron?" Tanong ni Ayeen. Tumayo siya mula aa kama. "Wait lang, Lara. Babalik din ako agad!" Sumunod siya kay Maddie sa labas.
Lagpas sampung-minuto na ay hindi pa rin bumabalik sila Maddie at Ayeen.
Inubos ko na lang ang orange na binalatan ni Ayeen.
Nagulat pa ako nang biglang bumukas ang pinto ng kwarto at pumasok si Aldritz. Kasama sila Kian at Franco.
"Kumusta, Lara?" Tanong sa akin ni Kia may dala siyang bulaklak.
"Okay lang." Tipid kong sagot.
"Kamusta ang baby?" Tanong naman ni Aldritz. Naupo siya sa may dulo ng kama.
"Okay lang din s'ya."
"Nakita namin sila Ayeen sa labas." Sabi ni Franco may dala naman siyang isang basket ng prutas. Inilagay niya iyon sa mesa bago umupo sa upuan malapit sa kama.
"Sila Ang nagbabantay sa'ken. Lumabas lang sila saglit." Hindi ko kayang ubusin lahat ng dala niya. Meron pang isang basket ng prutas sa may mesa. Orange lang ang nabawas. Kanino ko kaya ibibigay ang iba?
"Gusto mo pa ba?" Tanong ni Kian nang makita niyang ubos na ang laman ng platito na hawak ko.
Umiling ako. "Ayoko na. Busog na ako."
Tumingin ako kay Aldritz. Nakakapanibago, Ang tahimik niya. "Ba't para kang nalugi?"
"Wala, may iniisip lang ako." Sagot ni Aldritz sa akin.
"Nako, kalokohan na naman 'yan." Sabi ni Kian naupo sa tabi ni Franco.
"Hindi, a!" Ang seryoso ng mukha ni Aldritz. "Lara, Alam mo na ba?"
"Ang alin?" Nagtatakang tanong ko.
"Al, 'wag muna ngayon." Sabi ni Franco.
Tumingin ako kay Franco. "Bakit? Ano ba 'yon?" Parang kinakabahan ako.
"Wag mo nang pansinin 'yang si Aldritz, Lara." Sabi naman ni Kian.
"Kinakabahan ako sa inyo, e." Sabi ko.
"Wag kang kabahan, buhay pa naman s'ya." Sabi ni Aldritz sa akin.
"Al!" Sabay pa sila Kian at Franco.
Nilingon ni Aldritz ang dalawa. "Malalaman din naman ni Lara, na na-aksidente si Ben. Patatagalin n'yo pa!"
"N-na-aksidente si Ben?" Hindi ako makapaniwala sinabi ni Aldritz.
Tumayo si Kian. Lumapit siya kay Aldritz. Iniikot ang braso niya sa leeg ni Aldritz at sinakal. "Loko ka talaga! Baka kung anong mangyari kay Lara at sa baby!"
"Okay lang si Lara!" Sabi ni Aldritz na pilit inaalis ang braso ni Kian. "Okay ka lang 'di ba? Lara?"
"O-okay lang ako." Sagot ko ang lakas ng tibok ng puso ko. Hinawakan ko ang puson ko.
Okay lang dapat tayo baby. Para sa tatay mo.I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (19)
Share
Mga Kaugnay na Kabanata
Mga Pinakabagong Kabanata
I Love the Title, interesting to read, keep writing🥰😍
23/04/2022
0mganda ung story sana may story dn ung mga kaibigan nina Ben at Lara
15/05/2025
0nice story
18/11/2024
0Tingnan Lahat